Chapter 12: Dinner With the Gonzalez Family
YUMIRAH
MY JAW almost dropped after seeing what was on the table. May piyesta ba? Sa pagkakaalala ko, walang may birthday.
Adobo. Tinola. Afritada. Fried chicken. Fried fish. 'Yan ang nakahanda sa mesa na parang marami ang darating na bisita. Lumingon-lingon pa ako, pero ako lang ang nag-iisang bisita nila.
"Kumain ka nang marami, Yumirah," Tita Abby told me. Sa tuwing niyayaya akong mag-dinner dito, ganito ang nadaratnan ko, kaya hindi ako masyadong nagulat. "Sana magustuhan mo. I also hope that somehow mapagaan nito ang nararamdaman mo matapos ng - "
"'Ma." Rafe gave his mother a meaningful look.
Naintindihan 'yon ni tita at binigyan ako ng apologetic look. She even mouthed the word "sorry." I just gave her an "it-is-fine" look in return.
We were eating in silence when Kuya Riley broke the silence. "Nabalitaan ko ang nangyari, Yumirah. Halos patayin pala ni Rafael ang lalaking nagtangka - "
"Isa ka pa, kuya!" inis na sabi ni Rafe sabay bato ng masamang tingin sa kapatid. Salamat at nandiyan siya. Otherwise, natadtad na ako ng mga salitang ayaw ko na munang marinig. "If you have nothing good to say - "
"Nah, I won't shut my mouth. Tinutulungan na nga kita, nagagalit ka pa." He smiled at me. I didn't like that smile. "So, the question is, when are you going to say "yes" to my brother? Nakita mo sigurong handa siyang gawin ang lahat para sa 'yo, kahit nga yata ang pumatay. That's how much you mean to him."
"Siyempre, mahalaga siya sa 'kin. She's my best friend!" halos pasigaw na sabi niya. Para akong nagsimulang mahirapang lumunok. Dapat naghanda ako ng script sakaling mangyari 'to. Ang masama niyan, I didn't anticipate this scenario to happen. Para akong celebrity na kino-caught off guard. With my rumored boyfriend, na parang si Rafe. "Sa halip na mapaka-cupid, why don't you start taking your life seriously? Kuya?"
"Rafael!" singit ng mama nila. "Hayaan mo na ang kuya mo. Tutal, I also want to hear Yumirah's answer straight from her mouth. Kapag naging parte siya ng pamilya, siguradong magiging masaya 'yon!"
I swallowed the lump in my throat. Kanina'y parang gusto kong mag-stay nang matagal matapos makita ang pagkain. Pero nang maramdamang para akong nandito para intrigahin, gusto kong magpalamon sa sahig.
"We really hope maging totally okay ka na, Ate Yumirah! Kalimutan mo na 'yon and just move on!" Those words were so easy to say for Rebecca dahil wala siya sa posisyon ko. But hearing that somehow made me feel a little better. "Nandiyan si Kuya Rafael para i-comfort ka kaya hindi ka mag-iisa. Kung sasagutin mo siya, kayo ang magiging best couple sa mundo!"
"Um . . . Paano ko siya sasagutin kung hindi siya nanliligaw?" Nag-panic nang ma-realize na may mali sa sinabi ko. "I mean your brother and I are best friends. Wala sa isip namin 'yon, hindi puwede."
"Ha? Bakit hindi puwede?" Nagmukha siyang batang ipinagpipilitang bilhin ang gusto. Parang ako naman 'yong nanay na hindi alam ang isasagot.
"Puwede 'yan. Hoy, Rafael! Mahina ka talaga, ligawan mo na kasi!" tumatawang sabi ni Kuya Riley. "Kapag naagaw 'yan ng iba, huwag kang iiyak sa 'kin."
"Hindi talaga!" Kita ko ang pagpigil niyang mapairap. Siguradong gusto na niyang matapos ang dinner na 'to. "Because that will never happen! At kahit maging broken-hearted pa ako, hindi ako lalapit sa 'yo."
"Hindi na komportable si Yumirah, tumigil na kayo." I thanked God in the back of my mind after hearing that. Sa sobrang uncomfortable, baka hindi ko ma-digest ang kinain ko. She gave me a sweet smile. I hoped that smile meant something good, like "something like this would never happen again." "Finish your food, Yumirah. I hope mag-enjoy ka sa pag-stay mo rito ngayong gabi."
"I surely will, tita!" I replied, smiling widely. "Ang sarap po ng iniluto n'yo. I will never forget this dinner!"
