Chapter 23: Problems, Problems, Problems
YUMIRAH
SA KABILA ng kaguluhan sa aking isip, naging handa pa rin ako sa aming third quarter examination. Yeah, I was happy with the results, but it didn't make the troubling emotions inside me fade away.
Katulad ng bagsak kong mga balikat ang pagbaba ng pag-asang mag-ayos pa kami ni Rafe. Ni isang sulyap o tingin at ni katiting na atensiyon, hindi niya kailanman ibinigay sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong sapat na tulog. Pakiramdam ko'y parati akong pagod. I have so miserable.
Since he started acting different toward me, hindi ko na siya maintindihan. Mas nagulo ang isip ko sa mga sinabi niya sa akin. I don't know where he's coming from. Hindi ko tuloy makuha ang ibig niyang sabihin. Para siyang nagbibigay ng hints na hindi ko matukoy kung para saan. Pakiramdam ko'y nasa isa kaming karera at siya lang ang tumatakbo. Ano mang sandali, para bang . . . iiwanan na niya ako dahil sa pagod kahihintay at katitiis sa 'kin.
Slow kasi ako.
Eh, 'di ako na ang slow! Tutal sa mabibilis niya gusto, sa mabilis mag-isip at kumilos, eh, 'di doon na siya kay Yunnah! Mukha namang bagay sila. Wait. But . . . he's gay. Nawala sa isip ko. Pero . . . bakla ba talaga siya?
Halos batukan ko ang aking sarili. Siyempre, bakla 'yon! At proud akong ako lang ang nakaaalam no'n. It makes our friendship deeper because it's like we've got the biggest secret to hide from the whole world. Parang it's us against the world. And actually . . . that's how our friendship was built.
I can still vividly remember how he approached me. He was very friendly and had that warn energy around him. With just one smile, he could make anyone's heart melt for him. But for someone who had gone through so bad, that wouldn't be the case.
Sumasama ang loob kong isipin na ipinagtabuyan siya at hindi pinapansin noong una. After Yunnah left, I couldn't possibly make friends again. I couldn't begin again. Mas lalong mahirap sa 'king papasukin sa buhay ko ang lalaking kagaya niya.
Not until I found out that he wasn't a boy.
Bakla siya . . . 'Yon ang nagbukas ng puso't isipan ko para sa kanya. Naisip kong baka . . . baka pwedeng magtiwala ako ulit at magsimula nang bagong kabanata. I had doubts and worries, but with him, it always seemed easy to shrug them off me. Akala ko'y malabong mangyari, pero nagawa niyang paglapitin ang mga daan naming magkaiba ang patutunguhan. Tinanggap niya ako sa kung sino ako hanggang sa natutunan kong yakapin ang buo niyang pagkatao.
Ngayo'y mas nakakakirot ng dibdib isiping ganito ang sitwasyon namin sa kasalukuyang sandali. How I hoped I could get things back the way they were before. Hindi ko pa rin matigilang sisihin ang sarili dahil wala akong kaalam-alam kung ano ba talaga ang problemang mayroon kami. If I don't know the problem, then how could I search for some kind of solution? It's like finding a needle in a haystack.
"Oh, Yumi, anak? How's your exams?" tanong ni mama nang humahakbang ako papunta sa living room.
"Okay naman po, 'ma." I showed her a small smile. "Hindi man ganoon kataas ang scores ko, hindi naman mababa. For sure, I'm going to pass, 'ma. Just trust in me."
Half-day kami dahil sa exam, at pang-umaga kami. After lunch, I stayed in my room and took a long nap. Lagpas alas-tres na yata ngayong hapon. Kung hindi nga nanakit ang likod ko, hindi ako lalabas at magmumukmok na lang sana.
Hinaplos niya ang aking buhok nang maupo ako sa kanyang tabi. Nang mapunta sa TV ang aking paningin, patalastas ang nandoon. "I always trust in you, Yumi. You can do anything, that's what I've always believed. Gano'n din ang paniwalaan mo nang maabot mo ang lahat ng iyong pinapangarap."
