V


­I can see your voice (ARC 1)

Chapter 5­:

Si superman, si wonder woman at si batman

Note: Every Chapter of this story have cover page.

Note: Itong chapter(kabatana) na ito ay ang kwento kung saan una nagkakilala at kung paano naging magkaibigan sila Andres Bautista (Andoy) at si Elana Magpantay.


[P.O.V] Elana Magpantay

Noong bata palang ako. Alam ko na saking sarili at ng ibang tao na mahirap lang kami at kahit walang wala kaming pera at mga bagay na pinapangarap namin na hindi namin kaya bilhin. Lumaki ako na matapang at pinaglalaban kung ano ang tama kaya namulat na ako sa katotohanan na sa edad na sampung taong gulang ay gumagawa na ako ng paraan para makatulong kakaunti saking mga magulang kaya kailangan ko maging matapang sa lahat ng bagay kaya wala ako oras sa mga bagay na walang kwenta at hindi makakatulong sakin pero nag bago ang lahat nung nakilala ko si Andres.


September 9, 2012- tandang tanda ko pa ang pag-iyak ng isang batang lalaki habang umuulan ng malakas at sa mga oras na yun. Wala ako kaya gawin kundi yakapin ang batang umiiyak kasi alam ko saking sarili na wala ako magagawa o kakayahan pigilan ang pusong nasasaktan dahil sa isang sitwasyon na hindi natin inaasahan.


3 months ago....


Andres Callao Bautista ang buong niyang pangalan, palaging tahimik at laging nag-iisa naka upo sa ilalim ng malaking puno ng narra dun sa parke at ako si Elana Magpantay isang babaeng matapang na may pinaglalaban bagamat kung titignan natin, kami dalawa ay magkaiba at hindi magkatulad pero habang minamasdan ko Andres. Alam ko saking sarili na sa likod ng kanyang pag-iisa at palaging tahimik, may lungkot sa kanyang puso na hindi madaling maunawaan ng ibang tao pero ewan ko ba! gusto ko siya pasayahin at maging kaibigan kasi alam ko saking sarili kailangan niya ng taong o kaibigang makakausap at kahit hindi ko alam ang kanyang tunay na pinagdadaanan bagamat ramdam na ramdam ko sa kanyang mga mata ang lungkot na hindi ko pa nakita sa buong buhay ko kaya kahit busy ako sa paghahanap ng paraan para makatulong sakin mga magulang. Ginawa ko ang paraan para mapansin ako ni Andres.


July 13, 2012­- habang nagbibisikleta at napadaan sa parke. Nakita ko si Andres, naka upo sa ilalim ng puno ng narra kaya bigla ako napahinto at lumapit sa kanya at sinabing "Kamusta!" sabay ngiti.


Sa mga oras nayun, hindi niya ako pinansin, parang hindi niya ako nakikita sa kanyang harapan in short na dedma ako sa aming unang pag-uusap pero kung titignan ko si Andres, may itsura, cute, at parang mayaman kung titignan kaya naisipan ko na baka hindi niya ako naintindihan o iba wika ang kanyang ginagamit kaya bigla ako nagsalita at sinabing "Ni hao? Bonjour? Hmmm...annyeonghaseyo?" biglang napangiti at tumawa si Andres, wala siya ibang ginawa kundi ningitian ako kaya nagpaalam na ako sa kanya at umalis kasi may pupuntahan pa kasi ako at baka pagalitan nanaman ako ng aking Ama pero sa laking gulat ko!!, biglang may kumuha ng aking bisikleta kaya sumigaw ako at sinabing "Hoy!!! Sakin yan!!!" sa mga oras nayun, bigla ako nataranta at napadapa kasi hindi ko alam ang aking gagawin pero sa hindi inaasahan pagkakataon, biglang napatayo si Andres at tumakbo at hinabul niya ang taong kumuha at nagnakaw ng aking bisikleta kaya sinundan ko siya sa kanyang pagtakbo at sinabing "Wait... teka lang" pero hindi niya ako pinakingan kaya napagdesisyunan ko na habulin ko siya kasi hindi talaga siya nakikinig at hindi niya ako kinakausap pero bago ako napagdesisyun na habulin at sundan si Andres may nakita ako sa kanyang inuupuan sa ilalim ng puno ng narra, isang Ipad Mp3 Player at may kasamang earphone kaya bago ako habulin si Andres ay kinuha ko muna ang kanyang naiwang gamit para ibigay sa kanya mamaya.


