Chapter 4: Friendly Date
YUMIRAH
I STARED at my reflection in the mirror. Suot ko ang ang aking favorite dress na nabili sa murang halaga. Nakalugay ang aking lagpas-balikat na buhok. I applied powder on my face and lip balm on my lips.
I looked . . . simple. Ang totoo, hindi ko masabi kung maganda ba ako o hindi. But if I asked my honest best friend, matatadtad ako ng panlalait. He would always jokingly do that. But little did he know, it was slowly draining my self-esteem.
"Stop staring." My eyes slightly widened in surprise. When I turned around, I found my best friend standing there while looking at my reflection. "Kahit tunawin mo pa sa titig ang sarili mo, walang magbabago."
"Oo na," inis na sabi ko. Heto na naman kasi siya. "Alam ko 'yon, huwag mo nang sabihin."
"Ay, galit yarn?" Mas naaasar ako sa tono ng kanyang boses. Mabuti't pilit akong pinakakalma ng maamo niyang mukha. What?! Erase, erase. "Bakit malungkot ang beshy ko?"
"Rafe, itigil mo na ang pang-aasar." Pinanlakihan ko siya ng mata. Siya nama'y nakangisi pa rin na tila makulit na batang hindi masabihan. "Hindi ako natutuwa."
"Hindi dapat ganyan ang sagot mo. Dapat ganito: Kasi malungkot ang lola mo!" Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung saan niya 'yon napulot. "Hindi mo alam? Bagong trend kaya 'yon. Kaka-cartoons mo 'yan."
". . ."
There was a moment of silence. Para akong nagsimulang matunaw nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa, kaya tumingin ako papalayo. "Pwede na."
When I put my eyes on his face, I saw a sweet smile plastered on it. It looked genuine, so I assumed what he said wasn't a lie. I felt my cheeks burning. "Really? Okay lang ang itsura ko?"
He nodded. "Mukha kang tao."
"Huh?" Nawala ang mga paru-paro sa aking tiyan. Ang bilis manira ng kaligayahan ng taong 'to. "What?! Eh, kung sabihin kong mukha kang tunay na lalaki, ha? Na hindi ka maganda, gwapo ka."
"You don't have to state the obvious. I already know that." The smile on his face confused me. Sinabi ko 'yon upang inisin siya, ngunit hindi yata nagtagumpay. His smile just grew wider when he noticed the hint of confusion on my face. Inilahad niya ang kanyang palad. "Let's go?"
Kahit nagtataka, hindi ako nagtanong at tinanggap na lamang ang kanyang palad. It was so soft. Nakaramdam ako ng hiya dahil kumpara sa akin, mas mukhang pambabae pa ang kamay niya. Tumutulong si Rafe sa loob ng bahay, ngunit hindi mabibigat ang gawain niya. His father works abroad kaya nakakapagbayad sila ng gagawa ng mga gawaing-bahay. Bukod doon, hindi gusto ng nanay niya na nahihirapan siya.
May kaya ang pamilya niya kaya alagang-alaga siya. Buhay-prinsesa ang mayroon siya. But he has always remained humble. Otherwise, he wouldn't have made friends with someone like me. Hindi tulad ng meron siya, simple lang ang kinalakihan kong buhay. But at least, I always eat three times a day and I do not have a broken family. I have always been grateful for that.
We were walking silently when I spoke, "Seryoso ka talagang babawi ka, 'no? Hindi mo lang ako niyayang lumabas, libre mo pa ang lakad natin."
Habang nagtsa-chat kami kagabi, sinabi niyang tamang time na para tuparin ang pangako niya. Dahil nawala sa isip ko, nagtaka ako. Nasabihan pa tuloy akong mahina ang memorya.
"Siyempre, seryoso ako. When did I pull a prank on you?" Well, he never did. All he did was say the truth and insult me. Siguro gano'n ang tunay na kaibigan. An acquaintance will comfort you with lies, but a genuine friend will hurt you with the truth. "Kahit hindi ko alam ang pagkakamali ko dahil ayaw mong ipaalam, babawi ako sa 'yo. Gusto rin kitang i-date kasi next week, magiging busy ako dahil sa YES-O activities. Baka kasi magtampo ka na naman kaya heto, magdi-date tayo."
