VIII
I can see your voice (ARC 2)
Chapter 8:
Larawan ng nakaraan
Note: Every Chapter of this story have cover page.
[P.O.V] Elana Magpantay
Ngayon ay malapit na lumapag at mag landing ang helicopter na aming sinasakyan sa isang helipad ng hospital at kilanaunan ay mabilis nag responda ang mga nurse para dalhin si Andoy sa Emergency room ng hospital.
Alalang-alala kami lahat pero hindi namin mapapantayan ang alala na pinapakita ni Mckoy sa kalagayan ni Andoy. Palagi siya nakatingin at naghihintay na lumabas ang doctor sa Emergency room.
At maya't-maya ay lumabas na ang doctor sa Emergency room kaya sinalubong ito ni Mckoy at tinanong.
"Doc! Okay lang po ba yung kaibigan ko?" (tanong ni Mckoy sa Doctor ng hospital.)
"Wala kayong dapat ipag-alala kasi nahimatay lang ang kaibigan niyo ng dahil sa pagkain niya ng maanghang na pagkain at dahil nga na kumain siya ng maanghang ay nahirap siya huminga at kinalaunan ay nahimatay siya ng dahil sa anghang na kanyang naramdaman kaya just piece of advice sir at maam na huwag na ninyo pakainin ng ano mang-uri ng maanghang na pagkain ang iyong kaibigan baka kasi kapag mauulit pa ito at nahirapan siya huminga ay ito ang dahilan ng kanyang pagsawi kaya ingatan niyo ang kaibigan niyo sa pagkain niya ng maanghang na pagkain.
(sabi samin ng Doc sa hospital.)
(Note: Aromaphobia- (from Latin aroma, meaning "spice") is the fear of spices and spicy food. This phobia most often came about due to burning sensation in the mouth when having spicy food in it. The less common trigger is that spices can cause heartburn.)
Nakalipas ng dalawang oras na paghihintay ay nagkamalay na si Andoy sa kanyang hinihigaan at tinanong "Saan ako? Ano lugar ito?"
"Buti naman Andoy na nagkamalay ka na! okay ka lang ba? Meron ka ba naramdaman?" (tanong ko kay Andoy.)
Kaya sinabihan ko si Ivan na tumawag ng nurse o doctor para ipaalam na gumising na ang aming kaibigan na si Andoy at habang naghihintay sa doctor o nurse ay nag-usap kami ni Andoy.
"Saan ba ako?" (sabi sakin ni Andoy.)
"Hmmm... nandito ka sa hospital ngayon, nahimatay ka kasi kanina sa mall ng kumain ka ng maanghang na pagkain, kaya dinala ka namin dito sa hospital kaya tignan mo si Mckoy, nakatulog ng dahil sa pag-alala para sayo Andoy kasi sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sayo." (sabi ko kay Andoy.)
"Ahhhh... ganun ba." (sabi sakin ni Andoy.)
"Elana!!! Paki andar mo ang TV ng silid na ito bilis!!!" (sabi sakin ni Ivan.)
"Bakit ba?!!" (sabi ko kay Ivan.)
"Basta, huwag ka na lang magtanong." (sabi sakin ni Ivan.)
Kaya pinaandar ko ang TV..
[Television news report]
News reporter: Breaking news!!! Sinalakay ng mga hindi nakikilala grupo ng mga kalalakihan ang Asian Mall Pacific ngayon araw na ito at ang sabi ng ating pagkatitiwalaang source ay sinalakay ng Yamashita Group ang isang mall dito sa Pilipinas. Kilala ang Yamashita group sa bansang Tsina na isang kilalang Mafia group pero ang pangunahing tanong ngayon ay bakit sinalakay ng Yamashita Group ang isang mall dito sa Pilipinas pero sa salamat sa panginoon na walang nasawi ang nangyaring pagsalakay ng mafia group sa Asian Mall pacific.
At gumising si Mckoy, nung narinig niya ang balita sa television.