Tumakbo ako ng mabilis na parang si FLASH para maabutan at mahabol ko si Andres, pero laking gulat ko na biglang huminto si Andres sa kanyang pagtakbo kasi parang meron siya nakita na kung ano kaya siya ay napatigil sa kanyang pagtakbo kaya bigla ako napahinto at tinignan kung ano ang tinitignan o nakita ni Andres at guess what! May nakahuli sa taong nagnakaw at kumuha saking bisikleta at hindi ito si Andres! kundi ang aking kababata na  si Ivan pero guess what kung paano niya nahuli ang taong nagnakaw at kumuha ng aking bisikleta!


Pinukpok at pinapapalo niya ito ng baseball bat pero ewan ko ba kung saan ako dapat mag-alala, sa nangyari sakin o sa taong nagnakaw at pinukpok ni Ivan gamit ng kanyang baseball bat.


Nung nakita ni Andres na meron nakahuli sa nagnakaw ng aking bisikleta, biglang siya umalis at tumakbo ng papalayo.


"Hoy! Elana, sino ba yun?" (tanong sakin ni Ivan.)


"Bago kong kaibigan.... bakit!? nagseselos ka?" (sabi ko kay Ivan.)


"Gago!!... pero bakit naman ako mag seselos?! (sabi sakin ni Ivan habang namula-mula at parang nahihiya.)


"Aminin muna kasi hahaha, don't worry my future husband, sayong-sayo lang talaga ako." (sabi ko kay Ivan na parang nanunukso.)


"Ewan ko sayo!!!, dyan ka na nga at tsaka mag-ingat ka palagi!" (sabi sakin ni Ivan na parang nahihiya at hindi kaya makatingin saking mga mata.)


"Hmmm... ayieee... ang concern mo yata sakin ng MY FUTURE HUSBAND KO?" (sabi ko ni Ivan na parang nanunukso.)


"Pottasium ka ba?" (sabi sakin ni Ivan.)


"Hmmm.... Ano? Bakit?" (sabi ko kay Ivan.)


"Means POTA ka na nga, ASSUMING ka pa at tska, hindi ko kasi gusto mag-alala ang mama mo at kung sasabihin natin na may masamang nangyari sayo!? Hindi mo ba inisip ang mga magulang mo? dagdag kalang sa mga problema at gastusin nila!! (sabi sakin ni Ivan.)


Habang nag-uusap kami na aking kababata na si Ivan, nalimutan ko ibigay kay Andres ang kanyang Ipad mp3 player na naiwan niya sa ilalim ng malaking puno ng narra kung saan siya umupo dun sa parke kanina kaya kinuha ko ang aking bisikleta at umalis, bukas ko lang to isusuli kay Andres ang naiwan niyang gamit.


Kinabukasan, araw ng linggo, agad-agad ko pumunta sa parke para hanapin si Andres, pero walang Andres ako nakita sa mga araw na yun, baka busy lang kasi linggo ngayon kaya hindi ko masyadong iniisip kaya bumalik na ako saming bahay baka kasi pagalitan ako ng aking tatay.


Day 2- Lunes, hindi ko parin nakita o nasulyapan si Andres dito sa parke at habang dala-dala at bitbit ko ang kanyang Ipad Mp3 Player na naiwan niya noong nakaraang araw, hindi mawagli saking isipan na mag-alala sa kanyang kalagayan.


Day 3- Martes, habang nagbibisikleta ako at napadaan sa parke, hindi ko parin nakikita Andres, ewan ko ba pero palagi na naman siya dito sa parke ng ganitong oras at araw, kaya bumaba ako sa aking bisikleta at naghintay-hintay saglit at umupo sa upuan ng parke baka kasi papunta na dito si Andres kaya nag hintay hintay ako at habang nag hintay-hintay at nag muni-muni, may narinig ako, mga batang nag-uusap tungkol kay Andres at ito ang aking narinig.


"Alam niyo ba guys!? Kilala niyo ba yung batang lalaki na palagi naka upo sa malaking puno nayan?" (bata1)


Ahhhh... yung pipi na parating nakatulala at hindi nagsasalita hahaha, bakit? (bata2)


"Yep guys hahaha, kasi sabi ng nanay ko, Wala siya nanay kasi nag hiwalay ang kanyang mga magulang at nakatira lang siya kasama ng kanyang Ama, kawawang bata hahaha." (bata1)


Nungnarinig ko ang pinag-uusapan nila si Andres, bigla ako lumapit sa kanila at sinabing....