Naikuwento na niya sa akin ang tungkol sa meeting nila. Starting from Monday, gagawin na ng YES-O ang gulayan. Monday to Friday, from six-thirty to seven-thirty in the morning ang kanilang schedule. Ang organization na lang nila ang hindi nakagagawa ng sariling gulayan kaya kailangan nilang magmadali. Upang hindi mabigla, sa susunod na Sabado't Linggo naman nila haharapin ang bago nilang project na tinawag nilang "Creative Planting".
Detalyado ang kuwento niya. Hindi ko naiwasang matawa habang nakikinig. Nalaman kong nagkaroon ng pagtatalo ang kanilang treasurer na si Samuel at auditor na si Sylvianna. Both of them are from eleventh grade, the former is from HUMSS while the latter is from STEM. Sa kanilang lahat, si Samuel lang ang nainip kahihintay sa late nilang auditor. Nagkasagutan sila at nagpatayan sa titigan. Mabuti't naayos ng kanilang peace officer na si Peter.
Base sa kuwento ni Rafe, feeling ko may kung ano sa dalawang 'yon. I am no matchmaker, pero tingin ko'y bagay na bagay sila. They are both smart. They take life seriously. They have lots of similarities. And my best friend's comment to that was this: "Well, you have a point. But if ever they get into a relationship, the biggest problem they would have is lack of expression of what's on their mind and what's truly in their hearts."
After hearing his words, I clapped and declared that the crown was his. Pang-Miss Universe kasi ang sagutan niya. That very moment, he had proven even more that he is way too smarter and wiser than his best friend. Nahiya tuloy ang brain cells ko.
"You called it a date," I commented without thinking. Muntik kong matampal ang aking noo. Sa tono ko, iisipin ng makaririnig sa akin na may iba akong ipinaparating.
Ngumiwi siya na parang may sinabi akong nakakadiri. "Ano ba'ng nasa isip mo, Mirah? Eh, ano pa ba'ng tawag dito? Date, friendly date. You spoke as if there was more to it, as if I was going to bring you to church and marry you."
Nagmukha akong guilty sa kasalanang hindi ko ginawa. "Hoy, wala akong ibang iniisip. Ang exaggerated ng sinabi mo."
"Bagay kayo! You look good together!"
Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses, at huminto ang aming paningin sa harapan hindi kalayuan. And there, we found my mother standing and smiling. Makahulugan ang ibinibigay nitong tingin. Kasisimula pa lang ng araw, parang ayoko nang tumuloy. Could this day get any better?
Nang makalapit kami sa kanya, tinapunan ko rin ng makahulugang tingin si mama. Siguradong kung ano-ano na naman ang naglalaro sa isip nito. "'Ma, huwag n'yo nga po kaming asarin ni Rafe. We're best friends, hindi po yata tamang basta-basta n'yong sabihing bagay kami."
"Don't listen to her, tita." Inis akong bumaling kay Rafe. Matamis ang ngiti nito habang nakatingin sa mama ko. Kung pwede, binatukan ko na siya. Nang-aasar si mama, gusto niya pa yatang sumakay. "Asarin n'yo lang po kami hanggang gusto n'yo. If you want me to pursue your daughter, then I will. Masunurin ako, eh."
Ano'ng pinagsasabi niya? Maaaring nakuha niya 'yon sa napapanahong trend o 'di kaya'y nawawala na siya sa katinuan. Sa sobrang talino niya, minsan ang hirap niyang intindihin.
"Oo nga, eh. That's why I like you," tugon naman ng aking mama na halatang tuwang-tuwa. Mukha siyang batang nakahanap ng bagong kaibigan. Balak yata nitong kunin ang lugar ko na best friend. "Okay lang sa akin na ligawan mo si Yumi. Ang gusto ko lang naman, magsuot muna siya ng wedding ring at ikasal bago . . . alam mo na. Kasal muna bago kama."
