Chapter 22: By Partner (Part 2)
YUMIRAH
THERE ARE really times when fate makes fun of you out of the blue. The best example I could give is the situation I am in.
I'm doomed! Humiling na ako sa lahat ng santo, ngunit wala pa ring silbi. Hindi ako naglaho sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko magawang kumilos at para bang ano mang segundo ay babagsak ako. I was starting to regret going out. I hoped I could go back in the past and changed my mind. I should've just declined Shan's offer!
"Oh, nandito ka na," sambit ni Kuya Riley, pero hindi nag-abala ang kanyang kausap na sulyapan siya. "Wait! S-Siya ba 'yong sinabi mong susunduin mo? Ka-date mo?! Aba't bakit hindi ako naabisuhang by pair pala ang lakad na ito? Echapwera na ang lagay ko nito, bwis*t!"
Nagising ako. Matapos marinig 'yon, mula sa best friend ko, napunta sa babaeng sumulpot sa tabi niya ang aking tingin. Nakaramdam ako ng kirot nang masilayan ang mawalak na ngiti ng dati kong best friend. Disturbing questions started to crash into my head, but I tried to shrug them off. I didn't want to show how bothered I am.
"Yunnah Shen and I didn't plan to meet up, but yeah. Here we are." Nakatitig siya sa 'kin habang sinusubukan kong huwag ipakita ang inis. "I don't think it's the same with you two? Alexander Shan, right? It's nice to see you."
I almost rolled my eyes. Ang galing talagang umarte ng baklang 'to! In all fairness, lalaking-lalaki ang boses, ha. And what? It was nice to see Shan? Hindi man nakita ng iba, napansin ko ang bahagyang pagsalubong ng kilay niya. Insincere!
Shan gave him a smile. "And you're Rafael, Yumirah's best friend. I've heard a lot of stories about you from my sister. It makes me happy to see the both of you having a good time."
Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Shan, pagkatapos ay kay Yunnah. She was smirking like a devil! She's so infuriating! Huh! Ang dami na niyang atraso sa 'kin!
Sa sobrang galit ko sa kanya, hindi ko na napigil ang pagsalubong ng aking kilay. Napasara pa ang aking kamao. When she gave me a wink, then a serious look, I had to avert my eyes because if I didn't, I would probably have shouted at her face.
"Having a good time?" Rafe chuckled in a sarcastic way. Dumagdag pa siya sa namumuong tensiyon ngayon. "Didn't you hear what I said? Kakasundo ko lang sa kapatid mo, which means hindi pa kami matagal na nagkakasama. Baka ikaw - I mean, kayo - ang nag-e-enjoy? Mapapa-sana all ka na lang talaga."
Sarkastiko pati ang huli niyang linya. To everything he said, I didn't know how to react. Ang nangingibabaw sa 'kin ay ... sama ng loob. I felt bad thinking how mean he has been treating me while he just let Yunnah stick to him. How could he be with the person who had hurt his best friend the most? How could he?
Para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko, iniisip ko na lang na wala siyang kasalanan dahil wala siyang alam. Hindi niya alam kung gaano kasama si Yunnah at ang mga nagawa niya. But still ... It was annoying! This was suffocating! I needed to breath!
I was back in my consciousness when Shan spoke. "There's no need for that, Rafael. I think being with my sister is fun to you, kaya wala kang dapat na ikainggit. Just some piece of advice. Don't hurt her feelings. Hindi ako mahigpit sa kanya, pero kaya kong gawin ang kahit na ano, mapawi lang ang nagpapahirap sa kanya."
"Psh! No one needs your advice, dude. I'm a gentleman, I don't hurt girls. Alam ko kung ano ang dapat at hindi pagdating sa mga babae. Hindi ako tulad ng iba diyan, hindi na nga gusto, pinagpipilitan pa ang sarili. Wala akong pinapatamaan, ha? Matamaan ... sana sapol sa buto."
"Rafe," I called him, my voice firm.
