VII
I can see your voice (ARC 2)
Chapter 7:
Kamusta ka dyan? Shaoye!
Note: Every Chapter of this story have cover page.
(Note: This chapter is continuation of chapter 6.)
[P.O.V] Elana Magpantay
"Miss, I want to nominate myself as Class Treasurer." (sabi ni Andoy kay Miss Jeni.)
Ano bang binabalak at iniisip mo, Andoy!! Yan ang salita na nagpapigil at nagpagulat ng aking isipan.
Gulat na gulat ang buong klase sa kanilang narinig galing sa bibig ni Andoy.
"Good job Andres!!! Punta ka na dito sa harap for the speech at para maiganyo ang iyong mga kaklase sa pagpili sa karapat dapat na maging Class Treasurer for this school year 2019."
Habang tinitignan at tinititigan ko si Andres. Hindi talaga mawagli saking isipan ang kanyang ginagawa ngayon pero kung yan talaga ang kanyang gusto gawin ay buong puso ako sumusuporta sa kanya kahit anong mangyari! nandito lang ako para protektahan ang aking kaibigan.
"Okay class let's hear and listen sa speech ng iyong mga kaklase."
Classmate 1: "As you can see, mayaman ako at matalino sa math kaya wala na talaga mas deserve maging Class Treasure kundi ako lang! kaya I vote niyo ako guys and I'll make sure that I'm going to be the best Class Treasurer of this School year."
Pweee, ang pangit na nga ang yabang pa at mayaman ka lang! kaya hindi kita ibubuto kahit I libre mo kaming lahat ng pagkain.
"And this time class, let's listen and hear to Andres speech."
Andoy: "We all know na may problema ako kapag nagsasalita ako at alam ko na alam niyo na hindi niyo ako maintindihan minsan kapag ako'y nagsasalita pero this time! Gusto ko lumabas sa aking Lunga at tuklasin kung ano talaga ako, ang rason kung bakit ako gusto maging Class Treasurer kasi gusto ko kayo kilalanin, makikipag-usap at maging magkaibigan kayo lahat. Gusto ko maging Class Treasurer para magkaroon ako ng silbi dito sa ating Classroom! Gusto ko maging Class Treasurer para mawala ang aking mahiyain na personalidad at kahit hindi ako mayaman at matalino katulad ng iba dyan! at ang maipapangako ko lang sa aking mga kapwa mag-aaral na nandito sa silid na ito ay hindi man ako ang the best para maging Class Treasurer pero Please tulungan niyo ako makuha at maging Class Treasurer para mapatunayan ko sa inyo na "Action speak louder than words!!" yan lang po at maraming salamat."
Sa mga oras na ito ay masayang-masaya ako saking narinig kay Andoy kaya whatever it takes at kung ano man ang maging resulta ng botohan ay I'm always support him and believe on him kung ano ang kanyang pinaglalaban.
"Hmmm....Okay class, lets start the voting for Class Treasure Sino gusto boboto kay (Classmate1).
After 2 minunte sa pagbibilang ng boto kay (Classmate1)
(Classmate1) ay may 20 votes.
"So this time class. Sino naman ang boboto kay Andres, just raise your hand class."
Nung oras na para bomuto para kay Andoy ay itinaas ko ang aking dalawang kamay.
"Ms. Magpantay, ano bang ginagwa mo!!, ibaba mo yang isang kamay mo." (sabi sakin ni Miss Jeni.)
Pagkatapos bilangin ang naipong boto para kay Andres ang resulta ng botohan ay tie
(Classmate1): 20 votes
Andoy: 20 votes
"Miss Jeni! Paano po yan? Nag tie po silang dalawa,! it does mean na dalawang Class Treasurer natin?" (Classmate2)
"Hindi maari maging dalawa ang ating Class Treasurer kaya I decided that my vote goes to Andres, Why at bakit? Coz we all know na hindi madali sa isang introvert person na harapin ang kanyang tinakatakutan, which is harapin kayo dito sa harap and Yes, I when I was teenager ay I experienced the feeling of being different on my other classmates, kaya ramdam na ramdam ko ang bawat salita na binibigkas ni Andres satin kaya please respect my decision class and this time ay meron na tayong New Class Treasurer which is Andres Bautista."
