Chapter 8: The Best Friend and the President
YUMIRAH
"SO, HINDI ka pa rin tinitigilan ni Adonis?"
I shifted my gaze from the blue sky to my best friend. Ang sarap damahin ng sariwang hangin dito. Sa sandaling ito, hiniling kong palagi na lang sanang lunch time nang mag-stay ako rito. Kahit masakit sa mata ang mga mag-jowang naghaharutan imbes na kumakain, hindi nababawasan ang kagandahan ng lugar na ito. Puno ng magandang tanawin, katahimikan at kapayapaan. These small things never failed on making me feel happy.
"Hindi, eh," sagot ko nang makita ang pagkainip sa kanyang mukha. "Kahit gustuhin ko, hindi siya papapigil. Kung pwede siyang sampahan ng kaso sa patuloy niyang pagdikit sa 'kin, nagkita na kami sa presinto."
"Ang tanong, sinabi mo ba sa kanyang layuan ka na?" Sa sobrang seryoso niya, hindi niya napansin ang langaw na muntik dumapo sa kanyang pagkain, kaya ako na ang tumaboy. "Tell him that you don't like him. Say harsh words to him kung kinakailangan."
"Ang sama ng idea mo, ha," tugon ko. "Yeah, I don't like him. But I also don't want to hurt his feelings. Sa bait niyang 'yon, hindi niya deserve na mapagsalitaan ng hindi magaganda."
His eyebrows furrowed. Mukha siyang toro na handa nang umatake. Sa tuwing masyado siyang seryoso, nag-iiba ang aura niya. Nalilimutan ko tuloy na hindi siya lalaki. "Kailan ka pa naging mabait sa mga lalaki? Kung itaboy mo sila, para ngang may virus silang dala. And now, you're saying what? You don't wanna hurt that guy's feelings? And you think you know him, but you really don't. I'm certain he only acts nice because he wants something from you. Hindi ba't binalaan na kita?"
Kung bala ang salita, ilang beses na niya akong napatay. Sa dami ng sinabi niya, hindi mo mahahalatang naiinis siya.
"Whether he's sincere or not, ayoko pa ring makasakit," sabi ko, sinusubukang maging mahinahon kahit nagsisimula na rin akong mainis. Parang virus ang mood niya, nakakahawa. "If you were him, how would you feel kapag naging harsh ako sa 'yo?"
"I am not and will never be him," seryosong tugon niya. Oo nga pala, bakla siya at walang pag-asang magkagusto siya sa kanyang best friend. Noted, Rafe. "I'm just worried about you, Mirah. Be very careful of him. May masama akong kutob sa kanya."
Nakakahinga na ako nang maluwag nang huminahon na ang kanyang tono. Tumango ako nang may maliit na ngiti at bumaling sa ibang direksiyon. This place was really beautiful. The blue skies. The white clouds. The birds flying above. If the other girls would kill for a boy, I would kill just to stay here forever.
Napunta ang aking paningin mula sa mag-jowang naglalakad na magkahawak-kamay sa isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa lalaking may inaakbayang ibang babae. Magandang tanghalian 'to, pwede kang makapanood ng drama habang kumakain.
"Hindi mo ba gagalawin 'yang pagkain mo? Sino ba ang tinitingnan -" Nahinto siya nang makita ang parehong senaryong pinapanood ko.
Nagpalipat-lipat ng tingin ang babae sa dalawa. She was meters away, but I could clearly see the pain in her eyes. Parang gusto nang bumigay ng katawan niya sa lupa, ngunit pinipilit niyang magpakatatag. Pinagtitinginan na sila ng marami, ngunit wala siyang pakialam. Nasaktan ako para sa kanya nang hawakan niya ang kamay ng lalaki, ngunit itinaboy ito ng huli. I pitied her.
"Baka maiyak ka niyan." Nang ituon ko sa kanya ang paningin ko, nagsimula kaming mag-staring contest. Bumaling siya sa kaawa-awang babae. "She's beautiful. But she obviously doesn't know her worth. Look at her. Sino'ng babae ang may respeto sa sarili ang nagmamakaawa sa lalaking harap-harapan siyang niloloko? May maganda siyang mukha, pero wala yata siyang utak -"
"Hey, ang harsh mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata upang balaan. "Hindi natin alam kung ano talaga ang nangyayari, kaya wala tayong karapatang humusga."