"'Ma!" Pinanlakihan ko ito ng mata. Did she really have to say that? Hiyang-hiya na ako, pwede na akong lamunin ng lupa. Kung ano-ano'ng sinasabi ni mama, mali pa ang taong napili niyang sabihan. Kung alam lang niya, kanina pa nakaurong ang kanyang matabil na dila.
"Maaasahan n'yo po ako, tita." Sumaludo pa siya na parang sundalo. Ang galing niyang um-acting. Kunwari, sang-ayon siya pero siguradong diring-diri na. "'Yon din naman po ang gusto ko. Kasal muna bago kama. 'Di ba, Mirah?"
I gave him a deathly glare. "Tara na nga! Ma, alis na po kami. Thank you po sa pagpayag!"
Hinila ko ang aking best friend at tiningnan si mama sa huling pagkakataon. Sa sobrang lawak ng ngisi ni mama, nag-aalala akong baka mapunit ang kanyang labi. Asar na asar ako. Kung nagplano sila upang inisin ako, nagtagumpay sila.
Paglabas namin ng bahay, tinawanan niya ako. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa sinabi niya. But I didn't because I didn't want to bring it up. Nakakahiya! Habang bumibiyahe, hindi niya ako tinigilan. Tinatapunan niya ako ng mga mapang-asar na tingin. Ngingisi siya, 'tapos tatawa. Paulit-ulit niya ring ibinubulong ang line ni mama kanina, sinisigurong maririnig ko. I tried my best to ignore him.
"Manong Gilbert, mas okay talaga kapag kasal muna bago kama, 'no?" I rolled my eyes. Gusto ko siyang tapunan ng masamang tingin, pero mahihirapan akong harapin ang nakakainis niyang ngisi. "Mas exciting kasi mas may thrill. 'Yong kasal, magsisilbing kabayaran para sa kaligayahang matatamasa mo habambuhay."
Napailing-iling ako. Hindi na ito kinakaya ng tainga ko. Ang tanging kaya kong gawin ay hilinging iwan ng masamang espiritu ang kanyang katawan.
"Oo naman," sagot ni manong na nasa daan pa rin ang paningin. Pa-chill-chill lang siya, hindi aware na halos mamatay na ako sa inis. "Mas masaya rin kapag ang una n'yong halik ng asawa mo ay sa araw ng kasal n'yo. Iba 'yong pakiramdam. Gano'n ang ginawa namin ng asawa ko. Gusto ko kasing mapanatili ang kalinisan niya hanggang sa gabi ng honeymoon namin. Hindi ko lang mahal 'yon, nirerespeto rin."
"Ano po ba'ng pakiramdam? Gaano kasarap?" Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, pero diniinan niya ang huling salita. Kung may sili akong hawak, inilagay ko na siguro sa kanyang dila.
"Sobrang sarap." Napatingin ako sa ibang direksyon at napapikit. Ano ba 'to? Magkunwari kang walang naririnig, Mirah! Dahil hindi ko kaya, sinubukan kong isiping chocolate ang pinag-uusapan nila. "Para kang nanalo sa lotto, gano'n. Ang tagal mo kasing naghintay 'tapos sa huli, mapapa-sa 'yo ang matagal mo nang inaasam. Napakasaya, pero siyempre, kahit nakuha mo na, huwag kang magsasawang mahalin at pagsilbihan ang iyong asawa. Bakit mo po pala naitanong 'yon?"
"May nagsabi po kasi sa akin na dapat kasal muna bago kama."
"Tumigil ka na," pabulong na sabi ko sa kanya.
He laughed. "Huwag kang mainis, nagmumukha kang chaka."
Finally, natapos din ang biyahe! Pagkahintong-pagkahinto ng sasakyan, agad akong nagpasalamat kay manong at bumaba. Parang hindi na kasi ako makahinga dahil katabi ko ang pinakanakaaasar na nilalang sa mundo. My eyes were looking around when someone held my hand. Muntik akong mapatalon sa gulat.
