Chapter 5: Spin the Bottle
YUMIRAH
PINAGBUKSAN NIYA ako ng pinto nang marating namin ang kanilang bahay. Pagkumparahin lang ang mga bahay namin, masasabi mo na ang pinagkaiba ng buhay namin. When was the last time I went here? I couldn't remember when exactly it was. 'Yon 'yong time na basta niya akong yayaing bumisita.
Naguluhan ang aking mukha nang matagpuan ang nakaparadang hindi pamilyar na mga sasakyan. Isang kotse at motorsiklo. May bisita ba si Rafe? Papasok na siya sa kanilang bahay nang magtatanong na ako. I followed him and stopped when I saw unfamiliar faces. Who are these people? My eyes landed on the table. Bakit sila nag-iinuman, ano'ng meron?
"Rafael, my brother!" Tumingin ako sa nakatatandang kapatid ng aking best friend. Just looking at him, I could already tell that Kuya Riley hadn't changed at all. Ni hindi man siya nag-abalang tumayo upang bumati. "Hi, Yumirah! It seems like it's been a long time since we last saw each other. By the way, how did your date with my brother go? Ang bilis n'yong natapos. Walang nangyari, 'no? Ang hina mo, bro. Kailan ka ba titira, ha?"
Palihim akong napangiwi at kumilos upang itago ang sarili ko sa likuran ni Rafe. Did he really have to say that in front of those strangers? The words came out of his mouth made me feel uncomfortable. Saying it in front of his friends made it even worse.
"If you have nothing good to say, you'd better shut your mouth. Kuya." If he didn't say the last word, anyone would think he was being rude. I couldn't blame him. Ano'ng mararamdaman mo kung tinanong ka kung kailan ka hahawak kapwa mo babae? Just the idea itself was so absurd! "You told me you would go to the party with your friends. Eh, ano'ng ginagawa n'yo rito?"
Palihim ko siyang siniko. "Speak nicely."
Kuya Riley spread his big arms. Nag-alala akong baka madulas sa kanyang kamay ang hawak niyang bote ng alak. "This is what I was talking about, bro! Nagsasaya na ako kasama sila. Wala si mama ngayon, at ngayon lang ako nagkaroon ng chance. This might never happen again, so even just for now, let me enjoy. Huwag kang killjoy. Wait! Ano pala'ng ginagawa n'yo rito? Oh, I can't believe it! Do you want us to go, so you can do whatever you are about to -"
"Sorry to ruin your imagination, but no," he said with conviction. Sino ba'ng matinong bakla ang papatol sa babae? Malamang, wala. "Hahayaan ko kayo ng mga kaibigan mo, at kami, aakyat para manood ng movies."
"Huh? Kung wala kayong mas magandang gagawin, why don't you join us?" Itinaas niya ang bote ng alak at nginitian ako. "Umiinom ka naman, 'di ba, Yumirah?"
"No." Rafe was the one who answered for me. "She doesn't drink. We don't drink."
"I almost forgot that you are both good people. Sa sobrang buti, kulang na sa experience." He talked the way he always did, so it was so hard for me to tell if he was drunk or not. "Kapag ipinagpatuloy n'yo 'yan, you would miss a lot of fun in life. Wake up! You only live once!"
Nginitian ako ng nag-iisang babae roon, kaya sinuklian ko siya ng ngiti. The way the three guys stared at me made me want to turn into a puff of smoke. Ano man ang naglalaro sa mga isipan nila, ayoko nang malaman. Pinatatayo nila ang mga buhok ko sa katawan. Nakakakilabot.
Napatingin ako kay Rafe nang hawakan nito ang aking kamay. "Let's go."
"Yumirah." Napunta kay Kuya Riley ang aking paningin. Nakangiti kong itinaas ang aking kilay. Kahit may pag-uugali siyang hindi ko gusto, nirerespeto ko siya lalo't kapatid siya ng best friend ko. "Pwede ka bang sumaling maglaro sa amin? My friends want to play spin the bottle. Please?"
"Say no," Rafe whispered to me.
