XVII
I can see your voice (Arc 3)
Chapter 17:
Phonophobia
[P.O.V] Cairo Yazuka (Cai)
Ngayong araw na ito ay pupuntahan ko si Andres sa kanyang tinitirhang condo unit para humingi ng pasenya at paumanhin sa ginawang pagsundo ng aking nakakatandang kapatid na si Bellie sa kapatid ni Andres na si Krist na hindi nag papaalam kay Andres at ngayon ay mag-isa lang ako pupunta doon sa condo unit ni Andres kasi meron yata mahalagang dapat pag-usapan si Bellie at Yan Hao.
Ang dahilan kung bakit nandito ang aking nakakatandang kapatid na si Bellie ay dahil kay Yan Hao. parang romcom ang kanilang love story. Ang aking kapatid na si Bellie ay isang Chief police officer doon sa beijing, china at si Yan Hao naman ay ang head bulter ng Yazuka Group.
Sa murang edad ay naging head bulter si Yan Hao ng Yazuka Group ng dahil sa kanyang galing sa pag mamartial arts pero kahit magaling si Yan Hao ay hindi niya parin ako matatalo kasi alam ko kung papaano siya lumaban kaso sa totoo lang. Ang pinakamalakas sa Yazuka Group ay hindi ako at hindi din si Yan Hao. kundi si Bellie. Kahit babae ang aking kapatid, ang lahat ng aming mga kasamahan sa Yazuka Group ay natatakot sa kanya ng dahil sa kanyang taglay na talino sa pakikipaglaban at kaya binansagan siya sa pangalang "Dragon lady" ng Yazuka Group.
Bagamat, ang pangunahing dahilan kung bakit talaga nandito ang aking kapatid ay dahil tutulungan niya ako mahanap ang aming Ina.
Ang aming misyon ay kailangan namin mahanap ang aming Ina sa loob ng apat na buwan para iligtas ang Yazuka Group laban sa aking Uncle at ang tanging susi lamang ng aming tagumpay ay si Andres, pero, sa masamang palad ay nawala ang ala-ala ni Andres, kasama doon ang mga mahahalagang ala-ala at yun a ang mga ala-ala nun bata palang kami ni Andres.
Hindi ko pipilitin si Andres na alalahanin ang aming nakaraan kasi naniniwala ako na kahit nakalimutan niya ang aming panagsamahan ay maalala niya parin ako. hindi sa kanyang isip, kundi sa kanyang puso. Naniniwala ako at yun aking pinahahawakan.
Pinahahawakan na hindi ko alam kung papaano at kailan pero naniniwala parin ako na meron tamang panahon para bumalik ang kanyang naburang ala-ala.
Nakalipas ng sampung minuto pag-iisip habang nagdridrive ng aking sasakyan ay nakarating na ako sa condo building kung saan nakatira si Andres.
Habang hinihintay ko si Andres sa labas ng pintuan ng kanyang condo unit ay biglang lumabas si Krist at nakita niya ako at lumapit siya sakin at sinabing...
"Si kuya (Andres) ba ang hinihintay mo? patawad pero umagang umalis si kuya para pumunta ng paaralan." (sabi sakin ni Andres.)
"Ahhh... ganun ba.. sige aalis na ako." (sabi ko kay Krist ng nakangiti.)
"Teka!!!" (Krist.)
Napahinto ako at sabay tumingin kay Krist at habang tinitignan niya ako ay tinanong niya ako tungkol sa kanyang nakakatandang kapatid na si Andres.
"May gusto ka ba sa aking kuya (Andres)?" (sabi sakin ni Krist.)
At nun narinig ko ay bigla ako nagulat at kinabahan.
"Ehhh... ahhhhh.. papaano mo nalaman?" (tanong ko kay Krist habang nauutal ang aking boses.)
"Sinabihan ako ni kuya Ivan tungkol sayo at sabi din niya sakin na kailangan mo ng tulong ko pero ang bawat impormasyon na aking sasabihin sayo tungkol sa aking kuya ay may halaga." (sabi sakin ni Krist.)
"Hmmm... papaano mo ba ako matutulungan? Ano ang uri ang iyong maibibigay sakin?" (tanong ko kay Krist.)
"Hmmmm... sabihin na lang natin na alam ko lahat lahat tungkol sa aking kuya na si Andres at ang aking tinatagong alas ay may alam ako isang sikreto ng aking nakakatandang kapatid na hindi alam ng kanyang mga kaibigan na si Ivan at Elana. Hahahaha!" (sabi sakin ni Krist habang tumatawa na parang demonyo.)
"Hmmmm.... sikreto? ano ang ibig mong sabihin?" (tanong ko kay Krist.)
Tahimik lang si Krist at sabay tumakbo papasok ng condo unit at sinabing "kukunin ko lang yung cellphone ko kaya hintayin mo ako dito sa labas."
Nakalipas ng tatlong minuto ay lumabas ulit si Krist.