"Maraming salamat po, miss." (sabi ni Andoy kay Miss Jeni.)
"You deserve on that position, Andres, kaya keep it up." (sabi ni Miss Jeni kay Andoy.)
Umupo na si Andres sa kanyang umpuan ng may halong ngiti at saya sa kanyang mga mata. Hindi ako nag atubiling na lapitan si Andres para batukan ang kanyang ulo.
"Aray!!! Elana, ano ba yun." (sabi sakin ni Andoy.)
"Aray-aray ka dyan!!! bakit hindi mo sinabi sakin na gusto mo maging "Class Treasurer" ha!! Gago ka talaga, Andoy!! Hahahaha." (sabi ko kay Andoy habang ninayakap ko si Andoy at binabatukan at hinihimas ang kanyang ulo.)
Habang nagkukulitan kami ni Andres at bigla meron ako narinig saking mga kaklase na....
"I nominate Elana Magpantay as Peace Officer" (Classmate2)
Anooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!
[P.O.V] John Mckyle Getuaban (Mckoy)
At pagkatapos ng Class Election.
Pumunta ako sa isang lugar sa paaralan na walang tao para basagin at sirain ang aking Cellphone.
[P.O.V] Elana Magpantay
Pagkatapos ng aming klase sa araw na ito.
"Andres, bakit ganyan ang mukha ni Elana, bakit ang tamlay niya?" (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
"Yan? Hindi niya kasi gusto maging Peace officer kasi meron siya masamang karanasan sa pagiging Peace officer noong nakaraan taon." (sabi ni Andoy kay Mckoy habang umiinom ng Ice tea.)
"Haha, hindi ka parin nagbabago! mahilig ka parin ng matatamis ng inumin." (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
"Hmmm? Ako...? Paano mo ba nalaman na mahilig ako sa matatamis na inumin?" (sabi ni Andoy kay Mckoy.)
"Hmmmm... wala lang, nasabi ko lang." (sabi ni Mckoy kay Andoy habang nataranta.)
Hmmmm.... Habang hindi ako masaya sa nangyari sakin ngayon at habang nakikinig ako sa pag-uusap ni Andoy at Mckoy ay parang meron ako naamoy na hindi maganda dito (suspicious) kay Mckoy.
"Maiba ako.... gusto niyo ba mag celebrate sa pagiging Peace officer mo Elana at sa pagiging Class Treasurer ni Andres, Game? Punta tayo ng Mall." (sabi samin ni Mckoy.)
"Kami lang?Hmmmm.... Diba Class officer ka rin Mckoy!!, Sana all Prince Charming ng Classroom BE-5019." (sabi ko kay Mckoy.)
(Note: Classroom BE-5019 ang ngalan at Classroom number na kanilang pinapasukan.)
"Hahaha kasali ba ako? hahaha sorry nakalimutan ako na Class officer rin pala ako." (sabi samin ni Mckoy habang kinakamot ang kanyang ulo.)
"Pupunta rin ako ng Mall para mag grocery para kay neko kaya okay lang sakin." (sabi ni Andoy samin.)
"Neko?" (sabi ni Mckoy kay Andoy.)
"Yan ang pangalan ng pusa ni Andoy." (sabi ko kay Mckoy.)
(Note: Neko means cat in Japanese.)
"Ahhh okay... Elana okay ba sayo na mag magdiriwang tayo at pumunta ng Mall?" (sabi sakin ni Mckoy.)
"Oo! papaya ako kapag libre mo!" (sabi ko kay Mckoy habang nakangiti na parang humihingi ng awa kay Mckoy.)
"Okay, sure hehe." (sabi sakin ni Mckoy.)
At biglang dumating si Ivan sa gitna ng aming pag-uusap at sinabing "Contrats! Elana. Napaalaman ko na Peace officer ka naman ngayon this school year hahahah."
"At bakit alam mo? Binabantayan mo ba ako my Future Husband? Kainis ka naman, ang sabi ko sayo ay loyal ako at mahal kita ayiieee." (sabi ko kay Ivan ng pabiro.)
"Sino ba yan, Andres?" (tanongi ni Mckoy kay Andoy.)
"Ahhh... Si Ivan yan yung sinasabi ko sayo nong nakaraang araw na gusto ni Elana." (sabi ni Andoy kay Mckoy habang umiinom ng Ice tea.)