Sa iba, playing safe niya. Ang sabi niya sa ibang YES-O officers, maling pag-usapan ang tao sa likuran nito. Maihahalintulad ang sitwasyon ngayon sa sitwasyon noong araw na 'yon. Sa sobrang pagpapakatotoo niya sa akin, nawawalan siya ng filter sa thoughts at words niya minsan.
"Oh? Did I say something wrong?" Inis ko siyang pinagmasdang sumubo. Lumunok muna siya bago nagpatuloy, "If you respect yourself, you will always choose to walk away from people who don't value you. If you don't, ikaw pa ang magmamakaawa na parang deserve nilang mag-stay sa buhay mo. Ang taong hindi alam ang halaga niya ay matutuwa na sa kakarampot na pagmamahal mula sa iba."
Being so clever can make you forget to be kind. Minsa'y ganyan ang nangyayari kay Rafe. On the other hand, being so kind can make you forget to be clever. Nagpapasalamat ako at nasa gitna ako.
"Gano'n siguro kalalim ang pagmamahal niya para sa lalaki. We know nothing, Rafe. Huwag na lang tayong magsalita," sabi ko. Napasubo ako at napainom ng tubig nang may sumagi sa isip ko. "Kung magsalita ka, parang hindi kayo magkapareho ng sitwasyon, ah. Have you heard the rumors about your crush? Hindi pa nga sila umaabot ng one month ng girlfriend niya, may ipinalit na siya. Kahit malabong maging kayo, crush mo pa rin naman siya."
Ayon sa mga chismis, tinotoo nga ni Joseph ang sinabi niya sa kaibigang si Thomas. Bago mag-end ang nakaraang linggo, nakipag-break siya sa kanyang girlfriend. Kinabukasan, may bago na kaagad siya. Balita ko nga, nagwala raw ang ex niya.
"Ang sakit mong magsalita, ha," maarteng sabi niya sabay hawak sa dibdib. "Eh, ano ngayon kung gusto ko pa rin siya sa kabila ng lahat?"
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "Tinatanong mo talaga 'yan? Ano na 'yong sinabi mo? Ang taong hindi alam ang halaga niya, matutuwa na mabigyan lang ng kaunting pagmamahal -"
"Just because you like someone doesn't mean you want them to love you. Pwede mong gustuhin ang isang tao nang hindi hinahangad na magkasama kayo." Nalito ako sa sinabi niya. "And I don't think the words 'like' and 'love' have the same definition. Imbes kasi na manood ka ng Barbie, magbasa ka ng dictionary."
Ipino-point out niya ang pagkahilig ko sa Barbie, pero hindi ko naman 'yon ginawa sa addiction niya sa BL series. Pasensya naman kung hindi ako kasing-talino niya. Antukin kasi ako, kaya hindi ako nakasalo noong umuulan ng katalinuhan mula sa langit.
"You know what? You're so hard to understand," I told him, to which he raised an eyebrow. "Minutes ago, nagsasalita ka na parang ang talino mo pagdating sa pag-ibig. And now, you're telling me that it's okay to like someone who does nothing but play with people's feelings."
He laughed. Nakadagdag 'yon sa inis ko. Sa halip na mag-lunch, mas mabuti yata magkainisan na lang kami. "You're funny, Mirah. Bakit parang nagseselos ka?"
Nanlaki nang kaunti ang aking mata sa sinabi niya. "What?"
"Ang sabi ko, nagseselos ka yata -"
"Inulit mo talaga, ha?" inis na sabi ko habang matalim na nakatingin sa kanyang nakangising mukha. "Ano ba'ng sinasabi mo? Why would I be jealous?"
"Stop looking at me like that, will you? Mas nagmumukha kang guilty." Pinilit kong ibalik sa mahinahon ang aking mukha. "Nagseselos ka kay Joseph. Natatakot ka na baka maagaw niya ako mula sa 'yo. Siyempre, kung wala na ako, magiging mag-isa ka na."