Tinapunan niya ako ng malamig na tingin, ngunit para niya akong tinutunaw. Kung naiinis ako sa kanya, halatang mas naiinis siya sa akin. Salamat na lang at hindi pa siya galit sa lagay na ito. Yeah, he's been avoiding me, but I still care about how he feels. Hindi 'yon mawawala, kahit kalimutan pa niya ako.
"Hey, dude." Shan was serious. "What do you mean? You know nothing, so you can't speak as if you do. Ayokong sabihin 'to, pero wala ka pa man sa buhay ni Yumirah, kasama na niya ako. Noong mga panahong inosente pa siya at lumalaki, kami ang magkasama. Do you think we could be together for that long if we didn't like each other's company?"
"Hoy, hoy!" Kinuha ni Kuya Riley ang aming atensiyon. Mabuti naman! Para kaming nasusunog sa init ng tensiyon. "Ang date, pinapainit, pero hindi sa ganitong paraan. Kayong dalawa, magsihayo na nga kayo at magparami - este magpakasaya! I already texted a friend, paparating na siya. Iiwan ko na kayo, ha? Rafael and Yumirah, just let go and enjoy! Lalarga na ako!"
Pinagmasdan ko ang kanyang paglayo, ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang lumapit sa amin. Nakakunot ang noo namin sa ngising mayroon siya.
"Rafael, I almost forgot! Proteksiyon muna, saka sibat, ha?! Mahirap na, ayoko pang maging tito! Oh, 'eto na, alis na 'ko!" Tinapik niya pa si Rafe sa balikat at tinanguan kami. Dahil doon, sinamaan ko ng tingin ang kanyang likuran.
Si Kuya Riley talaga, hindi na nagbago. Bakit ba gano'n na lang ang laging laman ng isip niya? I wondered what else he was doing with his life other than saying nonsense.
"Rafe, we're alone na! I'm so full of joy!"
My eyes narrowed into slits as I stared at Yunnah's arm entwined with Rafe's. And he called him by that name again! Ang tagal nang nanginginig ang tainga ko kakatimpi sa pagtawag niya ng gano'n sa beat friend ko, kung alam lang niya! Heto namang si Rafe, hinahayaan lang na lumingkis siya! Is this what he wants? Huh?
"Oh, hindi pala." Tiningnan niya kami. "Kuya and Yumirah, hi! I didn't expect that we'd bump into each other here, pagkakataon nga naman. So, how's your date going?"
Sa halip na makisingit at itanggi kay Yunnah na "date" ito, nakipagtitigan ako kay Rafe. He narrowed his eyes at me, then rolled them. Hindi ako makapaniwala doon. Ayoko man, inirapan ko rin siya. Siya ang may atraso rito, kaya huwag niya akong susungitan! Psh! Anong klaseng best friend ang pipiliing makasama ang kung sinong babae lang kaysa sa kaibigan niya?
"It's more than fine," Shan answered with a smile. Nanliit ang mata ko nang irapan siya ni Rafe. His true colors were showing! "It's good to see you here, sis. And it's better if you roam around with ... someone. May tiwala ako kay Rafael, mukha namang hindi ka niya pababayaan."
"Psh! Paki ko sa opinyon mo." Mahina ang kanyang boses, ngunit dinig na dinig ko. Muli niya akong inirapan nang pinanlakihan ko siya ng mata. "So, nag-de-date pala talaga kayo? Iba talaga kapag hindi masyadong sineseryoso ang pag-aaral, 'no? Paharot-harot lang."
What?!
I couldn't stop my frowning, so I sighed. Ayokong maglabas ng inis dahil hindi ito ang tamang oras. "May kailangan pa kaming puntahan ni Shan, mauuna na kami sa inyo. M-Mag-enjoy kayong magkasama, sige."
Niyaya ko si Shan na umalis, at nakangiti naman siyang sumama. Hindi pa kami nakakalayo nang mapatigil. May banat pa ang bakla!
"Talagang close kayo, 'no? Wala nang kuya-kuya, may pa second-name basis pa," sabi niya. Inis ko siyang nilingon. "Iba na talaga ang mundo ngayon. Marami ang imbes na ayusin ang relasyong meron sila, tumatakbo sa iba para bumuo ng bago. Sana gano'n din kadali ang lahat para sa akin."