"Gising ka na pala! Andres, buti naman na ayos ka na." (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
"Buti na lang na dinala niyo ako agad dito sa Hospital kasi kapag hindi pa tayo umalis dun sa Mall ay baka nandun pa tayo sa mall at napahamak tayo ng dahil sa Yamashita Group." (sabi samin ni Andoy.)
"Hmmmm...Andoy!.. tungkol dyan ay habang nahimatay ka at tinakbo ka namin at buhat-buhat ka ni Mckoy para dalhin at itakbo ka dito sa hospital ay dun nag-simula ang kaguluhan ng mall pero buti nalang ay meron kaibigan si Mckoy na tumulong satin para makatakas at makalabas tayo ng ligtas sa mall." (sabi ko kay Andoy.)
"Pero paano ang ibang tao nandun sa Mall!!!?" (sabi sakin ni Andoy.)
"Huwag kang mag-alala kasi wala naman nasawi o nasugatan sa pangyayari sa mall." (sabi ko kay Andoy.)
At habang naghihintay kami na dumating ang Doctor o nurse para tignan ang kalagayan ni Andoy ay bigla nagsalita si Mckoy at sinabing "Guys huwag kayo magugulat pero may sasabihin at aaminin ako tungkol sa nangyaring kaguluhan kanina sa Mall."
"Ano ang ibig mong sabihin, Mckoy?" (tanong ko kay Mckoy.)
"Kasi.... Parang ako yata ang puno't dulo at ang dahilan kung bakit dumating at gumawa ng kaguluhan ang Yamashita Group sa Mall kanina." (sabi samin ni Mckoy.)
"Pero paano? at ano ang kanilang dahilan para puntahan ka dito sa Pilipinas? At kung sasabihin natin na ikaw talaga ang pakay ng Yamashita group bagamat paano ka ba natuntun ng grupo na yun!!! Ang lawak at ang laki ng Pilipinas para mahanap ka ng ganun lang kadali!!." (sabi ni Ivan kay Mckoy.)
"Naalala mo ba Elana nung meron kang tinangal galing sakin Cellphone kanina sa paaralan?" (tanong sakin ni Mckoy.)
"Yung kulay itim na nakasaksak sa Earphone jack ng Cellphone m, Mckoy? Oo naalala ko, bakit?" (sabi sakin ni Mckoy.)
"Isang yung Anti GPS Tracker para hindi ako mahanap ng mga taong hinahanap ako at ng Yamashita group." (sabi sakin ni Mckoy.)
"Ahemm...!!! ikaw pala ang puno't dulo kaguluhan na naranasan natin, Elana! at ng dahil sa pinagkikialaman mo ang gamit ng ibang tao ay muntik na tayo mapahamak!! (sabi sakin ni Ivan.)
"Hindi ko naman alam na Anti GPS Tracker pala yun eh!!! kaya sorry talaga Mckoy kasi ako ang dahilan na muntik ka na mahuli ng mga Yamashita group." (sabi ko kay Mckoy.)
"Huwag mong sisihin ang sarili, Elana." (sabi sakin ni Mckoy.)
"Pero paano ba napunta sa kamay ni Elana ang Cellphone mo, Mckoy?" (sabi ni Ivan kay Mckoy.)
"Tungkol dyan..." (sabi ni Mckoy kay Ivan.)
"Gusto niya kasi mahingi at malaman ang Cellphone number ni Andoy kaya sa mga oras na yun ay nasakin ang cellphone ni Mckoy." (sabi ko kay Ivan sa kanyang tanong.)
"Cellphone number ko?" (tanong sakin ni Andoy.)
"Hindi mong talaga ako matandaan, Andres?" (tanong ni Mckoy kay Andoy.)
"Anong ibig mong sabihin?" (sagot ni Andoy kay Mckoy.)
"Binuksan mo na ba ang regalo ko para sayo, Andoy?" (tanong ni Mckoy kay Andoy.)
"Hindi pa." (sagot ni Andoy sa tanong ni Mckoy.)
"Sige buksan mo para malaman mo ang ibig kong sabihin." (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
Kinuha at binuksan ni Andoy ang pasalubong na galing kay Mckoy at ang laman nito ay isang Bluetooth headset.
