Chapter 7: Back to Normal


YUMIRAH

HUMINTO AKO SA paglalakad upang pagmasdan ang volleyball players na nag-e-exercise sa school gymnasium. They wake up early every morning to do their exercise. In the afternoon, it is time for their practice. Sa sobrang consistent nila, bihirang matalo ang aming school.

Halos lahat ng estudyante ay kilala sila. Tuwing nananalo ang school, ini-a-announce tuwing Monday. For all their hard work, I think they deserve the popularity and recognition. Gano'n din ang paghanga mula sa mga babae.

Bukod sa mga babae, may mga lalaki rin silang tagahanga. Siyempre, ang karamihan sa mga 'yon ay bakla. Unfortunately, my best friend is one of them. Hindi nga lang yata niya hinahangaan ang isa sa mga player, baka mahal na niya.

One of his teammates handed a bottle of water to my best friend's crush named Joseph. Malapit sila sa kinaroroonan ko, kaya ano man ang pag-uusapan nila ay maririnig ko. "Kumusta na kayo ng asawa mo, p're? Malas mo, ang seloso niya. Kahit yata posteng nakapalda, pagseselosan no'n."

Uminom muna siya ng tubig at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Kung nandito si Rafe, hiniling niyang sana'y siya ang gumawa no'n. "Hayaan mo na, p're. Before this week ends, I am going to break up with her. I am so sick of everything. Hindi lang siya maarte, masyado pang selosa."

If I didn't hear the rumors, I would have understood him. Kapag toxic na ang relationship, hindi mo kailangang magtiis. Pero para sa taong kagaya niya, parang laruan lang ang mga babae. Na kapag ayaw na niya sa mayroon siya, pwede niyang basta itapon at palitan ng bago.

"May ipapalit ka na ba?" Kung magsalita siya, parang maliit na bagay lang ang pinag-uusapan Magkaibigan nga sila. "Before you break up with that b*tch, dapat may nahanap ka na. Hindi pwedeng ikaw lang ang lonely sa grupo. Baka isip ng teammates natin, nababakla ka na."

My eyebrows met. No matter how badly he hated the girl, he had no right to call her that. At ano'ng mali sa pagiging bakla? Noong tinuturuan siguro siya ng mabuting pag-uugali ng nanay niya, hindi siya nakikinig.

Binatukan niya ang kaibigan. "Hoy, Mang Thomas! Ako, bakla? Sa gwapo kong 'to? Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mong ako ang unang nawalan ng virginity sa grupo."

"P're, it's Thomas. Akala ko, kakampi kita, katulad ka rin pala ng mga kaibigan natin," nakasimangot na sabi niya. Cute sana siya, pero ang gaspang ng ugali. "And how would I forget about that? Palagi mo kayang pinagmamalaki 'yon sa amin. Ilang taon ka na no'n? Fourteen? Fifteen? Ambata mo pa, matinik ka na."

"Ako pa ba?" He winked. Proud na proud? "Walang papantay sa akin. Alam mo kasi, pare, madali lang namang paikutin ang mga babae. At first, treat them like a gentleman. When they have fallen for it, hold back, and see what happens. Gano'n lang naman -"

Bago pa masira ang umaga ko, umalis na ako sa kinaroroonan ko. Hanggang ngayo'y hindi ko maintindihan kung paano siya nagustuhan ng best friend ko. I never wanted to see him hurt, pero mas okay na walang chance na magkalapit sila. He could hurt those girls, paano pa si Rafe? He would only play with my best friend's feelings.

I had missed my best friend.

Pareho ang school na pinapasukan namin, pero parang ang layo-layo na namin sa isa't isa. Tumigil kami sa pagpunta sa umaga dahil kailangan niyang mapaaga para sa kanilang gulayan. Every lunch, he was with the other YES-O officers. Hindi na rin niya ako hinahatid sa pag-uwi. Obvious na iniiwasan niya ako. Ganoon siguro kalala ang inis niya sa akin.

