I

I can see your voice (ARC 1)

Chapter 1:

 Sa likod ng aking pag-iisa

Note: Every Chapter of this story have cover page.



[P.O.V] Andres Bautista (Andoy)

Habang bumabewahe itong bus na aking sinasakyan patungo ng paaralan at nakikinig ng musika o kanta gamit ng aking bluetooth headset ay nag dadalawang isip talaga ako na hindi pumasok ngayon. kahit ang araw na ito, ang unang araw ko bilang 12th grade senior high student.


Sa totoo lang, sa lahat ng hindi ko gusto ay ang unang araw ng pasukan kasi doon magsisimula ang mga salita na hindi ko gusto marinig sa aking mga tenga, kagaya ng "Introduce yourself / Show your talent in creative way."  yan ang palagi ginagawa ng mga guro kapag unang araw ng pasukann at sa nakikita ko ngayon dito sa bus, maraming mga kabataan na kagaya ko ang papunta ng Paaralan ng aking pinapasokan, ang paaralan ay ang isang lugar na hindi ko talaga gusto kapag unang araw na pasukan.


Ako nga pala si Andres Callao Bautista ay isang labing walong taong gula na may Speech stuttering o mas kilala sa tawag na childhood-onset fluency disorder, isa itong kondisyon kung saan nauutal ang isang tao kapag nagsasalita gamit ng kanyang mga tinig o boses at ng dahil saking kondisyon ay lumaki ako may mahiyain na personalidad at palaging tahimik sa gilid ng aming silid aralan at pinamamasdan ang mga tao saking mga paligid.


Note: Childhood-Onset Fluency Disorder (also known as Stuttering) is a disorder characterized by a disturbance in the normal fluency and time patterning of speech that is inappropriate for an individual's age. The disorder is characterized by frequent repetitions or prolongations of sounds or syllables.


Yan ang parati ginagawa ng mga Introvert ng tao kagaya ko pero sa bawat salita na lumalabas saking bibig ay may dahilan kaya limita lang ako makipag-uusap sa mga tao na hindi ko lubos na kakilala kasi natatakot ako sa kanilang iniisip tungkol sakin, kahit ganito ako, mas pinili ko maging mabuting tao para sa mga tao pinapalagahan ako at inaalagaan.


NoteIntrovert Personality is frequently misconstrued as shyness, social phobia or even avoidant personality disorder. However, many introverts are completely capable—and even skilled—at socializing; they just frequently prefer not to do so.


Kaya ang buhay ko bilang isang mahiyaing at introvert na tao ay mahirap at marami ako hindi nagagawa kagaya ng:


*Hindi ko kaya makipag-usap o makipaghalobilo saking mga kaklase ng matagalan kasi nahihiya ako.


*Kapag nandun ako sa harapan ng aking mga kaklase ay nanginginig ang aking buong katawan kasama ng pag-uutal ng aking boses.


*Kapag hindi ko alam ang isang katanungan na tinatanong saking ng aking guro ay sumisikip ang aking dib-dib at nahihirapan ako huminga ng dahil sa kaba na aking nadadama.


*Kapag wala akong 1 whole sheet of paper ay hindi ko kaya humingi saking mga kaklase kasi nahihiya ako.


*Kapag introvert person ka ay hirap maghanap ng ka partner sa isang partner presentation.


Maraming tao ang hindi nakaka-intindi sa aming nararamdaman bilang isang introvert na tao, bagamat, ang masasabi ko lang sa mga tao pinagtatawanan kami kapag nanginginig ang aming buong katawang ng dahil sa kaba ay, Huwag niyo sana kami husgahan basi sa aming mga kinikilos at aksyon at aaminin ko, kahit ako ay hindi ko gusto maging isang mahiyain na tao, pero, hindi natin talaga maiiwasan matakot sa mga tao hindi ko lubusang kilala, mga tao na palaging hinuhusgahan ang kagaya ko.


mayroong rin iilang tao ang nakaka-intindi tungkol saking kondisyon sa pagkakaruon ng Speech disorde.


Hindi natin maiiwasan na meron rin mga tao ang manunukso satin ng dahil sating mga kondisyon kaya gusto ko na magbago at mawala ang aking Speech disorder.


Bagamat sa likod ng aking utal-utal na pananalita ay meron ako isang sikreto o lihim na hindi alam ng aking mga kaibigan. meron ako talento sa pagkanta at pag-gawa ng mga awitin na base saking tunay at totoong karanasan sa buhay.


