III


I can see your voice (ARC 1)

Chapter 3:

Ang bagong magkaibigan

Note: Every Chapter of this story have cover page.


[P.O.V] Andres Bautista (Andoy)

"Alam mo ba, Elana, na hindi mawagli dito saking isipan ang pag mumukha ng ating bagong kaklase na Exchange student na galing sa china parang kasi nakita ko na siya dati, bagamat, hindi ko maalala o matandaan kung saan ko siya una nasilayan." (sabi ko kay Elana habang nauutal ang aking Boses.)


"Andoy! Nag drudrugs ka ba? Kararating niya lang yata dito sa Pinas at diba ang sabi satin ni miss Jeni na galing siya sa china." (sagot sakin ni Elana habang kumakain ng lollipop.)


Bigla ako tumahimik para mag isip-isip pero kung tutuusin ay tama naman itong kaibigan ko na si Elana. Paano ko ba siya makikita kapag kararating lang niya dito sa pilipinas bagamat parang kasi nakita una siya dati pero hindi ko alam kung papaano o saan kami unang nagkita at ang lakas kasi ng aking pakiramdam na nagkita na kaming dalawa.


"Andoy? Okay ka lang ba? Gusto mo bang tanungin ko siya kung may dala-dala siya pasalubong satin galing China? hahaha at gusto ko sana ng isang malaking balik-bayan box galing kay China boy!" (sabi sakin ni Elana.)


Sabay kami natawa ni Elana sa biro tanong niya para sa aming bago kaklase galing Beijing china.


Habang nag-uusap kami ni Elana dito sa loob ng classroom. Bigla bumukas ang pintuan ng aming classroom at pumasok si Miss Jeni at kasa-kasama niya ang Exchange student galing sa china. So ayun, bumalik na kami ni Elana sa aming inuupuan.


"Okay class! Since meron tayo Exchange student galing Beijing china at mananatili siya dito for 4 months at kahit gusto ko itong ipasyal si Mr. Pogi o este Mr. Getuaban sa loob ng campus, hindi ako pwede kasi baka magalit sakin ang jowa ko hahahaha. So sino ba sa inyo ang gustong I pasyal si Mr. Getuaban dito sa loob ng ating campus?"


At biglang sumigaw ang lahat ng kababaehan sa loob ng aming classroom kay maliban ni Elana.


"Miss Jeni! ako po please." (Classmate girl 1)


"Miss Jeni! me po, I'm begging you." (classmate girl 2)


"Sensei! please notice me!" (classmate girl 3)


At tinanong ko ito si Elana kung bakit hindi siya sumisigaw kasama ng mga kababaehan na nagwagwapohan kay Mr Exchange student galing ng china at ang kanyang tugon sakin ay "Hindi ko siya type o gusto, Andoy! at loyal yata itong kinakausap mo sa kanyang future husband hehehe."


Habang kinakausap ni Miss Jeni ang iba naming mga kaklase ay nakatingin sakin itong Exchange student.  hindi ko alam kung bakit! parang kasi kilala niya ako at hindi ko talaga alam pero habang nakatitigan kaming dalawa ay may napansin ako sa kanyang braso, meron itong bandage.


At bigla nagsalita itong Exchange student at sinabing "Miss, pwede ba siya na lang ang tumulong sakin para libutin itong buong campus." 


 At bigla tumahimik ang paligid.


"Tignan mo Elana! Ako ba yung tinuturo niya?" (tanong ko kay Elana habang nauutal ang aking boses.)


At biglang tumayo si Elana at sinabing "Miss Jeni! kami na po dalawa ni Andoy ang tutulong kay Mr Getuaban para malibut niya ang buong campus."


"Okay ba yun sayo, Mr getuaban?" (tanong ni Miss Jeni kay Mr Getuaban.)


"Mas marami, mas masaya po, miss, hehe." (sagot ni Mr Getuaban kay Miss Jeni.)