I glanced at him and gave him a meaningful look. His brother's request wasn't a big deal. I may feel uncomfortable around those people, pero wala naman sigurong mangyayaring masama kung makakasama namin sila sandali. I nodded my head repeatedly. "Okay lang sa 'kin, Kuya Riley."
Lumipat sila ng puwesto. From the couch, they all sat on the floor. Rafe sighed before sitting next to me. Sa kanan kung nasaan ang aking best friend balak pumuwesto ng lalaking todo bato sa 'kin ng nakakatakot na ngisi. Thanked God it didn't happen. On my left was the girl who I assumed was the girlfriend of the guy sitting beside her. Inalalayan kasi siya nito.
"Before we start, I think we should introduce ourselves first. We will better enjoy this game if we know one another." Ginamit ni Kuya Riley ang bote ng alak bilang microphone. He looked like an MC of a program. "Yumirah and Rafael, naikukuwento ko kayo sa kanila, pero kung hindi pa nawawala sa memorya ng matalino kong brother, siya lang ang nakakakilala sa kanila."
"What's the point of that?" Pinipigilan ni Rafe na ipahalatang naiinis siya. I saw him giving quick glances to the three creepy guys. I also felt his hand holding mine tighter. "Wala kaming balak makipag-close. Lalo na sa mga taong marurumi ang isip."
Napansin din pala niya 'yon. Akala ko ako lang. I suddenly remembered what he told me. Na mayroon daw siyang pag-iisip ng isang lalaki kaya alam niyang kung paano sila mag-isip. Siya kaya, may time ba na tumakbo na ang utak niya gaya ng sa mga tunay na lalaki? I guessed I would never know. I may know him, but not what he was thinking.
"Kung walang gustong mag-volunteer, I will be the first to introduce myself." He made his smile wider before he continued, "Kilala n'yo na akong lahat. Sino ba namang hindi? Ako si Riley Gonzalez. I am single and available because no one can afford me. Gold 'to, 'oy. The most handsome guy living in this world. To those who do not know, kadugo ko ang Korean actor na si Lee Jong Suk."
"That's a lie," the guy beside him commented. I hated the glances he had been giving me. Kung pwedeng makulong ang magnanakaw ng tingin, matagal na siyang nahuli. "Kung may pinakaguwapo rito, that would be none other than me. Arthur nga pala. Naniniwala ako sa kasabihang hindi man sa halata sa inyong paningin, isang mabuting nilalang ang nasa inyong harapan."
Hindi ko pa narinig ang kasabihang 'yon. Maniniwala na sana ako kung hindi niya sinamahan ng kindat. Mas naging nakakakilabot siya para sa akin.
"Noah. The best thing about me is my smile." He smirked while looking right at me. Mukha siyang psychopath na may masamang balak sa 'kin. Bakit ganito ang mga kaibigan ni Kuya Riley? Huwag sana ang kasabihang "Birds with the same feather flock together." ang dahilan.
"Rafael, Riley's younger brother."
I waited for him to tell more about himself but he didn't. That meant it was already my turn. I forced a smile and did my best to show that it wasn't fake. "Yumirah po ang name ko. I'm Rafe's best friend."
"Oww! Best friends lang kayo?" Arthur couldn't believe it. Ano'ng mahirap paniwalaan sa sinabi ko? "Then why did you go out on a date? I don't understand. Kung titingnan din kayo, daig n'yo pa ang newly married couple. Hindi siguro kayo friends with benefits, 'no?"
"What?!" Kung nakakamatay ang masamang tingin, pinaglalamayan na si Arthur. I understood where he was coming from. Nakaka-offend marinig ang gano'n para sa lalaking may pusong babae.
"I told you, Art." Napatingin ang lalaki kay Kuya Riley. Nabawasan ang namuong tensiyon. "They are best friends. Best friends ang status, pero mas higit pa sa mag-asawa ang tratuhan. Ayaw mong maniwala, eh."
"Hindi kasi kapani-paniwala. Look at them. Anyone who sees them together would probably think the same thing." Lumingon ako sa aking best friend upang basahin ang tumatakbo sa isip niya. Masama pa rin ang tingin niya sa lalaki. Obviously, he didn't like what he was hearing. "Magtinginan at magbulungan lang sila, mararamdaman mong may something. Mas sweet pa sila sa asukal."