"Bakit naaasar ang beshy ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sometimes when we were together, it was hard for me to handle his true character. Kapag ako lang ang kasama niya, sinasabi niya at ginagawa ang lahat ng gusto niya, na minsa'y hindi ko nagugustuhan. "Heto naman. How are we going to enjoy this date if you wear that face all the time? Ngumiti naman sana ang beshy ko kasi dapat happy ang lola mo!"
"Sino'ng hindi maaasar? Iinisin mo na nga lang ako, sa harapan pa ng iba. Nananadya ka na," nakasimangot kong tugon, mukhang batang malapit nang maiyak. Araw naming dalawa 'to bago siya maging busy, 'tapos sisirain lang yata niya kakaasar sa akin. Minsan talaga'y hindi best friend ang tingin niya sa akin, comedy. "Parang mas matutuwa ako kung nag-stay ako sa bahay kaysa sumama sa date na 'to."
"Ay, bakit galit ang beshy ko? Ang chaka mo kapag hindi nakangiti." Sa halip na intindihin ako, mas pinalalala niya ang sitwasyon. Kapag naging couple kami, hindi siguro kami magtatagal. "Huwag ka nang maasar, beshy. Wala namang mali sa pinag-usapan namin ni Manong Bert. Kasal muna dapat talaga - Hey, maghintay ka naman!"
Bago ko siya masaktan, naglakad na ako papalayo. Nang maabutan niya ako, hinawakan niyang muli ang aking kamay nang may ngiti sa labi. Ewan ko, pero dahil doon, nawala ang inis ko sa kanya. May kapangyarihan yata ang hawak ng baklang 'to at napapagaan nito ang loob ko.
Una naming pinuntahan ang pinakasikat na mall dito, kung saan mayroong arcade. Karamihan sa mga nakita ko'y mga bata kasama ang kanilang magulang. Siyempre, hindi mawawala ang mga mag-jowa na malapit nang langgamin. Kung titingnan mo sila, aakalain mong nagsu-shoot sila para sa isang Korean drama. Hindi ko matandaan ang huling time na nagpunta ako rito. I am the type of person who would rather lock herself in her room than go to public places.
Sa halagang one hundred pesos, nakabili ng twenty tokens si Rafe. Five pesos kada-isa. He gave me ten tokens and told me to play before he disappeared. Naghanap ako ng lalaruin sa halip na sundan siya. Time is too short to waste a minute or two. Dinala niya ako rito upang mag-enjoy, kaya lulubusin ko. I thought basketball was cool, so it was the first game I chose to play.
For every game, two tokens were needed. Walang pagdadalawang-isip kong ipinasok ang tokens at naglaro. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil tatlong na beses na akong naglalaro, hindi ko pa rin nalalampasan ang highest score. Pinunasan ko ang aking pawis at tumitig sa natitirang tokens sa aking palad. There were only two remaining chances left. I sighed and inserted the tokens into the machine.
Nahirapan ako sa pag-shoot nang may taong kumuha ng mga bola at tumulong sa akin sa paglalaro. I assumed it was my best friend, but after turning to him, I found a stranger standing next to me while throwing a ball. Tila naging slow motion ang pag-shoot niya. Nang tingnan niya ako at ngitian, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. With that beautiful face of his, he could easily make anyone fall for him. Well, not me. I forced myself to come back to my senses and continued the game.
Napangiti ako nang mawalak at halos tumalon nang makitang lamang ng seventy ang points ko sa nakaraang highest score. Kahit walang prize, pakiramdam ko ang laki ng panalo ko. Kung ikaw ang naglaro ng makailang beses at makakuha ng higher score, hindi ka magiging masaya?
"You know how to play basketball," the guy spoke, so I turned to him. Kahit saang planeta siya nanggaling, dapat ko siyang pakitaan ng respeto lalo't kung wala siya, hindi magiging posible ang goal ko. "You just need more practice. You must have heard what they say, that practice makes perfect. Well, looking at you, I can say that you're already perfect. But when it comes to basketball, you really need an improvement."
