VI

­I can see your voice (Arc 1)

Chapter 6:

Ang buhay ko bilang pangunahing tauhan

Note: Every Chapter of this story have cover page.


Note: This Chapter is the final chapter for ICSYV ARC 1


[P.O.V] John Mckyle Getuaban (Mckoy)

"Elana nasaan na ba si Andres? Bakit wala pa siya dito sa Classroom?" (tanong ko kay Elana.)


"Ewan ko sa kanya.... Kainis!!!" (sabi sakin ni Elana habang nagdadabog ng dahil kay Andres.)


"Hahaha huwaag ka na mainis dyan, Elana, kasi as I promise may ibibigay ako sayo pasalubong galing China kaya tignan mo ito." (sabi ko kay Elana habang nakangiti.)


"Talaga!!! Hehehe... sakin talaga ito? Sure na sure? Wala na bawian okay hehehe." (sabi sakin ni Elana na may halong saya at ngiti.)


"Sayo na sayo talaga yan at tsaka Elana, pwede bang mag tanong? (sabi ko kay Elana.)


"Okay, ano ba yun?" (tanong sakin ni Elana habang kinakain na niya ang pagkain na binigay ko sa kanya galing china.)



[P.O.V] Andres Bautista (Andoy)

Sa isang mainit na tag-araw. Ang itlog ng inang pato ay nagsimulang mabasag. Kay tagal na niyang inantay ang panahon na lumabas ang kanyang mga anak. At hindi rin nagtagal ay lumabas ang mga ulo ng maliliit na pato mula sa siyel nang isa-isa. "Cheep cheep!" pag iyak ng mga ito. Ang inang pato (mother duck)  ay napuno ng pagkagalak nang makita niya ang kanyang mga anak. Ngunit may iisang patong kakaiba. Ang maliit na pato na ito ay napaka masayahin at palaging gustong sumali sa mga laro na nilalaro ng kanyang mga kapatid at ng ibang mga maliliit na pato. Ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nilang makipag laro sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit walang may gusto sa kanya. Madalas niyang tanungin sa kanyang sarili at kanyang Ina kung bakit walang may gustong makipag laro sa kanya, ngunit ang sinabi ng kanyang ina ay siya ay espesyal.


Kagaya ng batang pato sa kwento pinamagatang "Ugly duckling". Noong bata palang ako, meron isang tao nag sabi sakin na ako ay espesyal at bukod tangi sa lahat. Kagaya ng pangunahing tauhan sa kwento pinamagatang Ugly duckling ay lumaki ako kakaiba at palaging tinutukso ng ibang tao ng dahil sa aking kondisyon.


Ngayon. Papunta na ako sa clinic ng paaralan para isuli kay Doc Yole ang kanyang libro na pinahirap niya sakin bagamat heto ako ngayon! May halong kaba ako nararamdaman sa bawat paghakbang ng aking mga paa patungong clinic kasi hindi ko talaga alam kung ano at bakit pinababasa sakin ni Doc Yole ang libro na hawak hawak ko ngayon na pinamagatang Ugly duckling o ang pangit na Pato.


Pagkarating ko agad sa labas ng pinto ng clinic ay pumasok na ako agad na meron takot at kaba na namumuo dito saking dibdib.


Masaya at nakangiti si Doc Yole na aking nadatnan dito sa loob ng clinic at bigla siya nagsalita at sinabing... "Magandang araw sayo, Andres!"


"Maganda araw rin,Doc Yole." (sabi ko kay Doc Yole habang nauutal-utal.)


"Tapos ka na ba sa pinapagawa ko sayo, Andres?" (tanong sakin ni Doc Yole.)


"Opo, Doc at tsaka, heto na po ang libro na pinahihirap mo sakin at pinababasa. Maraming salamat po talaga, Doc Yole." (sabi ko kay Doc Yole habang nauutal-utal magsalita.)


"Umupo ka muna dito, Andres, kasi meron tayo test." (sabi sakin ni Doc Yole ng nakangiti.)


"Test po? Tungkol saan po?" (tanong ko kay Doc Yole habang kinakamot ko ang aking ulo.)


"Of course, tungkol sa libro na pinahiram at pinababasa ko sayo at Huwag ka masayadong kabahan kasi I'm just want to know and hear your opinion at walang mali sa opinion and always remember that Andres." (sabi sakin ni Doc Yole.)


"Okay po, Doc Yole." (sabi ko kay Doc Yole.)


"Okay good and since nabasa mo na ang kwento ng Ugly duckling or sa tagalog ay ang pangit na pato. Ano na tutunan mo sa kwento, andres? Or ano ang moral lesson na tumatak sa iyong puso at isipan sa kwentong Ugly duckling?" (tanong sakin ni Doc yole.)


