Chapter 14: Conscious
Iesen's POV:
"Tita paano kung bigla siyang mawala?" Kausap ko sa cellphone ngayon si Tita Sorce
"Paanong mawawala Hijo?"
"Diba hindi naman siya totoo? Paano kung biglang naglaho siya ng parang bula?"
"Hijo, si Lisa mag-sasampung taon ko ng kasama. Nawawala lang siya kapag binubuksan ko ang libro. Sa case mo which is hindi mabukas ang libro, Edi hindi siya mawawala. At Hijo wag mong isipin ng kung ano-ano si Sapphire. Turihin mo siyang tao. Tao siya! Yan ang ilalagay mo sa isip mo. Hindi man siya nanggaling sa Sinapupunan ng Ina, Tao pa rin siya"
"Tita hindi ko alam gagawin ko kapag nawala siya" napabuntong hininga ako. Totoo yun. Isang buwan na kasi simula ng lumabas siya sa libro. Isang buwan ko na siyang kasama.
"Mahal mo na ba?" Tanong ni Tita
"Hindi. Hindi ko po alam"
"Sooner it will" ramdam kong nakangiti siya sa kabilang linya.
"Tita okay lang naman. Basta"
"Basta?"
"Basta hindi siya mawawala"
"She'll not"
______
Masayang nag-uusap ngayon si Sapphire at si Van. Dumalaw nanaman ang girlfriend ni Jazz dito. Tsk.
"Hoy Sen. Yayain kong lumabas tong si Sapphire ah"
"No. Hindi siya aalis dito" Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Ano yun maiiwan ako dito? Tsaka baka kung ano mangyari kay Sapphire. Baka mawala siya"
"Wow ha. Pumayag na siya kaya wala kang magagawa. Tsaka wag mo ngang kinukulong ang kagandahan dito ni Sapphire. Napakapossessive mo"
"Basta hindi siya aalis" tumingin ako kay Sapphire. "Hindi ka aalis"
Lumapit sakin si Sapphire at humawak sa kamay ko. "Please Sen. Gusto ko talaga lumabas kasama si Van. Sa isang buwan simula nung bumalik ako, tuwing linggo lang tayo nalabas. Please?"
Hindi 'nung bumalik' dapat 'dumating' hay.
"Ayoko. Ayoko kung hindi ako kasama"
"No! Ano ba Iesen girl bond to. Mukha ka lang babae pero lalaki ka. Badtrip to. Kung gusto mo gumala din kayo ni Jazz! Payagan mo na siya. Sige ka kapag di ka pumayag, sa susunod hindi ko na siya ipapaalam, itatakas ko siya agad." mahabang daldal ni Van.
Tumingin uli ako kay Sapphire. Malungkot ang expression ng mukha niya. Masyado ko na ba siyang kinukulong?
"Fine. Lagi kang magtetext. Oras oras. Kapag pakiramdam niyo may masamang mangyayari tumawag kayo agad. Sapphire wag kang hihiwalay kay Van ah. Ikaw Van, kapag may nangyaring masama kay Sapphire kakalbuhin ko si Jazz. Wag kayong lalagpas sa city natin. Maliwanag?"
"Wow" pumalakpak si Van ng tatlong beses "Wala ng mas-o-oa sayo Sen. Panalo ka na"
Sinamaan ko siya ng tingin. Itong babaeng to ang sarap balibagin, kung di lang to mahal ni Jazz, Tss.
"Yes!" Tumalon at yumakap sakin si Sapphire. Ito na naman yung mabilis sa dibdib ko. "Thank you Sen. I promise I'll be fine. Wag mo naman akong gawing kinder! Basta salamat Daddy" hinalikan niya ko sa pisnge bago tumakbo sa kwarto. "Magbibihis lang ako Van"
Napailing nalang ako. Sobrang excited niya.
"You always keep her here. You should let her go out naman kahit papaano. Ginagawa mo siyang ibon dito. Di ka naman iiwan niyan ehh. Mahal na mahal ka niya halata sa kanya, kaya wag ka ng matakot na iwan ka niya" litanya ni Van.
"You talk to much" sinamaan niya ko ng tingin at inirapan ako dahil sa sinabi ko. "Ayoko lang may mangyaring masama sa kanya ng wala ako sa tabi niya."
