XVIII
I can see your voice (Arc3)
Chapter 18:
Kilalanin ang nakaraan
[P.O.V] Cairo Yazuka (Cai)
Kinabuksan nung nalaman ko ang tungkol sa phonophobia na nararanasan ni Andres ay agad ko pumunta sa ospital para itanung sa mga doctor ang tungkol sa phonophobia.
[Flashback]
DOCTOR: Ang phobia ay isang napakalaki at hindi makatwirang takot sa isang bagay o sitwasyon na hindi naman mapanganib sa totoong buhay at pumupukaw ng pagkabalisa at pag-iwas sa taong mayroon nito. Hindi tulad ng madaliang pagkatakot, ang phobia ay tumatagal ng mahabang panahon at nagiging dahilan ng malakihang pisikal at sikolohikal na reaksyon, at nakakaapekto sa ating kakayahang makagawa, umakto o gumalaw ng normal sa trabaho o sa iba't-ibang sitwasyon.
CAIRO: Pero doc, tanong ko lang. Ano ba ang puno't dulo kung bakit magkakaroon ng phobia ang isang tao?
DOCTOR: Gaya ng sinabi ko ay ang mga phobia ay galing sa takot na ating nararanasan sa ating nakaraan na nagbibigay satin ng pangamba na magdudulot sa ating ng takot at depresyon.
[Flashback END]
Hindi ko na alam ang buong kwento kung bakit meron phobia si Andres pero sa mga oras na ito ay kailangan ko malaman ang buong katotohanan tungkol sa nangyari sa uncle ni Andres na si Juanito Callao kasi meron ako kutob na kung malalaman ko ang nakaraan ni Andres ay malalaman ko din kung papaano ko matatagpuan ang aking Ina.
at habang iniisip ko ang mga bagay ay bigla ako kinausap ni Yan Hao.
"Shaoye, okay ka lang ba?" (tanong sakin ni Yan Hao.)
habang tulala ako ay may pumasok sa aking isipan na isang paraan para dahan dahan ko malaman ang buong katotohanan sa likod ng pagkawala ng ala-ala ni Andres.
"Yan Hao! pwede ba gumawa ka ng pananaliksik tungkol kay Juanito Callao, alamin mo ang kanyang buong pagkatao.. lahat-lahat ng malalaman mo ay kailangan mo gawan ng pananaliksik at huwag mo ito sasabihin kahit kanino." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Pati kay Shaoye, Bellie?" (tanong sakin ni Yan Hao.)
napalingon ako sa paligid at hinahanap ang aking nakakatandang kapatid na si Belinda.
"Teka!! nasaan si Belinda?" (tanong ko kay Yan Hao.)
"Galing kami kanina sa arcade ng isang mall at pumunta kami sa isang bar para puminom at tinanong ko niya ako kung bakit hindi ko siya mahal." (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Oo nga noh! bakit kaya hindi mo siya mahal?" (tanong ko kay Yan Hao.)
"Mamahalin ko siya pagkatapos ng ating misyon dito Shaoye, kaya, kailangan muna natin bigyan ng halaga kung ano ang ating pinunta dito bago ang ating emosyon." (sabi sakin ni Yan Hao.)
Habang nag-uusap kami ni Yan Hao ay aksidente narinig ni Bellie ang aming pinag-usapan.
"Ano?... Ano? bakit mo ako ginaganito! bakit mo ako iniwan ng dahil lang dito sa ating misyon?" (sabi ni Bellie kay Yan Hao habang lasing at wala sa katinuan.)
Cairo: *exhausted*
"Ibalik mo na si Belinda sa kanyang kwarto para makapagpahinga." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Masusunod, Shaoye." (tugon sakin ni Yan Hao.)
[P.O.V] Andres Bautista (Andoy)
Ngayon ay nandito ako sa ground floor ng aming paaralan at hinitintay ko si Cheska at hinihintay ko si Cheska a hindi mawala sa aking isipan kung bakit hindi pumapasok si Elana.
Dalawang linggo na lang ang natitira bago magsisimula ang school intramurals sa taon na ito.
At habang iniisip ko si Elana ay biglang dumating si Cheska.
"Good morning, Andres." (sabi sakin ni Cheska ng nakangiti.)
"Ano ba ang plano na iyong tinutukoy sakin kahapon, cheska?" (tanong ko kay Cheska.)
"Gusto mo ba sumali? kasi kapag ayaw mo ay hindi kita pipilitin at I respect your decisio kapag ayaw mo talaga." (sabi sakin ni Cheska.)
"Gusto ko naman pero natatakot talaga ako at saka, hindi ako sanay na kumakanta sa harap ng ibang tao." (sabi ko kay Cheska.)
"Pero ang sabi mo sa audio recording na aking narinig sa loob ng SD card ay gusto mo maging katulad ng iyong ama na maging isang mag-aawit, kaya, hayaan mo kami na tulungan ka sa iyong pinapangarap." (sabi sakin ni Cheska.)
"Kami? sino pa ang tutulong sakin?" (tanong ko kay Cheska.)
Habang nag-uusap kami ni Cheska ay biglang dumating si doc Yole.
"Long time no see, Andres." (sabi sakin ni Doc Yole.)
"Pero pano? bakit mo kilala si doc Yole?" (tanong ko kay Cheska.)
"Hindi mo ba natatandaan ang aking sinabi sayo nung nakaraang araw, na si doc Yole ang nagbigay sakin ng impormasyon kung saan kita mahahanap." (sabi sakin ni Cheska.)
"Pero bakit mo ito ginagawa sakin? bakit mo ako tinutungan?" (tanong ko kay Cheska.)
"Let just say na gusto ko maging kaibigan mo at bilang kaibigan ay tutulungan kita sa lahat ng bagay." (sabi sakin ni Cheska ng nakangiti.)
"Oo.. aaminin ko na gusto ko na gusto ko kumanta, pero natatakot ako na may halong kaba dito sa loob ng aking dibdin. Natatakot ako at nahihiya sa ibang tao." (sabi ko kay Cheska.)
Habang nag-uusap kami ni Cheska ay biglang lumapit sakin ni Doc Yole at sinabing "Andres, huwag kang matatakot kung ano ang sasabihin sayo ng ibang tao, kahit anong mangyari. Sa huli, darating ang pagbabago dahil sa iyong mga tamang at pinag-isipang mga desisyon at kahit ano man ang mangyari at kahit ano ang iyong desisyon ay nandito kami palagi."
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top