"Ito ba ibig mong sabihin?" (sabi ni Andoy kay Mckoy habang hawak hawak ang buletooth headset.)
"Hahaha hindi yan at meron pang isang kahon dyan sa loob." (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
Binuksan ni Andoy ang isang pang kahon at nagulat kami lahat sa aming nakita.
"Tignan mo Andoy!!! diba ikaw yang nandyan sa litrato? ang cute mo dyan sa litrato na yan, pero Mckoy sino ba ito kasama ni Andoy sa litrato? (tanong ko kay Mckoy.)
"Ako." (sabi sakin ni Mckoy.)
Bigla ako nagulat sa sinabi sakin ni Mckoy.
"Andoy!!! Magkakilala ba kayo ni Mckoy noong bata palang kayo?" (tanong ni Ivan kay Andoy.)
"Hindi ko alam at kahit ako ay nalilito ako kung bakit ako nandyan sa litrato." (sabi sakin ni Andoy.)
"Pero bakit hindi mo ako maalala, Andres!!?" (tanong ni Mckoy kay Andoy.)
"Patawad Mckoy pero hindi ko talaga maalala o matandaan man lang at si Elana at Ivan lang ang aking mga kaibigan noong bata palang ako." (sabi ni Andoy kay Mckoy.)
"Pero Andres meron ka bang naalala nung bago kami dumating ni Elana sa buhay mo?" (tanong ni Ivan kay Andoy.)
"Wala rin eh... sorry." (sagot ni Andoy sa tanong ni Ivan.)
"Ibig mong sabihin ay hindi mo naalala ang nangyari sayo noong hindi mo pa kami dumating at nakilala ni Elana?" (tanong ni Ivan kay Andoy.)
"Parang ganun na nga." (sabi ni Andoy kay Ivan.)
"Pero bakit hindi mo sinabi saming ni Elana at tungkol dyan?" (tanong ni Ivan kay Andoy.)
"Hmmm...." (Andres.)
Elana!!! Bilis!!! humanap ka ng doctor!! (sabi sakin ni Ivan.)
"Bakit ako!!!?? (sabi ko kay Ivan.)
"At bakit naman hindi ikaw?!! huwag kana kasi umangal kaya maghanap ka na ng doctor para i Ct scan natin si Andoy para malaman natin ang aking kutob! kaya bilisan mo!!" (sabi sakin ni Ivan.)
Kaya inutusan ako ni Ivan na humanap ang doctor dito sa hospital para ihanda ang CT Scan para malaman namin kung bakit hindi maalala ni Andoy ang kanyang nakaraan bago paman dumating kami ni Ivan sa buhay niya.
At pagatapos sinagawa ang CT Scan sa buong katawan at utak ni Andoy ay pinalapit kami ng Doctor at sinabing "Meron nga history ng brain damage ang iyong kaibigan pero hindi ito maalala at dahil sa matagal ng panahon ay nawala na ito kaya tama ang iyong hinala na merong Amnesia ang iyong kaibigan ni si Mr.Bautista."
"Pero, Doc! ano ang pangunahing dahilan ng pagkawala ng kanyang alala?" (tanong ni Mckoy sa doctor ng hospital.)
"In this case at sa brain damage na natamo ng pasyente ay parang nabagok o dahil sa trauma kaya meron siya Temporary Memory Lost o Amnesia." (sabi ng Doctor sa hospital.)
"Trauma? pero meron bang paraan para maibalik ng aming kaibigan ang alala na nawala o nabura sa kanya." (tanong ni Mckoy sa Doctor ng hospital.)
"Kung babalikan niya ang mga bagay o mga lugar na komukonekta at nag-uugnay sa kanyang nakaraan ay meron chance o pag-asa maibalik niyo ang kanyang alala pero merong din mga kaso na hindi na talaga maiibabalik ng pasyente ang kanilang alala nawala at nabura pero kapag meron man naalala ang pasyente kahit maliit na bagay o detalye tungkol sa kanyang nabura na alala ay huwag niyo siya I pressure o pilitin ipaalala sa kanya ang lahat baka kasi lumala pa ang kanyang Temporary Memory Lost."