Pagngiti na may kasamang ngiwi ang ginawa ko nang pasadahan niya ako ng tingin. Para niya akong in-x-ray, parang tiningnan ang buo kong pagkatao, sa sandaling 'yon. "Thank you for that remark. Honestly, I didn't expect na may katulad mong tutulong sa akin para maka-high score. Also, thank you for that."
Thanks to him, the game didn't become a disappointment. Kung wala siya, sa halip na mag-enjoy, baka sumama ang loob ko dahil sa pagkatalo. Because of that, I forgot that he was a boy for a moment.
"Maybe this encounter is just a coincidence. Or maybe not. Who knows? May mga bagay na dumarating unexpectedly sa buhay ng tao na sa huli'y pahahalagahan nang husto." Iniwasan ko ang pagngiwi. Napulot niya siguro ang mga salitang 'yon sa paborito niyang tula. "And you don't have to thank me. It is a great privilege to play my favorite game with a girl like you. By the way, may I know your name?"
Ang bilis ng mga pangyayari. At first, I was alone. Then, he suddenly appeared out of nowhere. And now, he wanted to know who I was. Kailangan kong mag-play safe. "Mirah, that's my name. How about you?"
"You have an amazing name, as amazing as you." He winked. Inisip kong napuwing siya upang maiwasang maging hindi komportable. "I am Rhein. Going here alone wasn't part of the plan. But I had no choice but to leave my friends with their girlfriends. Ayokong makaistorbo sa date nila. But look, it lead me to you."
"Yeah, it did." Hinanap ng aking mata ang aking best friend. He was nowhere to be found, so there was obviously no one to save me. I wanted to end this conversation, but I thought it wasn't the right time. Nag-isip ako ng pwedeng sabihin. "Where's your girlfriend? Didn't you bring her?"
He smirked, and I didn't like it. "You're interested, aren't you? Well, fortunately, I am single."
Mali 'yong pagtanggap niya sa sinabi ko. I shouldn't have asked so he wouldn't have got the wrong idea. "That's okay, hindi mo kailangang malungkot -"
"Um, no." He shook his head. "I am not sad. Being single is a great privilege, you know? You can do whatever you want, go wherever you want. You are free. Kapag sarado ang puso mo, you will never know if there is someone out there better than who you are with."
Naguluhan ako. I think there is always someone better than the person whom people are with. If everyone believes the same belief that Rhein does, I can't imagine how things will work. "All I wanted to say is that maybe now is not the perfect time to cross paths with the right person. But that time is probably about to come."
"Or maybe it already has come." He looked me in the eyes as if he was trying to see my soul. That made me feel uncomfortable. "Only God knows. Malay mo, ikaw pala ang babaeng kulang sa pagkatao ko. Anyway, may I get your phone number? And Facebook account? These days, there's been no one I can talk to. That's what happens when all your friends are in love."
I was about to reply when I saw my best friend standing behind him. Malayo siya, ngunit kita ko ang masama niyang tingin sa lalaking kaharap ko. Nang mapunta sa akin ang kanyang mga mata, binigyan niya ako ng naiinis na ekspresyon. He was walking toward us when my eyes landed on his hand. May hawak siyang plush toy.
Rhein looked over his shoulder. "Oh. Is he your boyfriend?"
"Ah -"
"Mirah, I thought you were dying to see and be with me, but I was obviously wrong. I hope you didn't forget that it's our date." He gave me a quick glance before focusing his eyes on the stranger. Hindi ko masabi kung pinagnanasahan niya ito o pinapatay sa isip niya. "Who are you?"
I almost closed my eyes because the situation was starting to make me feel uncomfortable. It felt like one of them was my boyfriend and they were about to fight over me. Gano'n talaga ang naramdaman ko kahit hindi ko nalilimutang bakla ang aking best friend, and I hated it.