Why would I be afraid of the idea of him leaving me? Naranasan ko nang maiwan noon, kaya kung mawawala si Rafe, mahihirapan man ako, siguro'y kakayanin ko rin sa huli.
"Pero wala kang kailangang alalahanin. May iba na akong gusto." Tumitig ang mga mata niya sa akin na parang tinitingnan ang aking kaluluwa. I couldn't help but swallow. His stare was making me breathless. "Arat! Ituloy na natin ang pagkain, baka maubos ang oras."
May gusto akong itanong, kaya hinintay kong malunok niya ang nasa kanyang bunganga. "You said you like someone else. I just wanna know if . . . it's Jamie?"
It caught him off guard. Para siyang nabilaukan kahit walang laman ang kanyang bibig. Napainom tuloy siya. "That's absurd, Mirah! Paano mo naisip 'yan?"
"Nabalitaan ko kasi, parang may gusto siya sa 'yo." I lied. Wala akong nabalitaan. Makita ko lang ang masasama niyang tingin sa tuwing nagku-krus ang landa namin at ang pag-akto niya kapag kasama si Rafe, alam ko na agad na may pagtingin siya rito. "Ikaw? Do you like her? Ang sabi pa nga nila, bagay na bagay raw kayo."
"So, nakakarating din pala sa 'yo ang mga chismis? Sinabi ko nang huwag na akong lapitan, pero ayaw makinig. Baka iniisip ng iba na imbes na obligasyon, kalandian ang inaatupag namin." Napahawak siya sa kanyang ulo. Pinasakit yata ng sinabi ko ang ulo niya. "Mirah, don't listen to those rumors, okay? Those are not true. I'm not interested in that girl. Kung alam mo lang, sobra ang inis ko sa kanya."
Kabaligtaran yata ng nakita ko noong mag-lunch sila ang sinasabi niya. Bakit ba hindi siya magpakatotoo. If he liked her, I'd understand. He may be gay, but that didn't mean it was impossible for him to fall for a girl. Sa akin lang yata imposible. Umamin lang siya, matatanggap ko.
"Weh?" My voice was shaky, so I cleared my throat. "Eh, bakit sabi ng mga nakakakitang magkasama kayo, mukha kayong masaya pareho. Rafe, we're best friends. You can tell me everything."
His eyebrows furrowed. My words obviously didn't comfort him, they irritated him. "Mirah, don't believe everything you hear, okay? Things are not what they seem, and that's what they don't understand. So, they keep on believing what they see without thinking. Hindi ko gusto si Jamie, but I'm trying to be nice to her."
Tinitigan ko siya, nagbabaka sakaling mababasa ko ang laman ng puso niya. Kung bibigyan ako ng isang kapangyarihan, hihilingin kong maging mind-reader nang malaman agad-agad kung nagsasabi ng totoo ang tao o hindi.
"Believe me, I'm telling the truth. Mamatay ka man." Itinaas pa niya ang kanyang palad. Binato ko siya ng masamang tingin dahil sa huli niyang sinabi. "I would rather die alone than to be with that girl. I am gay, remember?"
My eyes narrowed into slits, my mind still trying to read him. Ginamit niya pa talaga ang pagiging bakla niya. After a few seconds, I sighed. "Sumusuko na ako. Ang gusto ko lang, kung may pagbabago sa 'yo, ako ang unang makakaalam. If ever you turn into a real man, let me know, okay?"
"What if it happens? How are you going to react?" Natigil ang kamay ko sa hangin noong susubo na ako. Parang nanuyo ang aking lalamunan. "Let's say tanggap mo ako sa kung sino ako. But, Mirah, you hate boys. Paano kung umamin akong hindi na ako bakla? Matatanggap mo pa rin ba ako?"
I was speechless. Gusto kong igalaw ang aking dila at sumagot, ngunit para itong nanigas na yelo. Pati sa pagkilos, naging hirap din ako. I couldn't even what he just said.