Paano namin maaayos ang problema niyan?

It was only six-forty-seven in the morning, and I was already at school. Actually, I was already awake at five. I didn't get enough sleep. These days, I hadn't been sleeping. Namamaga na ang mga mata ko, madalas pang sumakit ang ulo ko. Ang hirap ignorahin ng nangyayari sa amin. Daig ko pa ang girlfriend na na-e-stress dahil sa kanyang boyfriend.

Nang marating ko ang classroom, iisang tao lang ang nadatnan ko. Hindi ako nagulat nang makita si Margarette. She was writing something on her notebook. She lifted her head and smiled when she sensed that she wasn't alone.

"Hi, Yumirah! Good morning!" masiglang bati niya. Kahit ang matamlay na kalangitan, mapapasigla niya gamit ang kanyang matamis na ngiti. I couldn't help but smile back at her.

If my memory served me correctly, malapit ang bahay ni Margarette sa school, kaya nga naglalakad lang siya papunta rito. Makikita 'yon sa magandang hugis ng kanyang pangangatawan. Mahihiyang kumapit ang mga sakit sa kanya.

Hindi mayaman ang pamilya niya kaya walang sasakyang maghahatid-sundo sa kanya. Ayon sa napansin ko sa kanya, she is the kind of person who worries too much about her future. Hindi niya sigurado kung ano ang kursong i-p-pursue sa college o kung makakapag-college siya. Ilang beses ko na siyang narinig magduda sa kanyang kinabukasan. Hindi naman nalimutang ipaalala sa kanya ng mga instructor na mayroong pag-asa katulad ng scholarship basta't wala siyang susuko.

Besides my mother, she also taught me that no matter what challenges you were going through, you could still choose to smile and be happy. She could cry and give up, but she never did. She kept smiling and laughing like everything was totally okay. Kung titingnan mo siya minsan, para siyang walang problemang dinadala.

"Are you okay, Yumirah?" nag-aalalang tanong niya matapos makalapit sa akin at suriin ang aking mukha. "Napansin kong para kang laging namumutla. Kulang ka yata sa tulog at pahinga."

Napahawak ako sa aking mukha. I didn't know how I looked right now. Ang nagawa ko lang ay suklayin ang aking buhok bago umalis ng bahay. I didn't even look in the mirror. I wasn't in a hurry, wala lang 'yon sa isip ko. I hoped I didn't look like a zombie. 

"I'm fine, thank you sa pag-aalala. Dahil lang siguro 'to sa kaka-cell phone ko," pilit ang ngiting sagot ko. Ginamit ko ang isa sa pinakausong palusot sa panahong ito. Sa Facebook at TikTok, maraming beses ko nang nakita at narinig ang line na "Kaka-cell phone mo 'yan!"

"Weh? Sure ka, ha? Ayokong bigla kang mahimatay." Hindi lang siya ang may ayaw na mangyari 'yon, pati rin ako. Kapag naging unconscious ako, sino'ng magtatakbo sa akin sa clinic? "Siya nga pala, gusto mo bang sumabay mag-lunch mamaya? Our classmates told me na nagla-lunch ka mag-isa. Talagang busy 'yong best friend mo, 'no?"

Nawala ang ngiti ko matapos marinig 'yon. Perhaps, she hadn't heard of the line "Don't state the obvious." Otherwise, she would've thought twice before saying that. "Hindi na, okay lang ako. Ayokong maging feeling close. Mag-enjoy na lang kayo."

"Paano kami mag-e-enjoy kung malungkot si Zen?" she replied, to which I furrowed my eyebrows. Paano na naman napasok sa usapan si Zen? "Oh, sige. Kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. Basta if you're feeling lonely, you can always hang out with us. Bukas ang pinto namin para sa 'yo, Yumirah."

With that sweet smile and comforting words, it was hard to even imagine that Margarette was fake. Dati, hindi ko maintindihan kung bakit marami ang gustong makasama siya. Now I did. Wala siyang pinipiling kaibiganin. Willing siyang maging sandalan ng kahit sino.