"Are we going to play or are we just gonna talk about us?" Hindi rin ako sang-ayon na pag-usapan nila kami sa mismong harapan namin. Talking about us behind our backs would be better. Wala kaming pakialam sa iniisip nila, basta huwag nilang ipaalam sa amin. "Kailangan na nating tapusin 'to dahil may gagawin pa kami."
Noah whispered to Arthur, asking what Rafe was talking about. Ang dudumi ng isip nila, ang sarap sigurong kuskusin.
"I am the only girl of the group, Elizabeth. This boy is Jack, my boyfriend." Halos mapangiwi ako. So, that guy was her boyfriend. Ang malas niya. Kung makatingin siya sa akin, parang never pa nakakita ng babae hanggang ngayon. She held the bottle. "Shall we start the game? I will be the first to spin the bottle. Lahat siguro tayo rito, alam ang larong ito. Kapag sa 'yo huminto ang top ng bote, you will choose between truth or dare. Nakadepende sa maituturo ng bottom ang magiging tanong na kailangan sagutin o consequence. Walang KJ, ha? Kapag sa 'yo tumapat, tanggapin mo ang magiging kaakibat."
Halos ang lahat ay tumango. It had been so long since I last played this game, so I was kinda feeling excited. That time, I thought lady luck wasn't on my side. Palagi kasing ako ang naituturo ng bunganga ng bote.
Her smile grew wider, flashing her white teeth. She looked so beautiful with that smile. Kung hindi kontento sa kanya ang kanyang boyfriend, then he needed to consult his doctor. "Mukhang okay na, so maybe we should start now. Ipapaikot ko na. In three, two, one!"
While staring at the spinning bottle, I was praying in the back of my mind. Masaya ang larong ito, ngunit ayokong maituro. Sino ba'ng may gusto? A small smile formed across my lips when the bottle's mouth pointed at Arthur.
"Minamalas ka yata, Art," komento ni Elizabeth. The bottom of the bottle pointed at him, so that obviously meant he would be the one to ask a question or order something. "Truth or dare?"
"Para exciting, dare! Matapang kaya 'to!"
Elizabeth looked up, thinking about it. Nakangiting bumulong sa kanya ang boyfriend ng kung ano. "Ah! Good idea! Thanks, babe! Our game has just started kaya hindi ka muna pahihirapan. Kumuha ka ng isang bote ng alak sa table na hindi pa nabubuksan. Open it using your teeth, and drink it all at once. Bawal tumigil, tuloy-tuloy dapat."
Nakapanood na ako ng gumawa no'n. Kung panonoorin, parang kasing-dali ng pagkain ng chocolate. Pero sa palagay ko, kung ako ang gagawa no'n, masisira muna ang ngipin ko bago makabukas.
"Sure! 'Yon lang pala, eh! Easy," sabi niya sabay tayo. Hinipan niya muna ang takip upang mambitin. Walang kahirap-hirap niyang ginawa ang challenge. Nakatulong siguro ang pag-iinom niya upang magkaroon ng gano'ng kakayahan.
Ang pangalawang naituro ay si Elizabeth. She also chose dare. Ang tatapang nilang magkakaibigan, walang inuurungan. Kuya Riley's challenge for her was to french kiss with her boyfriend. I had heard that before, but I never knew what kind of kiss that was. I also never wanted to know, so I covered my eyes and looked away. When I glanced at him, Rafe was staring at nothing. May ganito pa lang mangyayari, nagbigay muna sana sila ng warning.
At first, I was really enjoying it. Todo ang tawa ko hanggang sa ako ang tapatan ng bote. Lady luck wasn't smiling at me, so I could no longer smile. Kinabahan ako nang makita ang nakangiting mukha ni Kuya Riley.
"Truth or dare? Dare! 'Di ba?" Tinanong niya ako, 'tapos siya rin ang pumili. Wala sana siyang pinaplano. "Sige na, ha? This is the very first time na naituro ka, kaya pagbigyan mo na ako."
"Let her choose." Seryoso ang mukha ni Rafe. Mula kanina, hindi pa siya ngumingiti. Watching him would make you think he was looking for trouble. "Kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod."