Maraming tao sa paligid, ngunit namayani ang katahimikan. As we stared into each other's eyes, all I could feel was his presence. In that moment, it felt as though we were both stuck in an enclosed, small space and the air wasn't enough to keep me breathing. Kinailangan kong umiwas ng tingin para makahinga nang maluwag.
"Yeah, Shan and I are close. We'll get going now." Hinawakan ko si Shan at tinangay kasama ko.
Malayo na kami doon sa dalawa nang tawanan ako ni Shan. His laughter was so cool that anyone could fall for it. But not me. Hindi na ako kasing-babaw ng dati para isiping gusto ko siya dahil lang cool siya. Mula sa pagkainis, napuno ako ng pagkalito. When he noticed me staring, he immediately stopped.
"Okay, sorry," he said. "Natawa lang ako kasi ang seryoso mo. You reminded me of our school librarian, akala mo katapusan na ng mundo kung magsungit."
"Hey, Shan. Sino'ng nagsusungit. Hindi ako nagsusungit."
He chuckled again. "Sobrang seryoso kasi ng mukha mo kanina. Kung kausapin mo 'yong best friend mo, para kayong may LQ. It's hard not to assume that there's something else between you two."
Hindi ako makatingin sa kanya nang mapansing seryoso siya. Para siyang nang-i-interrogate, hindi ako handa. "Ano ba'ng sinasabi mo? Tara na nga."
Tinalikuran siya upang takasan ang nanghuhusga at mapanuri niyang mga mata. I wasn't in the mood to talk about it right now, and I didn't have the right words to reply either. Kapag nagkataon, mahuhulog lang ako sa patibong ng sarili kong tugon.
"Pero, Yumirah." The tone of his voice made me stop. "Hindi pa naman ako huli, 'di ba? I want assurance, but I've realized that when it comes to love, there's no guarantee that things will work out alright. But please, tell me ... there's nothing wrong with wishful thinking, right? May pag-asa pa naman siguro ako sa 'yo ... ?"
I swallowed and swallowed. Sa dami ng paglunok ko, naubos na ang aking laway, na naging dahilan ng pagtuyo ng aking lalamunan. Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ako makapaniwala sa sandaling ito. Never had I anticipated this kind of scene ... lalo na na kasama si Shan.
"A-Ano ba'ng ... sinasabi mo?" I gathered all my remaining strength to speak. Kinailangan ko pang isara ang aking palad at ipikit ang aking mata para lang hindi bumigay ang aking tuhod. Kung bumukas lang ang sahig, nagpakain na ako.
"No, it's nothing." He was smiling while saying that. Hindi ko kailangang makita ang kanyang mukha para masabi 'yon. "Don't think about it. Bakit hindi na lang tayo manood ng sine? Do you want to spend more time with me?"
Doon ko lang siya nagawang balingan. Yeah, he wore a smile. But ... his eyes were filled with disappointment and ... regret. The distance that separated us couldn't even make it possible to hide how sad he was feeling inside.
I nodded at him and smiled. "I do, Shan. Let's stay together a little longer."
Siya ang pumili nang hindi ako titanong. Horror 'yon. Nagtaka ako roon dahil mukhang romance ang gusto niya. When I asked him about it, he just gave me a small smile and said, "It ain't for me." Tinanguan ko siya ng ngiti at sinabing naiintindihan ko siya. Our eyes met for three times. Nahuhuli ko kasi siyang tumititig sa 'kin. Palagi 'yong nagtatapos sa palitan namin ng ngiti. Why? I really didn't know why.
"Here, take it."
Papasok na kami nang may mag-abot sa 'kin ng juice. When I looked up, I found my best friend staring at me. Nakipagtitigan ako sa kanya.
He faked a cough. "Iyo na 'to. Mukhang isa lang ang binili ni Alexander Shan, kawawa ka naman."
I shifted my gaze to his other hand. It was empty. "Eh, paano ka? Thank you, but Shan and I, we can just share - "
"Share?!" After raising his voice, he sighed. "Hindi 'to group activity, gets? Kunin mo na lang, nangangalay na ang kamay ko. Mali rin ang nabili ko. I don't like it, so I'm giving it to you. You don't have to overthink."