I wished marami pa akong makilalang gaya niya.

Inabala ko ang sarili sa pagse-cell phone. Nang tingnan ko ang oras, may ideyang pumasok sa isip ko. I stood up and walked out of the room immediately. Nagpunta ako sa bahagi ng school kung saan ko natagpuan ang taong gusto kong makita. Naghahanap ako ng mapagtataguan nang mapansin ang isang malaking halaman. Unang hinanap ng paningin ko ang aking best friend.

I watched what he was doing. Naglalagay siya ng malilit na kahoy sa paligid ng mga gulay na tumubo na. The president and secretary was busy watering the plants. Ang apat pa nilang kasama'y nakaupo sa ilalim ng isang puno hindi malayo sa gulayan. The two boys were talking. I assumed they were friends because they looked close. The boy and a girl both wearing glasses were silent while staring at nothing. Mukha silang may sariling mundo sa lalim ng iniisip.

"Finish na!" Jamie said, smiling sweetly. "Magpahinga na tayo."

The three of them walked toward the other officers. Pinagmasdan ko ang gulayan nila. Hindi pa tumutubo ang ibang nilang tanim, pero masasabi ko nang maayos at maganda ang ginawa nila. Ang magkakauring gulay ay magkasama, mayroon pang karatula na may sulat kung anong uri 'yon. May talong, sitaw, petsay at iba pa.

Napangiti ako. Heto na ang resulta ng hard work ni Rafe at ng mga kasama niya. Ang paggising niya nang maaga para tumulong sa gulayan ay hindi napunta sa wala.

Lumipat ako sa halamang mas malapit sa kinaroroonan nila. Hindi ito kasing-laki ng una kong pinagtaguan, ngunit hindi ako pwedeng mag-inarte. Watching them there, I could see every reaction they would make and hear what they would say more clearly. I just wished no one would catch me. Anyone who saw me would think that I was stalking them.

"We have finished the gulayan, pero may activity pa tayo na naghihintay," sabi ni Jamie habang tinitingnan ang kanilang gulayan. "Creative Planting, just wait for us! Ikaw na ang next!"

"President, I told you have nothing to worry about, didn't I?" My eyes narrowed into slits as they stared at him. Ano na nga ba ang pangalan niya? Ah, Peter! The peace officer! Madali siyang tandaan dahil madalas siyang pag-chika-han ng mga babae. He is famous because he is attractive. "Kapag nandito ako, 100% sure na tagumpay ang activity ng team."

He is full of himself. Tingin ko, isa 'yon sa rason kung bakit gusto siya ng mga babae. Sa kanila, ang pagiging mayabang niya ay tinatawag na "confidence."

"Oo nga," tugon ng president. "Feeling ko, pampasuwerte ka ng grupo."

"Hindi lang swerte, ako rin ang mukha ng team. Ako ang pinaka-guwapo dito, eh." Napangiwi ako. Nasosobrahan na niya ang kanyang confidence. "You should be really grateful that I was the peace officer. Without me, paano na ang YES-O?"

"Ang yabang," komento ni Emma, ang secretary. Sa paraan ng pag-irap niya, masasabi ko na agad na hindi siya isa sa mga "tagahanga" ng peace officer. I wasn't alone then.

"Bitter," tugon ng peace officer.

"Parang bata."

"Matanda."

Her eyebrows met, almost forming a straight line. Nagsisimula na akong matawa sa kanilang dalawa. "Player."

"Vir-gin." His voice was louder than it was, and he gave emphasis on every syllable. Napangiwi na naman ako. Ganyan ang hinahangaan ng bayan?

The girl's face became darker. Parang kaya na niyang pumatay. "Sumusobra ka na, ha! Hindi tamang sabihin mo 'yan."

"What's wrong with what I said? Isn't it true? I think being a virgin is better than being a whore." He winked. Kung malapit ako sa kanya, nabatukan ko na siguro siya. "Alam mo, Emma, wala namang masama sa pagiging virgin. Alam mo kung ano 'yong masama? 'Yong hindi mo ako papasukin sa bato mong puso."