"Oo nga, ate." Hinawakan ni Rebecca ang aking kamay. "Doon ka sa kuwarto ko matulog, ha? Ah! Mag-i-sleepover pala kami tonight! I'm sure parating na sila!"
Dito matutulog? Tatanungin ko sana siya, pero nagpatuloy siya sa pagkain. Nagbato ako ng kunot-noong tingin kay Rafe.
"You are going to stay here tonight," sagot niya matapos uminom ng tubig. Maliit na bagay 'yon sa kanya, pero halos ikaluwa 'yon ng mata ko. "Naipaalam na kita sa mama mo, tuwang-tuwa pa nga siya."
"What?" I forced a smile when they all looked at me. "I thought magdi-dinner lang ako rito. Why didn't you tell me about it? Wala akong nadalang damit pantulog."
"There's no need to worry, Yumirah," nakangiting singit ni Tita Abby. "You can borrow my clothes. Huwag kang mahihiya, lagi ka namang nanghihiram sa t'wing nag-i-stay ka rito. Ibinibigay ko na nga sa 'yo, pero tinanggihan mo."
Yeah, that was true. This night isn't going to be the first time I would stay in this house. Hindi na bilang sa daliri ang pagtulog ko rito. There was even a time when Rafe and I shared the same bed. That was when Kuya Riley was at home, and we had no choice. Nandito si kuya, saan ako matutulog niyan.
"Thank you, tita," tugon ko. "Medyo nagulat ako. Wala sa isip kong dito ako matutulog."
"Maaga ka na lang ihahatid ni Rafael tomorrow," sabi niya. "Or if you want, you can borrow Rebecca's school uniform. Sexy ka kaya kasya sa 'yo ang damit niya."
Nag-"thank you" ako ulit nang nakangiti.
"Do you wanna sleep in my room, Yumirah?" Umasa akong ang ibig sabihin ni kuya ay aalis siya, pero nang makita ko ang kanyang ngisi, napangiwi ako nang kaunti. "Malawak ang room ko, malinis din. Walang problema sa 'kin kung makakasama kita sa pagtulog."
"Psh!" Ginaya ni Rafe ang ginawang ingay ng kuya niya kanina. You could see a hint of irritation on his face. He was probably trying to hide it, but it was showing. Sumubo ako para kunwari hindi ako aware sa pagtatalo nila. "You're not fooling anyone. Kuya. We all know na makalat ka at kuwarto mo ang pinakamagulo. Sleeping in your room would be a big disaster for her."
"And where is she going to sleep? In your room? In your bed? With you?" As he raised his voice a little, I looked down on my food. Kunwari busy ako sa pagkain. "Mamaya, baka gapangin mo siya. Lalaki ka rin - "
"We're best friends, okay? Best friends! And you are a complete stranger to her." He may haven't raised his voice, but it was as serious as hell. Oo nga naman. At kung may nag-aalala na gagapangin siya, siya 'yon. "She can't sleep in mama's room, that would be a little awkward. Rebecca is having a sleepover with her friends. And you're a monster, your room is also crossed out of the list. My room is the best option. If she wants to, she can sleep in the storage room. Pero ang nakakalungkot, maalikabok at marumi roon."
Parang nang-aasar ang tono niya sa huli. Bukod sa sinabi niya, may gagamba at baka kung ano pa sa storage room. Puwede bang sa couch na lang nila? Malambot naman doon, eh.
Biglang may tumugtog na ringtone.
That wasn't mine. Hindi rin kay Rafe. Nang iangat ni Tita Abby ang kanyang cell phone, nalaman ko kung kanino ang may tumatawag.
"Wait, baka ang papa n'yo - " Napahinto siya nang makita ang caller. "Hindi pala! I thought it was Zane! Oh, umayos kayo habang sinasagot ko ang tawag."
I watched her walk away. Siguradong miss na miss na niya ang asawa. When was the last time they were together again?
"Back to the topic!" sabi ng kuya ni Rafe. Sumubo ako na parang walang narinig. Ang sarap ng afritada, hindi puwedeng hindi ko ma-enjoy dahil sa usapan nila. "Rafael, why do you always use that best-friends card to win the game? Huwag kang weak. If I were you, I would be using another tactic."
I didn't like the way his eyebrows went up and down. Siguradong kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip niya. Hindi lang yata car ang dapat pinapalinis, pati utak din.
Ibinaba ni Rafe ang kutsara't tinidor sa mesa at tinitigan ang todo ngising si Kuya Riley. "I know what exactly you are thinking right now. Good thing, ako at hindi ikaw ang best friend ni Mirah. If it were you, it would've been completely different."