Totoo nga na merong Temporary Memory Lost si Andoy pero bakit niya tinago at hindi niya sinabi sakin at samin ni Ivan! Hindi ko na alam kung ano ang aking mararamdaman. Mainis ba ako o magagalit pero ngayon, ang importanti ay ligtas si Andoy.
Nakalipas ng sampung minuto ay bumalik na kami sa silid kung saan nandun si Andoy.
"Andoy, okay ka lang ba?" (tanong ko kay Andoy.)
"Hindi parin ako makapaniwala na nandyan ako sa litrato na binigay sakin ni Mckoy." (sabi sakin ni Andoy habang tinitignan ang mga litrato na binigay sa kanya ni Mckoy.)
"Hindi mong talaga naalala si Mckoy?" (tanong ko kay Andoy.)
"Kapag kasama ko si Mckoy ay parang masaya ako at parang matagal ko na siyang kilala bagamat Patawad kasi hindi ko talaga siya naalala." (sabi sakin ni Andoy.)
"Huwag mong pilitin alalahanin ngayon Andoy baka si meron naman masamang mangyari sayo." (sabi ko kay Andoy.)
"Nasaan ba si Mckoy, Elana?" (tanong sakin ni Mckoy.)
"Nandun sa labas, kinakausap niya ang kanyang kaibigan, bakit mo naitanong Andoy?" (sabi ko kay Andoy.)
[P.O.V] John Mckyle Getuaban (Mckoy)
"Yan Hao!!! Tapos na ba ang aking pinapagawa sayo? (tanong ko kay Yan Hao.)
"Oo, Shaoye! gaya ng sabi mo ay binayaran ko na ang lahat ng danyos na ginawa ng Yamashita Group dun sa Mall." (sagot sakin ni Yan Hao.)
"Good at tsaka alisin mo yang Helicopter natin sa Helipad ng Hospital na ito, kasi pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." (Utos ko kay Yan Hao.)
"Masusunod, Shaoye." (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Pero bago mo alisin ang ating sinakyang helicopter ay paano mo ba ako natuntun dito? At tsaka Paano mo nalaman na pupuntahan ako dito ng Yamashita Group?" (tanong ko kay Yan Hao.)
"Tungkol dyan ay meron kasi tayo espeya sa loob ng Yamashita Group kaya nalaman namin kaagad kung saan ka namin matatagpuan." (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Pero kailan ba babalik ng ating grupo sa china?" (tanong ko kay Yan Hao.)
"Babalik pa ba kami? Hahaha.... sabi kasi ni Zhu ay mananatili kami dito hanggang matapos mo hanapin ang iyong nanay." (sabi sakin ni Yan Hao.)
(Note: Zhu= Master/ Lord in english.)
"Pero hindi alam ng aking mga kaibigan ng aking tunay na pagkatao, kaya umalis kayo dito sa madaling panahon." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Gusto mo ba na ako na mismo ang magsabi sa kanila?" (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Yan ang huwag mong gagawin!!!" (sabi ko kay Yan Hao.)
"Bakit naman!?" (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Paano ko ba ito sasabihin sayo...ahhh.Hmmmmm... Nandito kasi si Swordsman." (sabi ko kay Yan Hao habang nahihiya at hindi makatingin sa kanya mga mata.)
"Huwag mong sabihin na ang buhat buhat mo kanina ay si Swordsman na parati mo kinikwento sakin noong bata ka pa lang!!!" (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Oo, siya yun." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Ahhhh si Swordsman pala yun na pinangakuan mo ng......" (sabi ni Yan Hao.)
Nung sinabi ni Yan Hao ang pangako na ginawa namin ni Andres noong bata palang kami ay pinigilan ko siya at hinawakan ko ang kanyang bibig para hindi siya makapagsalita.
"Huwag mong sasabihin dito baka kasi maranig tayo ng mga kaibigan ni Swordsman." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Talaga ba? Hahaha...... pero seryosong usapan, Shaoye!..... kailangan mo sabihin sa kanila at lalo na kay Swordsman ang totoong pakay mo dito. (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Sinabi ko na sa kanila na hinahanap ko ang aking Ina dito sa Pilipinas." (sabi ko kay Yan Hao.)