"Kadiri." Hindi ko napigilang matawa nang mahina. Inilibot ko pa ang paningin ko upang siguruhing walang nakahuli sa akin. Mahirap na, 'no. "Kakain na lang ako ng libu-libong sili kaysa maging interesado sa 'yo."

"Hey, stop arguing." Ang president na mismo ang gumawa ng trabaho ng peace officer. "We're a team, remember? Bawal mag-away, dapat love-love lang."

I focused my eyes on Rafe. He was sitting there silently with that serious face. Parang ibang tao. Whatever the other officers were talking about, he didn't care at all. Around others, he would always act like that to appear composed and cool. But when he was with me, he turned into his true self. He could share what was truly in his mind and heart. 

Around me, his true colors showed. Knowing that I was the only person who could see them was very touching.

"Gotta go."

All eyes were on Sylvianna when she walked away. Pagmasdan mo lang ang likod niya, masasabi mo nang isa siyang taong walang emosyong ipinapakita. Para siyang robot.

"Ay, nag-walk out si ate girl," sabi ng PIO na si Piolo. Kilala siyang marites kaya hindi mawawala sa isip ko ang pangalan niya.

"I also gotta go."

Nang muli akong sumilip, dalawa na ang naglalakad palayo. Sina Sylvianna at Samuel, ang parehong nakasuot ng eyeglasses. Binilisan ng lalaki ang paghakbang upang masabayan ang babae. Seeing them together, I could see some sparks flying in the air. Mukhang bagay nga sila.

"Go, dude! Duma-moves ka!" Peter shouted, his hands on both sides of his mouth. Sigurado akong narinig siya ng dalawa, ngunit nagpatuloy sila na parang walang narinig. "Obvious nang may feelings, ayaw pang mag-confess. Hay naku! Bakit hindi niya ako gayahin? Mas mabilis pa sa kidlat duma-moves. Right, Emma?"

Napangiwi ang babae. Natawa ako. Gano'n na gano'n din siguro ang itsura ko sa tuwing naririnig ang pagyayabang ng peace officer. "Nakakadiri."

Jasmine laughed, showing her white teeth. "They look good together, don't they? They are both a man of few words and take life seriously. If they end up together, hindi lang maganda o guwapo ang anak nila, matalino pa."

"Trulili!" sabi ni Piolo. That was a gay word which means "It's true!" It had been a while since I last heard my best friend say that word. Sa paglipas ng panahon, napansin ko ang hindi na masyadong paggamit ni Rafe ng gay language. "Pero mas okay silang maging partners in crime. Wala kasi silang kahit kaunting kalandian sa katawan. What if nag-booking sila? Hindi sila magtsi-chika-han? Titigan challenge, ganern?"

There was a dead air for a moment. Well, he (or maybe she?) had a point. Sa sobrang seryoso nila, kung susulat ka ng kuwento tungkol sa kanila, parang mas okay na mystery kaysa romance.

"Eh, ikaw, Rafa?" Jamie was the one to break the silence. There was a small smile on her pretty face, her sparkling eyes were on my best friend. Kung makatingin, akala mo'y nakakita ng Koreanong artista. Masyado yata siyang halata? "Ano'ng maiko-comment mo sa dalawa? Don't you think bagay sila?"

"Are we supposed to talk about them behind their back?" he replied. With that serious face and voice, you wouldn't think he was a gay. "I don't wanna be a killjoy, pero hindi yata tamang pag-chismis-an natin ang kasama natin sa organization. Well, we don't have the right to do that to anyone."

"Ayaw magpaka-KJ, pero KJ," napapairap na komento ng PIO. "Alam mo, feelanga. Otoko ka, pero minsan najijirita ako sa 'yo. Para kang si Sylvianna at Samuel, ayaw mag-talk. Baka mapanis ang laway mo kaya chumika ka rin. Givenchy ka ng thoughts mo. Ngayon lang naman, eh."