Nilawakan ko ang pagkakangiti. "Of course, 'ma. Para sa inyo ni papa, gagawin ko ang lahat. Basta kasama ko kayo, wala akong hindi kakayanin. Thank God, I'm about to graduate. Kaunting tiis na lang, matutulungan ko na kayo."
Lumawak din ang kanyang ngiti sa sinabi ko. Mas gumanda ang kanyang itsura. "Ganyan ang gusto kong marinig sa 'yo, Yumi. And you don't have to worry about us, just think of yourself. Isapuso mo ang mga hangarin at pangarap mo sa buhay, at doon mo ibuhos ang lahat ng lakas mo. Hindi mo obligasyong maglahad ng tulong sa amin, pero kung 'yon ang nais mo, buong-puso kaming matutuwa at magpapasalamat sa 'yo."
"Ano'ng hindi, 'ma? Para sa 'kin, responsibilidad ko 'yon, 'no! Kayo kaya ni papa ang bumubuo sa pangarap ko!"
Natapos ang aming usapan sa mainit na yakap. Sa pagkakataong 'yon, tila ba wala akong hiya sa katawan. Considering everything I had to face and experience, it wasn't surprising that I became a little numb. Kahit nga yata lumabas akong walang ayos at makarinig ng kritisismo, I'd just be indifferent and uninterested. Ganito yata kapag miserable.
The feeling was like I was breathing, but it felt as though I wasn't at all. Parang kumikilos ang katawan ko, pero walang nangyayari para sa akin. I was going on with the flow, but I wasn't moving an inch. Para magising, kailangan ko yatang magbabad nang matagal sa malamig na tubig.
Iilang eksena ng drama pa lang ang napapanood ko nang may kumatok sa pintuan. Dahil wala akong interes sa palabas, nagprisinta na akong magbukas ng pinto. Walang gana akong kumilos, ngunit nagising nang makita ang pilit na ngiti sa aking harapan.
"Will you go with me, Yumirah? I need you ... Please?"
Magulo ang buhok ni Shan at may maiitim pang marka sa ilalim ng kanyang mga mata. Maayos ang suot niyang damit, pero parang wala siyang sa sarili. The look on his eyes expressed how down he was feeling at the moment. Sa ayos niyang 'yon, I nodded without thinking.
Nag-ayos muna ako saglit ng sarili bago nagpaalam kay mama. Nang makita si Shan, nagawa pang ngumiti ni mama habang tumatango nang paulit-ulit. You could see that she adorned him so much that she didn't get to notice how disheveled he looked. Nalaglag ang aking panga nang matindi nang makita ang pinagdalhan niya sa akin.
"Hotel . . . bar?"
Hindi niya ako sinagot, kaya inilibot ko ang aking paningin upang kumpirmahin. We are really at a hotel bar! Ganito pala ang itsura? Dahil maaga pa, iilan lang ang nandito at nagsisialisan na rin ang iba. There are tables, pero mas malawak ang vacant space. Ang expensive ng ilaw at tiles. Wala akong makitang dumi o kapintasan. Hindi pumapasok ang liwanag mula sa araw, pero nasisilaw ako sa mga nakikita.
I followed Shan as he went to the stool in front of the bartender. Binati niya kami nang nakangiti. Astang mangungumusta siya nang mapunta kay Shan ang kanyang paningin. He gave me an awkward smile, which made me frown.
Don't tell me he's thinking that . . .
"Why don't you take a seat? If you don't want to, just take a chance with me, will you?"
My eyes landed on him when he spoke. Hindi ko namalayang mariin ko nang pinapanood ang bartender na kumilos matapos mag-order ni Shan. Naninibago ako at namamangha. Hindi ko na maalala ang sinabing alak ni Shan at napuno ng paghanga sa galing ng lalaki sa kanyang ginagawa.
"Huh?" Sinamahan ko pa 'yon ng bahagyang pagkunot ng noo. Wala talaga ako sa sarili ngayon.
He chuckled. Pansin kong napadadalas 'yon. When we were younger, the most frequent thing he did was smile. Ngayo'y iba na. Hindi na talaga siya 'yong dati.