Parang na-stuck sa lalamunan ko ang pagkain. Ni imagine-in na kaibigan ko ang kuya niya, hindi ko magawa. He may be nice to me, pero ibang usapan ang maging kaibigan siya. Ni hindi ko pa sigurado kung tunay ang kabutihan niya sa 'kin dahil hindi ko siya matagal nakakasama. Well, I never wanted to try and find out.
"Talaga!" He winked at me, and it made it even harder for me to swallow what was in my mouth. "Sisiguraduhin kong mapapaligaya ko ang gabi - "
"Psh!"
Tumayo si Rebecca na puno pa ang bibig. Nag-alala ako na baka mabuga niya 'yon sa mukha ko. "Thank you for the dinner, 'ma! Sige po, aalis na 'ko! Itsa-chat ko pa ang friends ko, siguradong on the way na sila."
In a blink of an eye, nakaakyat na si Rebecca sa hagdan. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi inintindi ang dalawa kong kasama.
"Bro, pupusta ako para sa 'yo. Basta siguruhin mong makaka-three points ka, ha?"
Rafe just rolled his eyes. Halos mabulunan naman ako. Salamat at bumalik din ang mama nila agad. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa 'kin dahil sa dalawa.
Bago matapos ang dinner, nagpaalam si Kuya Riley na nag-chat ang friend niya at nangangailangan ng tulong. Naisip kong baka puwedeng doon ako mag-stay sa kuwarto niya.
"Hindi ba puwedeng doon ako sa room ng kuya mo?" I asked when we were climbing the stairs. Nasa kani-kaniyang kuwarto na sina Tita Abby at Rebecca. Nahuli kami ni Rafe sa kusina matapos mag-volunteer na maghugas. "We know him. Baka hindi siya umuwi ngayong gabi."
"Psh!" Cl-in-am na yata niya ang expression na 'yon ng sariling kuya. He stopped, and so did I. Nakakunot ang noo niya nang lingunin ako. "Mirah, I didn't expect that would come out of your mouth. Believe me, the storage room is way better than my brother's room. Kapag nakita mo ang kuwarto niya, malalaman mo ang itsura ng hell."
"Ang exaggerated ng sinabi mo," sabi ko. "Nakitulog na rin ako dati sa room niya. Hindi naman masyadong magulo, may kaunting dumi lang. Kaya ko 'yong linisin."
His eyebrows almost formed a straight line. Hindi siya galit, naiinis lang. "Tell me, ganyan mo ba kagustong matulog sa room niya o ayaw mo lang akong makasama? What's with you, Mirah? Parang hindi pa tayo nagtabi noon, ah."
"Huwag kang masyadong seryoso." Nalilimutan kong bakla ka. He sounded like a jealous boyfriend. Nagseselos, saan? Sa isang kuwarto? Funny. "Oo, nagtabi na tayo. But that was only when we had no choice because there was no vacant room. Iba ang sitwasyon ngayon."
"It's not," he replied. "Babalik siya, with a woman. With his new woman. He lied when he said a friend was needing some help. Kung may nangangailangan man ng tulong, my brother would be the last person to come. Good thing, hindi naghinala si mama. At good thing, wala ako sa mood isumbong ang balak niyang gawin sa mismong bahay namin."
Halos masuka ako. Seriously? Malabong nagsisinungaling si Rafe, at malaki ang posibilidad na gawin 'yon ni Kuya Riley. Like I said, we know him.
"May bago na naman siyang girlfriend?"
He nodded. "When did he stay in the same relationship? Mas kaya niyang huwag magpalit ng damit kaysa magpalit ng babae. Para sa kanya, girls are like an underwear, para mas maganda sa pakiramdam, dapat laging iniibahan."
"Pwede niya namang labhan, ha." That made him laugh. Watching and hearing him laugh was enough to make me smile. "Tamad pala ang kuya mo. Why didn't it surprise me? Kapag naging ganap kang lalaki, sana hindi ka gumaya sa kanya."
"That's impossible to happen, Mirah," he said, staring right into my eyes. What was impossible: ang maging tunay siyang lalaki o ang magaya siya sa kuya niya? "Kung lalaki ako, isa lang ang pag-aalayan ko ng puso at sarili ko. At ang babaeng 'yon ay gusto kong kagaya mo... Pero malabo 'yon! Pareho tayong gurlalo, 'no!"
I came back to my senses after hearing the last words. He was back! My gay best friend! Para akong nahugutan ng hininga habang seryoso siyang nakatitig at nagsasalita kanina.