"Tayo na?" (sabi sakin ni Krist.)
"San tayo pupunta?" (tanong ko kay Krist.)
"Pupunta tayo ng mall para bumili ng Ps5 para sakin hehehe." (sabi sakin ni Krist.)
Note: PlayStation 5 (PS5) is a home video game console developed by Sony Interactive Entertainment.
"Pero 7am pa lang ng umaga kaya hindi pa tayo pwede pumasok ng mga mall." (sabi ko kay Krist.)
"Ahh.... ganun ba." (sabi sakin ni Krist.)
Napaisip si Krist nun sinabi ko na hindi kami pwede pumunta ng mall ng ganitong oras.
"Ahhhh gusto ko pumunta ng paaralan." (Krist.)
"Bakit?" (sabi ko kay ni Krist.)
"Gusto ko makita si Elana at kuya Ivan." (sabi sakin ni Krist.)
Nakalipas ng labing pitong minuto ay nakarating na kami sa paaralan.
"Yeheyy!!! nandito na tayo hehehe." (Krist.)
Biglang tumakbo si Krist na hindi ko namamalayan kaya hinabol ko siya at sinabing..
"Krist! san ka pupunta? hindi dyan ang daan papunta ng aming classroom." (sabi ko kay Krist.)
"Nagugutom kasi ako kay pupunta muna tayo ng canteen." (sabi sakin ni Krist.)
"Hmmm.. sige." (sabi ko kay Krist.)
Nakalipas ng sampung minuto ay nakarating na kami ng canteen. same as always ay pinagtitinginan na naman ako ng mga tao ng dahil sa aking kakaibang school uniform at sa aking itsura at naririnig ko sila nag-uusap tungkol sakin.
"Tignan niyo guys!!! si Mr. exchange student galing ng china..... urgh.. ang gwapo niya talaga." (tao sa canteen.)
"Sino ba yang kasa-kasama niya? ang cute nilang tignan." (mga tao sa canteen.)
Pagkatapos namin bumili sa canteen ay naghanap kami ng mauupuan at habang kumakain si Krist ay tinanong ko siya tungkol kay Andres.
"Ano ba ang paborito pagkain ni Andres?" (tanong ko kay Krist.)
"Ahhhh... mahilig si kuya Andres ng chicken skin at adobo.. pero alam mo ba kung ano talaga ang paborito ni uya Andres?" (tanong sakin ni Krist.)
"Ano?" (tanong ko kay Krist.)
"I.C.E T.E.A..... kahit hindi kumain si kuya ng ilang araw ay mabubuhay siya sa pag inom ng Icetea." (sabi sakin ni Krist.)
"Ha? bakit?" (tanong ko kay Krist.)
"Yan kasi sabi sakin ng aming Ina, heheheh at saka, bawal kumain si kuya ng maanghang na pagkain." (tugon sakin ni Krist.)
"Oo.. alam ko ang tungkol dyan na bawal kumain si Andres ng maanghang na pagkain." (sabi ko kay Krist.)
"Teka!... bakit alam mo?" (tanong sakin ni Krist habang tinititingan niya ako.)
"Hmmmm... mahabang kwento kung sasabihin ko sayo ang buong kwento." (sabi ko kay Andres.)
"Hmmm... okay, ano pa gusto mo malaman tungkol kay kuya?" (tanong sakin ni Krist.)
"Meron ba alam tungkol sa naburang ala-ala ng iyong kapatid?" (tanong ko kay Krist.)
"Wala ako alam tungkol dyan pero may alam ko isang impormasyon tungkol sa kanyang naburang ala-ala." (sabi sakin ni Krist.)
" Ano!!?" (tanong ko kay Krist.)
"Kasabay ng pagkawala ng mga ala-ala ni kuya ay ang pag panaw ng aming tito Juan." (sabi sakin ni Krist sabay labas dila na parang nanunukso.)
"Bakit?" (tanong ko kay Krist.)
"Ewan ko.. yan kasi sabi ng aking Tatay." (sabi sakin ni Krist.)
"Tanong ko lang, ano ang buong pangalan ng tito juan nyo?" (tanong ko kay Krist.)
"Juanito Callao at nakaburol siya sa heaven gate cemetry." (sabi sakin ni Krist.)
Hmmm.. ano kaya ang dahilan ng pagpanaw ng uncle ni Andres at Krist! at bakit parehong araw ang pagpanawng kanilang uncle Juan at pagkawala ng ala-ala ni Andres.
Habang inisip ako kung ano ang koneksyon sa pagpanaw ng uncle Juan ni Andres at Krist at pagkawala ng mga ala-ala ni Andres ay tinaong ko si Krist kung meron pa ba siya impormasyon tungkol sa nakaraan ng kanyang nakakatandang kapatid na si Andres.
"May alam ka pa ba tungkol sa nakaraan ng iyong nakakatandang kapatid na si Andres?" (tanong ko kay Krist.)