Hindi ko talaga alam kung bakit ako ang pinili nitong Exchange student para samahan siya libutin itong buong campus at kahit naman ako ay hindi ko masayadong kabisado itong buong campus.


"Mr. Bautista at Ms. Magpantay samahan niyo ito si Mr Getuaban sa kanyang paglilibot dito sa loob ng ating campus at kung pwede ay Ituro niyo kay Mr Getuaban ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa ating paraalan, okay?"


"Okay po Miss Jeni, masusunod." (sagot ni Elana kay Miss Jeni.)


At ito na nga. Nakalabas na kaming tatlo sa loob ng classroom at biglang nagsalita itong Exchange student at sinabing "Hello guys, salamat pala sa pag-sama sakin dito."


at tumingin sakin si Mr. Exchange student at sinabing"At saka, hindi mo ba ako nakilala?" 


Habang tinatanong niya ako sa katanungan na hindi ko alam kung papaano sasagutin ay Inisip ko talaga kung saan ko ba siya nakita o nakilala pero hindi ko talaga alam at maalala.


"Patawad, bamagat, ngayon lang kita nakilala." (sagot ko sa tanong sakin ng Exchange student habang umuutal ang aking boses.)


Biglang nalungkot ang pagmumukha ng exchange student. Hindi ko batid ang lungkot na kanyang nararamdaman pero ginawa niya ang lahat para alalahanin ko siya at bigla niya binago ang istilo ng kanyang buhok sa direksyon na pababa.


"Ayan! naalala mo na ba ako?" (tanong sakin ng Exchange student.)


"Ahh.... Nalalala ko na! ikaw ba yun tumulong sakin nung muntikan na ako mahuhulog doon sa hagdan? (sagot ko tanong Exchange student habang nauutal ang aking boses.)


kitang-kita ko sa mga mata ng Exchange student ang isang malungkot na pakiramdam at pero hindi niya ito pinaramdam samin ni Elana at biglang nagsalita ang Exchange student at sinabing"Oo.... ako nga pero sorry parin kasi nung nakahawak ko ang iyong kamay para hindi ka mahulog ay bigla kasi tumunog ang school bell at nagulat ako at yun, pareho tayo nahulog doon sa hagdan, kaya patawad."


"By the way, Once again! ako nga pala si  Ca.... John Mckyle Getuaban, galing ako sa Beijing china at pwede niyo rin ako tawagin sa aking palayaw na Ca.. este... Mckoy." (sabi samin ni Mckoy habang nataranta.)


"Ikaw! ano bang pangalan mo? Nakalimutan kong itanong sayo kahapon kasi nawalan ka kasi ng malay at hindi ko narin kita hinintay magising kasi may inaasikaso kasi ako tungkol sakin Exchange program." (sabi sakin ni Mckoy.)


"Ako nga pala si Andres Bautista, Sasalamat parin kasi sinubukan mo ako iligtas nugn mga oras nayun at ito naman kasama ko ay si Elana Magpantay." (sagot ko kay Mckoy sa kanyang tanong.)


Biglang nagulat si Mr. Exchange student saking sinabi..


"An....dres!!!!" (sabi sakin ni Mckoy parang naluluha ang kanyang mga mata.)


"Hi, ni hao! maitatanong ka lang, diba galing ka sa bansang china?" (tanong ni Elana kay Mckoy.)


"Oo, bakit?" (sagot ni Mckoy sa tanong ni Elana.)


"Ano, Andoy! Itatanung ko na ba sa kanya?" (tanong sakin ni Elana.)


"Ahh? Ano ibig mo sabihin? Hindi ko naiintindihan Elana." (sabi ko kay Elana.)


"Mckoy, meron kabang pasalobong sa aming dalawa galing china." (sabi ni Elana kay Mckoy.)


At biglang napatawa si Mckoy sa tanong ni Elana sa kanya.


"Oo, naman syempre hahaha. Huwag kayo mag-alala, ibibigay ko sa inyo ngayong biryenes, okay ba yun?" (sagot ni Mckoy sa tanong ni Elana habang nakangiti.)


