Chapter 3: Peace Offering From Him


YUMIRAH

"OH, YUMI, bakit lukot 'yang mukha mo? What's wrong?"

I wanted to walk as fast as I could and lock myself in my room now. But I turned to my mother and faked a smile. "Wala 'to, 'ma. Your daughter is just exhausted. Ang dami na namang activities."

"Oh?" Lumapit siya sa 'kin at tingnan ako sa mata. If she was trying to read what was on my mind, I hoped it wouldn't work. "Are you sure? Wala ka bang gustong ikuwento sa 'kin?"

Umiling ako. My mother had always been willing to listen to anything I had to say, pero hindi malaki ang problema ko para ipaalam sa kanya. Ni hindi ako sigurado kung karapat-dapat itong tawaging problema. "Wala naman po. Anyway, how was your day, 'ma?"

My mother is a housewife. May trabaho siya noon. But since I was 15, she'd stopped because she wanted to focus her attention on me. Ayaw na niya akong ipagkatiwala sa iba at gustong subaybayan ang paglaki ko. Simula rin noon, wala na kaming katulong dahil nandiyan na siya para mag-asikaso ng lahat sa bahay.

I was glad she chose me. I thought I would be alone during the hardest times of my life, but she did not let it happen. Ang sakripisyong 'yon ay humaplos sa puso kong napuno ng puot at lungkot. Pero hindi ko maiwasang malungkot. Nakararamdam ako ng guilt dahil upang makasama ako, ipinagpalit ni mama ang trabahong nagpapaligaya sa kanya.

"I should be the one asking. Sarili mo ang dapat mong inaalala, Yumi, hindi ako. I am always fine."

"No one's always fine, 'ma." Nalimutan yata ng nanay ko na tao rin siya. Mayroon din siyang nararamdaman at pinagdaraanan katulad ng isang anak. "Thank you for taking a good care of me, but don't ever forget to do the same to yourself, 'ma. Deserve mo rin 'yon."

"You always tell me that, but most of the time, nalilimutan ko. Tumatanda na ako." She laughed, and so did I. Normal ang tumanda, ang hindi normal ay kalimutang kailangan mo ring magpahinga at alagaan ang sarili mo. Sa likod ng tawa ko ay ang namumuong mas matinding guilt. "Oh, hayan! Nakangiti ka na. Ganyan ka lang dapat. No matter how tired you are, always smile. Smiling makes you feel better and stronger. Palagi mo ring tatandaan na nandito lang ako, ha? You can tell me anything."

"Yeah, I know, 'ma. Thank you, and please stop worrying about me. I swear I'm fine."

Hinawakan niya ang aking braso. "You're a big girl now, Yumi. And I'm sure it's hard, lalo na kapag feeling mo kailangan mong sarilinin ang lahat. But I hope tatandaan mong kahit pumuti pa ang buhok mo, kumulubot man ang balat mo, you're still and will always be my daughter. I am always here. You can share anything to me. Kapag nagsabi ka sa akin, susubukan kong intindihin ka."

"I know, I know. Thank you for saying that, 'ma." I held her hand that was still on my arm. "I trust and love you. Kung pinipili ko man pong hindi magsabi, it doesn't mean that I don't trust you. There are just times na gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko, kahit mag-isa ako."

"I understand. Just don't forget what I said. Okay?"

I nodded my head and smiled.

My father is a security guard. Dahil sa nakakalungkot na dahilan, high school lang ang tinapos niya. Kung trabaho ang isinakripisyo ni mama, kolehiyo ang kay papa. Pinatuyan nila na hindi madali ang pagiging magulang.

Pagdating ni papa, nag-dinner na kami. Kahit ang tatay ko, pansin ding may mali sa akin. Tikom kasi ang bibig ko, maliban na lang kapag mayroon silang itatanong sa akin. What Rafe did did not stop bothering me. Noong papatapos na kami, wala nang nagsalita pa kaya napuno ng katahimikan ang paligid.