Kagaya ng aking Ama ay gusto ko maging mahusay na mang-aawit balang araw, bagamat, sa gulang na anim na taong gulang ay pumanaw na ang aking Ama ng dahil sa depresyong na kanyang kinakaharap pero hindi ko alam ang buong detalye tungkol sa pagpanaw ng aking Ama bagamat kapag pinag-uusapan ng ibang tao ang aking Ama ay parating sumasakit at kumikirot ang aking ulo sa hindi tukoy na dahilan, kaya, kahit hindi ko lubusang naaalala ang aking Ama ng dahil sa pagkabura o magkawala ng aking mga ala-ala nung bata palang ako at sabi sakin ng aking Ina ay mas makakabuti para sakin na hindi ko alam ang tungkol saking nakaraan kaya mas pinili ko makinig sa payo ng aking Ina kasi ang mga Ina ay mas pinipili at inuuna ang kapakanan ng kanilang mga anak.


Ngayon ay nakatira ako sa isang condo kasama ng aking Pusa na si Neko at tungkol saking Ina naman ay meron na siya ibang pamilyang kinakasama at meron na rin ako kapatid sa pangalawang Asawa ng aking Ina na pitong taong gulang na si Krist, nung simula ay tutol na tutol ako saking Ina tungkol sa kanyang buhay pag-ibig bagamat napagtanto ko na, ang kaligayahan ng isang Ina ay kaligayahan ng kanilang mga Anak kaya nirerespeto ko ang desisyon ng aking Ina.


Sa likod ng aking pag-iisa at mahiyain na personalidad ay may dalawang tao ang parating tumutulong sakin kapag kailangan ko ng tulong at karamay at ang dalawang tao na ito ay si Elana at si Ivan.


Si Elana at Ivan lamang ang aking mga kaibigan at nakakausap dito sa loob at labas ng paaralan. kahit abala kami sa aming mga ibat' ibang iskedyul dito sa paaralan ay hindi namin nakakalimutan ang aming pinagsamahan at tsaka, si Elana ay isang matapang, masipag, malakas, walang inuurungan na babae, kaya kinakatakutan siya ng ibang lalaki dito saming paaralang ng dahil sa kanyang tapang na pinapakita at parati siya nandyan para sakin, lalo na sa kanyang kinikilalang "Future Husband" na si Ivan at si Ivan, naman ay mabait, maunawain, mayaman, matapang, maamo ang kanyang mukha (Gwapo) at maganda ang kanyang pangangatawan at kaisa-isang anak ng kanyang mga magulang na si Mr and Mrs. Alvares, ang nagmamay-ari ng isang sikat na clothing brand company dito sating bansa at sa ibang bansa katulad ng China, Korea at Japan.


Bagamat, sa likod ng kanilang matapang at magarang pamumuhay na kanilang pinapakita sa ibang tao ay hindi maiikukubli na may lungkot sa kanilang mga puso, lungkot na hindi maiintindihan ng mga ibang tao, lungkot na hindi matutumbasan ng pera at tapang.


Si Elana ay merong hindi pagkakaunawaan tungkol sa kanyang Ama, kahit anong gawin ni Elana ay parating siya pinagagalit ng kanyang Ama sa hindi tukoy na dahilan, bagamat, kahit hindi ko alam ang buong detalye sa buhay ni Elana ay mas pinili niya maging isang mabuting tao na pinaglalaban parating kung ano ang tama para sa kanyang sariling kapakanan at ang Ina naman ni Elana ay isang OFW sa ibang bansa at nagtatrabaho ang kanyang Ina bilang isang kasambahay o katulong sa bansang Thailand, kaya, namulat na si Elana sa gulang na sampung taong gulang na kailangan na niya tulogan ang kanyang mga magulang sa paghahanap buhay para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 


Note: Overseas Filipino Worker (OFW) is a term often used to refer to Filipino migrant workers, people with Filipino citizenship who reside in another country for a limited period of employment.


Hanggang ngayon ay pinagsasabay ni Elana ang kanyang pag-aaral at paghahanap ng part time job tuwing weekend kasabay ng pag-aalaga at pag-aaruga sa kanilang maliit na negosyo na Ramen house/Shop para makatulog sa kanyang mga magulang.


Note: Ramen shop is a restaurant that specializes in ramen dishes, the wheat-flour Japanese noodles in broth. In Japan, ramen shops are very common and popular, and are sometimes referred to as ramen-ya.