Biglang lumapit si Mckoy kay Ivan at sinabing "Bro... gusto mo ba sumama samin para mag celebrate sa pagiging Peace officer ni Elana at tska sa pagiging Class Treasurer ni Andres?"
Biglang nagulat sa tuwa si Ivan sa sinabi ni Mckoy tungol kay Andres.
"Class Treasurer!!!! ikaw, Andres? Hahaha hindi mo naman sinabi sakin." (sabi ni Ivan kay Andres habang ninayakap-yakap at nagkukulitan.)
Lumapit si Ivan kay Mckoy at sinabing "Ako nga pala si Ivan Alvares, kababata ni Elana at Andres , ikaw?"
"Ako nga pala si Caiiii ay este John Mckyle Getuaban at isa ako Exchange student galing Beijing china." (sabi ni Mckoy kay Ivan.)
"Beijing china? Meron rin kami company dun at tsaka nice too meet you kaya sasama ako para mapagdiwang niyo ang pagkapanalo ni Andres at Elana." (sabi ni Ivan kay Mckoy.)
"Sasama ka talaga samin?" (tanong ko kay Ivan.)
"Baliw ka ba? Gusto ko rin magdiwang sa pagiging Class Treasurer ni Andres, kaya huwag mong isipin na sumama ako para sayo! gago!" (sabi sakin ni Ivan.)
Isang oras ang nakalipas... nandito na kami sa Mall kasama sina Mckoy, Andoy at my future husband este Ivan para mag celebrate at kumain.
Habang naglalakad at humahanap ng makakain si Mckoy at Ivan ay naiwan kami dalawa ni Andoy kaya kinausap ko siya tungkol sa nangyari kanina sa paaralan.
"Andoy, bakit gusto mo talaga maging Class Treasurer?" (sabi ko kay Andoy habang ninayakap ko ang bag ng aking future husband na si Ivan.)
"Hmmm.. Gusto ko lang maging Class Officer para mawala ang aking mahiyain na personalidad at gusto ko talaga makatulong at makaroon ng silbi kahit minsan kaya I nominate myself as Classroom Treasurer at nung tinanung mo sakin kanina tungkol sa aking sinisekrito sayo ay tungkol ito sa amin ni Doc Yole." (sabi sakin ni Andoy.)
"Doc Yole? Wait, Teka lang, Sino nanaman yun?" (tanong ko kay Andoy.)
"Si Doc Yole ay isang doctor sa ating paaralan at dahil sa kanyang kabaitan na kanyang pinapakita sakin nung naaksidente ako sa unang araw ng pasukan ay napagdesisyonan ko humingi ng tulong sa kanya tungkol saking speech defect na hindi mo nalalaman kasi kapag nalaman mo ang aking ginagawa at plinaplano ay alam ko na tutulungan mo ako makipag-usap kay Doc Yole! bagamat kailangan ko maging matapang na hindi humingi ng tulong sayo Elana pero huwag kang mag-isip ng masama dahil ay hindi ko sinabi sayo agad. Gusto ko maging matapang at harapin ang aking tinakatakutan ng ako lang, Elana! kaya sana maintindihan mo ang aking ginawa." (sabi sakin ni Andoy.)
Palagi ako nandyan para kay Andoy. Palagi ako nandito para tulungan at protektahan siya kahit ano mang mangyari, kaya masaya ako sa desisyon ni Andoy na harapin ang kanyang tinakatakutan ng hindi humihingin ng tulong sa ibang tao at kahit sakin.
Kaya yumakap ko kay Andoy at sinabing "Walang mali sa ginawa mo Andoy kaya hindi mo dapat humingi ng patawad sakin kaya ito ang palagi mong tatandaan. Palagi ako nandito para suportahan ka sa lahat ng desisyon mo sa buhay, palagi lang ako nandito para sayo kahit ano mangyari."
Nakalipas ng limang minuto....
Nakahanap na ng restaurant si Mckoy at Ivan.
"Malayo pa ba! Mckoy?" (tanong ko kay Mckoy.)
"Malapit na tayo kaya huwag ka mag-alala." (sabi sakin ni Mckoy ng nakangiti.)