"At sinabi mo na ba kay Swordsman na siya lang ang kaisa-isang tao na makakatulong sayo para mahanap at matagpuan mo kaagad ang iyong Ina." (sabi sakin ni Yan Hao.)
"Tungkol dyan ay ... parang malabo yata yang sinasabi mo." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Ano ang ibig mong sabihin?" (tanong sakin ni Yan Hao.)
"Meron kasi nangyari sa kanya at kahit ako ay hindi ko alam ang buong katotohanan kung bakit meron siyang Amnesia at dahil dun ay hindi na niya ako maalala o matandaan man lang." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Paano ba yan, Shaoye!!! Meron ka lang apat na buwan para hanapin mo ang iyong nanay at kapag hindi mo ito magagawa ay alam mo na ang mangyayari sayo at sa atin mga kasama diba!" (paalala sakin ni Yan Hao.)
"Oo alam ko.... kaya gagawa ako ng paraan para hindi maangkin at makuha ni Uncle at buong Yakuza group." (sabi ko kay Yan Hao.)
At pagkatapos namin mag-usap ni Yan Hao ay pumunta ako sa balkoni ng hospital para mapag-isa at para rin makapag-isip-isip at habang tinitignan ko ang lumang litrato namin ni Andres ay napaluha ako ng dahil sa lungkot na aking nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag pero takot na takot ako na baka hindi na bumalik ang alala ni Andres.
[ICSYV OST Play music: A tale of thousand stas by Lestin Patalinghug]
Note: This Ost ay sariling gawa ko para sa kwento ng ICSYV at ang A tale of thousand stars ay tungkol sa isang binita na mas pinili niya mahalin ang taong iniibig niya kasi dun siya naging masaya. In short! This Ost is all about choosing someone over and over again.
Ang tanging hiling ko lang ngayon ay maalala ako ni Andres ....kahit man lang ang totoo kong pangalan.
Biglang dumating si Andres dito saking kinalalagyan at sinabing "Mcmcckoy!"
Kaya mabilis ko pinunasan ang aking luha para hindi niya mapansin na umiiyak ako.
"Oh... Andoy! Haha.. bakit ka ba nandito? Okay ka lang ba? Meron bang masakit sayo? O baka nagugutom ka? Sige maghintay ka lang dito kasi ibibili kita ng pagkain okay!" (tanong ko kay Andres habang pinupunasan ako ang aking mga luha.)
"Wag muna ako alalahanin Mckoy at tsaka huwag kana umiyak dyan! Kasi baka magbago ang isip ko at hindi na sasabihin sayo ang gusto ko sabihin sayo." (sabi sakin ni Andres.)
"Sinong umiiyak?!! Hindi ako umiiyak ha!! Napuling lang talaga ako kasi ang alikabok dito sa balkoni pero ano bang sasabihin mo sakin.?" (tinatangi ang paratang sakin ni Andres at tinatanong si Andres.)
"Alam mo na parang alam ko na meron ako hindi maalala tungkol saking nakaraan at tungkol rin sayo, Mckoy, pero Mckoy, gusto ko malaman ang buong katotohanan, gusto ko malaman kung sino ka at ano tayo noong bata palang tayo, kaya huwag ka mag-alala kasi gagawa ko ng paraan para maalala kita." (sabi sakin ni Andoy.)
Nung sinabi sakin ni Andoy na gusto niya malaman ang lahat-lahat tungkol sa kanyang nabura na alala ay yumakap ako sa kanya.
"Baka meron makakita satin Mckoy kaya bitawan mo na ako." (sabi sakin ni Andres.)
Dahil sa sinabi sakin ni Andres ay unti-unti na nawawala ang aking lungkot.
"5mins!!!!" (sabi ko kay Andres.)
"5mins!!?" (tanong sakin ni Andres.)
"Hayaan mo ako yakapin kita hanggang 5 mins para mawala ang lungkot na aking nararamdaman." (sabi ko kay Andres.)
"Hmmmmm.... Okay." (sabi sakin ni Andes.)