Rhein gave him a friendly smile. Only God knew if it was fake or not. "Rhein. And you are?"
I mentally thanked God nang tanggapin ni Rafe ang kamay ni Rhein. I prayed that he wouldn't break the latter's bones. "Rafael. You have the looks. I guess marami ka nang babaeng napaiyak."
Pilit siyang tumawa at binawi ang kanyang kamay na ayaw bitawan ni Rafe. Rafe thought he was handsome. He probably found a new target. "Thanks for the compliment, dude. But no, I am no heartbreaker. I have no time for that. Kung gusto mong maging prosecutor, you shouldn't be wasting your time on things that will get you nowhere."
"Hindi halatang gusto mong magyabang," komento ni Rafe. "Matalino ka pala? Then you should know that it's not right to ruin someone's date."
"You two are really on a date?" He looked at me, raising an eyebrow. "Mirah?"
Kumunot ang noo ni Rafe. His face told me he didn't like what he heard. "Mirah? Who told you that you can call her by that name? Ako lang ang tanging tumatawag sa kanya niyan."
Rhein pointed to me. "She said it was her name. What am I supposed to call her then?"
"You don't have to know. This might be the last time you will see her." I sighed. This was suffocating. Kailangang may gawin ako. "Mirah, the time's ticking. Katulad ni Roger, we have no time to waste. Tell him this is really a date and he has to leave."
I gave him a deadly glare before looking apologetically at Rhein. "Totoo 'yong sinabi niya. Sorry, Rhein."
"May boyfriend ka na pala." Mukhang nasaktan siya. His eyes sparkling with joy turned dull. "Kaya pala walang epekto sa 'yo ang matatamis kong salita. But it's okay. May mga tao talagang tamang tao, sa maling panahon. I have to go."
Pinanood ko siyang maglakad palayo. Ewan ko, pero parang may kung ano sa kanya. He made me feel uncomfortable, but a part of me believed that he was a good guy. Sana'y maging okay siya.
"Oh!" pasigaw na sabi ng aking best friend sabay abot ng stuffed toy. He looked annoyed. "Best friend ba kita o hindi? Why is it always easy for you to replace me?"
"Huh?" Walang emosyon ang tono niya, pero siguradong gusto niyang magalit sa 'kin. "Hey, that's not true. I am always with you, how is it possible to replace you?"
"So, kapag wala ako sa tabi mo, madali lang na kalimutan ako? 'Yan ang dahilan kaya hindi ako nag-aalalang mag-isa ka, kasi alam kong madali sa 'yong maghanap ng iba." Kumunot ang aking noo. Kung magsalita siya, aakalain mong boyfriend ko siya. "Sa tuwing iniiwan kita, never mo siguro akong hinanap o naalala man lang. That's unfair dahil kahit kailan, hindi ko naisip palitan ka."
I remembered when he told me we'd eat lunch together but ended up eating with someone else instead. Labasan pala ng loob, ha. Eh, 'di pagbibigyan ko siya.
"Talaga? Ang dali nga sa 'yong mas piliin ang iba kaysa sa akin, eh." Nagtaka siya dahil wala siyang ideya. He didn't and would never know that I needed to eat with strangers because he was with the YES-O president that time. "Maybe we could call it even."
"What do you mean? Kailan ako pumili ng iba?"
I shook my head. I wouldn't tell him. "Hindi na 'yon mahalaga. We're on a date, right? Sabi mo, bawal magsayang ng oras. Then, let's stop talking about nonsense and let's just enjoy this day."
Sumimangot siya na parang batang hindi nabilhan ng laruan. Hinawakan niya ang aking pisngi bininat 'yon na parang pinupunit. "Kung gano'n, dapat mag-smile ang beshy ko."
Inalis ko ang kanyang malalaking kamay sa aking mukha at pilit ngumiti. "Oh, hayan! Satisfied? Anyway, thank you for this stuffed toy. It must be the reason why you left me here alone."