"Sige guys, aalis muna ako." (sabi samin ni Elana.)


"Elana!! Saan ka ba pupunta? Ewan mo ako dito?" (tanong ko kay Elana habang na utal-utal magsalita.)


"Kaya mo na yan, Andoy hehe at tska saglit lang talaga ako. May sisilipin lang ako dun sa baseball field. Okay, See you guys." (sabi sakin ni Elana habang papaalis at papalayo.)


"Ano ba ang kanyang gagawin dun sa baseball field Andres?" (tanong sakin ni Mckoy.)


"Nandun kasi yung Ivan niya." (sagot ko kay Mckoy sa habang na utal-utal  magsalita.)


"Sinong, Ivan?" (tanong sakin ni Mckoy.)


"Kababata namin ni Elana at pinapangarap ni Elana maging Future Husband niya at  magkaibigan din kami pero minsan lang kami nag-uusap at nakikita kasi  busy ang aming mga schedule." (sagot ko kay Mckoy habang utal-utal magsalita.)


At biglang natawa si Mckoy sa sinabi ko sa kanyang tungkol sa crush ni Elana pero ewan ko ba! habang minamasadan ko ang kanyang pagtawa. Kahit sinabi na niya sakin kung saan kami una nagkita. Hindi mawagli saking isipan si Mckoy at ang gaan talaga ng loob ko sa kanya kapag kinakausap ko ito si Mckoy at kahit napipilitan lang talaga ako pakisamahan ito si Mckoy kasi siya yung tao nagligtas sakin pero kailangan ko parin siya tulungan para libutin itong buong campus.


Habang kinakausap ko na naman ang aking sarili gamit ng aking isipan at nakatulala ako naglalakad. Hindi ko namalayaan na may tinatanong sakin itong si Mckoy.


"Okay ka lang ba, Andres?" (tanong sakin ni Mckoy habang naglalakad kaming dalawa.)


At bigla niya hinawakan ang aking tenga ng wala pasabi at bigla ako sumigaw sa gulat at sinabing "Ano ba ang ginagawa mo!"  habang namula-mula ito buong mukha ko.


"Eh ahh... sorry, Andres.  Parang kasi hindi mo narinig ang sinasabi ko sayo, may tatanong lang kasi ako sayo kung pwede" (sabi sakin ni Mckoy habang nag sosorry.)


"Patawad kasi hindi ko namalayaan na may tinanong ka sakin at nagulat rin ako sa iyong ginawang saking tenga." (sabi ko kay Mckoy habang utal-utal magsalita.)


"Hmmm okay.... pero kain muna tayo dun sa canteen! libre ko Andres don't worry." (sabi sakin ni Mckoy habang nakangiti.)


"Okay." (sabi ko kay Mckoy.)


"At tsaka, Andres! pwede bang Ca...cai... este Mckoy na lang ang itawag mo sakin." (sabi sakin ni Mckoy.)


"Ahhh okay Mckoy at patawad kapag nauutal ako kapag kinakausap kita." (sabi ko kay Mckoy habang utal-utal magsalita.)


"Okay lang yan, Andres." (sabi sakin ni Mckoy habang nakangiti.)


"Andoy na lang rin ang itawag mo sakin, Mckoy." (sabi ko kay Mckoy.)


Habang sinasabihan ko si Mckoy sa gusto ko itawag niya sakin, nakangiti niya ako tinignan at sinabing "Maganda naman ang palayaw mo, Andres, pero mas gusto ko parin tawagin kita sa totoo mong pangalan kasi ikaw ang una ko nakilala at naging kaibigan ko dito."


Sa mga oras na yun. Bigla ako napangiti sa sinabi sakin ni Mckoy. Ewan ko ba pero habang nakatingin ako sa kanya habang naglalakad patungo ng canteen. Gusto ko sabihin sa kanya na nagagalak ako na nakilala ko siya kahit hindi maganda ang aming unang pagkikita.