Nakalipas ng sampung minuto ay bumalik na kami ni Andres sa kanyang silid para magpahinga at kinalaunan ay nakatulog na ulit si Andres sa kanyang silid dito sa hospital.
At habang binabantayan at tinitignan si Andres sa kanyang pagtulog ay hindi mawala ang tingin sakin ni Elana at Ivan, parang tinitignan nila ako na parang, meron ako kasalanan sa kanila kaya lumapit si Elana sakin kasama si Ivan at tinanong at sinabing "Sino ka ba talaga, Mckoy?"
"Gusto mo ba talaga malaman Elana?" (sabi ko kay Elana.)
"Oo naman, gusto ko makilala ng lubusan ang aking bagong kaibigan." (sabi sakin ni Elana.)
"At ako rin, gusto namin malaman kung bakit meron kang litrato kasama si Andres kasi base saming natatandaan, kami lang ang kaibigan ni Andres at isama na natin ang kanyang pusa na si neko." (tanong sakin ni Ivan sakin ni Ivan.)
"Oo tama ka dyan, my future husband!!! at tsaka bakit meron kang Helicopter? Hahaha wala ako maisip na ibang tanong kaya itanong ko lang charr!!" (tanong sakin ni Elana.)
At bigla pumasok si Yan Hao sa silid kung saan kami at sinabing "Gusto mo ba Shaoye na ako na ang magpapaliwanag sa kanila?"
"Sino si Shaoye???? at sino itong Chinese na marunong magsalita ng tagalog!!!! At bakit narunong siya magsalita ng ating wika?! OMG!! sinasakop tayo ulit ng mga tsino!!" (tanong sakin ni Elana.)
"Half Chinese at half Pinoy po ako kung iyong maitatanong!!!" (sabi ni Yan Hao kay Elana.)
"Salamat! Yan Hao, pero hayaan mo ako na ang magsabi at magkwekwento sa kanila." (sabi ko kay Yan Hao.)
"Sorry kung hindi ko ito sinabi sa inyo at lalo na kay Andres pero ang tunay ko talaga pangalan ay Cairo Yazuka at isa akong Shaoye. Ang ibig sabihin ng Shaoye ay "Young master" at ako ang 2nd Shaoye ng 13th generasyon ng Yazuka group pero ngayon ang Zhu ng Yazuka group ay ang aking ama at ang ibig sabihin ng Zhu ay "Master o Leader" pero hindi pwede ipasa sakin ng aking ama ang pagiging Zhu kasi meron kami batas na dapat sundin para panatiliin ang aming tradisyon, at ngayon ay meron sakit ang aking ama kaya ang magiging Zhu namin ay ang aking Ina pero hindi ko pa nakikita o nakilala ang aking Ina kaya inutusan ako ng aking ama na hanapin ko ang aking kababata na si Andres. (sabi ko kay Ivan at Elana.)
"At bakit nasali si Andres sa problema ng iyong grupo Mckoy!? Ahh... este Cairo?" (tanong sakin ni Elana.)
"Tumahik ka muna kasi Elana! Hayaan natin magsalita at ipaliwanag satin ni Cairo ang buong kwento." (sabi ni Ivan kay Elana.)
"Kasi si Andres lang ang nakakaalam at nakakilala kung ano ang itsura ng aking Ina pero sa masamang palad ay napaalaman natin na merong Temporary memory lost si Andres at kailangan ko mahanap ang aking Ina sa madaling panahon kasi kung hindi namin mahahanap ang aking Ina ay baka mawala samin ang pamumuno ng Yazuka group at kunin ito ng aking Uncle para gumawa ng masamang gawain dun sa china at tsaka hindi ko ginagamit si Andres para sa sariling interest. Isa sa mga rason talaga kung bakit bumalik ako dito sa Pilipinas ay para hanapin at tuparin ang aming pangako sa ilalim ng puno ng narra." (sabi ko kay Ivan at Elana.)
"Teka lang! ano ang sinabi mo? Ilalim ng puno ng narra? Alam mo ba na parati at dun ko una nakilala si Andres, parati kasi siya umuupo sa ilalim ng puno ng narra na parang merong hinihintay." (sabi sakin ni Elana.)
