Chapter 1: Pen & Book

Iesen's POV:

Tinignan ko ang suot kong relo.

10:58 am.

Dalawang minuto nalang mag-sisimula na ang event.

Ngayon ang huling book signing event naming mga writters. Hindi naman sobrang laki nitong event. Sakto lang para saming pitong authors at mga readers na pumunta.

"Pareng Sen labas na daw!"

Pinagtulukan ako ni Trick palabas ng backstage, papuntang stage.

"Let's all welcome our very talented authors!" Nagpalakpakan at sigawan ang mga tao. Shit feeling ko napakafamous ko.

•~•

"Salamat keep supporting my Stories" Inabot ko na ang libro niyang napirmahan ko na

"Wahhh kuya Sen ang pogi pogi mo talaga! Wahh paselfie po please" nilabas niya yung cellphone niya

"Sure. Basta isa lang ah hahaha" umakbay ako sa kanya at ngumiti sa camera

"Thank you kuya Sen" umalis na siya kaya pumunta na yung next na magpapapirma ng libro

"Author Sen mygosh! Idol na idol po kita! Wahh please pakipirmahan po lahat ng libro kong to, aalis na kasi ako ng bansa at hindi na ko makaka-attend kung sakaling may book signing event ka ulit" nilapag niya sa harap ko ang anim kong published book. Wow kumpleto niya.

"No prob. Anong pangalan mo?" Tanong ko habang pinipirmahan ang mga libro niya. Nilalagyan ko rin kasi ng onting message

"Ako po si Julia. Fan niyo po kasi ako talaga Author Sen! Simula palang sa pinaka-una mong book na 90 Degrees! Omaygashh! Ang gwapo gwapo niyo pa! May girlfriend ka na ba Author Sen?" Napatingin ako sa kanya. Ang daldal niya. Pero gwapo daw ako oh!

"Wala pa nga eh. Apply ka?" Biro ko sa kanya. Nakita ko namang namula ang buong mukha niya haha "Biro lang. Salamat ng sobra sa suporta mo sakin. You're the best. Kumpleto mo pa lahat ng libro ko. Natouch ako. Maraming salamat talaga"

"Welcome po. Pwede pa request Kuya Sen?"

"Ano?"

"Pakiss po ako. Sa cheeks lang po!"

Napatawa naman ako sa request niya. Buti nalang chicks siya.

Inilapit ko ang pisnge ko sa kanya, senyas na pwede.

"Salamat Author-Sen!" Umalis na siya pagkatapos niyang mahalikan ako sa pisnge.

Andaming nagpapirma ng libro ngayong araw. ahh last day na kasi.

"ano pare pagod ka na? hahaha" sinapak ako ng mahina ni Trick sa balikat, siya kasi ang katabi ko.

"Hindi naman. Ang saya nga eh akalain mo andami ng nagbabasa ng gawa natin" totoo yun.

Isa din kasi ako sa mga author na nagsimula sa wattpad. Dati tumaas lang yung reads masaya na ko. May mag-vote lang sa isang chapter tumataba na yung puso ko. Lalo na kapag may nag-comment. Ahhh ang sarap sa pakiramdam na sa bawat pindot mo sa keyboard may naiinspire ka.

natahimik na ulit si Trick at bumalik sa pag-pirma ng mga libro.

"Hijo, Congratulations. Pakipirmahan naman itong libro ko"

nagulat ako ng may nagsalita sa harap ko. Hawak niya ang fantasy book kong 'The magic in you'

"ahh salamat po" kinuha ko yung libro ng may ngiti sa labi

"Maraming salamat po sa pagbabasa niyo Ma'am. Salamat po" Sinauli ko na sa babae yung libro niya.

"Hijo" akala ko aalis na siya, pero nagulat ako ng nasa tapat ko pa rin siya.

medyo creepy lang. Sa tingin ko mga nasa 60's na siya, pero sa lahat ng libro ko ang kaisa-isang fantasy ko ang binili niya. Sa totoo lang, karamihan ng readers ko ay teens, pero siya. Shit ang creepy talaga. Hindi naman siya kamukha nung mga lola na parang usual na nakikita mo sa TV.