Nakalipas ng dalawang minuto paglalakad ay nakarating na kami sa lugar kung saan kami kakain.
Lumapit samin ang waiter para kunin at mahingi ang aming iniorder pero bigla ito nagsalita ng ibang wika kaya itinuro ko nalang ang litrato ng pagkain na gusto ko kainin para maka-order ako.
"This and this and also this one." (sabi ko sa waiter.)
Tawang-tawa silang lahat sa ginawa ko.
"Andoy! Ikaw ba, ano gusto mo dito?" (sabi ni Mckoy habang pinapakita niya kay Andoy ang menu ng restaurant na aming kinakainan.)
"Ahhhh... kahit ano kaya pwede bang ikaw na mag oorder para sakin?" (sabi ni Andoy habang nautal-utal magsalita.)
"Okay sure, try mo ito! Andres, Masarap ito promise." (sabi ni Mckoy kay Andoy habang nakangiti at itinuturo ang litrato ng pagkain sa menu.)
"Okay sige." (sabi ni Andoy kay Mckoy.)
Habang hinihintay namin ang aming iniorder na pagkain ay nag-uusap-usap kami lahat tungkol sa nangyaring Class Election kanina.
"Talaga, Andoy!!! Ikaw ang nag-nominate sa iyong sarili hahahaha." (sabi ni Ivan kay Andoy.)
"Oo hehehe." (sabi ni Andoy kay Ivan habang hinihimas niya ang kanyang ulo na parang nahihiya.)
"Pero ikaw Mckyle, bakit mo naisipan na dito ka mag-aaral sa Pilipinas?" (sabi ni Ivan kay Mckoy.)
"Ahhh... hinahanap ko kasi ang aking Ina dito sa pinas kaya gusto dito mag-aral bagamat hanggang apat na buwan lang ako pwede dito sa pinas kasi Exchange student kasi ako." (sabi ni Mckoy kay Ivan habang nakatingin kay Andoy.)
"Pero ngayon? Meron ka na bang balita o impormasyon tungkol sa iyong Ina?" (tanong ni Ivan kay Mckoy.)
"Sa ngayon ay wala pa ako kahit isang impormasyon tungkol saking Ina." (sabi ni Mckoy kay Ivan.)
"Huwag kang mag-aalala kasi tutulungan ka namin para mahanap mo kaagad ang Nanay mo Mckoy. Diba guys?" (sabi ko kay Mckoy.)
"Oo." (sabi ni Andoy.)
"Oo naman, tutulungan ka namin Mckyle kaya huwag kang mag-alala." (sabi ni Ivan kay Mckoy.)
"Salamat talaga pero sa tutuusin meron pa ako isang dahilan kaya ako bumalik dito sa Pilipinas. Bumalik ako dito ng dahil sa isang tao na pinangakuan ko na babalik ako para sa kanya." (sabi ni Mckoy habang nakangiti at nakatingin kay Andoy.)
"Sino? Girlfriend mo? Ayieeee!!!" (sabi ko kay Mckoy na parang nanunukso.)
"Hahaha, hindi at wala ako Girlfriend ngayon." (sabi samin ni Ivan.)
"Pero sino ba ang binalikan mo dito sa Pilipinas, Mckoy?" (sabi ko kay Mckoy.)
"Si....." (sabi ni Mckoy)
Bigla dumating ang waiter sa gitna ng aming pag-uusap para ihatid at ibigay samin ang aming pagkain na inorder.
"Mamaya na tayo mag-usap usap guys, kain muna tayo." (sabi samin ni Mckoy.)
Habang kumakain kaming apat. Bigla nataranta si Andoy, namula-mula at namumutla ang buong mukha at bigla siya bumagsak sa kanyang kinakainan kung saan siya nakaupo.
Kaya bigla tumayo si Mckoy para tulungan at alayan si Andoy.
"Andres!!! Okay ka lang ba?" (sabi ni Mckoy habang nataranta at nag-alala.)
"Andoy!!! Sabihin mo samin kung ano nangyari sayo!!!" (sabi ko kay Andoy habang nataranta.)
Bigla nahimatay si Andoy at hindi na niya na sabi samin ang dahilan kung bakit siya namumutla kaya inuutusan ko si Ivan para tumawag ng Ambulansya.