At si Ivan, naman ay nakatira mag-isa dito sa pilipinas kasi ang kanyang mga magulang ay parating abala sa kanilang mga trabaho at kompanya sa iba't ibang bansa at ng dahil sa kanyang pag-iisa ay tinuonan niya ng pansin ang kanyang paglalaro ng softball, kahit limita lamang ang kanyang mga kilos ng dahil sa utos ng kanyang mga magulang ay mas pinili ni Ivan na tuonan ng pansin ang kanyang mga hilig na hindi nalalaman ng kanyang mga magulang.


Sa likod na magarang pamumuhay ni Ivan ay hindi niya maiikukubli saking ang kalungkutan sa pangungulila niya sa kanyang mga magulang.  


Kung iisipin natin, kaming tatlo ay mayroong iba't ibang pinagdadaanan saming mga buhay tungkol sa aming mga pamilya, sa kabila ng aming mga iba't ibang estado sa buhay ay natutunan namin pahalagahan ng buwat isa, natutunan namin pahalagahan ang aming pinagsamahan bilang mag-kaibigan at kagaya ng ibang mga mag-kaibigan ay hindi kami perpekto, kaya minsan ay meron kaming hindi pagkakaunawaan bilang kaibigan.


Habang nagsasalita ako gamit ng aking isipan ay hindi ko namalayan na tumatakbo ang oras, kaya nagmadali ako bumaba sa bus ng aking sinasakyan at agad-agad ako tumakbo ng mabilis kasi malapit na ako huhuli saking papasukang klase.


Kahit meron ako pag-dadalawang isip na hindi pumasok ngayon ng dahil sa pagamba dito sa loob ng aking dib-dib ay kailangan ko maging matapang para harapin ang aking mga kinatatakutan, bagamat, madaling sabihin na gusto ko maging matapang at harapin ang aking mga kinatatakutan pero kapag nandun na ako sa isang sitwasyon na kailangan ko talaga maging matapang ay nawawalan ako ng lakas ng loob.


Kinalaunan.... pagkarating at pagkapasok ko saming paaralan ay nagmadali ako pumunta sa bulletin board ng paaralan kasi doon ko matatagpuan ang aking seksyon sa taon na ito.


Maya't maya ay nahanap ko na ang aking seksyon para sa taon na ito.


"B.E-5019"


Classroom number B.E-5019 . Ang ibig sabihin ay nasa 5ft floor ko matatagpuan ang aking bagong classroom.


Time check its 7:54 A.M.......


Wala na akong oras para kausapin ko ang aking sarili gamit ng aking isipan! Kaya nagmadali ako pumunta sa elevator para makapunta at maka-akyat patungo sa 5ft floor pero base saking nakikita ay out of service yata itong elevator.


Note: Out of service means not available for use.


Kabago-bago palang ng pag bubukas ng klase ay sira na yung elevator! at wala ako kakayahang lumipad patungo 5th floor kaya nagmamadali ako umakyat dun sa 5ft floor para makapunta sa assign classroom ko for this school year kasi alam ko saking sarili na late na late na talaga ako.


Binilisan ko ang aking mga hakbang at pag akyat sa hagdan at kahit hinihingal ako ay nagpatuloy ako saking pag-akyat patungo saking bagong classroom.


Nakalipas ng tatlong minuto! Sa wakas! isang baytang na lang at na sa 5ft floor na ako, pero, sa hindi ko namalayan dahil saking pagmamadali umakyat ay may tao pala saking harapan, parang umaakyat ako papunta ng 5ft floor pero yung taong nakasalubong ko ay pababa papunta 4ft floor gamit ng hagdan! So ayun para lang nasa telenovela! ay nadulas ako, sa mga oras nayun ay blankong-blanko ang aking isipan kasi alam ko na mahuhulog talaga ako bagamat itong lalaking nakasalubong ko ay bigla niya hinawakan ang aking kamay para hindi ako mahulog sa hagdan.


Ewan ko ba, pero sa mga oras nayun ay alam ko talagang mahuhulog ako sa hagdan pero paano ba ako mahuhulog! kapag may nakahawak saking kamay at bigla nag salita ang binatilyong na nakahawak saking kamay at sinabing"Wag kang bibitaw.... Swordsman!"



Hindi ko alam kung ano ang kahihingatnan ng kwento na ito, bagamat, ang kwento na ito ay hindi lang tungkol sa dalawang lalaki nag-iibigan.


 Ang kwento na ito ay nagsasalamin sa totoong buhay namin bilang magkakaibigan.


 Ang kwento na ito ay iikot sa iba't ibang uri ng sitwasyon na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon.




To be continued...... to chapter 2: (Ang Exchange Student na galing sa Beijing, China)








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top