"You don't have to answer," he said, forcing a smile. "Malabo namang mangyari 'yon. Kumain na nga tayo. Gutom jones na ako, todo hanash ka kasi."
Pinilit kong kumain kahit parang nawalan ako ng gana. What he said caught me off guard. I didn't expect that he would bring that what-if to the table. Tanggap ko siya, pero kung dumating sa gano'ng punto, ano ang magiging reaksiyon ko? Ano kaya'ng mangyayari sa amin?
Maybe I just didn't want to admit that the what-if wasn't the one that made me react that way. Maybe the what-if-Rafe-turned-into-a-real-man was not what I was afraid of. Kundi 'yong posibleng mangyari dahil doon. 'Yong magiging epekto sa akin. Ano man ang totoo, huli ko nang malalaman.
***
My eyes roamed around the library. Parang nagpupuso-puso ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang napakaraming libro. Kakabigay lang sa 'min ng homework, ngunit naisip ko nang maghanap ng isasagot. Maraming librong related sa aming lesson, kaya naisipan kong magtungo dito. Kung kulang ang makukuha ko rito, doon ko gagamitin ang internet.
"Keep quiet," sabi nang librarian habang nakalagay sa labi ang hintuturo. Nasa isang magjowa ang kanyang paningin, na nagkamali yata ng lugar na napuntahan. "You are at the library."
Nainis yata ang dalawa at agad na umalis. Halos mapailing ako. Sila itong naghaharutan sa library, sila pa ang may ganang mainis? Mapapasabi ka na lang ng "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon."
Kukunin ko na sana ang isang libro nang may nauna sa akin. Pagharap niya sa akin, parang gusto kong dumakma ng matigas na librong ipapalo. It was Jamie and her irritating smile. Bakit ganito ang thoughts ko? When did I become this mean?
"Hi! You're Rafa's best friend, right? Yumirah?" Kung nagpapanggap siyang hindi niya ako malinaw na natatandaan, she was doing a good job. Ilang beses na kaya niya akong pinatay sa tingin. And I hated that nickname she gave my best friend. Iniabot niya ang libro sa akin. "Here! It's lunch time, pero nag-aaral ka pa rin. Ang sipag mo naman."
She spoke to me as if we were friends. Kung madali kong malimutan ang hindi magagandang ginagawa sa 'kin, nahulog na ako sa mapanlinlang niyang pakikitungo. Ayokong manghusga, pero hindi ko mapigilang isiping may patibong siyang inihanda para sa 'kin. I wondered what it might be.
Forcing a smile, I took the book from her. "Thank you, Jamie. Baka kasi malimutan ko na naman, kaya inaagahan ko na ang pagtapos sa homework ko."
Napatango-tango siya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Kapag ipinalo ko sa pagmumukha niya ang hawak ko, makangiti pa kaya - Hey! Yumirah, stop! "You're just like your best friend, masyadong disiplinado. Ang dami n'yong pagkakatulad, kaya siguro ang hirap n'yong paghiwalayin."
Bakit, may balak ka bang paglayuin kami? Kung wala akong pagpipigil sa sarili, nasabi ko na 'yon.
"Hindi lang 'yon ang dahilan," tugon ko. Nakita ko ang panandaliang pagwala ng kanyang ngiti. Until when is she going to wear her mask? "Malalim na rin ang pinagsamahan namin. We have been through a lot together. Kahit ang lindol, hindi kami mapaglalayo."
"Oh, really?" Naging katunog niya ang kontrabida sa mga drama. Inihanda ko ang aking sarili sa maaaring pagsampal niya. "Halata naman, eh. I really hope magtagal pa ang 'pagkakaibigan' n'yo. Kapag nagkahiwalay kayo, I would be in tears. Kasi sayang ang matagal na panahon, 'di ba?"
Humigpit ang kapit ko sa libro. Mukha na siguro akong kambing na umuusok ang ilong. Everything really happens for a reason. I think this encounter happened to ruin my day.