"'Yan ba ang dahilan kaya hindi pa kayo?" Nagsisimula na naman siya. Kakainom niya siguro 'yan. "Hindi ikaw ang gusto, kaya hindi ka pinili. Parang spin the bottle lang, kapag hindi ikaw, hindi ikaw. That's sad, bro."
"Not funny."
"Who said I was joking?" Mas lumawak ang kanyang ngisi nang makitang tagumpay ang pang-aasar niya sa kapatid. Kung asar-talo ako kay Rafe, gano'n siya sa sariling kuya. "Yumirah, magdi-dare ka, 'di ba? Sa pagkakakilala ko sa 'yo, wala kang sinusukuan. Ang mga katulad mo, willing tumanggap ng mga pagsubok. Ano?"
Paano ba ako makakatanggi kung nakatingin silang lahat sa akin? Tahimik akong napabunting-hininga. "Tinatanggap ko ang hamon mo, Kuya Riley. I am choosing dare."
"I knew it! Hindi ako nagkamali tungkol sa 'yo!" With that creepy smile of him, Kuya Riley may not look like he was a man with good intentions. But my gut had always been telling me that he was. Sana'y mapatunayan niya 'yon ngayon. "Huwag kang matakot. My brother likes you, kaya hindi kita magagawan ng masama."
Pinanlakihan siya ng mata ni Rafe, nagbibigay ng babala. Nginitian lang siya ng kanyang kuya.
"Yumirah, matagal ko nang napapansing may maganda kang boses. Your voice is angelic as your face. Nakakaakit. Kung walang feelings sa 'yo ang kapatid ko, I probably would have pursued you." Hindi ko masabi kung ano ang dahilan at sinasabi niya sa akin ito. Doon ko napatunayang wala siyang alam sa tunay na katauhan ng nakababata niyang kapatid. "So, this is my dare for you. Kantahan mo kami. Sing a song that will melt our hearts."
'Yon lang pala - What?! Pinapakanta niya ako? Sabi ng mga nakarinig sa aking kumanta, magaling ako. Pero kailan na ba 'yong huling pagkanta ko sa harap ng iba? Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Rafe moved his face close to my ear. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. "I know you can do it! Show them what you've got!"
Nang tingnan ko siya, muntik nang magdikit ang mga mukha namin. That made my eyes widened. Our eyes were locked into a staring contest. No one blinked. No one seemed to want to break it.
"Hoy!" Kuya Riley needed to raise his voice. Finally, nagawa ko nang tumingin papalayo. "Nasa spinning the bottle game tayo, wala sa staring game. Saka n'yo na 'yan ipagpatuloy, after this game. Doon kayo sa kuwarto mo Rafael, walang iistorbo sa inyo."
"Gagawin ko na, kuya."
Napalitan ng matamis na ngiti ang mapang-asar niyang ngisi. "Kaya gusto ka ng kapatid ko, eh. Ang dali mong kausap."
There were silence for a moment. I took a deep breath and cleared my throat. Nag-pray din ako na hindi ako pumiyok at magkamali. "You with the sad eyes. Don't be discouraged, oh, I realize. It's hard to take courage. In a world full of people. You can lose sight of it all. The darkness inside you. Can make you feel so small~~"
Tama. True Colors by Justin Timberlake at Anna Kendrick sa movie na kapangalan ang pamagat ang napili kong kantahin. Dahil sa hilig ko sa cartoons, nakuha ko ang kantang 'yon. Actually, "Let it Go" from the "Frozen" movie was the first song that came to mind. Pero masyado 'yong mataas, at dahil gusto kong mag-play safe, "True Colors" na.
Noong una'y si Rafe lang ang sumasabay sa akin sa pagkanta, pero pagdating sa chorus, sabay-sabay na kaming lahat. Pati si Kuya Riley na nagsasabing para sa akin ang dare, nakikanta rin. "I see your true colors, shining through. I see your true colors
And that's why I love you. So, don't be afraid to let them show. Your true colors. True colors are beautiful. Like a rainbow. Oh, oh, oh, oh, oh, like a rainbow~~"
Matapos naming kumanta, pumalapak sila at pinuri ako. Doon ko bigla naramdaman ang hiya. Nang makita kong nakangiti si Rafe habang nakatingin sa akin, ngumiti rin ako. Hindi ko kinanta 'yon dahil lang gusto ko, para sa kanya 'yon. I hoped through that song I made him feel that he could always show me his true colors. That I liked him just the way he was. That I would never leave him so he should never be afraid of being alone.