Ano ang aking natutunan? Hindi ako nag expect na ito ang gagawin ni Doc yole sakin, I mean binasa ko naman ang buong kwento pero hindi ako ready kaya inisip ko talaga ang daloy ng kwentong pinababasa sakin ni Doc Yole para Makasagot ako ng maayos.


"Ahhh.. Doc! Ang moral lesson o ang aking natutunan sa kwentong pinamagatang Ugly duckling ay hindi ibig sabihin na kakaiba ang ating wangis o itsura sa ibang tao na na sa ating paligid ay masamang na tayo bilang tao, I mean, ang ibig ko sabihin ay wala tayo karapatan at ang ibang tao na husgahan ang isang bagay na hindi natin alam ang totoo buong katutuhanan, kagaya ng maliit na pato, lumaki ako na hinuhusgahan ng ibang tao ng dahil saking kondisyon pero kahit ganito ako, hindi ibig sabihin ay masama na ako tao! malungkot mang-isip pero sa ngayon. Marami tao na hinuhusgan nila ang ibang tao base sa physical na wangis o itsura na kanilang nakikita." (sabi ko kay Doc Yole habang nauutal utal magsalita.)


"Very good, Andres! hindi ako akalain na maiisasagot mo ito ng mabuti at masuhay." (sabi sakin ni Doc Yole na may halo ngiti at saya.)


"Talaga po, miss? salamat po." (sabi ko kay Doc Yole habang kinakamot ang aking ulo.)


"Because na impress at napahanga ako sa sagot mo sakin, Andres, meron ako last question para sayo Andres." (sabi sakin ni Doc Yole.)


"Ano po ba yun, Doc?" (sabi ko kay Doc Yole sa kanyang tanong.)


"Para sayo kung ikaw ang Pangunahing tauhan sa Kwentong Ugly Duckling ay ano ang iyong gagawin?" (tanong sakin ni Doc Yole.)


Bigla ako napa-isip at natahimik sa tanong sakin ni Doc Yole.


"Para sakin ay kapag ang buhay ko ay buhay ng maliit na pato sa kwento ng Ugly duckling ay gagawa ako ng paraan para hindi ako laitin at husgahan ng ibang pato kasi sa kwento na aking nabasa ay kahit mga kapatid ng maliit na pato ay hindi siya pinapansin at hindi nila pinasasali sa kanilang laro ang kanilang kapatid dahil kakaiba ang kanyang wangis at itsura pero kung iisipin natin, lahat tayo ay pantay-pantay. Walang perpekto at walang kulang satin! Ang lahat na binigay ng may-kapal satin ay nag babase sa ano ang ating kailangan para mabuhay! Hindi tayo bibigyan ng diyos ng isang pag-subok na hindi natin kakayanin at wala naman kasalanan o ginawa ang maliit na pato para husgahan nila at sabi ng kanyang ina na siya ay espesyal sa ibang mga pato at kagaya rin sa sinabi ng Inang pato. noong bata palang ako ay meron ako isang tao nag sabi sakin na ako ay kakaiba at bukod tangi sa lahat pero hindi ibig sabihin na kakaiba at meron akong kondisyon ay masama na ako tao! Hindi dapat binabase sa physical na itsura kung ano talaga tayo." (sabi ko kay Doc Yole.)


Bigla napangiti si Doc Yole sa kanyang narinig galing saking bibig at sinabing "Well said, Andres."


"Salamat po, Doc." (sabi ko kay Doc Yole.)


"Andres makinig ka saking sasabihin. Kahit meron kang kondisyon na tinatawag na Speech Stuttering o childhood-onset fluency disorder ay nakikita at pinakita mo sakin dito saking harapan na ginamit mo ang iyong boses na galing sa iyong puso at iyong tunay nakaranasan. Kahit hindi ko alam ang tunay mo nararamdaman o ano ang puno't dulo kung bakit ka meron kang Speech Stuttering. Ang palagi mo lang tatandaan ay I'm always here for you para supportahan, bigyan ng advice at makinig sayo pero ngayon ay ang masasabi ko lang sayo, Andres! ay alam ko, na alam mo, na ikaw lang ang maaaring makakatulong sa iyong sarili at sa kwento na iyong nabasa ay meron rin mali ang maliit na pato." (sabi sakin ni Doc yole.)


"Ano ang ibig mo sabihin ,Doc? Ano po ba ang pagkakamali na ginawa ng maliit na pato sa kwento?" (tanong ko kay Doc Yole.)