"May alam ako pero hindi ko pwede sabihin sayo at sa ibang tao ang tungkol dyan kasi yun ang bilin sakin ng aming Ina." (sabi sakin ni Krist.)
"Diba gusto mo ng Ps5? ibibigay ko sayo lahat-lahat ng iyong mga hinihingi sakin basta sabihin mo lang sakin ang iyong nalalaman tungkol na nakaraan ng iyong kapatid na si Andres." (sabi ko kay Krist.)
"Papaano ko malalaman na maibibigay mo saking ang aking hinihinging Ps5." (sabi sakin ni Krist.)
Tama nga ang sinabi sakin ni Elana at Ivan. kasing tigas ng bato ang ulo ng kapatid ni Andres na si Krist pero wala ako ibang paraan kundi ibigay ang kanyang hinihiling sakin para malaman ko ang puno't dulo ng pagkawala ng mga ala-ala ni Andres.
[Calling Yan Hao]
"Yan Hao... bumili ka nga ng PS5." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Para kanino, Shaoye? Basi sa aking pagkaka-alam ay hindi ka naman mahilig sa mga gaming console." (sabi sakin ni Yan Hao.)
Note: Gaming console is an electronic or computer device that outputs a video signal or visual image to display a video game that one or more people can play through some type of game controller.
"Para yan sa kapatid ni Andres na si Krist." (sabi sakin ni Yan Hao.)
Habang nag-uusap kami ni Yan Hao sa telepono ay nakatingin at nakangiti sakin si Krist.
"Okay po, shaoye!" (sabi sakin ni Yan Hao.)
[End call]
"Ayan! narinig mo naman na pinag-usapan namin ng aking kaibigan na bibilhan kita ng Ps5, kaya sabihin mo na sakin kung ano pa ang iyong nalalaman sa nakaraan ng iyong kapatid." (sabi ko kay Krist.)
"Okay! sinabi sakin ng aming ina may phonophobia si kuya Andres." (sabi sakin ni Krist.)
Note: Phonophobia is defined as a persistent, abnormal, and unwarranted fear of sound. Often, these are normal environmental sounds (e.g., traffic,shooting guns, sounds of doors closing, or even loud speech) that cannot under any circumstances be damaging.
"Phonophobia? ano uri ng tunog ang kinatatakutan ni Andres?" (tanong ko kay Krist.)
"Tunog ng baril." (sabi sakin ni Krist.)
[P.O.V] Andres Bautista (Andoy)
Habang nag memeeting ang mga class officer tungkol sa paparating school intramurals ay tulalang-tula ako sa kakaiisip kung nasaan ba na si Elana. Hanggang ngayon ay hindi parin siya dumadating dito sa paaralan kaya naisipan ko tawagan siya gamit ang aking cellphone pero hindi niya ako sinasagot at habang abala ako sa aking cellphone ay biglang dumating si Cheska dito sa aming classroom.
"Hi, Andres!" (sabi sakin ni Cheska.)
"Diba mamaya pa tayo mag-uusap? bakit ka nandito?" (tanong ko kay Cheska.)
"Out of the blue ay meron kami practice mamaya ng cheerleading." (sabi sakin ni Cheska.)
Note: Out of the blue means completely unexpected.
"Ahhh ano ba ang kailangan mo sakin?" (sabi sakin ni Cheska.)
"Hmmmm... naisipan ko kasi na..." (sabi sakin ni Cheska.)
"Hmmm?" (Andres.)
Nakatingin lang ako kay Cheska at hinitintay ang kanyang sasabihin.
"Alam ko sa aking sarili na mali ang aking ginawa nun sinabihan kita tungkol sa aking ex boyfriend kaya naisapan ko na tutulungan kita na ipamalas ang talento mo sa pagkanta sa harap ng ibang tao kaya isasali kita sa singing competation sa paparating na school intramurals." (sabi sakin ni Cheska.)
Nagulat ako sa sinabi sakin ni Cheska.
"Teka.. teka teka!!!! hindi ko kaya kumanta sa isang stage at wala ako plano sumali sa paparating na singing competation ngayong school intramurals." (sabi ko kay Cheska.)
"Hmmmm... natatakot ka ba sa sasabihin sayo ng ibang tao?" (tanong sakin ni Cheska.)
Hindi ko ako alam kung bakit ako natatakot pero sa buong buhay ko ay parati ako kumakanta sa dilim at tinatago ang aking talento sa pagkanta.
Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao sakin pero gusto ko sumali, bagamat, hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang aking kinatatakutan.
"Huwag kang mag-alala kasi meron na ako naiisip na isang magandang plano kung papaano ka sasali at saka, may tutulong satin para isagawa ang ating plinaplano." (sabi sakin ni Cheska.)
"Paano at sino?" (sabi sakin ni Cheska.)
"Hehehe... secret muna...Let's talk about that tomorrow okay." (sabi sakin ni Cheska ng nakangiti.)
To be continued.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top