"If this was a game, you would've lost already. Kahit minsan, hindi mo ako sinakyan, Yumirah."
"A-Ano? H-Huh?"
Mas natawa siya. "This isn't going anywhere. Kahit lumuhod ako sa 'yo at magmakaawa, hindi mo talaga papansinin ang puso ko, 'no? Kahit madurog ako sa harapan mo, I bet you wouldn't pick up the pieces. It's . . . oh, no. I can't add fuel to the fire right now. So, Yumirah, will you seat with me ... please?"
He was looking like a kid begging for a candy, so I did as he said. Tinaktakapan na ng ilang hibla ng buhok niya ang kanyang malulungkot na mata, kaya dahan-dahan ko 'yong inayos. I didn't think much about it, but when I looked at him, it looked like he did. Puno ng damdamin ang kanyang pagtingin. Hinawakan niya ang kamay ko. Tila balak niyang ilagay 'yon sa kanyang pisngi, pero pinili niyang ibaba at mag-iwas ng tingin.
"Ang hirap-hirap naman, oh . . . "
"Shan . . . " I paused to swallow. "Do you have a problem? I'm all ears."
He sighed before looking at me. "That's not what I wanna hear from you, Yumirah. 'I'm all yours.' Is it that hard to say those words instead? Haha! Hindi ko na marinig ang sarili ko. Everything's a mess. Talo na nga sa pag-ibig, pati ba naman sa trabaho? Signs na ba 'to na malapit na kong kunin ni Lord?"
Nanlaki ang aking mata. That would never sound like him. It never did. Shan never spoke this way before, not even in my dream. He always seemed to be optimistic and patient about everything in life. Ngayon? Tila ba lahat ng itinatago niyang pag-asa at inspirasyon ay ninakaw mula sa kanya.
"Shan, don't be like that. I'm not used to ... seeing you like this. What happened? Sabihin mo sa akin nang mabawasan ang bigat diyan sa loob mo."
Sana'y huwag niyang masamain ang sinabi ko. Hindi ako nagmamagaling at mas hindi ko pinalalabas na mababaw ang nararamdaman niya para magawa kong pagaanin nang ganoon kadali. But with all the struggles that came my way, I think I could at least ... understand. Maybe I could share the pain through empathy and making him feel that I am here with him.
"Sige, sasabihin ko ang lahat sa 'yo. Pero bago 'yon, pwede bang ... akin ka na lang?" He chuckled when I stared at him with wide eyes. "Hey, Yumirah. Huwag mo akong tingnan nang ganyan. Mas gugustuhin kong pagtawanan mo ako. That way, I wouldn't feel this ... pathetic. You're making me feel ... smaller, you know? Yeah, you no longer have a thing for me, but could you please make me feel loved? Kahit ngayon lang, parang awa mo na."
Gusto kong magsalita at kontrahin siya. I wanted to tell him, "You never look pathetic in my eyes, Shan. I like you as a person, I really look up to you. And I never had a thing for you ... " But I chose not to.
All I was able to do was nod my head.
Ibinigay sa kanya ang alak at isang inuman niyang inubos 'yon. Muli siyang um-order, at gusto kong pigilan siya, pero pinigilan ko ang aking sarili. He came all the way here to drink the pain away. He's here with me to forget. Kung ang alak ang tanging solusyon, dapat ko siyang maintindihan.
A few moments of silence ensued before he opened his mouth to talk. "I was . . . fired. I was fired, Yumirah."
Kumabog ang aking puso nang madama ang pagkabigla at sakit. I swallowed hard. I couldn't be mistaken, I really heard his voice crack. Nanlambot ang aking mga braso at tuhod, hindi ko masabi kung may kakayahan pa akong maglakad mamaya.
A realization then dawned on me like some falling rock trying to wake me up. I didn't get to know a thing about him. Sa daming beses ng pagbisita niya sa 'kin at paglabas naming dalawa, ni minsa'y hindi ko siya kinumusta nang masinsinan. Not even once had I thought of asking him how he was doing in his life. Wala akong alam sa mga plano, iniisip at nararamdaman niya. In all those times, parang tungkol lang sa akin ang lahat. Parating sa akin umiikot ang usapan at sa mga bagay na wala naman talaga akong ganang pag-usapan.