Base sa naririnig ko, he or she has a crush on my best friend. Pero halatang wala lang 'yon kay Rafe, at 'yon lang ang mahalaga - Huh? Paano naging mahalaga 'yon?

"Okay," he sighed.

"Oh, 'di ba?!" masayang sabi ni Piolo. "Kapag ako ang nag-request kay feelanga, givenchy niya kaagad. I knew it! Our feelings are mutual. Crush din ako ni crush!"

"Um, no." That made Piolo shut his mouth. Natawa ako sa isip ko. "Um, about those two. Yeah, may pag-asang maging sila. They have a lot of similarities. They are both smart, wise, mature and responsible. But I think it's hard for them to express their emotions, or maybe they just don't want to. Kung magiging magkarelasyon sila, that small thing would make everything complicated and hard for them."

'Yon na 'yon din ang sinabi niya sa akin. Parang nakikita niya ang future ng dalawa.

"Wow, you sounded like an expert, dude," Peter commented with slightly widened eyes. "Ang dami mo na sigurong naging girlfriend? Sa guwapo mong 'yan, hindi na ako magtataka kung paano."

"Vice president, do you have a girlfriend?" Emma gave Jamie a quick glance. I knew that glance meant something. Sa pagkakaalam ko, friends sila, kaya siya na ang nagtanong para sa kaibigan.

"Hoy, Emma!" inis na sabi ni Peter. "I thought you were only interested in me? Don't tell me it's Rafael that you like? Hindi ko 'yan matatanggap."

"I'm sorry, but I can't answer that question." He stood up. "Whatever's going on between our treasurer and auditor, huwag na tayong makialam. Let's just hope that it's something good. Since the activity is done, I guess it's time to leave. Bye."

Sinubukan pa siyang pigilan ni Piolo sabay hawak sa kanyang braso, ngunit hindi siya nagpapigil. Nang magsimula siyang maglakad, nataranta ako. Kailangan ko nang bumalik! Kapag nakita niyang nasa classroom ang bag ko na wala ako, magtataka siya.

I slowly went out of where I was hiding. Nang makalayo na, tumakbo ako. Ginamit ko ang ibang direksyon kung saan hindi kami magkakasalubong. Mahirap na, baka mabuking pa. Well, that wouldn't happen if I kept my mouth shut.

Dinig na dinig ang ingay na nagmumula sa heels ng black shoes ko habang tumatakbo. I ignored my aching legs and feet. Tinakpan ko ang aking mukha nang pinagtitinginan ako ng mga nadaraanan ko. Even though I wanted to stop running, I couldn't. Hindi ako magaling magsinungaling, kaya mahihirapan akong lumusot. Dapat ko siyang maunahan!

But when I needed it the most, luck wasn't on my side. Nadulas ba naman ako! Napapikit ako nang bumagsak sa sementadong sahig. I bit my lower lip. Feeling ko, nasa isa akong horror movie kung saan kung kailan ako papatayin, saka ako madadapa. Hinawakan ko ang aking tuhod bilang pangsuporta sa pagtayo. At my first attempt, I failed. Masyadong malakas at biglaan ang pagtumba ko at biglaan pa, kaya hirap akong bumangon.

Kailan pa ako naging lampa?

"Do you need my help?"

I lifted my head and found Adonis standing in front of me. With that small smile on his face, he looked like a knight in shining armor who was about to save his princess.

I shook my head as I forced myself to stand up. Mas gugustuhin kong mahiga sa sahig kaysa magpahawak sa kanya. "Kaya ko pa naman, thank you."

"Mukhang hirap kang kumilos," komento niya matapos kong makatayo. Mas lumapit siya, kaya naalarma ako. "Let me -"

"Don't touch me!" I shouted when he was about to hold me. I opened my eyes when I didn't feel his hands on me. I looked at his face, and he looked surprised. I faked a smile. "Kaya ko pa talaga, promise. Salamat na lang."