"I played until I had no tokens, pero wala akong kahit isang nakuha. Kaya bumili na lang ako. Three-hundred pesos lang 'yan." Muntik akong matawa habang sinusubukan siyang imagine-in na naiinis kakalaro. "Okay lang sa 'kin kahit kailan mo bayaran. Gawin mong five-hundred."
He must be kidding me. "What?"
"Imposibleng hindi mo narinig. Kailangan ko bang ulitin?"
"Bakit mo pa kasi ako binilhan kung pababayaran mo lang? Hindi ko naman 'to gusto. Oh, you can take it." Pinilit kong ibalik sa kanya ang stuffed toy, ngunit ayaw niyang tanggapin. "Oh, bakit ayaw mo? Ang sabi mo pa, sagot mo ang lakad na 'to. Going out with you was probably a bad idea."
"Nagtatampo lang ako," nakasimangot niyang sabi. Ang haba ng kanyang nguso, nagmukha siyang cute na aso. "Iyo na 'yan. Hindi na ako manghihingi ng bayad."
"Huwag kang magtampo." Kapag tungkol sa lalaki ang usapan, hindi maganda ang napupuntahan. Parte ito ng pagkakaroon ng baklang kaibigan. "All he did was help me win the basketball game. If he's your type, he's all yours. You know I'm never interested in anyone."
"Never? The way you looked at him says it all! You like him!" I rolled my eyes. Ang tagal na naming magkaibigan, pero hindi pa yata talaga niya ako kilala. "And he's not my type! That's absurd!"
"And why?" I raised an eyebrow. Kung magsalita siya, parang diring-diri. "You said he was handsome, didn't you? Ikaw ang may gusto sa lalaking 'yon."
"Ha! Stop it!" Natawa ako dahil bukod sa maarte ang kanyang boses, napapikit pa siya. "Why are we even talking about him? It's our date. We should be enjoying it. Let us forget about him. Gorabels!"
We roamed around mall. Sa una'y puro pagkain ang binili niya para sa akin. Hindi ko alam kung nagtitipid siya o hindi gutom kasi pinanood niya lang akong kumain ng kung ano-ano. Alam niyang matakaw sa matatamis ang best friend niya, kung saan-saan pa niya dinadala. Hindi bilang sa daliri ang beses ng pagti-thank you ko.
"Why are you looking at me like that?" sabi niya habang inililibot ang paningin sa mga damit na nasa paligid. "Kung tungkol 'to sa kaya kong bilhin para sa 'yo sa ngayon, I'm really sorry. Hindi malaki ang dala kong pera kaya hindi ko mababayaran lahat ng gusto mo. Pero -"
"Ikaw ba ang best friend ko? Kung oo, hindi mo iisiping 'yan ang dahilan." Ano'ng tingin niya sa akin? Mapang-abuso sa kabaitan ng iba? "Yayain mo lang akong lumabas, masaya na ako. You don't have to do this, Rafe. To buy me stuff. Sapat na sa akin 'yong pagkain."
Inilagay niya ang kanyang palad sa ibabaw ng aking ulo habang nakangiti. Pinalo ko 'yon kaya't agad niya ring inalis. "Ikaw lang ang may kakayahang magparamdam sa akin ng iba't ibang emosyon. Beshy, kung ako sa 'yo, hindi na ako mag-iinarte. Pumili ka na lang: dress o shirt at jeans? Shoes or heels? Kapag hindi ka pumili, that would mean I am the one you like."
Ngumiwi ako sa joke niya. Ang baklang 'to, minsa'y parang hindi bakla. Ayokong sumama ang loob niya kaya pumili na ako. May ilang dresses akong maliit na sa akin kaya 'yon ang una naming binili. Heels ang best pair sa heels kaya 'yon ang isinunod namin.
"Pink ba talaga ang gusto mo? I think this will look better on you." He knelt and put the blue heels on the floor. "Remove your sandals, and try this. I will put it on you."
"Blue na naman?" Mas gusto ko ang pink, dahil yata sa kakapanood ko ng Barbie. "Ako ba talaga ang pipili o ikaw? Ikaw rin ang namili sa dress."