I was watching on TikTok when I received a message. Nasa chat head ang profile picture ng aking best friend. Ang makita ang seryoso niyang mukha ay mas nagpainis sa akin. I tapped the chat head without thinking twice.

Good evening, Mirah! Nag-dinner ka na?

I stared at his message. I wondered if he sent the same message to the YES-O president. Ano kaya ang meron sila? Bakit ganoon kadaling kalimutan ako dahil sa babaeng 'yon?

I didn't reply. Hindi sa ayaw ko, pero sariwa pa ang kasalanan niya sa akin. He chose Jamie over me, over his "best friend." While I was waiting in vain, there were enjoying their lunch together! Dahil sa sama ng loob, in-off ko ang aking active status.

Reply ka naman agad. I'm waiting.

I bit my lower lip after I accidentally tapped the chat head. Na-seen ko! Bigla kasing nag-appear! Hindi ko pa man naaalis sa aking screen ang chat head ay muli siyang nag-chat.

Naka-off ka, ah, pero sineen mo message ko. What's the meaning of this? Ini-ignore mo ba ang beauty ko

I stared at it. Naisip ko pang sabihing may mali lang sa cell phone ko o internet, ngunit naalala kong matalino siya. He's not easy to fool. Alam kong sure siyang intentional ang hindi ko pagre-reply.

Reply ka na. I know you're there. Stop ignoring my messages, Mirah.

Mukhang seryoso na siya. Naiinis na ba siya sa akin? Eh, bakit parang ako ang may kasalanan? Kung may dapat mainis, ako 'yon! Kung hindi niya ako pinaghintay, baka naintindihan ko pa. Pero hindi, eh, kaya para akong batang nagtatampo dahil hindi nabilhan ng manika.

I turned off my mobile data and my phone. Pinaghintay niya ako, kaya maghintay rin siya. I had to distract myself, so I did my homework. I could do my homework better at home than at school. I usually panic under pressure and I need a long period of time to think. Nang bumalik ako sa aking kama, hindi ko namalayang unti-unti na akong nilalamon ng antok.

Umaga na nang magising ako. Binuksan ko ang aking cell phone at nalamang 6:25 na. Nang maalala ko si Rafe, nag-online ako. Muntik kong mabitawan ang phone ko nang sunod-sunod ang pagdating ng messages niya. I tapped the chat head, and then I saw his countless messages!

Hey, Mirah! Mag-reply ka naaa

If you didn't reply, FO na

Seryoso ako

Iilan lamang 'yon sa messages niya. Hindi ko na binasa ang iba dahil naalala kong kailangan ko nang kumilos para sa school. Kung tadtarin niya ako ng mga message, aakalain mong hindi kami magkikita mamaya.

I had just worn my school uniform when I noticed something. On top of my table, there was a box with a pink ribbon. Kinuha ko ang pink na sticky note na nasa ibabaw no'n at binasa ang nakasulat.

Mirah . . . I'm sorry.

I sent this as a peace offering. I'm really sorry even though I don't really know what I should be sorry about. Patawarin mo na ako. Promise, masarap at matamis ang cookies na gawa ko. :)

Reading the note made me smile. Tila mapupunit ang aking labi at tila nasusunog ang aking pisngi. Lalo na nang makitang chocolate cookies ang laman. Nag-effort siya para makapag-sorry sa akin, kahit hindi niya alam ang problema. Pansamantalang nawala ang inis ko sa kanya.

Pagkarating ko sa hapag-kainan, ang matamis na ngiti ni mama ang sumalubong sa akin. "Good morning! How was your sleep, Yumi? Mukhang masaya ka ngayong umaga, ah."

I held my cheek. "Is it obvious? Isinaisip ko ang payo mo, 'ma. Kahit ano pa'ng problema, I can still be happy, and I should choose to smile."

Ibinaba nito ang plato sa table at nilapitan ako. Nanliit ang kanyang mata sabay titig sa aking mukha. "Totoo 'yan. But there's something different with your smile. Ano kaya 'yong something na 'yon? Ah! Baka someone?"