"Bro, nag-dare si Yumirah. Unfair kung magtu-truth ka," komento ni kuya nang tapatan si Rafe ng bote. Tapos na ang akin. Now was his turn. "Mag-dare ka, bro. Malay mo, si Noah na ang daan sa first kiss mo."
Pinilit kong ngitian si kuya nang bigyan niya ako ng makahulugang tingin. Wala siyang ideya na nababastos na niya ang kapatid niya sa mga sinasabi niya. They say, "ignorance is bliss." But it can also be a terrible thing because ignorance will lead you to mistakes. One of those is hurting people's feeling without you even being aware of it.
"Okay, dare."
"Wow!" hindi makapaniwalang sabi ni kuya. Hindi ko alam kung iniinsulto niya ang kapatid gamit ang nanlaking mga mata o talagang nagulat siya. "Ganyan ang gusto ko sa 'yo, bro. Palaban!"
"Dare pala ha. Wait, pag-iisipan ko." Tumingala siya. Pagkatapos ng ilang segundo, tila lumiwanag ang kanyang mukha at may lumitaw na bumbilya sa ibabaw ng kanyang ulo. "Hindi ka marunong sumayaw, 'no? Then, I am challenging you to dance. Kung nagti-TikTok ka, alam mo ang nausong sayaw na Wet the Bed. Kung hindi mo alam, panoorin mo at sayawin mo sa harap namin."
"Wet the Bed"? Ah, oo! Sumikat na kanta 'yon noon dahil ginawang dance trend sa TikTok! Parang ang laswa ng steps kaya sa tuwing dumadaan 'yon sa FYP ko, nilalampasan ko kaagad. Magaling sumayaw ang best friend ko, pero mali ang hinamon ni Noah.
"Gagawin ko." My eyes slightly widened because I couldn't believe what I just heard. Inilabas niya ang kanyang phone at nag-search. Matapos ang ilang sandali ng panonood, tumingin siya sa lalaki. "Handa na ako."
Ngumiti si Noah na parang nang-aasar at inilabas ang kanyang phone. "Nagkataon lang sigurong mayroon ako ng song na 'yon, kaya ako na ang magpi-play. Galingan mo, ha? Huwag mong ipapahiya ang sarili mo, lalo na sa harapan ni Yumirah."
I ain't afraid to drown
If that means I'm deep up in your ocean, yeah
Girl, I'll drink you down
Sipping on your body all night
I just wanna take your legs and wrap 'em 'round
Mula simula ng kanta, napapalunok na ako. Sino ba ang gumawa ng kantang 'yan? May mga lyrics na hindi malinaw sa akin, ngunit sapat na ang mga narinig ko upang malaman kung tungkol saan 'yon.
Pero . . . Teka . . . Si Rafe ba talaga ang sumasayaw sa gitna? Kung gumalaw siya, parang tunay na lalaki. Hindi ko alam kung ano'ng mga uri ng facial expression ang nagawa ko habang pinapanood siya. His moves were so cool. He was so good at dancing. If he was straight, he could easily have any girl he wanted.
I'ma kiss it right, yea, yeah
I'm gon' lick all night, yea, yeah
Girl, when I'm inside, yea, yeah
Yeah girl, you heard what I said
I'm gonna make you wet the bed (Bed), bed (Bed), bed (Ooh)
I'm gonna make you wet the bed (Bed), bed (Bed), bed (Ooh)
I'm gonna make you wet the bed (Bed), bed (Bed), bed (Ooh)
I'ma put your legs behind your head
When I make you wet the bed
Sa parteng 'yon ng tugtog, mas nagduda ako kung best friend ko siya. May pataas-taas pa siya ng shirt na nalalaman. Hindi ko alam kung parte 'yon ng steps o nang-aakit siya. Ang baklang 'to, ang daming alam.