"Ang pagkakamali na ginawa ang maliit na pato sa kwentong pinamagatang Ugly duckling ay mas nakinig at binibigyan pa niya ng pansin ang sinasabi ng ibang pato tungkol sa kanyang sarili at tayo bilang tao. Gusto mo ba na baguhin ang iyong sarili ng dahil sa ibang tao? gusto mo baguhin ang iyong sarili para makibagay sa ibang tao? Always remember this, Andres! don't trade your authenticity for approval. Huwag mo ipagpalit ang iyo pagiging tunay para matangap ka ng ibang tao! Kapag gusto mo baguhin at iyong sarili, Huwag mo itong gawin para sa ibang tao! gawin mo ito para sa iyong sarili kasi tayo lamang ang nakaka-alam kung ano ang makakabuti para sating mga sarili­." (sagot sakin ni Doc Yole.)


Tihimik ako nakikinig kay Doc Yole, pero aamin ko sa aking sarili na ang pinaka-una rason ko kung bakit gusto ko mawala ang aking pagka utal-utal at aking pagkamahiyain ay para sa ibang tao para hindi na nila ako tuksuhin at layuan bagamat sa aking pakikinig sa bawat salita na binibigkas ni Doc Yole ay napaisip ako... na ako lang talaga ang makakatulong sakin sarili at hindi ko kailangan magbago ng dahil sa ibang tao.


"At Andres, kung gusto mo talaga mawala ang iyong Speech Stuttering o pag utal-utal mo habang nagsasalita ay kailangan mo maging matapang at harapin ang iyong kinakatakutan! Hindi ka dapat mahiya sa ibang tao kasi alam mo sa iyong sarili na wala ka naman ginawang mali o kasalanan at huwag mong masayadong isipin ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo kasi alam mo sa iyong sarili kung ano ang makakabuti para sayong sarili kaya huwag kang mahiya ipakita sa buong mundo ang tunay na Andres Bautista, huwag kang mahiya kung ano ang talentong meron ka....Pero.. Andres, always remember that we all have different perspective way of thinking kasi meron tayo iba't ibang pananaw sa buhay at para sakin ay itong mga sinasabi ko sayo ngayon ay makakabuti para sayo but as i say. We all have different perspective in life at na sa sayo lang rin kung susundin mo ang sinasabi at pinapayo ko sayo at but don't worry, Andres.. kasi kung ano man yang disisyon mo ay I respect all your decision and support you no matter what." (sabi sakin ni Doc Yole.)


Sa tatlungpung minuto, pag-uusap namin ni Doc Yole, meron ako naramdaman saking dibdib na kung ano. Parang nabawasan ng tinik ang aking buong katawan ko at masarap sa pakiramdam na meron nakakaintindi at meron tumutulog sakin pero ang sabi sakin ni Doc yole ay ako lang ang makakatulog saking sarili at si Doc yole ang magsisilbing gabay ko para abutin ang aking minimithing pagbabago. Gusto ko magbago para saking sarili at hindi sa ibang tao!



  [P.O.V] John Mckyle Getuaban (Mckoy)

"Pwede ko ba mahingi ang cellphone number ni,  Andres?" (sabi ko kay Elana habang kinakamot ko ang aking ulo ng dahil sa nahihiya ako.)


  "Yun lang?" (sabi sakin ni Elana.) 


"Oo hahaha." (sabi ko kay Elana.)


  "Sige, Ibigay mo sakin ang Cellphone mo para ma phone book ko ang cellphone number ni Andoy." (sabi sakin ni Elana.)


  "Teka lang... Ito na ang Cellphone ko,  Elana!" (sabi ko kay Elana.)


 Habang tina type ni Elana ang Cellphone number ni Andres ay meron napansin si Elana sa aking Cellphone na nakasaksak sa earphone jack ko at bigla niya ito tinangal. 


"Ano ba ito, Mckoy?" (sabi sakin ni Elana habang kumakain.) 


 At bigla ako nagulat sa ginawa ni Elana kaya bigla ko kinuha ang aking Cellphone.


Hahahaha!!! (tumawa ako na parang napipilitan) pero sa mga oras na ito at sa ginawa ni Elana ay lalong nanganganib na ang aking buhay dito sa pilipinas.


Sige, Elana! salamat at babalik na ako saking inuupuan at tska pwede mo ba ito ibigay kay Andres, sabihin mo na saking galing okay!" (sabi ko kay Elana na parang nataranta pero kailangan ko maging maayos na parang wala nangyari.)


"Okay." (sabi ni Elana sakin.)



[P.O.V] Elana Magpantay

Ano ba yun, parang bigla yata naging masama ang pakiramdam ni Mckoy nungn kinakausap ko siya kani-kanina lang pero ngayon ang pinaka importanting tanong!! nasaan na ba si Andoy? bakit ang tagal niya nakarating dito sa paaralan kaya tinext ko siya at tinanong kung saan na siya kasi bawal kami ma late ngayon kasi ngayon ang araw kung saan mamimili na kami ng Classroom Officers.


Sampung minuto ang nakalipas. Sa wakas! dumating na si Andoy sa classroom at tamang tama ay dumating na rin si Miss Jeni.