Bigla ako nagulat sa sinabi sakin ni Elana.
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo sakin, Elana? (tanong ko kay Elana.)
"Oo, sigurado siya sa kanyang sinasabi Cairo at dun ko rin minsan nakikita si Andres, palaging nakaupo habang nakikinig ng Mp3 Player." (sabi sakin ni Ivan.)
"Naalala pa niya ang aming pangako na maghintay sa ilalim ng puno ng narra pero bakit hindi niya ako matandaan!!!" (sabi ko kay Elana at ni Ivan habang naiinis saking sarili.)
"At tsaka maitanong ko lang Elana, nasaan ba ang Ama ni Andres? Baka kasi makikilala niya ako kaya dalhin niyo ako sa kanya please." (tanong at pakiusap ko ni Elana at tsaka ni Ivan.)
"Saan ka ba namin dadalhin, Cairo? Sa puntod o libigan ng Ama ni Andres o sa langit kung saan nandun talaga ang Ama ni Andres?" (sabi sakin ni Elana.)
"Ibig mong sabihin ay wala na ang Ama ni Andres?" (tanong ko kay Elana.)
"Oo, matagal na Cairo at tsaka, huwag mong subukan bangitin kay Andres ang tungkol sa kanyang Ama kasi sa tuwing binabangit ng ibang tao ang kanyang Ama ay sumasakit ang kanyang ulo sa hindi maipaliwanag na dahilan." (sabi sakin ni Elana.)
"Pero alam niyo naman na sikat na mang-aawit ang kanyang Ama, diba?" (tanong ko kay Elana at Ivan.)
"Ano??? Sikat na mang-aawit ang kanyang Ama? Bakit hindi ko alam yan?!!!! (sabi sakin ni Elana.)
"Huwag kang maingay Elana!!! Hindi mo ba nakikita!!? Natutulog ng mapayapa si Andres at baka ikaw pa ang dahilan na mahuhuli tayo na pinag-uusap natin ang kanyang Ama!!! At saan ka ba planetang ng galing ha!! Hindi mo ba nakikita o napapansin man lang ang pakakahawig ni Andres at Andrew Bautista1? isang sikat na OPM artist sa kanyang panahon pero pumanaw ang kanyang ama ng dahil sa depresyon at baka ang dahilan ng kanyang depresyon ay kalungkutan ng dahil sa paghihiwalay nila ng Ina ni Andres." (sabi sakin ni Ivan at kay Elana.)
"Hiwalay!? Paano at kailan?" (tanong ko kay Ivan.)
"Hindi rin namin alam ni Elana ang dahilan ng pahihiwalay ng mga magulang ni Andres." (sabi sakin ni Ivan.)
"Pero ngayon, nasaan ba si Aling lurdes? Ahhh ang ibig ko sabihin ay ang Ina ni Andres." (tanong ko ni Ivan at Elana.)
"Lurdes ba ang pangalan ng kanyang Ina? Kaso hindi pa namin nakikita o nasilayan man lang ang kanyang Ina kahit isang bisi pero ang sinabi samin ni Andres ay meron na bagong pamilya ang kanyang Ina at mag-isa lang nakatira si Andres sa kanyang Condo." (sabi sakin ni Ivan.)
Sa kay tagal ko naninirahan sa china at habang nandito si Andres sa Pilipinas ay marami na ang nangyari sa kanyang buhay. Lungkot at pag-iisa ang kanyang parati dinadala pero buti na lang na nandyan palagi sina Ivan at Elana.
Mga mabubuting mga kaibigan na pinapangarap ng ibang tao.
At habang iniisip ko ang buhay at paghihinagpis na naranasan ni Andres sa panahon na wala ako sa kanyang tabi ay bigla may itanong sakin si Elana at sinabing "Maiba ako, Cairo! Ano ba ang pangako mo kay Andres sa isa't isang sa ilalim ng puno ng narra?"
To be Continued .... To Chapter 9: (Eskrimador at dalawang shaoye)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top