"HOY!!! mga gago, bakit niyo pinag-uusapan ang kaibigan ko!?" (sabi ko sa kanila habang pagalit at sumisigaw nagsasalita.)


"Hahaha look guys, isang tomboy hahaha at paano ka ba naging kaibigan niya? na hindi naman kita nakikita naglalaro kasama yung pipi at hindi makapagsalita." (bata1)


Sa mga oras na yun, pinigilan ko ang aking sarili na makapanakit kahit nagagalit na ako sa inis dahil pinag-uusapan nila si Andres, kaya tinanong ko na lang sila kung saan nakatira si Andres pero hindi nila ako pinansin at pinagtatawanan lang nila ako, sa mga oras nayun, hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili kaya gumawa na ako ng paraan para magsalita silang dalawa, kaya sinuntok ko at ginulpi ko silang dalawa para magsalita, kinalaunan, kinakausap na nila ako ng matino at sinabi nila sakin kung saan nakatira sa Andres kaya nagmadali ako pumunta sa lokasyon na kanilang sinabi sakin kung saan nakatira si Andres pero pagkarating ko ay hindi ko parin nakita o nasilayan si Andres.


Ewan ko ba kung bakit alalang-alala ako kay Andres kahit hindi naman niya ako kakilala ng lubusan at hindi ko rin siya lubusang kilala bagamat kung iisipin ko ng mabuti ang aking narinig kanina dun sa parke tungkol kay Andres... totoo man o hindi na naghiwalay ang kanyang mga magulang ay naawa ako sa kanya ng buong puso at sa aking pag-iisip, nagpagtanto ko na parang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit ramdam ko at gusto ko maging kaibigan si Andres kasi, parang parihas o kapareho kami na meron pinagdadaanang problema tungkol sa aming mga magulang.


Sa mga oras na yun, gusto ko umiiyak pero hindi bakit hindi ko magawa!!!


Day 4- Miyerkules, oras na para mag deliver sa mga costumer ang kanilang iniorder sa aming small business ng aking magulang, hindi niyo maitatanong, kahit mahirap lang kami, gumawa ng paraan ang aking nanay na kahit maliit na negosyo at isang itong ramen house at ang tatay ko naman!, hmmm.. wag niyo na alamin at itanong.


Pagkatapos ko gawin ang aking responsibilidad ay pumunta na agad ako sa parke para tignan si Andres pero may nakalimutan ako, naiwan ko sa aming bahay ang Ipad Mp3 Player na naiwan ni Andres noong nakaraang araw kaya bumalik ako para kunin yun.


Nung nakarating na ako saming  bahay. Agad ko hinanap ang Ipad Mp3 Player ni Andres at nung nakita kona  ay bigla ako napa-isip, sa tatlo o apat na araw na nasakin itong Ipad Mp3 Player ni Andres ay hindi ko pa naririnig kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang Ipad Mp3 Player kaya naisipan ko pakingan ang pinakikingan ni Andres sa kanyang Ipad Mp3 Player at bigla ako natahimik sa aking narinig dahil sa ganda ng musika na aking napakingan sa loob ng Ipad Mp3 Player.


Kinalaunan at pagkatapos ko nakuha at napakingan ang IPad Mp3 Player ni Andres ay agad-agad ako pumunta sa parke gamit ng aking bisikleta.


Sa limang minutong pag bibisikleta ay nakarating na ako sa parke at nakita ko agad si Andres! Gaya ng dati ay nakatulala at naka-upo siya ng aking nadatnan sa ilalim ng malaking puno ng narra kaya agad-agad ko siya nilapitan at sinabing "Ni hao? Kamusta?" tinignan niya ako ng wala imik kaya nagpadesisyunan ko ipakita at ibigay sa kanya ang aking napulot noong huli naming pagkikita.


"Hey brother, Look!!!" (sabi kay Andres)


Bigla siya naging masaya at tumingin sakin at sinabing "Sasalalamat."