"Oh, anyway!" Whatever subject she was going to bring up, I hoped it would be enough to lessen the tension between us. Kapag hindi ako nakapagpigil, baka masakal - Yumirah, stop! Hindi ikaw 'yan! "Actually, sinadya kong pumunta rito dahil sa 'yo. May pinapasabi kasi si Rafa."
So, it was Rafe who told her that I was here? Nasaan na 'yong sinabi niyang sobra siyang naiinis sa babaeng ito? Ginawa niya pang messenger.
"Makipagkita ka sa kanya before mag-start ang first period sa hapon." Bakit hindi niya ako m-in-essage? Kinapa ko ang aking bulsa, at wala akong nakuhang phone. Iniwan ko pala sa bag ko. "Mahalaga ang sasabihin niya sa 'yo, kaya pumunta ka, ha."
Sinabi niya sa akin kung saan at nagmamadaling umalis. Sinadya niya yatang gawin 'yon uoang sumayaw ang kanyang mahabang buhok. Pinagtinginan siya ng mga lalaki. I had heard that she had a lot of admirers. Mamahalin daw ang inireregalo sa kanya. But she rejected all of them.
Sa dami ng nagkakagusto sa kanya, bakit sa maling tao niya napiling ipagsiksikan ang sarili? Funny.
Pagkatapos ng ginagawa, nagtungo ako sa lugar kung saan kami nagkaayos ni Rafe. My instinct told me that something bad was going to happen. Pero wala dapat akong ipag-alala dahil naniniwala akong hindi malas ang hatid ng lugar na ito. Patunay ang pagiging saksi nito sa pag-aayos ng pagkakaibigan namin ni Rafe.
Tumibok nang malakas ang aking puso nang matagpuan ang dalawang taong magkaharap at nag-uusap. What I found was far from what I expected. I expected Rafe to be standing there alone while patiently waiting for me, but my two eyes saw him talking with the girl I probably hated the most. Isang hakbang lang at magkakadikit na ang kanilang mga mukha.
Parang humina ang pandinig ko, parang lumabo din ang paningin ko. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbuo ng maliit na ngiti sa labi ni Jamie nang masilayan ako.
The clock stopped ticking when she moved her face closer to my best friend's. My jaw dropped when she kissed him! Napahawak ako sa dibdib ko nang manikip 'yon. Was my heart breaking?
I couldn't see his reaction, but I was sure he was as shocked as I was. He just stood there frozen. It must have caught him off guard.
Maiintindihan ko sana, pero hindi niya itinulak si Jamie. The president was the one to end the kiss. Nakakapanghina ng loob na hinalikan siya ng babaeng 'yon at wala siyang ginawa.
Jamie pretended to be surprised and even covered her mouth with her hand. She gave me a small smile. "Oh, Yumirah! Nandiyan ka pala!"
Kasabay ng paglingon ni Rafe ay ang pagtakbo ko paalis. Kahit gustong bumigay ng mga tuhod ko, pinilit kong lumayo. The air here was suffocating me. I needed to go somewhere! To a place where no one could find me, not even my best friend. Pero doon ko napagtantong wala akong mapupuntahan na hindi niya alam.
I almost forgot, there was nothing he didn't know about . . . Ngayon, pinagdududahan ko na kung tama bang ipinaalam ko sa kanya ang lahat. Dahil kahit saang sulok ng mundo ako magpunta, siguradong mahahanap niya ako.
Kusang huminto ang aking mga paa nang maramdaman ang hawak niya. Ayokong mahawakan niya, pero alam kong hinihintay 'yon ng katawan ko. Nagmamakaawa niyang tiningnan ang mga mata kong nangingilid ang luha. Why were we looking at each other this way? Ni hindi ko masabi ang eksaktong dahilan.
"Mirah, I'm sorry." Nang ibaba niya ang kanyang ulo, tumingala ako upang hindi umagos ang luha. "It's not what you think."
I swallowed the lump in my throat. Parang umurong ang dila ko. Ano ba'ng magandang sabihin matapos mong makitang halikan ang best friend mo ng isang babae? Why it had to be like this? Bakit umaakto akong girlfriend na pinagtaksilan?