Halata mong matanda na siya, pero sa pag-dadala niya sa sarili niya halatang may class siya. Isang kagalang galang na tao.

"po?"

"naniniwala ka ba sa magic?" tanong niya habang nakangiti sa harap ko

"yung totoo po? Sobra" hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin, shit bakit kasi ang creepy ng dating?

"may ibibigay sana ako sayo. Kaso masyadong importante yun at ayokong may makakakitang iba" may inilapag siya sa table ko na parang calling card "kung interesado ka sa regalong ibibigay ko, puntahan mo lang ako" Ngumiti siya ulit bago tumalikod

"isa pa pala Hijo, kung pupunta ka, wag ka magsasama ng iba" agad nagsitayuan ang mga balahibo ko

ano yun?!

Sinundan ko siya ng tingin kaya lang may dumating na bagong reader kaya nawala ng saglit ang atensyon ko. Mas lalo tuloy akong kinilabutan ng paglingon ko uli, wala na siya. Crap

•~•

Andito na ko sa kotse ko. Pauwi na ko galing book signing event.

Ang sakit ng likod at kamay ko, pero worth it. Ang sarap sa pakiramdam na madaming nag-mamahal sa mga gawa mo. Plus pa yung mga regalo sayo

Pinarada ko yung kotse ko sa harap ng bahay ko. Oo bahay ko, hay mag-isa nanaman ako. Hanggang kailan ba to? pfft. Nakakaawa na ata ako masyado

Bago ako lumabas ng kotse binitbit ko yung mga regalo sakin ng mga readers ko. Ang dami rin pala nito.

Sinarado ko yung pintuan. Nilapag ko sa sofa lahat ng binigay sa akin, bago dumiretso ng kusina. Gutom na ko.

Binuksan ko yung ref, tubig lang. Yung cabinet naman na lagayan ng mga stock kong pag-kain, isang cup noodles nalang ang natira.

No choice. Kailangan ko tong pagtyagaan ngayong gabi. Bukas makapag-grocery nga.

Bakit ba kasi wala akong asawa o girlfriend man lang? Edi sana may nag-aalaga sakin. Hayy I'm hopeless.

Nagsalang na ko ng maiinit na tubig bago ako nagpunta ng kwarto para magpalit ng damit at nilipat ko na rin doon ang regalo. Ang tahimik ng bahay ko.

Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko kaya, dinampot ko sa may table. Si mama pala

'Anak kumain ka. Miss ka nanamin ng papa mo. Love you'

Napangiti naman ako sa text ni mama. Miss ko na rin sila. Sa totoo lang pwede naman akong magstay sa bahay nila, kaya lang I choose to be independent after getting an stable job. Nakakahiya naman na sa kanila pa rin ako umasa kahit kaya ko na mag-isa. Yun nga lang si Mama humihirit na ng asawa hahahaha

Girlfriend nga wala ako eh

Nagreply ako kay mama, sakto ng masend ko ang message narinig ko na ang sipol ng takure. It's dinner time. Alone.

•~•

Andito na ko sa kwarto ko para magpahinga. Bukas maaga pa ang pasok ko. Nagtatrabaho ako sa isang publishing company. Masaya sa trabaho ko, syempre puro libro ang nakikita ko. It's my passion.

Nakita ko sa sulok yung mga regalo sakin ng readers kanina. Tumayo ako para isa-isahin yun, tutal nawala na rin yung antok ko.

1. Teddy Bear

para saan ang teddy bear? Babae ba ko?

2. MockingJay Pin

Wow. I'm a fan of Hunger games Series

3. Set of Handkerchief

Lahat may nakaburdang Iesen

4. Pins

5. Allegiant Book

Since nasabi ko isang beses sa update ko na never ko pang nabasa ang third series ng divergent

6. Keychain na si Baymax

7. Drawing ng gwapo kong mukha

8. Kuroko no Basuke CD

wait. Kumpleto ko na CD nito ah haha

9. T-shirt na may logo ng Taurus

10. Photo card ng Girls' Generation

uhhm. Crush ko sila.

11. Letters

andaming letters sa totoo lang.

Ang daming regalo. Nakakataba ng Puso sa totoo lang.

Ilalapag ko na sana yung mga regalo ng may nahulog na maliit na papel. Dinampot ko yun at binasa ang nakasulat.