What troubles me more is I don't know why I felt so guilty. Thinking how alone he's been breaks my heart. Para akong maiiyak dahil ni isang minuto, hindi ko nagawang samahan siya at damayan. Mas napalunok ako nang matindi sa masidhing damdaming dinadala.
"B-Bakit? H-How did it happen, Shan?" I held his hand. Maliban doon, ang kaya ko lang gawin ay kagatin ang ibaba kong labi.
Bakit ako nahihirapan para sa kanya? Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang binibiyak ang pagkatao ko? Ang malamya niyang mukha, bagsak na balikat at tamlay ng balat. They were dragging into another dimension - the last place I would want to be in.
"I made a mistake," he answered. "Well, it was a mistake ... in their eyes. Pero para sa 'kin, hindi. My ideas and plans are great for the company, Yumirah. Yeah, the changes ... They would take some time, but they would be drastic. I invested my everything in it, Yumirah. Day and night, wala akong pinalampas. I considered all the factors, pero ... may kulang pa rin. Habang lumalaban ako para sa mga plano ko, sila nama'y nilalabanan ako. I ... I don't know now ... I can't ... It's ... "
Hinaplos ko ang kanyang likuran. "Shan . . . I don't know anything about your job, but I'm sure you're doing great. You did your best, Shan . . . It will be alright."
"But . . . my best wasn't enough for them. I know my plan was way better, but they chose someone else's. Why it has to be like that, Yumirah? Bakit ba gano'n sila? Bakit ba . . . ganyan kayo?"
Tiningnan niya ako sa mga mata, at napalunok naman ako. Nabingi ako at napipi bigla. My body just froze like a statue. Para niya akong sinabuyan ng matigas na yelo, nakahihilo at nakapanlalamig nang sobra-sobra.
Nangilid ang kanyang luha kaya't napaiwas siya ng tingin. "Marami namang nagsasabing magaling ako. May maipagmamalaki naman ako, ah. Pero bakit . . . bakit hindi ako magawang piliin? Kung kailan ako nakaisip ng plano, saka ako ipagtatabuyan ng kompanyang matagal kong pinagsilbihan. Minsan lang naman akong lumaban para sa isang bagay, pero hindi ako mapagbigyan. At ikaw . . . kung kailan ako handa, saka ka . . . lumalayo sa akin."
Nabitawan ko siya at napatulala sa kawalan. Nagpatuloy siya sa pag-inom ng alak at hinayaang magwagi ang katahimikan sa aming pagitan. I stared at him and recalled all his words. I reflected on it in my head, trying so hard to find the best approach I could use as a response.
Nakatitig siya sa basong kaunti na lang ang laman. "I'm sorry. I wasn't thinking . . . I'm sorry, Yumirah."
I couldn't think of anything to say to that, so I shut my mouth. Sa mga minutong, hindi ko alam ang dapat sabihin, pinili kong kainin kami ng katahimikan. Ayokong masaktan ko siya.
"Shan . . . It's alright," I told him, which made him stop to look me in the eyes. I smiled, hoping it would ease the sadness he had. "I understand everything, you know? You're hurt, and there's nothing making sense to you right now. All you have is disturbing thoughts and feelings, and you have to let them out."
" . . . "
"I appreciate you as a person . . . Talagang mataas ang paghanga ko sa 'yo noon, hanggang ngayon. You shine as bright as the moon. And now, yeah, the darkness is trying to defeat your light, but you are still amazing. Hindi ko man masuklian ang nararamdaman mo, alam kong magagawa mo pa ring maging isang inspirasyon. Hindi lang para sa akin kundi sa lahat ng makakakilala sa magandang katauhan mayroon ka."
His eyes were hopeful. "Y-You think so, Yumirah?"