Nakaramdam ako ng kaba. I didn't like the way she spoke and looked at me. "Si mama talaga, oh. Ano po ba'ng sinasabi ninyo?"

"Si Rafael ang dahilan, tama ba ako? When you woke up, nakita mo 'yong cookies na bigay niya. Kinilig ka, 'no?" Kung makangiti, parang Korean drama fan si mama na tuwang-tuwa dahil sa wakas ay nagkatuluyan ang bidang lalaki at babae. Iniisip niya sigurong tulad sa palabas, pwedeng may higit pa sa relasyon namin ni Rafe. Little did she know that that was in no way possible to happen. "Ang anak ko, dalagang-dalaga na."

"'Ma, mali ang nasa isip mo." I paused for a second and chose my words wisely. Sa isang maling salita, maaaring mali ang pagkakaunawa. "Lilinawin ko po. Tama kayo, ang cookies ang dahilan kaya masaya ako. Alam n'yong favorite ko ang matatamis. Pero malabo pong kiligin ako. Mauuna munang magunaw ang mundo bago mangyari 'yon."

Sumimangot ito. "Akala ko, 'yon na, eh."

I pulled my chair out and sat on it. Inilapit ko ang plato sa akin, at si mama naman ang naglagay ng kanin doon. Inilalagay nito ang hotdog at omelette nang may maisip ako. "Ano pong time pumunta si Rafe dito kagabi?"

Naupo muna ito bago sumagot, "If I'm not mistaken, around nine na rin. Imagine-in mo 'yong gulat ko nang dumating siya. Mukha siyang nagmadaling pumunta kasi magulo pa ang buhok niya. Nang tanungin ko siya kung may problema kayo, sinabi niyang meron at makikipag-ayos siya. He even brought you cookies na siya pa ang gumawa. Pero mahimbing ang tulog mo kaya umalis din siya kaagad."

"Did you let him get inside my room?"

She nodded. Pinigilan ko ang pagsama ng aking itsura. He must have insulted how I looked while sleeping. "Alam mo bang before siya umalis, cinompliment ka niya? Kung mukha ka raw anghel kapag gising, mukha kang diyosa kapag tulog."

I doubted that he said that. Even if he did, I doubted that was what was truly on his mind. Minsan sa sobrang honest niya, hindi niya napapansing nakakasakit na siya ng damdamin.

"Huwag po kayong maniniwala sa lahat ng sinasabi niya, 'ma. Magaling magsinungaling ang lalaking 'yon." Kung hindi, matagal nang nabunyag ang pinakatatago niyang sikreto. "Katulad ng looks, words can also be deceiving. Karamihan sa mga tao ay sinasabi ang gustong marinig ng iba. Well, mas madali kasing maging mabait gamit ang kasinungalingan kaysa maging masama gamit ang katotohanan."

Sa halip na hangaan ang aking kaalaman, kumunot ang kanyang noo.  "What do you mean? Are you thinking that he lied when he complimented you? Totoo namang maganda ka, Yumi."

"Thank you, 'ma."

But that was not what I meant. Marami kayong hindi alam sa kanya. There were times that I wished they knew what I knew. Para wala nang umasang may pag-asang may ibang mamagitan sa pagitan ko at ng aking best friend.

"Rafael is a great guy just like your father." My mother does not only love my father, she also looks up to him. To the man who sacrificed his dream to provide for his family. "Well, he could lie just like everyone of us, but I think he's someone who can't hurt the girl he truly loves. Kaya kung ano man ang nagawang mali niya sa 'yo, patawarin mo siya. Huwag n'yo nang patagalin ang pag-aaway n'yo."

"Wait." May mali lang ba sa pandinig ko o may kung ano talaga sa sinabi ni mama? "What do you mean by he's someone who can't hurt the girl he loves?"

Parang may na-realize siya. "Ikaw. I'm sure he loves you. Best friend ka niya. All I want to say is fix the problem now and forgive him. You're best friends. Matagal na kayong magkasama. You shouldn't let anything ruin your friendship. Mabait na bata si Rafael kaya huwag mo siyang pahirapan. And he really loves you."