"Mirah, what you saw, it's . . . -"
"You don't have to explain, Rafe." Matapos ang ilang beses na pamimilit sa sarili kong dila, nakapagsalita rin ako. "Jamie kissed you, you didn't expect it. End of the story. Walang problema."
Kung galit man ang nararamdaman ko, mas nagalit ako nang bigyan niya ako ng naaawang tingin. "Mirah -"
"Rafe, wala ngang problema!" Sinigawan ko siya nang nakangiti. Pagmasdan n'yo ang itsura ko, gano'n ang itsura ng nasasaktan na pinipilit ipakitang okay siya. I laughed like crazy. "Pati ako, hindi in-expect 'yon. Alam mo bang nagkita kami sa library? 'Tapos, ang sabi niya, pumunta raw ako rito dahil may importante kang sasabihin. Dahil mahina ang utak ko, ni hindi ako nagdalawang-isip. 'Tapos . . . 'yon ang maaabutan ko. Nakakatawa, 'di ba?"
Kung may nanghuhuli ng baliw, kanina pa ako naisakay. Ewan ko kung ano ang pinagsasabi ko. A while ago, I was about to fall apart. Now, I was laughing like a clown.
Bakit ka ba nagkakaganito, Yumirah?
"Mirah, may problema," mahinahong sabi niya. Habang tumititig sa labi niya, gusto ko siyang hilahin palapit sa 'kin at punasan 'yon nang marahas. Until I felt satisfied. "Look at you, you're about to cry. Your voice is shaking. You are obviously not okay."
"I'm fine, Rafe. I'm fine." Halos mapamura ako nang pumatak ang luha sa mata ko. Kailan pa ako naging iyakin?
"You're not -"
"Oo, Rafe!" Sa lakas ng sigaw ko, nag-alala akong baka mawalan ako ng boses. "Hindi ako okay! Matapos ng nakita ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko! Kung inis, o galit! Masaya ka na?!"
Parang ngayon ko lang siya sinigawan nang ganito. I saw the pain in his eyes. Hindi ko masabi kung nasaktan siya sa sinabi ko o nasaktan siya para sa 'kin. Sana'y hindi ang panghuli ang sagot dahil ayokong kaawaan niya ako.
"Then let it all out! Say everything you want to say, Mirah!"
"I. Hate. You." There was a moment of silence. Hindi ako galit sa kanya dahil ayoko na sa kanya. Galit ako dahil ganito ang nararamdaman ko nang dahil sa kanya. "I hate you for making me feel this way! I hate Jamie! I hate what I just saw! I hate everything!"
"Sige! Isigaw mo pa!"
Dahil gusto niya, hindi na ako nagpigil. Galit ko siyang tiningnan kasabay ng pagsigaw. "I hate my best friend! Okay lang sa aking pinipilit mong maging mabuti sa kanya kahit hindi mo alam na pinapatay niya ako sa tingin kapag hindi mo nakikita. Okay lang na kinalimutan mo ako noong isang araw para kumain kasama siya. Okay lang din na hinalikan ka niya sa mismong harapan ko. Alam mo ang hindi okay?"
"Ano, Mirah?" Parang maiiyak na rin siya. Dahil doon, parang ayoko nang ituloy ang sasabihin ko. "Tell me."
"'Yong wala kang ginawa." After saying those words, umagos na parang baha ang mga luha sa mukha ko. Pinilit kong punasan, ngunit hindi ko sila mapigilan. "You could've pushed her, Rafe. But you didn't. You did nothing."
"Nabigla ako." Those words broke my heart even more. Masakit marinig ang dahilan niya. "I couldn't move, Mirah. Kung kaya ko, baka hindi ko lang siya naitulak. Hindi ko 'yon ginusto, pareho lang tayo."
"Siguro, tama ka. Pareho nating hindi ginusto ang nangyari. But I still hate you, Rafe. Galit ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko at nadudurog ang puso ko. I hate this feeling! I hate you!"
Umiiyak akong tumakbo papalayo sa kanya. Kung may nakakakita sa akin, pinagtawanan na nila ako. Daig ko pa ang babaeng ni-reject ng mahal niya, nakakatawa.
-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top