Kusang naging malikot ang aking mata at napunta kay Yunnah. Napabusangot ako dahil iisa lang ang dala-dala niyang juice. That means they are gonna share it. I didn't wanna make assumptions, but I couldn't help but think that Rafe liked the idea. And who wouldn't want that? Maganda si Yunnah at - kainis! What was I thinking?
"If that's what you're worrying about, no indirect kiss is going to happen. I don't think I'd be thirsty, anyway. Gotta go. Enjoy the movie with your ... ugh, date. And oh, pareho pala tayo ng napiling panoorin. What a coincidence."
My shoulders dropped when I saw Yunnah approach him with a smirk and looped her arms around his. My eyes couldn't take it, so I had to immediately avert my gaze. Libu-libong karayom ang tumarak sa dibdib ko. Napayuko pa ako at napakagat-labi.
"Hey, are you okay?" Shan put his palm on my back. Tumango ako nang hindi nagtataas ng tingin. "You just talked to him, and you're about to cry. What did you two talk about, anyway? Aside from the drink?"
I looked up to him. "You didn't hear our conversation?"
He shook his head. "It seemed like you two needed some space, so I distanced myself. You like him so much you didn't even notice that, don't you? Siguro kung okay kayo, wala ka nang time sa akin. So . . . ano nga'ng sinabi niya? Was he harsh to you? Gusto mo, sampolan ko?"
Natawa ako sa kanya. "Sampolan? That doesn't sound like you, Shan. And no, I'm fine."
"No, you don't look okay at all," he said. "You're jealous, aren't you?"
That hit me in the head. Sa kawalan ng pwedeng maisagot, natulala ako sa kanya. Me? Jealous? Why? Ano'ng dahilan? No, no! Rafe and I are just friends, there's nothing more to that! There's nothing to be jealous about! Kahit harutin niya pa ang buong barangay, wala sa akin 'yon. Dahil gano'n ang dapat! That's how I should feel about it!
Pero ... bakit nasasaktan ako nang ganito? No, no! And he's a gay! Mas malabo pa sa putik na magkainteres siya kay Yunnah. At 'yon lang ... 'yon lang ang pinanghahawakan mula nang balaan ako ni Yunnah sa tunay niyang pakay.
"Ano? S-Seryoso ka?"
"I gotcha!" Pumitik pa siya sa mismong mukha ko. Parang hindi na talaga siya 'yong Shan na perfect na perfect noon sa paningin ko. "You see, you didn't even bother denying it! You love your best friend beyond your limits! That's why it makes you wanna puke seeing him with another girl. But, why am I not surprised? Parang wala ring maramdaman ang puso ko."
"You know, Shan . . . " I paused to change the atmosphere. Hindi ko 'to rito gustong pag-usapan, pero nandito na kami, kaya gagawin ko na. " . . . That's actually the reason why I was avoiding it when you were bringing up how you felt about me. I don't think you see me more than a friend. Maybe you just feel guilty na hindi mo napansin kung gaano ka kahalaga sa akin noon. Iniisip mong baka nasaktan mo ako sa mga paraang hindi dapat, at hindi mo 'yon matanggap. That's what I think about it."
Natahimik siya at nag-isip.
Kung ako pa rin 'yong babaeng bulag sa paghanga niya sa isang lalaki, I would've grabbed the chance and took his confession too far. But that's not the case here. I've grown up already, so I no longer think like a kid. May mga bagay ang imposible sa paningin ng iba na posible naman talaga sa totoong mundo. Like a girl and a boy being and staying just friends. And caring for someone as much as you care about yourself without loving them romantically.
Hindi kami para sa isa't isa. I may not have the valid evidence to conclude, but I got the instincts to tell so.
"Hey! Ano pa'ng ginagawa n'yo?! Tama na ang harot, mag-i-start na!"