[P.O.V] Elana Magpantay

Alam ko na kaya mo yan, Andoy! pero gusto ko muna silipin itong future husband ko dito sa softball field at ngayon ay habang pinapanood ko si Ivan sa kanilang practice game. Same as always. Maraming pading sumisigaw at nag checheer up sa kanya. Hindi ko naman sila masisi kasi ang mga fans ng aking Ivan kasi si Ivan ay almost perfect na talaga! gwapo, sikat, matangkad, mayaman, magaling maglaro ng baseball at saka maganda ang pangangatawan hahaha!!!


Habang tinititingan ko si Ivan sa malayo at ilarawan kung gaano siya ka perpektong tao para sakin ay sinigawan ko mga maiingay na parang hipon ang mga pagmumukha na nag checheer up sa Ivan ko.


"Ang aga-agang! Ang ingay naman! pwede bang tumahimik at manuod na lang kayo sa practice game ni Ivan ko  at puro kayo sigaw ng sigaw, hindi naman niya kayo maririnig mga ambesyosa!"


"Kami ba ang pinariringan mo ,TOMBOY." (sabi sakin ng leader ng fansclub ni Ivan habang tumatawa.)


Dahil nainis ako sa aking narinig at sa sinabi sakin ng mga ambesyosa mga hipon. Ang ginawa ko ay tumakbo at sinugod ko silang lahat at pinagsasabunutan ko ang kanilang mga buhok. Rinig na rinig ng buong baseball field ang aming pagsasalubutan at dahil marami sila! ako yung kawawa! hindi ko naisip na marami pala sila at ako'y nag iisa lamang.


At biglang nagulanta ang lahat. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Mabilis na tumakbo ang lahat ng baseball player at ang kanilang coach para awatin at pigilan kami saming pag-aaway.


"Ano ba ang nangyayari dito!! hindi niyo ba nakikita na nag iinsayo kami!" (sabi samin ng coach ng softball team.)


At ayun na nga! iniutos ng coach softball team sa kanyang mga estudyante na paglalayuin kami at pinagsabihan at pinagalitan si Ivan ng kanyang coach kasi alam ng kanyang coach na Fansclub ni Ivan ang nagsimula ng gulo.


"Sorry, coach! hindi na ito mauulit, pangako!" (sabi ni Ivan sa kanyang coach.)


"Talagang at dapat lang na hindi na ito ma-uulit Mr. Alvares!!!" (sabi ng coach ng sofball team.)


At biglang tumingin sakin si Ivan at unting-unti siya lumapit sakin na parang isang prinsipeng na galing sa isang labanan at nung oras na nandun na siya saking harapan. Bigla niya ako hinawakan at sinabing "Sumama ka nga sakin!!!" at bigla niya ako kinaladkad papalayo papunta sa likod ng softball grandstand.


"Ano ba ang ginagawa mo Elana! Diba pinagsabihan na kita na huwag ka muna pupunta dito pero tignan mo ang ginawa mo! gumawa ka pa ng gulo dito!! kainis at tignan mo ang nangyari. Pinagalitan nanaman ako ng aking coach ko ng dahil nanaman sa pinag-gagawa mo ngayon dito.  (sabi sakin ng Ivan habang nagagalit ng dahil sa aking ginawa.)


"Bawal bang dalawin ko ang Future Husband ko? at tsaka alam mo naman na sakin ka lang at hindi ako papawag na landiin ka ng mga FANS mo!!" (sagot ko kay Ivan habang tumatawa ng kinikilig.)


"Hindi ka ba talaga makakaintindi?... hindi ito ang tamang oras para magbero ka ng ganyan!!! at hindi natin alam na dahil sa pinag gagawa mo ay baka ikaw pa ang dahilan para makick out ako at paalisin ako sa softball team!! at for godsake, Elana!!! kung pwede wag ka muna...." (sabi sakin ni Ivan ng nagagalit at sumisigaw.)