Hindi niya pinatapos ang lahat, ngunit hangang-hanga sa kanya ang lahat maliban kay Noah. "'Di ba, hindi mo 'yon alam? Bakit parang kabisadong-kabisado mo?"
Pinunasan ni Rafe ang kanyang noo. Gusto kong ako ang gumawa no'n para sa kanya, ngunit nasa harapan kami ng iba. "Who told you so?"
"Pinanood mo 'yong trend. What's the point of watching it if you already know the dance steps?" Mahahalata mo sa tono niya na hindi niya gustong naging maganda ang performance ng kausap. Did he hold grudges against my best friend? "Oh, wait! Niloko mo lang ako. You wanted to make it seem like you had no idea about it para mas magmukha kang magaling. You did a great job, dude! I think I should applaud you for that."
Kunot-noo siyang tiningnan ni Rafe, na parang siya ang pinaka-weird na bagay sa mundo. "First of all, you didn't ask so I didn't tell you -"
"I did!"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, siguradong naiinis na. "Yeah, you did. Pero ang sabi mo ay kung marunong akong sumayaw, hindi kung alam ko ang trend. And I don't remember myself telling that I didn't know it. And just so you know, I watched it to show you a good performance. That's what you've wanted after all, right?"
Pinalakpakan siya ni Kuya Riley at sinamahang tumayo sa gitna. Inakbayan siya nito at sinabing, "You are perfect, my brother. With that brilliant mind, handsome face and talent, you can make any girl kneel before you. Kung gugustuhin mo, you can have as many girls as you want. Pero alam mo ba ang problema sa 'yo?"
"I know what exactly you are about to say." Kilalang-kilala na niya ang kanyang kuya, gaya ng pagkakakilala ko sa kanya. Gano'n talaga kapag matagal mo nang nakakasama ang isang tao. "That I don't use what I have the way you want me to."
"Oo, 'yon nga 'yon," tugon niya. "Dapat sa akin na lang ibinigay ang biyayang mayroon ka nang hindi masayang. Kung ako ang biniyayaan ng Diyos, mas marami na ang naging babae ko."
"Good thing he gave it to me." Tinanggal niya ang kamay ng kapatid sa kanyang balikat. "Unlike you, hindi ko habit ang mag-collect ng babae, kuya. I never want to enter girls' skirts. At huwag mong idamay ang Diyos sa usapan."
Napangiti ako. Kapag bakla ang kaibigan mo, alam mong safe ka dahil kahit kailan, wala siyang balak na masama sa kaibigan niyang babae - maliban siguro kung may galit siya. Basta masuwerte ako't nakilala ko ang kagaya niya.
The uneasy feeling was gone. Siguro'y dahil sa hindi ko pagpansin sa mga tatlong lalaki. Akala ko'y permanente na ang ngiti sa aking mukha, ngunit naglaho ito nang sa kasamaang palad, naituro na naman si Rafe. His face was still as blank as a brick. Ni kaunti, hindi yata siya nag-enjoy.
"Ang suwerte mo, bro, sa akin natapat ang puwetan," nakangising sabi ni Kuya Riley. Feeling ko, may naiisip siyang kalokohan. Hindi sana malala. "Truth or dare?"
"I think we should end -"
Rafe was about to stand up when his older brother stopped him. "No. We can't end this until you choose between the two. Truth or dare? Huwag kang madaya. Kung kailan naituro ka, saka mo naisip umalis?"
My best friend stared at him.
"Kapag ginawa mo 'yon, I promise we will end this game." Tumingin siya sa akin nang hindi tinatanggal ang kakaibang ngisi. If he asked me, I would tell him he should stop wearing that smirk. Nagmumukha siyang masamang tao. "Puwede na kayong maglambingan ni Yumirah. Sa kuwarto mo. Oh, ano? Ganito, dahil last game naman na, mag-dare ka. It would be boring kung sa truth magtatapos ang laro."
He rolled his eyes and sat back on my side. Tinatamad siyang sumagot, "Dare me now."