He looked up to me. "That's because I know better than you on fashion. Alam ko kung ano ang babagay sa 'yo. Isipin mong ikaw si Cinderella at ako ang fairy godmother mo. Para hindi magmukhang chaka, dapat kang magtiwala sa akin."
Heto ang mangyayari sa 'yo kapag may kaibigan kang bakla. Siya ang gagawa ng desisyon para sa 'yo pagdating sa kung ano ang dapat mong suotin. Dapat talaga, nagsusuot siya ng maskara na mukhang bakla nang hindi ko malimutan kung ano siya.
"Bakit ba kailangang blue na naman?" reklamo ko. "Sky blue 'yong dress ko kaya okay lang sigurong ternohan ng pink heels."
He rolled his eyes. "Dapat parehong blue. Kapag hindi, you wouldn't look like a princess. Magmumukha kang impostor. Makinig ka na lang at tanggalin mo na 'yang suot mo. Kanina pa ako nakaluhod, nakakangalay."
Ang nagawa ko lang ay umirap. Walang pumilit sa kanyang lumuhod, 'tapos magrereklamo sa akin. Mas napairap ako nang dalhin niya ako sa mga undergarment.
"Paano ba tayo napadpad dito?" I looked around. May babaeng nginitian ako nang malawak nang makitang kasama ko si Rafe. She probably got the wrong idea. "Don't tell me you want to buy bras and panties? Sa pagkakakilala ko sa 'yo, hindi ka nagsuot ng damit pambabae. What made you change your mind -"
"We're here because of you." Tinaas-baba niya ang kanyang kilay. "Hindi ka mahilig magpabili kaya tingin ko, luma na lahat ng isinusuot mo. Kailangan nang palitan."
"Ano ba, Rafe! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Nang bumaling ang aking mata sa gilid, nakangisi sa akin ang isa na namang babae. "Siguradong kung ano-ano na'ng naglalaro sa isip nila. Baka mamaya . . . akalain pa nilang asawa kita."
"Your cheeks are turning red." Hinawakan ko ang mainit kong pisngi. "You don't have to feel embarrassed. Let them think whatever they want. Who cares? No one! And one more thing, pareho tayong babae, 'no!"
"I don't think you really want to buy me new clothes. Gusto mo akong asarin, sigurado."
"How did you know?" I rolled my eyes. He pointed at something. Napangiwi ako matapos kong makita kung ano 'yon. "Ang ganda ng bra na 'yon. Pwede 'yon sa 'yo - Ah, hindi pala. May dibdib ka, pero kulang sa laman. Magpataba ka kasi kaunti."
Tiningnan ko ang aking dibdib at tinakpan. Ang sarap niya sigurong hambalusin. "Nakakabastos ka na, ha!"
"Hoy, joke lang. I didn't mean to step on your dignity - Charot! Step on your dignity? Pero seryoso, I never meant to disrespect you." He sounded so sincere. Of course, he never did. I knew how much he respected his best friend. "Kahit makita kitang nakahubad, I will never ever look down on you. I have high respect for you. Anyways, are you hungry?"
Maraming ibang sikat na restaurant dito, ngunit sa Mang Inasal niya ako dinala. Jollibee ang gusto niya, ngunit ito ang sa akin. Hindi ako napagod, pero para akong halimaw kumain. He was laughing while watching me. Sa dulo'y ako rin ang umubos sa pagkain niya. Malay mo, baka hindi na siya saniban ng mabuting espiritu at hindi na ito mangyari ulit.
Nagtaka ako ng pagbuksan niya ako ng pinto. Was it because of the food that he suddenly became a gentleman? "Gusto mo bang manood ng sine?"
Napangiti ako. I was glad to know that I wasn't the only one who didn't want this date to end by now. "I think it's better na sa bahay n'yo manood. Sa sinehan, kailangan pang makipila at maraming tao. At least sa bahay n'yo, mas makakapili tayo ng movie."
He smirked like a devil. "Just admit that you want to be alone with me."
-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top