Chapter 11: Hunger Games Fever
Sapphire's POV:
Ayan ako nanaman mag-isa dito sa bahay.
Sabi ni Sen magbasa nalang daw ako ng libro para hindi daw ako malungkot dito.
Kaya ito ako ngayon nasa mga libro niya. Andami masyado! Pero may libro talaga akong napansin eh 'The Hunger Games'
Hala mahilig pa naman ako kumain. Hindi dapat ginugutom ang mga tao!
Dahil sa nacurious ako kung ano yun, Yun na ang kinuha ko. May katabi pa nga siyang tatlo panglibro na sa tingin ko ay series non.
Kumuha ako ng Chips at Juice sa Ref tsaka umupo sa sofa sa may sala.
Wala namang masama kung babasahin ko to diba?
Iesen's POV:
Bumusina ako ulit dahil parang ang tagal naman ata buksan ni Sapphire ang pintuan.
Dati naman kaya kong buksan ang gate ng sarili ko lang, pero iba na kasi ngayon. Andyan na siya. Ang sarap talaga ng may nag-aalaga sayo.
Bumukas na ang gate at tumambad sa akin ang maputing si Sapphire. Sobrang puti talaga niya, mukang espasol pfft.
"Ano nanaman bang pinagkaka-abalahan mo sa loob?" Tanong ko pagbaba ko sa sasakya.
"uhhm" yan lang ang sagot niya.
"Nagluto ka ba ulit?" Salita ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.
"Uhhm" yun lang ulit ang sinagot niya.
"Yan nalang alam mong sabihin? Anong nagyari sayo?" Nakakunot noong tanong ko.
"Sorry Sen" yumuko siya na parang nahihiya. "may kasalanan ako sayo" nakahawak siya sa laylayan ng damit niya.
"Ano naman yun?"
"Nakalimutan ko magluto sorry. Kasi naman ehh! Iinitin ko nalang yung ulam kaninang tangahali" nakayuko pa rin siya.
"yun lang pala. Akala ko kung anong kasalanan. Sige na initin mo na yun" mabilis siyang yumakap sakin at bumitaw para tumakbong papuntang kusina.
Umupo ako ng sofa para magtanggal ng sapatos. May nasagi ako na naging dahilan para mahulog yun.
Pagkadampot ko, libro pala yun. Yung Hunger Games kong libro.
Hindi kaya dahil dito kaya niya nakalimutang magluto?
Tumayo na ko sa sofa at nilapag ang libro sa center table. Dumiretso na ko sa kusina.
"Binasa mo yung Hunger Games?" Tanong ko ng maka-upo na ko sa upuan ko.
"Oo hehehe ang ganda pala nun!" Masiglang sagot niya kasabay ng paglapag niya ng malaking mangkok na naglalaman ng ulam namin.
"Buti di ka tinamad. May movie na yun, nakita mo ba sa mga CD ko?"
Siya na ang naglagay ng Kanin sa plato ko.
"Talaga? Sige papanoorin ko! Ang ganda pa naman ng kwento. Akala ko tungkol sa pagkain yun haha. Anlayo masyado ng nasa isip ko kumpara sa totoong story. Ang ganda talaga niya! Si Katniss nakaka-inlove yung character! Wahhh kaso patayan pala yung Hunger games huhu kawawa naman sila" mahabang daldal niya.
Napangiti nalang ako sa mga kwento niya.
"Hindi ka pa ba matutulog?" 10:39 na kasi pero nakaharap pa rin siya sa malaki kong TV. Nasa kalagitnan na siya ng Movie ng Hunger Games.
"Tatapusin ko lang. Mamaya susunod ako. Ikaw matulog ka na dun" sagot niya ng hindi man lang ako nilingon dahil masyado siyang focus sa pinapanood niya.
"Okay" yun lang ang sagot ko at pumasok na sa kwarto. Inaantok na kasi ako.
•~•
Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Tinignan ko yung tabi ko pero wala doon si Sapphire.
Nasaan ang babaeng yun?
Tumayo ako at pinahinaan muna yung aircon bago siya hinanap.
Patay na ang ilaw sa buong bahay, tanging ilaw lang na nanggagaling sa TV ang nagbibigay liwanag sa may salas.
Tinignan ko ang orasan na nasisinagan ng onting liwanag. 3:12 am na
Nakita ko si Sapphire na naka-upo sa sofa na nakatutok ang mata sa TV.
'The Mocking Jay part 1" ang pinapanood niya. Shit madaling araw na pero nanonood pa rin siya?
Binuksan ko ang ilaw at dahil don ay halos napatalon siya sa pagkaka-upo niya.
"Aahhhh!" Sigaw niya.
"Wala ka bang balak matulog?"
"Matatapos ko na siya. Matutulog na ko after. Basta ikaw matulog na. Nang gulat pa hmmp." pinapa-alis niya ko sa harap ng TV dahil sinadya kong harangan yun.
"Hindi. Bukas mo na tapusin yan. Matutulog na tayo." Kinuha ko ang remote at pinindot ang stop.
"No! Matatapos na yun" malungkot na salita niya.
"Matutulog na tayo" pinatay ko na ang DVD at TV.
Naka-upo lang siya sa sofa at nakacross-arms
"Ayoko. Basta ayoko" makulit siyang iiling iling.
"Tayo na dyan. Tara na sa kwarto" hindi pa rin siya tumatay.
"Ayoko. Gusto ko manood!"
Dahil sa inaantok na ko, wala kong nagawa at binuhat ko nalang siya. sinampay ko siya sa balikat ko na parang sako ng bigas.
"Wahhh ibaba mo ko!" Pinaghahampas niya ang likod at pwet ko.
Sinarado ko na ang kwarto, nilock para sigurado, bago ko siya binagsak sa kama.
"Matutulog ka o susunugin ko ang mga CD ko?" Tanong ko sa kanya habang na ka pamewang pa sa harap niya.
Muka naman siyang natakot kaya padabog siyang umayos ng higa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Napailing nalang ako bago humiga sa tabi niya. Hindi man lang ako hinatian ng kumot. Tss.
•~•
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Pero si Sapphire ay tulog na tulog pa rin habang nakayakap pa sakin. Dahan dahan kong tinanggal yun akala ko nga nagising siya pero nag sleeptalk lang siya.
"I volunteer as a tribute" yun ang sabi niya bago yakapin ang unan ko. Napangiti na lang ako sa kabaliwan niya.
Masyado na kong nasasanay na nandito siya. Isang linggo ko palang siyang nakakasama pero pakiramdam ko hindi na ko masasanay kapag wala siya.
Masama to.
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top