'Name: Sorcery Cruz

Address: Blk 12 Lot 9 Freen st. Happy Subd. Quezon City

Contact no.: 0947*******'

Yung matanda kanina sa Event to!

Naramdaman ko ang pag-taas ng balahibo ko. Naalala ko ang mga sinabi niya kanina

'may ibibigay sana ako sayo. Kaso masyadong importante yun at ayokong may makakakitang iba. Kung interesado ka sa regalong ibibigay ko, puntahan mo lang ako'

Dapat ba kong pumunta? Hindi naman sa nanghihinayang ako na hindi ko makuha yung regalo. Kaya lang

Iba kasi yung pakiramdam ko.

•~•

'Welcome to Happy Subdivision!'

Yan ang nakasulat sa malaking arc ng Subdivision

Kagabi napagdesisyonan kong pumunta. Iba kasi talaga. Parang may humihila sakin.

"Ah Manong guard, pwede po bang magtanong? Saan po banda ang Freen Street?" Tanong ko sa Guard dito sa guard house. Buti hindi masyadong exclusive ang Subdivision na to.

"Deretsohin mo lang yan Hijo. Sa panglimang kanto mababasa mo sa street sign Freen"

nagpasalamat ako sa guard bago ako nag-lakad papuntang Panglimang kanto.

Pagdating ko sa may Freen st., andami palang bahay dito. Saan kaya ang Pagmamay-ari ni Sorcery Cruz?

"Ahh Manang pwede po magtanong?" Tanong ko sa aling nag-wawalis sa may labas "Alam niyo ho ba kung saan nakatira si Sorcery Cruz?"

"Ayy Hijo dun sa malaking puting bahay na yun" Tinuro niya ang pinakamalaking bahay sa Street na to "Dyaan nakatira si Madam Sorce" Sabi niya ng nakangiti. nagpasalamat ako uli bago dumiretso sa tapat ng bahay ni 'Madam Sorce'

Nagdoorbell ako. Sa pangalawang pindot ko lumabas ang sa tingin ko kasambahay niya.

"Dito po ba nakatira si Sorcery Cruz?"

"Anong pangalan mo?" malalim na pagkakatanong niya. Shit. kinilabutan ako. dapat bang ganito ka creepy ang mga kasambahay?

"Iesen Kedrick Klingberg" binanggit ko ang buo kong pangalan

Binuksan naman agad niya yung gate at sinenyasan akong sundan siya.

pag-pasok palang sa loob, agad sumalubong saakin ang nakangiting mukha ni Sorcery?

"Kayo po si Sorcery Cruz?" Nginitian niya ako

"Sabi ko na nga ba at pupunta ka. Ako nga pala si Sorcery Cruz. Pwede mo akong tawagin Tita Sorce, dahil alam ko naman simula ngayon magiging close na tayo Hijo. Halika, Ibibigay ko sayo ang regalong inihanda ko" Tuloy tuloy na sabi niya

hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa mga sinabi niya, pero ito ako sumusunod kung saan siya pupunta.

Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang napakadaming libro. Library ba to?

"Wow. Mga libro. Andami niyo pong libro Madam!" parang nag-ningning ang mata ko dun. Shit. para mang bakla pero, natutuwa ako. Ito ba ang regalo niya?

"Tita Sorce" Pagtatama niya sa tawag ko sa kanya "Collection ko ang mga yan. Lahat yan ay fantasy Hijo" napatingin ako sa kanya "Halika, ito ang regalo ko sayo"

Kaya pala fantasy book ko lang ang binili niya. Nakakabilib.

May hawak siyang isang Libro at Ballpen?

"Ito ang regalo ko sa iyo Hijo" inabot niya sa akin yun

"Pen & Book?" what the heck. Para sa Libro at Ballpen nag-sayang ako ng pamasahe?

"Yes Hijo, Pen and Book" ngumiti siya ulit sa akin "But not just a simple Pen & Book"

•~•~•~•~•~•

MegNote:

Salamat sa nagbasa at magbabasa nito ♥

Pakisampal ako kapag dinelete ko tong storyang to ah?

and I'm not really good in narrating story, so please just appreciate my best :)

Thank you ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top