"Ano na Ivan!!! meron na bang Ambulansya!!!?" (tanong ko kay Ivan habang nataranta.)
"Teka lang!!! walang sumasagot eh, try ko tawagan ang aming Private doctor." (sabi ni Ivan sakin.)
At habang nahimatay si Andoy at pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob at labas ng restaurant ay bigla ako napatingin sa kinakainan ni Andoy at naisipan ko tikman.
At bigla ako nagulat sakin nalasahan.
"Guys, maanghang ang nakain ni Andoy kaya nahimatay siya!!! Bawal si Andoy ng mga maanghang na pagkain."
"Sorry, guys! parang kasalanan ko ito kasi ako ang nag-order sa pagkain ni Andres." (sabi samin ni Mckoy.)
"Hindi mo ito kasalanan, Mckoy! at hindi mo naman alam na bawal kumain si Andoy ng mga ano mang-uri na maanghang na pagkain kaya huwag mong sisihin ang iyong sarili." (sabi ko kay Mckoy.)
Pero kitang-kita ko sa mga mata ni Mckoy ang pag-alala sa kalagayan ni Andoy.
Kaya napagdesisyonan ni Mckoy na buhatin na si Andoy para dalhin at itakbo sa Hospital.
kaya inayus namin ang aming mga gamit para maka-alis na kami pero bago kami naka-alis ay bigla kami hinarang ng manager ng restaurant para silingin ang aming pinagkakainan at sumingaw sa galit si Mckoy at nagsalita ng French word at sinabing "Ne bloque pas mon chemin sinon je te tuerai de mes propres mains."
(Translate in english: Don't block my way or else! I'll kill you with my own hands.)
Kaya biglang umalis ang manager ng restaurant sa harap ng pintuan ng dahil sa takot kaya naki-usap ako kay Ivan na siya muna na ang magbayad sa aming pinagkakain dito sa restaurant.
At pagkatapos mag bayad si Ivan gamit ng kanyang Centurion Black Card. Agad-agad na kami umalis at tumakbo papaalis ng restaurant pero napatigil kami sa aming pagtakbo, nung merong kami narinig na mga putok ng baril at nagbabasagan mga salamin ng iba't ibang tindahan sa Mall kaya nagtatakbuhan ang mga tao ng dahil sa takot.
(Note: The American Express Centurion Card, known informally as the Amex Black Card, is an invitation-only charge card issued by American Express. An invitation is extended to Platinum Card holders after they meet certain criteria.)
"Ano ba yun!?" (tanong ni Ivan.)
"Wala na tayong oras para alamin pa natin yan, My future husband! kaya bilisan na natin." (sabi ko kay Ivan.)
Kaya nagpatuloy kami sa aming pagtakbo papalabas ng mall.
"Elana!! Nag text na sakin ang aming private doctor! Nandun na siya sa labas ng Mall kasama ang isang truck ng Ambulansya." (sabi sakin ni Ivan.)
"Good, kaya bilisan pa natin ang ating pagtakbo." (sabi ko kay Ivan.)
Pero habang tumatakbo at buhat-buhat ni Mckoy si Andoy ay bigla siya napahinto sa nagulat sa kanyang nakita sa kanyang harapan kasi meron isang grupo ng mga kalalakihan na nakasout na maitim na tuxedo, parang silang Men and Black ang datingan kaya napatingil rin kami ni Ivan sa aming pagtakbo papalabas ng Mall.
"我們在這裡接您並返回中國, 少爺" (sabi ng isa sa mga men and black.)
(Translate in English: We are here to pick you up and return to China, Young Master!)
Habang buhat na buhat ni Mckoy si Andoy ay tumakbo si Mckoy pabalik kung saan kami ng galing kanina at sinabing "Balik tayo sa ating dinaanan guys! bilis!!!"
"Sino ba yun, Mckoy?!!!" (tanong ko kay Mckoy habang tumatakbo.)
"Mamaya na ako magpapaliwanag sayo, Elana! kaya bilisan natin ang pagtakbo!!!" (sabi sakin ni Mckoy habang humihingal at tumatakbo at habang buhat-buhat si Andoy.)
Pero kahit tumakbo kami pabalik at papalayo sa kanila ay naharangan parin kami at napapalibutan kami ng mga grupo ng mga kalalakihan na nakasout ng maitim ng tuxedo.