Nang lingunin ko ang sumigaw, mukha ni Rafe na wala man bahid ng hiya ang bumungad sa akin. Sa tabi niya'y nakadikit pa rin si Yunnah, na pilit siyang hinihila papasok. He was throwing deadly glares in my direction. Plus, he rolled his eyes at me, again!
"Rafe, let them be. Date na lang natin ang atupagin natin," malambing na sabi ni Yunnah, na sa wakas ay nagawa na siyang hilahin.
Napairap din ako sa hangin.
"You're cute." Shan chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit tingnan mo pa ako nang ganyan, cute ka pa rin, Yumirah."
"Cute-cute ka diyan. You didn't get what I meant, did you?"
"Let's say I get it. Let's say you've got a point. But Yumirah ... I may have felt guilty for not knowing how you perceived me, but that doesn't mean I don't have a thing for you. Noong una tayong magkita matapos ang maraming tao, remember what I told you? May mga taong hindi nagbabago, lumalabas lang talaga ang tunay nilang kulay na hindi mo pa nakikita noon. It never crossed your mind, but it happened, Yumirah. Gusto kita. Hindi bilang kaibigan o kapatid kundi kung sino ka."
" . . . "
He smiled. "Kung bakit hindi ako nasasaktan nang sobra? I think it's because I had no expectations. Oo, umasa ako noong una, pero nang maramdaman kong may iba, I already knew what was coming my way. Kung kikirot man ang puso ko, 'yon ay dahil ... habang pinipilit kong tumakbo palapit sa 'yo, narating mo na ang taong mahal mo. To be honest, I want to force things. Sana kaya ko pang baguhin ang nararamdaman mo, pero ... hindi, eh. Kasi kung hihilahin kita palayo sa kanya, mauubos lang ako dahil kitang-kita namang ... mahigpit pareho ang kapit n'yo sa isa't isa."
"Shan . . . I'm sorry . . . " My voice cracked, and I didn't care. It hurt me seeing him like this. He looked hopeless and hurt, holding back the tears on his eyes. Sana pwede ko siyang yakapin, pero may pwersang pumipigil sa 'kin.
He chuckled and shook his head. Tumingala pa siya bago ako muling tingnan. "Don't say sorry, Yumirah. Sinasabi ko sa 'yo ito hindi para malaman mo kung gaano ako nasasaktan. Gusto kong malaman mo na totoo ang nararamdaman ko. Ayos na sa akin 'yon."
Hindi ako nakapag-focus sa panonood dahil sa kaiisip ng naging pag-usapan namin ni Shan. Nananakit ang ulo ko. Idagdag mo pang nasa mismong harap namin 'yong dalawa! Si Yunnah . . . ang sarap pakainin ng maraming popcorn nang matigil kakasabi ng kung ano-ano kay Rafe. Ilang beses pa siyang kumuha ng tsansa makayakap lang sa beat friend ko! Napapapikit na lang ako nang marahas. Mabuti na lang at bumilis ang oras.
Kalalabas lang namin nang magtanong si Shan, "Is there anywhere else you wanna go to? Why don't we have our dinner already? Saan mo gusto?"
Nagsalubong ang tingin namin ni Rafe. Kinakausap siya ni Yunnah, ngunit hindi niya ito pinapansin. Kinausap niya ako sa pamamagitan ng tingin. He even shook his head repeatedly, telling me to decline Shan's offer.
"Ah, Shan. Hindi na, uuwi na lang ako. Ano kasi - "
"Ako na ang maghahatid kay Mirah," sabi ni Rafe, na hindi ko namalayan ang paglapit sa amin. Nawala na si Yunnah sa kanyang tabi, mukhang iniwan niya. "Her mother's been calling me, saying it's time for Mirah to go home. Pwede siyang lumabas, pero hindi siya pwedeng gabihin. Alam mo ang ibig kong sabihin. 'Di ba, Alexander Shan?"
Shan laughed. "You don't have to use Tita Leah as an excuse, Rafael. I get it, you can take Yumirah home. She also needs to rest after everything we - "
"Wala akong paki. Aalis na kami. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo. At ikaw, sumama ka sa 'kin at baka iwan na tayo ng driver ko."