Tila may ibang ipinapahiwatig si mama sa tuwing sinasabi niyang mahal ako ng aking kaibigan. Ano man 'yon, hindi ko pinansin at sinimulan na ang pagkain ng breakfast.

Hindi ko tinanong ang tungkol kay papa dahil malamang, nasa trabaho na siya. Maaga ang pag-alis niya kaya nakakasabay ko lang siyang mag-umagahan kapag magkasing-aga ang gising namin, na bihirang mangyari.

"Ayoko na po, busog na 'ko," sabi ko sabay baba ng kutsara at tinidor. I should have brought the cookies down here. Eh, 'di may dessert sana ako.

"Hay naku, Yumi!" She pointed at my plate. "Tingnan mo, oh, hindi mo na naman inubos ang nasa plato mo. Hindi maganda 'yan, ha."

"Pasensya na, 'ma. Mabilis akong mabusog, eh." Tingin ko, 'yon ang dahilan kaya hindi ako tumataba. Kaunti na nga ang isinusubo ko, ang bagal ko pang kumain, tapos hindi ko magawang ubusin ang nasa plato ko. That was a good thing, right? Hindi ko ma-imagine ang itsura ko kapag lumobo ang katawan ko. "Promise from now on, pipilitin ko pong ubusin ang nasa plato ko. Baka layuan tayo ng blessing, mahirap na."

May narinig akong tunog ng sasakyan sa labas. Kahit hindi ako lumabas, alam ko kaagad kung kanino 'yon. Ang aga ni Rafe. Parte yata 'to ng pagbawi niya sa akin.

"Hayan na ang boyfriend mo, anak," nakangiting sabi ni mama sabay taas-baba ng kilay. "Maghanda ka na. 'Yang buhok mo, ayusin mo. Hindi pwedeng magmukha kang ni-rape sa harapan ni Rafael."

Kung ano-ano'ng sinasabi ni mama, napasimangot tuloy ako. "'Ma! Kailan ako nagmukhang ni-rape? And Rafe is not my boyfriend."

"Huh? I said boy-friend, kaibigang lalaki." Katulad ni Rafe, alam din ni mama kung paano ako asarin. "Dalasan mo ang paglilinis ng tainga para hindi mali ang marinig mo, anak."

"Nang-aasar ka lang, 'ma, eh," parang batang sabi ko. "Kung kaibigang lalaki ang ibig n'yong sabihin, mas okay ang boy best friend. Boy best friend."

"Best friend mo nga pala siya." Tumango-tango ako. Umaktong itong tila nag-iisip. "Eh, bakit hindi mo siya mapatawad nang agaran? Kung malalim ang pagsasama n'yo, ang maliit na bagay, hindi na dapat pinalalaki. Maghanda ka na nga! Ang ka-ibigan, hindi dapat pinaghihintay."

"'Ma!" Rafe should hear those words. Para malaman niya kung bakit dapat siyang makonsensiya. "Kaibigan po, hindi ka-ibigan."

Iniwan kong tumatawa si mama. Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang aking mata nang bumungad sa akin ang isang gwapong mukha. For a moment, I was breathless. Those brown eyes. That sweet smile with those white teeth. Para nila akong dinala sa ibang planeta.

"Good morning, Mirah!"

Hearing his voice made me swallow the lump in my throat. Para siyang tunay na lalaki bumati. Inilagay ko ang aking palad sa aking dibdib dahil parang hindi ko na kaya. My first attempt to speak failed, so I needed to mentally scold myself. "Ginulat mo ako, Rafe."

"I was about to knock." Kunwari ay nalungkot siya. "Wala bang good morning diyan? Ang unang ginawa mo dapat nang makita ako ay bumati. Masyadong halatang nagtatampo ka sa 'kin."