"No, you obviously can't, Yumirah," he said, shaking his head. "Let me help -"

"No!" Napabuga ako ng hangin at tumingin sa ibang direksyon. Dahil 'to sa pagiging lampa ko. "Sorry, Adonis. Ayoko lang makaabala. Just go to your class, and don't mind me."

I lied. I declined because I didn't want him to touch me. Wala siyang kasalanan at ang ibang lalaking nakilala ko noon, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong pakitunguhan sila nang ganito.

I couldn't blame myself. I knew where I was coming from. Dahil sa nakaraang parang sugat na naghilom ngunit nag-iwan ng peklat, ang hirap umaktong normal sa presensiya ng mga lalaki. Malapit lang ako sa kanila, tumatayo na ang aking balahibo sa kilabot. I felt guilty, but there was nothing I could do. Umiiwas na ako, sana'y sumakay na lang sila.

Naglalakad na ako papalayo nang sumulpot siya sa gilid ko. He put some distance between us and didn't attempt to get close to me. My body was still aching, but I acted as if it wasn't. Baka maisipan niyang alalayan ako ulit.

"Because you don't want me to hold you, I am just gonna walk with you. Hayaan mo sana ako. I just wanna make sure na safe kang makarating sa classroom mo." I looked at him. He did the same and gave me a smile. I wondered why this guy was doing this. He could have any girl he wanted, but he was pursuing the girl who was hard to get. "And you don't have to worry about my class. Wala ang instructor ng STEM sa first subject, so pwede kitang ihatid. Never ka ring naging abala sa 'kin."

All I did was give him a small smile.

It took us a while before we get there. Naging dahan-dahan kasi ang paglalakad ko dahil sa pananakit ng aking paa, pero hindi naman malala. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang teacher sa teacher's desk. But when my eyes met someone's, I became breathless. My best friend. He was looking at me with those emotionless eyes. Kapag ganyan, dapat makaramdam ka na.

No, his eyes weren't on me. They were on Adonis. Hindi pa pala siya umaalis. I forced a smile when he smiled at me. 'Yong ngiting dala ng kaba.

"Thank you sa paghatid, Adonis. Pasensya rin, at nakita mo pa ang kalampahan ko."

"It's nothing, basta ikaw." Sa halip na matuwa, nainis pa ako dahil hindi pa siya kaagad umalis. "Palagi kang mag-iingat, ha? You know I don't wanna see you hurting."

Natulala ako nang hawakan niya ang aking braso. Sandali lang 'yon, ngunit parang habambuhay. I tried to forget what he did and walked in. While I was walking toward my seat, I locked my eyes with my Rafe's into a staring contest. His emotionless face made me feel cold.

Napahinto ako sa paghakbang nang lapitan ako ni Margarette upang bulungan. "Yumirah, kanina ka pa hinahanap ng best friend mo. He asked me, pero wala akong maisagot. Didn't you  receive his messages? ang messages niya? Pansin kong maraming beses siyang nag-type at patingin-tingin sa CP niya."

My phone was with me, but my mobile data was off. Lagot! Parang wala tuloy kwenta ang pagdala ko nito. If I was active, then I would've seen his messages. Ang cell phone, minsan hindi nakakatulong sa oras ng pangangailangan.

What should I do now?

"Thank you for letting me know," I said and forced a smile. Kabadong-kabado na ako.

"Go and talk to him." Base sa tono niya, na-sense niyang may problema. "Mag-explain ka at baka nagtatampo na siya. Nahuli ka ba namang kasama si Adonis. I think he's jealous. Ang haba talaga ng hair mo, girl!"

Nang marating ko ang aking upuan, nasa labas na siya ng bintana nakatingin. Pati ang langit, mahihirapang manatiling makulay sa matamlay niyang titig. I took a deep breath before I sat.

I mustered all courage I could before I spoke, "Rafe, may pinuntahan -"

"Don't talk to me," masungit niyang sabi. Parang siyang babaeng may dalaw. "Nandiyan na ang instructor."