Sa mga oras na yun ay masaya ako kasi pinansin na ako ni Andres, habang naka-upo siya sa ilalim ng malaking puno ng narra ay naisipan ko umupo sa kanyang tabi at bigla ako nagsalita at sinabing "Alam mo ba na Kani-kanila lang dun saming bahay ay pinakingan ko yan kung ano ang nasa loob ng iyong Ipad Mp3 Player at patawad kasi pinakialaman ko ang iyong gamit na walang permiso sayo." Pero habang nagsasalita at sinasalaysay ko kung ano ang aking narinig at paano napunta sakin ang kanyang IPad Mp3 Player ay nakatulala lang si Andres ng nakatingin sa kalangitan pero alam ko sa aking sarili na nakikinig siya sakin kahit hindi niya ako pinapansin.


Simula nung ay araw-araw ko na nakikita si Andres, gaya ng dati ay palagi siyang naka upo sa ilalim ng malaking puno ng narra at sa tuwing nakikita ko siya dun ay hindi ako nag-aalinlangan o nagdalawang isip na hindi siya lapitan at kahit sa tuwing nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi at kwenikwento ang mga bagay na nangyari sakin buong araw, gaya ng dati, hindi niya parin ako kaya tignan at pansinin pero alam ko saking sarili na nakikinig siya sa mga kwentong kwenikwento ko sa kanya araw-araw at sapat na sakin nakikita siya nakangiti ng dahil saking mga kwento pero bagamat ang ngiti na aking nasisilayan ngayon ay ang huli kung makikita dahil sa isang sitwasyon na hindi inaasahang dumating sa buhay ni Andres.


Isang buwan na ang nakalipas.... September 9, 2012- napaalaman ko na pumanaw ang ama ni Andres ng dahil sa depresyon na kinakaharap, hindi ko alam ang buong ditalye pero ramdam na ramdam ko ang kanyang paghihignagpis sa pag kawala ng kanyang ama kaya ng dahil sa sitwasyon na kinakaharap ni Andres ay tumakbo siya papaalis sa burol ng kanyang ama galing sa kanilang bahay. Kasama ang malakas na ulan, hindi ininda ni Andres ang buhos ng masamang panahon kasi para sa kanya, ang mahalaga at pinaka importanti ay maka-alis siya sa lugar kung saan naka burol ang kanyang ama at takasan ang realidad kaya sinundun ko si Andres sa kanyang pagtakbo at hinanap, lalo lumakas ang buhos ng ulan kaya lalo ako nag-alala sa aking kaibigan na si Andres pero kung iisipin ko! nasaan ba ang nanay ni Andres? Kahit ako hindi ko alam kung nasaan ngayon ang nanay niya.


Sa buhos ng malakas na ulan, may isang batang lalaking umiiyak nakasout ng tuxedong kulay itim at ito ay si Andres, sa mga oras na yun, wala ako iba ginawa kundi yakapin ang batang lalaki kasama ang malakas ng buhos ng ulan kasi alam ko saking sarili na wala ako magagawa o kakayahan pigilan ang pusong naghihinagpis ng dahil sa isang sitwasyon na hindi natin inaasahan, mula nung ay yun ang unang araw na kinausap ako ni Andres.


kaya ang tanong? Bakit ko nasabi na si Andres ang pinakamatapang na tao nakilala ko, kasi para sakin, sa likod ng kanyang pag-iisa at mga sitwasyon na kanyang pinagdadaanan at kinakaharap ay mas pinili ni Andres na mabuhay at harapin ang katotohanan.


Hindi masusukan ang magiging matapang sa physical na lakas ng isang tao, ang tunay na matapang ay nag babase sa karanasan at pinagdadaanan ng isang tao, ito ay mga pangunahing sangkap lamang kung ano talaga ang ibig sabihin ng magiging matapang.


 maging matapang harapin ang katotohanan at patuloy ang buhay.


At walang masama kapag umiiyak ang isang tao! Hindi ito ang basehan para sabihin natin na mahina ang tao na yun! kasi para sakin! kapag umiiyak ang isang tao. Ang ibig sabihin ay may pusong ang  tao  na yun para umiiyak sa isang bagay. Pusong na nagmamahal at pusong nasasaktan ng dahil sa pagmamahal at pagkawala.


 Hindi ko man alam ang buong katotohanan sa pagkatao ng aking kaibigan na si Andres. Bagamat ang importanti sa lahat ay mabuting tao si Andres.



To be continued to Chapter 6: (Ang buhay ko bilang pangunahing tauhan)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top