"Maaga pa," sabi ko sa kanya. Hindi pa nga ako nakaka-move on mula sa kakaibang pakiramdam na dulot niya, pagkatapos ino-open na niya ang topic na 'yon. Hindi ako handa. Pero nakatulong ang kaartehan sa kanyang tono upang mahimasmasan ako.  "I don't think it's the right time to talk about that."

"Maaga pa," pag-uulit niya. "Pero nagtatampo ka na. If now is not the right time, then when? Mirah, ayoko nito. Sorry, patawarin mo na ako please."

Those cute eyes that he has were enough to make me forgive him. Kaya ko bang mainis sa kanya nang matagal? I sighed. "Sorry ka nang sorry, alam mo ba kung ano ang dapat mong ika-sorry?"

"Hindi, eh." Nagmukha siyang batang hindi alam ang isasagot sa tanong ng teacher. "Ano nga ba? Honestly, I've got no idea."

"You wanna know?"

He nodded his head.

"I won't tell you." I shook my head repeatedly. His eyebrows furrowed. "If I do, you would surely laugh."

"Hey, I think I deserve to know. Hindi ako tatawa, promise. Sabihin mo na para alam ko ang dapat iwasan." Sumuko rin siya dahil alam niyang wala akong balak magsalita. "I understand. Baka nga pagtawanan lang kita, the way I did when I saw you sleeping last night."

Nagsalubong ang aking mga kilay. "You did? Sabi na nga ba! You complimented me in front of my mother, but in the back of your mind, tadtad na ako ng insulto."

"Sorry, couldn't help it. Tumutulo laway mo, parang falls na bumabagsak mula sa bunganga mo." Sinubukan ko siyang saktan gamit ang matatalim na tingin. "Anyway, nakita mo na ba 'yong cookies? Did you like it? Message ako nang message sa 'yo, kaso 'di ka sumasagot. Napilitan tuloy akong ipag-bake ka kahit gabi na. Tinulugan mo pa ako. Kung mala-sleeping beauty ka siguro kagabi, baka hinalikan pa kita. Kaso hindi, eh."

"Nang-iinsulto ka na naman. Bakla, kahit ako pa ang nag-iisang babae sa mundo, alam kong hindi mo ilalapat ang labi mo sa akin." Hindi ko ma-imagine na magkahalikan kami. Isang babae at may pusong-babae? Nakakakilabot. "At napilitan ka palang ipag-bake ako?"

"Hindi, joke lang 'yon! Ano nga'ng lasa? Matamis? Masarap? Magsisilbing bayad mo ang comments mo."

Naningil pa siya ng bayad. Ang baklang 'to, pwede nang maging tindera. Umiling ako sabay sabing, "Hindi ko pa natitikman. Mamaya ko na kakainin, kapag break time. Tara na, baka ma-late pa tayo."

"Wait." Huminto ako sa paghakbang upang lingunin siya. "Hindi mo pa sinasabing napatawad mo ako."

"Hindi pa ba obvious? I have already forgiven you for what you did, that you have no idea about. Otherwise, I would have ignored you."

"Ang lala mong magtampo." Tumawa siya nang mahina. "Daig mo pa 'yong girlfriend ng kapitbahay namin. Ang bagay na boyfriend sa 'yo ay 'yong talagang mahal ka at mahaba ang pasensiya."

I rolled my eyes. "Kaya nga hindi ako nagbo-boyfriend kasi walang gano'n. Let's go!"

"Wait!" I turned to him again and raised an eyebrow. Lumapit siya hanggang sa isang hakbang na lamang ang nakapagitan sa amin. "Kahit hindi ko alam ang kasalanan ko sa 'yo, babawi ako. Patikim pa lang 'yong cookies."

Pinalo ko ang kamay niyang ipinatong niya sa aking ulo. "Porke't mas matangkad ka sa akin, ginaganito mo na ako. I am not a kid."

"Yeah, hindi ka bata." Ngumisi siya at tumawa. "Isip-bata lang."

Pinanood ko siyang maglakad palayo. Hindi ko alam kung sa paanong paraan siya babawi. But that idea made me feel so excited and happy.

-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top