"Wala nang bawian, ha?" Hindi ko yata magugustuhan 'to. Hindi na lang ngisi niya ang nakakatakot, pati na rin ang kanyang tono. I hoped he wouldn't ask my best friend to stab himself to death or eat poisonous food. "I want to do you a favor, so I dare you to french kiss with my future sister-in-law. For ten seconds. In front of us."
What? He must be kidding. There was no way he would be daring my gay best friend to do that.
"You're crazy," Rafe commented. Sa sobrang sama ng tingin niya sa kuya, nanliit nang husto ang kanyang mata. Kung sasaktan niya ang kuya niya, I would understand. "Babaguhin mo ang dare o isusumbong kita kay mama?"
Hindi sumbungero si Rafe, kaya sigurado akong hindi niya gagawin 'yon lalo't nangako siya sa kuya niya. Gano'n talaga niya ako kaayaw halikan. Ni imagine-in, hindi niya kayang gawin, eh. Ang totohanin pa kaya?
His brother laughed like a devil. Naisip kong lagyan ng tape ang kanyang bunganga. "Bro, you have a brilliant mind at alam mong dapat kang tumupad sa usapan. Bawal ang killjoy. Kapag may iniutos sa 'yo, you should do it whether you like it or not. Kiss her. What are you waiting for? Palay na ang lumalapit sa manok."
"This is just a game, okay? May mga bagay na hindi pwedeng paglaruan." He glanced at me. Para niya akong kinakausap sa gano'ng paraan. Ano'ng gusto niyang sabihin? "I think it is time to end this stupid game -"
"Stupid?" His brother cut his words short. Seryoso na ang kanyang mukha. Parang may ipinapahiwatig siya sa kapatid base sa pagtingin nito. "A person who can't do a simple thing is more stupid, don't you think? Bro, bakit parang natatakot ka? Don't tell me you don't f*cking know how to kiss a girl? Malalaki na kaya kayo, dapat alam n'yo na 'yan. If you don't do it, I would assume you're a gay."
"Sige na, Rafael. Look at Yumirah, paano mo matatanggihan ang diyosang tulad niya?"
"Baliw lang ang hindi siya gugustuhing mahalikan."
"Shut up."
Isa-isa niyang binigyan ang magkakaibigan. Sa isip niya, napatay na niya sila nang maraming beses. Kilala ko si Rafe, hindi niya susundin ang utos ng kuya niya. Labag 'yon sa moralidad niya. He's gay, and kissing a girl would be nightmare for him.
But . . . when he looked at me with that meaningful look, for a moment, I forgot who this guy was. Wala akong nakikitang pandidiri at pagtanggi sa kanyang mukha. Humihingi siya ng permiso. Napatingin ako sa mga kasama namin, nasa amin pala ang atensyon nila.
I showed my best friend a small smile and nodded.
When he started moving his face toward mine, it was like the world stopped turning. It was like a slow motion. Parang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyong hindi kayang ipaliwanag ng kahit ano'ng salita. Nasa pisngi ko na ang kanyang kamay, nasa labi ko na ang labi niya, ngunit dilat pa rin ang aking mata. Nang makita ko ang nakapikit niyang mga mata habang dinadama ang bawat pagdampi ng halik, nagpatangay na ako.
His kiss was so gentle. Sa sobrang pagkakakilala ko sa kanya, sigurado akong hindi lang niya ako hinahalikan, gusto niyang makipag-usap sa akin sa pamamagitan no'n. I could feel his desire. Hindi ako gumagalaw, pero para akong nakasakay sa roller coaster. May kumikiliti sa katawan ko, parang kuryente. I wanted to kiss him back, but I didn't forget that we were doing it in front of everyone.
"KYAAAAAH!"
Nagulat ang lahat nang may sumigaw nang sobrang lakas. I opened my eyes and moved away from my best friend whose cheeks and ears were burning red. Dahil sa pag-aalala, hinanap ko kung saan nanggaling ang ingay.
My jaw dropped when I found my best friend's younger sister, Rebecca, standing at the doorway. May hawak siyang cellphone habang nanlalaki ang matang nakatingin sa amin ng kanyang kuya. Standing behind her were three girls. They were in their pajamas while holding their own pillows and blankets. Thanks to their future sleepover, Rafe and I were totally doomed.
-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top