"Andoy! Bakit ang tagal mong dumating dito sa paaralan!?" (tanong ko kay Andoy.)


  "May dinaanan lang ako at natagalan ako kaya late ako nakapunta dito." (sabi sakin ni Andoy habang nautal-utal.


"Hmmmm...Talaga ba! at parang meron yata kang hindi sinasabi sakin, Andoy!!" (sabi ko kay Andoy habang nakatingin sa kanya na parang may ginawa siya kasalanan.)


"Wag kang mag-alala kasi sasabihin ko sayo pagkatapos ng ating klase okay." (sabi sakin ni Andoy habang nautal-utal.)


"Talagang dapat mo sabihin sakin Andoy kasi kung hindi mo sasabihin sakin ang iyong sinisikreto at baka gagawa ako ng paraan para mapilitan ka magsalita, Alam mo naman na gagawa talaga ko ng paraan Andoy." (sabi ko kay Andoy na parang nagbabanta.)


"Wag ka kasi mag alala kasi sasabihin ko sayo pagkatapos ng ating klase, pangako." (sabi sakin ni Andoy ng nakangiti.)


"At tsaka, Andoy ....heto ang pasalubong mo galing china na bigay sayo ni Mckoy." (sabi ko kay Andoy.)


  "Para sakin?" (sabi sakin ni Andoy habang nautal-utal magsalita.)


"Oh para sayo yan at tsaka mamaya mo nalang yan buksan Andoy para hindi tayo masita at pagalitan ni Miss Jeni." (sabi ko kay Andoy.)


Pagkalipas ng limang minuto paghihintay.....


Okay Class! Since its been a week na magkasama tayo dito sa paaralan kaya ang araw na ito ang ating hinihintay because today ay mag Eelect na tayo ng mga Class Officers! and because of m excitement!!!! Guys, just look at my outfit today!!! I'm wearing cheer leader outfit with cat ear hahaha..


My Classmates conversation nung nakita nila ang outfit ni Miss Jeni:


Classmate 1: Tignan niyo guys! a Ang weird talaga ng ating teacher at sa mga oras na ito ay gusto ko na lumipat ng ibang section.


Classmate 2: Cheer leader oufit ba yan miss? parang ka kasi Sailor moon! hahaha.


naalala ko pa nung nakaraang taon ay ng dahil sa aking matapang na personalidad ay na elect ako saking mga kaklase bilang Peace office pero bilang peace office ay  layunin ko panatiliing mapayapa at matiyasa aming Classroom bagamat ang aking ginawa ay ako pa mismo ang gumagawa ng kaguluhan sa loob ng aming classroom hahaha!!!  kaya nagdusa ang aking mga kaklase ng isang taon ng dahil sakin hahaha!!! kaya kung sino man mag eelect sakin bilang Peace officer ngayon ay hihintayin at aabangan ko siya sa labas ng paaralan para makita niya ang kanyang hinahanap! Tsk!!!


nakalipas ng tatlopung minuto.....


"Okay class, Sino pa ang gusto niyo maging Class Treasurer. We need one more representative, kasi kung wala kayo I nominate ay wala ako choice kundi ibigay sa kanyang (Classmate) ang position as Class Treasure. 


Parang yata wala gusto maging treasurer hahaha! Hirap kaya mag hawak ng pera na hindi sayo! Bagamat habang tumatuwa ako saking naiisip ay bigla ako napatingin kay Andoy kasi parang gusto niya magsalita at tumayo.


  Teka!!!! Huwag mong sabihin gusto mo maging...... 


"Ah..... ako po, miss! I want to nominate myself as Class Treasurer!" (sabi ni Andoy kay Miss Jeni habang nautal-utal magsasalita.)


Bigla ako napatigil saking pagkagat-kagat ng dulo ng aking ballpen at bigla tumahimik ang buong klase nung narinig at tumayo si Andoy... 


 "Ano bang binabalak mo, Andoy!!!...."



[Authors Note]

Hello Guys! Ako nga pala ang Author ng ICSYV at this time ay sasabihin ko sa inyo ang buong katotohanan! Ang Chapter na ito ay pinabasi ko sa totoong karanasan ko bilang isang "INTROVERT PERSON" Nung 10th grade ako... I nominate myself as Class Treasurer para meron ako reason para kausapin at makapaghalubilo saking mga kakalase at kagaya rin ni Andres ay meron ako Speech disorder but don't worry Guys kasi this 2020 ay hindi na nag-utal utal ang aking boses pero minsan ay hindi ko maiwasan na mautal ang aking boses ng dahil sa kaba but I hope na magpatuloy kayo sa pagbabasa ng ICSYV and also support my other stories. Thank you and God bless Always mga kaigan!



  To be continued .... to Chapter 7: (Kamusta ka dyan, Shaoye!)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top