Kaya gumawa ng paraan si Ivan para mapaalis at maka-alis kami pero tinutukan kami ng baril ng mga grupo ng mga kalalakihan kaya wala kami magagawa.
Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay meron dumating ibang grupo ng mga kalalakihan na lumaban para samin pero hindi ko talaga alam kung ano talaga ang nangyayari samin ngayon.
Habang naglalabanan ang iba't ibang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng maitim na tuxedo ay meron lumapit kay Mckoy at sinabing "Kamusta ka dyan? Shaoye!"
(Note: Shaoye means young master in Chinese.)
"Yan hao!!!, ikaw ba yan? Masaya ako nakita kita ngayon!!." (sabi ni Mckoy habang nakangiti.)
"Huwag ka muna magdiwang sa ating muling pagkikita! Kailangan natin makalabas dito sa Mall ng buhay." (sabi ng misteryosong lalaki na kinakausap ni Mckoy.)
"Pero Paano!!!?" (tanong ni Mckoy sa Misteryosong lalaki.)
"Kailangan natin pumunta at maka-akyat sa helipad ng mall na ito para maka-alis at para makalabas tayo." (sabi ng Misteryosong lalaki na kinakausap ni Mckoy.)
Note: Helipad is a landing and takeoff area for helicopters.
"Pero kailangan pa namin dalhin itong kaibigan ko sa Hospital!!!" (sabi ni Mckoy sa Misteryosong lalaki.)
"Huwag kang mag-alala! Meron tayong private nurse sa Helicopter." (sabi ng Misteryosong lalaki kay Mckoy.)
Hindi ko talaga naintindihan ang nangyayari dito ngayon kaya tinanong ko si Mckoy tungkol dito.
"Teka!!! Helicopter?? At sino ba ito, Mckoy?!! Please sagutin niyo ako kasi nalilito na talaga ako." (sabi ko kay Mckoy habang nataranta.)
"Mamaya ko na I explain sayo Elana at Huwag kang mag-alala kasi itong kinakausap ko ngayon ay hindi siya masamang tao at pangako ko sayo Elana na makakaalis tayo dito ng ligtas kaya magtiwala ka lang sakin." (sabi sakin ni Mckoy.)
Kaya nagsimula na kami tumakbopapunta ng Rooftop para pumunta sa Helipad ng mall pero sa hindi inaasahan ay nadapa ako at nagalusan ang aking tuhod pero bigla nakita ako ni Ivan kaya binuhat niya ako at tumakbo at sinabing "Kagaya ng dati ay lampa ka parin kaya mag-ingat ka."
"Huwag ka nga pa fall kasi hindi ito ang oras para kiligin ako sayo!! kKaya bilisan mo ang pagtakbo." (sabi ko Ivan habang pasan-pasan niya ako.)
At sa sampung minuto pagtakbo at pag-akyat papunta ng Helipad ng Mall ay nakarating na kami sa Rooftop ng Mall.
Malakas ang hangin, ang aming nadadnan sa rooftop ng dahil sa helicopter.
"Teka, Ivan!!! Sasakyan ba talaga natin yang helicopter?" (tanong ko kay Ivan.)
"Gusto mo ba maiwan dito na pinagbabaril ang ulo mo ng mga grupo ng mga kalalakihan na nakita natin kanina at kapag hindi mo gustong mabaril at masawi dito ay wala na tayong oras para mag inarte!" (sabi sakin ni Ivan.)
"Pero!!! hindi ko pa naranasan na sumakay ng helicopter eh kaya kinakabahan ako at tsaka wala ako tiwala dyan sa kasama ni Mckoy." (sabi ko kay Ivan.)
"Hindi mo ba narinig at naintindihan ang sinabi ni Mckoy sayo!!! Magtiwala lang tayo sa kanya Bagamat kapag meron man hindi magandang mangyari sa ating pagsama kay Mckoy ay huwag kang mag-alala at matakot kasi nandito ako para ipagtangol ko kayo ni Andres! kaya Huwag kang mag-alala." (sabi sakin ni Ivan habang nakatingin saking mga mata habang binubuhat niya ako.)
To be continued.... To chapter 8: (Larawan ng nakaraan)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top