Biglang napahinto si Ivan sa kanyang pagtatalak sakin, nung nakita niya na nagdurogo at may kunting sugat ang aking ulo at banda leeg.


At bigla niya hinawakan ang aking kaliwang kamay at naglakad papalis ng softball grandstand.


"Teka lang! saan nanaman tayo pupunta?" (tanong ko kay Ivan.)


"Ipa CT Scan ko yang ulo mo sa clinic!! baka kasi nasosobraan kana sa pagkabaliw mo sakin." (sagot sakin ni Ivan habang hinihila ako papalayo at papaalis sa softball grandstand.)



[P.O.V] Andoy Bautista (Andoy)

Maingay at nagsisigawan ang mga kababaehan na aming nadatnan dito sa canteen at parang alam ko na kung bakit parang baliw sa kasisigaw itong mga kababaehan. Hindi ko naman sila masisi sa kapangyarihan na kagwapohan chintong pag mumukha itong kasama ko na si Mckoy.


"Look guys!!! siya ba yung Exchange student galing China?" (Girl 1)


"Wow!!! ang gwapo naman? siya bayung Exchange student galing ng china? Ang astig niya tignan at tsaka para siyang isang artista mga bes!!!" (Girl 2)


Yan ang aming naririnig ni Mckoy habang naglalakad kami sa canteen.


"Ano ba gusto mo, Andres?" (tanong sakin ni Mckoy habang nakatingin sa mga pagkain at iba't ibang ulam sa canteen.)


"Ahhh.. ahh ano? sorry, hindi ko kasi masyadong naririnig ang boses mo, ang ingay kasi itong mga fans mo." (sagot ko kay Mckoy sa kanyang tanong.)


Natawa si Mckoy saking sinagot ko sa kanyang tanong, at lumapit sakin si Mckoy ng dahan dahan at binulugan ako at sinabing "Ano bang gusto mo?"


"Ahhhh, Gusto ko ng Ice tea, steamed rice na may baboy  at tsaka bananaque." (sagot ko kay Mckoy sa kanyang tanong.)


Habang maingay ang paligid dahil sa alindog na dala ni Mckoy dito sa canteen. Narinig ko ang pag-uusap ni Mckoy at ang tindera ng canteen.


"Tumatangap ba kayo ng ATM?" (tanong ni Mckoy sa tindera ng canteen.)


"Hindi po sir, sorry." (sagot ng tindera kay Mckoy.)


"Ito kaya miss, G-Cash at saka Paymaya?" (tanong ni Mckoy sa tindera ng canteen.)


"Sorry talaga Sir, at this time, sira po ang ating E-Money service at ngayon cash lang talaga ang tinatangap namin." (sagot ng tindera kay Mckoy.)


"Wala pa kasi ako Philippine money dito sa wallet ko." (sabi ni Mckoy sa tindera ng canteen.)


Hindi na ako natiis at kahit hindi ko gusto ang nangyayari dito sa loob ng canteen kasi hindi ako sanay sa mga maiingay na tao. Nilapitan ko na si ate tindera para tanungin kung magkano ang aming babayarin ni Mckoy.


"Mamagkano ba, Ate?" (tanong ko sa tindera ng canteen habang na utal-utal magsalita.)


"180 pesos po lahat, Sir!" (sabi sakin ng tindera ng canteen habang na utal-utal magsalita.)


"Ako na po ang magbabayad, Ate." (sabi ko sa tindera ng canteen habang na utal-utal magsalita.)


Pagkatapos naming bumili ng pagkain ni Mckoy. Napadesisyunan namin umalis sa canteen at maghanap ng ibang lugar para dun kumain.


Habang naglalakad kami dalawa papalayo sa canteen. Napansin ko na magkapareho kami dala-dala pagkain ni Mckoy.


"Gusto mo parin pala ng Ice tea, steamed rice, at saka bananaque?" (tanong ko kay Mckoy.)