Nang tumingin ako sa harapan, tama nga siya. I just bit my lower lip to refrain myself from talking. It seemed that he wasn't willing to listen and this wasn't the right time to explain. I would just focus my attention to the discussion. 

"Let's just talk after class."

Lumingon ako sa kanya nang may nabubuhayang mata. Napangiti ako. Hindi man niya gustong makinig ngayon, willing naman siyang ayusin ang problema. Sana'y magkaayos na kami kasi hindi ko na kakayanin ang sitwasyong ganito.

Bago i-dismiss ang klase, inihanda ko ang aking sarili. I prepared my speech and apology. Hindi niya ako hinintay sa paglalakad, ngunit hindi nawawala ang pag-asa sa loob ko. Nang maramdaman ko ang malamig na hangin, mas nakaramdam ako ng kaba. Para akong girlfriend na ibe-break na ng kanyang boyfriend.

He looked me in the eye. I looked away because his stare was making me feel a bit uncomfortable. "Let's end this."

My jaw dropped as my eyes widened. "Our friendship? Are you serious, Rafe? Ang tagal ng pinagsamahan -"

"No, not our friendship." Ang natigil kong paghinga ay nagpatuloy matapos marinig ang sinabi niya. Akala ko naman, 'yon na 'yon. "Let's end this thing, the problem, whatever you call it. I can't bear it anymore. It's killing me, Mirah."

"So, you care?" Kumunot ang kanyang noo. That made him look like a real man. "I thought you didn't care at all. Alam mo, pareho lang tayo. Hindi ko na rin kaya ang pag-iwas mo sa akin. Hindi ko na kayang maramdamang mas gusto mo pang makasama ang ibang tao kaysa sa akin."

Ibinaba niya ang kanyang ulo. He was truly sorry. "I'm so sorry, Mirah. I didn't mean to make my best friend feel that way. After what happened, wala akong mukhang maiharap sa 'yo."

"I understand." Pinagmasdan ko ang pagsayaw ng mga puno at ang bughaw na langit. Pati ang kapaligiran, masaya sa nangyayari. "Ako rin naman, hirap harapin ka. Since you started avoiding me, I haven't been sleeping. Look at the dark circles under my eyes. Hindi na nga tayo magkasamang pumunta sa school, hindi pa tayo sabay umuwi. Every lunch, you chose to eat with your fellow YES-O officers. At break time, you pretended to be busy. We were together, pero parang wala ka rin. We chatted online, but all we did was small talk. Everything has changed just because of that kiss."

Halos paluin ko ang bibig ko nang may mapagtanto. I shouldn't have said that word. Dapat "dare" ang sinabi ko! I looked down and bit my lower lip. Hindi na naman ako nag-isip!

"It was your first kiss. Hindi ba big deal sa 'yo 'yon?"

Inangat ko ang aking paningin. I didn't want to answer his question, but he was serious. He wanted to know my thoughts. "Kung iba ang kumuha ng first kiss ko, magiging big deal 'yon. But it was you, and you just did that because you had to. Dare lang naman 'yon. Iisipin ko na lang na hindi 'yon nangyari."

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya yata nagustuhan ang sagot ko. "To you, it was just a dare? Huh!"

"Bakit?" Hindi ko siya maintindihan. "May problema ba sa sinabi ko? Ikaw rin naman, it was also your first kiss. Mas inaalala ko ang nararamdaman mo."

"Yeah, it was my first kiss. Pero bakit ako mas inaalala mo? Ikaw ang babae rito." That made my eyebrows furrow. Kung magsalita siya, parang hindi siya pusong-babae. "I mean yes, I am gay, pero ikaw ang tunay na babae. Sarili mo ang dapat mong isipin."