"Eww lovers."
"Wow parang kayo ni Jazz hindi. Mas kadiri nga kayong dalawa"
"Inggit ka naman? Edi gawin niyo rin ni Sapphire. Tss"
Pigilan niyo nga ko. Baka makalimutan kong girlfriend to ni Jazz. Napatol pa naman ako sa babae. Babaeng masakit sa ulo.
____
'Magtatanghalian pa lang kami. May ulam pa sa Ref Dad. Initin mo nalang. Love you'
Yan ang text ni Sapphire. Kanina ko pa nga siya tinetext. Ngayon lang nagreply tss. Ano bang ginagawa sa Girlbond na yan? Bakit ba kasi nauso pa yan. Tangina kaartehan.
Kanina pa talaga ko tapos kumain. Gusto ko lang talaga siya itext.
Lumabas nga lang siya ngayon, naninibago na agad ako na walang madaldal, walang kumakanta, walang sumasayaw ng mukang ewan, walang nangungulit na manood ng movie, walang Sapphire. Paano pa kaya pagnawala siya? Wag naman sana.
Sinubukan kong magfocus sa ibang gawain. Malinis naman na ang bahay hindi kagaya noon na mukang dinaan ng bagyo, nandito na kasi si Phire. Hindi ko kailangan maglinis.
Kinuha ko nalang ang laptop ko at gumawa ng pang-update ko sa mga online stories ko. Isang oras din akong nagtype. Kaso pagkatapos nun nganga nanaman.
Nasaan na kaya sila Sapphire? Sundan ko kaya?
Tss baka sigawan lang ako ni Van.
Takte naman Sen! Ano bang nangyayari sayo? Umalis lang saglit ganyan ka na magreact? shit naman! Paano kapag nawala na talaga siya?
Sumalampak ako sa kama tsaka tumayo ulit. Parang tanga lang. Naalala ko bigla yung libro ni Sapphire.
Kinuha ko yun. Iniisip ko na sana hindi pa rin siya nabubukas.
Nakahinga ako ng maluwag ng subukan ko pero ayaw pa rin.
_____
Sapphire's POV:
"Don't tell me si Sen uli yan?" Tanong ni Van. Tumango ako bilang sagot. Kanina pa kasi text ng text si Iesen. Atsaka siya lang din naman ang laman ng contact nito.
"Hay nako miss ka na talaga ng isang yan. Halika na let's go and do our manicure. I know a better place. Hayaan mo muna yan si Sen. Last naman na to. After this I'll send you home" ngumiti si Van tsaka kumapit uli sa braso ko. Napakakomportable talaga siyang kasama.
Kaya ako ang sinama niya daw ngayon kasi nakakasawa daw mag-isa. May trabaho kasi si Jazz ngayon. Dapat daw wala, kaso biglaan. Atsaka di rin daw siya sasamahan nun lalo na kung shopping ulit haha.
Van is quiet rich. Hindi lang niya masyadong pinagmamalaki. Si Jazz, well sabi ni Van he's an orphan. Kaya nga mahal na mahal niya yun kasi ayaw daw niyang maramdaman uli ni Jazz na mag-isa siya.
"Wow. We look like twins na talaga! Bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala? Ang bad ni Sen hindi ka man lang inintroduce sakin ng mas maaga. Anyways let's take a photo together for remembrance"
Hinatid niya na ko after. Nasa gate pa lang ako nakita ko na agad si Sen naka-upo sa harap ng pintuan.
Ng makita niya ko lumapit agad siya sakin. Niyakap niya ako at bumulong
"Antagal mo naman"
TBC.
---
A/N:
Ang tagal ng update no? Haha
Special thanks to lattaeyong ♥♡
Natats ako sa comment mo :'<
Yung ang tamad tamad ko pero ikaw ang ganda ng comment mo. Cinomplement mo pa ko. Yung sa POV ni Iesen akala ko magiging bakla ang dating kasi ang hirap gamitin ng POV ng lalaki lalo na kung babae ka. Salamat sayo. Dedicated sayo itong Chapter. Mamaya kapag nakapagPC ako aayusin ko. Salamat talaga ♥♡ you made me feel like I'm awesome hahaha ♥♡
Salamat sa lahat ng nagbabasa nito! I Love you mga Lovess ♥♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top