"Ahh.. ito? Hahaha, hindi ko kasi masayadong o kilala ang mga ibang pagkain na nandun sa canteen kaya ginaya ko na lang yung pagkain binili mo." (sagot sakin ni Mckoy habang kinakamot niya ang kanyang ulo.)


Masarap pala sa pakiramdam na hindi lang si Elana ang kinakausap ko dito sa paaralan at habang sinasalaysay ko ang aking nararamdam dito saking isipan. Hindi ko namalayan na may tinatanong sakin si Mckoy.


"Andres? Naririnig mo ba ako? May itatanong sana ako sayo." (tanong sakin ni Mckoy.)


"Sosorry? Ahhhh... ano ba itatanong mo sakin? (tanong ko kay Mckoy habang na utal-utal magsalita.)


"Meron bang rooftop dito?" (tanong sakin ni Mckoy.)


"Oo, memeron dun sa Basic Ed building." (sagot ko kay Mckoy habang na utal-utal magsalita.)


"Pwede ba dun tayo kumain?" (tanong sakin ni Mckoy habang nakangiti.)


Sa mga oras na ito. Hindi ko naman siya matatangihan kasi ito yung main purpose kung bakit magkasama kami ngayon para Ipasyal ito si Mckoy sa loob ng campus.


Sa sampung minuto paglalakad at pag-akyat ng hagdan. Narating na namin ni Mckoy ang rooftop. Wala ka tao tao dito ngayon at mapayapa ang simoy ng hangin.


At ngayon, habang kinakain na namin ni Mckoy ang aming binili kanina sa canteen ng nakatayo. Naisipan ko tanungin si Mckoy.


"Ano ba ang itsura ng china?" (tanong ko kay Mckoy habang kumakain ng bananaque.)


"Maganda naman dun, Andres. may snow, marami mga lugar na mapapasyalan at saka maraming mga magagandang babae hehehe pero wala parin tatalo sa bansa na ating sinilangan." (sagot sakin ni Mckoy habang umiinom ng Ice tea.)


"Ahhh gaganun ba, pero bakit naisipan mo dito mag aral at bumalik dito sa pinas?" (tanong ko kay Mckoy habang kumakain ng steamed rice.)


Biglang tumahik si Mckoy at sinabing....


"Kung sasabihin ko ba sayo, Andres, na meron ako mabigat na dahilan kung bakit ako bumalik ako dito sa pilipinas." (sabi sakin ni Mckoy.)


"Ano ibig mong sabihin?" (tanong ko kay Mckoy.)


"Kung sasabihin ko ba sayo, Andres, tutulungan mo ba ako?" (tanong sakin ni Mckoy habang nakatingin saking at umiinom ng Ice tea.)


"Papaano ba kita matutulungan kapag hindi ko alam ano uri tulong ang aking maiibigay ko sayo at saka, kahit hindi mo sabihin sakin ay tutulungan parintika gaya ng pag tulong mo sakin na hindi ko naman hiningin sayo nung oras na kailangan ko ang tulong mo." (sabi ko kay Mckoy habang may kinukuha saking bulsa.)


Biglang ningitian ako ni Mckoy at sinabing "May hinahanap kasi ako dalawang tao na mahalaga sakin kaya bumalik ako dito sa pilipinas para hanapin itong tao na ito!"


Sa mga oras nayun, hindi ko na masayadong narinig ang sinabi sakin ni Mckoy at inilagay ko saking tenga ang headphone kong sira-sira pero gumagana pa naman, na kinuha ko saking bulsa at nagpatugtug ng kanta na pinamagatang "A tale of thousand stars by Lestin Patalinghug"


(Note: Ang "A tale of thousand stars" ay Original soundtrack (OST) ng I can see your voice na ginawa ko at ang kanta ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang binata na mas pinili niya mahalin ang taong mahal niya kahit hindi siya mahal nito at iibigin niya ang tao na yun kasi dun siya masaya.



To be continued... to Chapter 4: (Ang unang hakbang para sa kinabukasan)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top