"Hindi na nga kailangan. Wala lang 'yon, promise. Let's just forget about it, okay?" I showed him a wide smile, even though deep inside, it wasn't easy for me. Parang sa pagtingin ko lang sa kanyang labi, nararamdaman ko na naman ang paglapat nito sa akin. His face became darker. Hindi naman niya ako sasabunutan, 'di ba? "Okay na, kaya huwag na natin 'yong isipin. Ang mahalaga -"

"Yumirah!"

Napatingin kami ni Rafe sa pinanggalingan ng nagsalita. We both found Zen walking toward where we were standing. There was a smile on his beautiful face. Parang siyang kabute na biglang lumitaw.

"I'm glad to see you again. Parang isang taon na nang huli kong masilayan ang maamo mong mukha." Nasa akin ang kanyang mga mata. When he sensed that we weren't alone, he shifted his gaze on my best friend. "Oh, hi, Rafael. The one and only vice president of the YES-O. Kumusta ang activities n'yo? Balita ko, sunod-sunod ang kailangan n'yong gawin."

"Who are you?" kunot-noong tugon niya. "How did you know Mirah?"

"Ah, hindi pa ba ako naikuwento sa 'yo ni Yumirah?" Tumaas ang aking kilay. Sinabi niya 'yon na parang importanteng tao siya na kailangan kong ipaalam sa best friend ko. "I'm Zen. Ako 'yong isa sa mga kaibigan ni Margarette. We met on Monday, when she joined us at lunch."

Rafe gave me a meaningful look. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Hindi niya alam ang tungkol doon. "Ah. Of course, she had told about that. Pero hindi ka niya naikuwento, eh. Ilang taon ka na pala? Mukhang mas bata ka sa amin. Hindi ko alam na mahilig pa lang makipagkaibigan si Yumirah sa mas bata."

Feeling ko, ang gusto niyang sabihin ay mahilig ako sa mga bata. Kung gano'n, mahilig naman siya sa babaero. 'Yong crush niya, naghahanap na naman ng bagong target.

"Sixteen na ako. Dalawang taon lang naman ang agwat namin ni Yumirah. And age never matters." Hindi siya nagpatinag sa kakaibang tingin ni Rafe. He remained composed. "Yumirah, I badly want to know kung kumusta ka na. Ayaw mo ba kaming kasama? I hope Monday wasn't the first and last time we would be eating lunch with you."

"Um, kasi -"

"I think you should go now, kid." Sa tono niya, parang nagpipigil siyang makasapak. Naiinis ba siya dahil ako ang gustong kausapin ni Zen? Huwag mong sabihin crush na niya ito? "We were actually talking about some important matter when you came. If you want to have some chit-chat with my best friend, do it next time. Mag-set kayo ng schedule n'yo."

Naiintindihan ko siya. Tama nga naman. May kailangan pa kaming ayusin, kaya hindi ito ang tamang panahon upang magkumustahan.

Nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin si Zen. "Ah, okay. Yumirah. Kung pwede na, sumabay ka ulit sa amin, ha? Promise, sasabihin ko si Herald. Goodbye! Ingat sa pag-uwi!"

Rafe sighed as he watched him walk away. "That kid obviously likes you."

"Huh?" I asked with furrowing brows. Sana'y hindi niya kinukulam si Zen sa pamamagitan ng pagbulong ng kung anong spell.

He rolled his eyes. "Ang sabi ko, sobrang palakaibigan ka talaga na nakalimutan mong ikuwento sa 'kin ang tungkol sa kanya."

Halos magsalubong ang aking kilay. Kung magsalita kasi siya, parang isang malaking kasalanan ang hindi pagsasabi ng tungkol kay Zen. Was making friends with strangers a bad thing? Nalimutan siguro niya na hindi niya ipinaalam sa aking magla-lunch siya kasama ni Jamie noong Lunes. If I waited for him until lunch was over, I would've died due to starvation. That was unfair. While he was having fun with some other girl, I would be dying after taking notes for him? Huh!

"Okay, I'm gonna tell you -"

He cut my words short. "Tell me about it in the car. Let's go, I will take you home."

-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top