He grabbed me by the hand and took me away. Tila may sariling buhay na sumunod sa kanya ang aking mga paa. Para niya akong anak na aligagang iniuuwi pauwi, gano'n ang pakiramdam.
"RAFE! My Rafe! You just can't leave me like this! I hate you, I hate you all!"
"Let's go home, Yunnah."
Sa loob ng kanyang sasakyan, wala kaming imikan. Sa sobrang tahimik palihim na napapatingin sa amin si Manong Bert sa rearview mirror. He wanted to talk, but he didn't dare say a word. It was so awkward I'd rather be anywhere else than my seat.
"Pumasok ka na," agad na sabi niya noong nasa harap na kami ng bahay. I waited for him to say more, but he turned his back after that.
"Wait," I said as I held him by the arm. He sighed before turning to me, raising a brow. Binitawan ko siya at nagpatuloy, "Is there anything you want to tell me? Kahit ano, handa akong makinig. You can rant, complain or whatever. Pwede mong sabihin sa 'kin ang kahit na ano."
He only stared at me. I waited for him to break the silence, but he chose to make it worse. Sa halip na makipag-ayos, para niyang akong tinutunaw sa pwesto ko.
"Rafe." I looked straight into his eyes. "Hindi tayo okay. Kaya kailangan nating mag-usap. Ang tagal na nating ganito, kaunti na lang at lalangawin na ang pagkakaibigan natin. Aren't you afraid of what could possibly happen if we don't fix this now? Huh?"
Akala ko'y mananahimik siyang muli nang patuloy niya akong tinitigan, ngunit hindi. He frustratedly sighed again. "Pagkakaibigan? Mirah, I never want to be this straightforward with you, but I'm starting to doubt this friendship you're talking about. Kaibigan ba talaga kita? Eh, bakit hindi ka makaramdam sa kung ano ang gusto ko?"
Tataas na sana ang kanyang tono, ngunit nagawa niyang pahabain ang pasensiya. Kung may hindi na makapatimpi rito, ako 'yon. Hindi ko na 'to kaya! Ayoko na!
"Eh, bakit hindi mo sabihin sa 'kin?! I'm not a mind-reader, Rafe! Yeah, we're best friends, but I can't know everything about you! Kaibigan mo ako, hindi tayo iisang tao. Hindi ko malalaman ang pasikot-sikot ng isip mo."
"Let's stop talking about it, Mirah. Mas maguguluhan ka lang. Magpahinga ka na, kailangan ko na ring umalis."
Muli niya akong tinalikuran, ngunit muli ko rin siyang pinigilan. Hindi tulad kanina, hindi ko lang siya basta hinawakan. I hugged him so tight he wouldn't be able to walk away from me. Ayokong matapos ang pagkakataong ito nang hindi kami nagkakaayos.
"What's the problem, Rafe? Tell me, what do you really want?" I whispered to him, closing my eyes and letting the tears roll down my cheeks.
Inalis niya ang aking kamay sa kanyang tiyan at hinarap ako nang nakayuko. Naramdaman kong may epekto sa kanya ang hawak ko, kaya umasa ako. But . . . he didn't give me the satisfaction I was seeking. Sa halip na tulungan akong pagaanin ang problema, ang ginawa niya'y saktan lang ako sa simpleng mga salita.
His eyes looked in mine. "Paano kung sabihin kung ako talaga ang problema? Paano kung ... ang pagkakaibigang matagal nating binuo, isang malaking kalokohan lang? Matatanggap mo pa ba ako?"
"Ano'ng . . . " Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil sa mga luhang kumawala. Kinagat ko ang aking labi at puno ng sama ng loob na tumitig sa mukha niya.
"Siyempre, hindi. Ngayon pa nga lang, wala nang pag-asa. Sabi ko na nga ba, pagkatapos ng lahat, dito rin tayo mapapadpad."
And he turned his back . . . again. This time, I wasn't able to stop him. Sa isip ko, hinahabol ko siya. Pero ang katawan ko, piniling gawin ang parehong desisyong pinili niya. That was to end it by just walking away.
I CAN SEE YOUR TRUE COLORS
TiffGRa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top