I nodded my head at him. "And about your problem at the moment, you don't have to figure it all out right away. You gave your all and did your best, sapat na 'yon. Hindi man ikaw ang pinili, huwag na huwag mong pagdududahan ang kakayahan mo. Kung may plano ka para sa kompanya, let's say it's great, but what if it's just not the right time to fight for it? O baka sa pagkakataong ito, iba ang dapat mong ipinaglalaban? Listen to your mind, but follow your heart, Shan. Sa huli, maayos mo rin 'yan. Ikaw pa ba?"
A tear escaped from his eye, and suddenly, he grabbed me for a hug. Niyakap ko rin siya pabalik. "Thank you, Yumirah. I love ... everything about you."
"Wait, someone texted me," he said, pulling out of the hug and his phone from his pocket. Mukhang bumalik na siya sa dating siya. "It's your mom. May ... naghahanap daw sa 'yo."
"S-Sino?" Parang nanuyo ang aking lalamunan at huminto ang paghinga ko.
"It's ... Let's just go, I'll take you home."
"Sige." Tumayo ako at tumalikod. I was wondering on who it might be when he stopped me.
Mula sa kamay niya sa aking braso, napunta sa kanya ang paningin ko. Nakatayo na siya at diretso ang mga mata sa aking direksiyon. "Sabi mo, para akong buwan. If to me, you're all the stars in my sky, then could I make a wish? Stay beside me and let me love you, Yumirah. Posible ba 'yon?"
Nawala sa isip kong kailangan kong umalis at napatitig lang sa kanya.
He chuckled and shook his head. "Hay, halika na nga. Naghihintay na ang araw sa kanyang bituin."
Pagkarating sa bahay, aligaga akong nagpasalamat sa kanya at nagbukas ng pinto. Narinig ko ang pagpipigil niya sa akin, ngunit hindi ko na siya inintindi. I almost tripped while running really fast. Mabuti't hindi umiral ang pagkalampa ko!
Hinanap ko si mama. "'Ma?! Sino po'ng naghahanap sa akin? Nasaan siya?"
Nakataas ang kilay ni mama nang tingnan akong humihingal. Kumunot pa ang kanyang noo. "What happened, Yumirah? Madilim na, bakit ngayon ka lang inihatid ni Alexander Shan? Si Rafael - "
Naghanap-hanap ako sa paligid. Narating ko pa ang kusina. But there was no Rafe! "Where is he, 'ma?! Where's Rafe?!"
"Hay naku, Yumi," sagot niya sabay patay sa TV. "Ewan ko ba ro'n. Hinintay ka niya rito para sana kumustahin ang exams mo. Mukha ka raw nalulungkot nang makita ang scores mo. Aba't bakit niya kailangang gawin 'yon kung parati mo siyang kasama? Pero bakit parang ang lungkot-lungkot niya, may nangyari ba sa inyo? Bakit ang dami kong hindi nalalaman?"
"Eh, nasa'n na nga siya, 'ma?" Para na akong maiiyak sa frustration.
"He said he was gonna look for you. Ewan ko kung saan nagpunta. I-chat mo na lang. Nasaan ba ang - "
I didn't let her finish and immediately went to my room. Wala sa akin ang phone ko! Naiwan ko! Kabubukas ko pa lang sa screen nang makita ang isang message. It was from Yunnah.
Come to my house, Yumirah. I've got some surprise for you. Siya nga pala, brace yourself
Nagtaka ako, lalo na sa nakangising demonyong emoji. I started to have a bad feeling kaya't dali-dali akong kumilos palabas ng kwarto. Nag-iisip pa lang ako kung paano makapupunta sa bahay nina Yunnah nang makita si Shan na nakaupo sa sala.
"Shan? Nandito ka pa?"
"Ay, oo. Makikiinom lang sana ako ng tubig. Kailangan ko - "
"Tamang-tama! Nagmamadali ako, can you drive me to your house? Sige na!"
Hindi na siya nakaangal nang hilahin ko siya. Narinig ko pa ang pagtawag ni mama bago ako nakasakay sa kanyang kotse.
Wait for me, Yunnah . . .
I CAN SEE YOUR TRUE COLORS
TiffGRa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top