"Hey, what's with that face, Mirah? Your cheeks are burning. Para kang magkaka-heart attack." I wasn't looking in the mirror, but I knew my cheeks turned more red when he suddenly held my hand. "Arat na nga! Huwag tayo rito mag-chika-han."
Matapos mag-showee, suot ko na ang pajamas ni Tita Abby. Colored pink ito at maganda ang tela kaya komportable ako. The two corners of my lips formed a curve when I saw my own reflection in the mirror.
I was combing my hair when someone knocked on the door. Nagsa-shower si Rafe kaya ako na ang nagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rebecca.
Niluwagan ko ang pagkakabukas at pinapasok siya. "Hinahanap mo ba si Rafe? Nasa banyo siya, nagsa-shower."
She sat on Rafe's bed and shook her head. Tumabi ako sa kanya. "Ikaw ang ipinunta ko Ate Yumirah. Gusto kitang kumustahin dito. By the way, tabi na naman ba kayo ni kuya sa kama?"
I almost winced. I didn't like the way it sounded. "Huh? Hindi siguro, baka sa sahig na lang ako. Okay lang naman sa 'kin, malinis naman."
Kung alam kong tatatak nang husto sa memory nila ang pagtabi namin ni Rafe, baka sa labas ako natulog. Hindi nila alam ang paghihirap ng best friend ko para pagtiisang makatabi ang isang babae sa iisang kama. It may seem like Rafe was willing to share his room with me. But deep inside, diring-diri ang baklang 'yon.
"No! Kuya Rafael will never let you sleep on the floor!" she said with conviction. "Mas gugustuhin niyang siya ang mahiga sa malamig na sahig kaysa ikaw, ate. Gano'n ka-sweet si kuya, hindi lang halata."
Wala akong nagawa kundi magpeke ng ngiti. Halatang hindi siya susuko sa pagma-match sa amin ng kuya niya. Na parang kapag nagtagumpay siya, mayroon siyang one million o kung anong prize. I imagined how her disappointed face would look like if I revealed that his brother is actually a gay.
"Na-miss kita, ate! I missed this!" Nakipagyakapan ako nang i-spread niya ang kanyang mga braso. Mabuti't hindi nakakasakal ang yakap niya. "Sana ikasal na kayo ni Kuya Rafael para hindi na kita ma-miss. Sana lang pagkatapos ng kasal n'yo, hindi kayo lalayo. Punuin n'yo ng bata ang buong bahay!"
"Hoy, hindi magandang biro 'yan," I forced a laugh. "Ang friends mo? Okay lang bang iniwan mo sila?"
"Don't worry, ate! Busy sila sa pagwa-watch ng movie," sagot niya. Itinaas niya ang hintuturo ng may maalala sabay sabing, "Ah! Have you seen Kuya Rafael's wallpaper, ate? 'Yong naghahalikan kayo."
Pinigilan kong haplusin ang mukha kong biglang nag-init. Ang batang 'to, walang preno ang bibig. Magkapatid nga sila ni Rafe, walang filter sa sinasabi. "H-Hindi. Malabong maging totoo 'yang sinasabi mo."
"Malabo? Mas malinaw pa sa malinaw!" Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid, siguradong hinahanap ang phone ni Rafe. Lumapit siya sa mesa na pinagpapatungan ng lamp at kinuha ang device. "Hala! Bakit ayaw mabuksan? Ano ba 'yan! He changed his password!"
"Rebecca!"
Rebecca and I looked in Rafe's direction. My jaw dropped when I saw him in his blue pajamas. Sa lahat ng pajama na isinuot niya, 'yon ang pinakabagay sa kanya. Ang guwapo, sana.
"K-Kuya," utal na sabi ni Rebecca. "'Tapos ka nang mag-shower?"
"No, kaluluwa ko lang 'to." I rolled my eyes. Ang baklang 'to, nakalimutang mag-filter. "Why are you holding my cell phone?"
"A-Ah, wala!" Ibinaba niya ang phone sa kama at tumakbo sa akin. She whispered in my ear, "Feeling ko tama ang hinala ko. I-request mong makita ang wallpaper niya, ate."
Tumitig si Rafe sa sumaradong pinto. "What's with her? Mirah, mind sharing me what you and my sister talked about?"
"Girl stuff," I answered.
Panood ng iba't ibang movies. Paglalaro gamit ang aming cell phones. 'Yon ang naging libangan namin. Kakapatay niya pa lang sa tao ko sa game namin nang marinig ko ang isang kotse.
"Your brother's back," I told him.
"Hayaan mo siya." Ibinaba niya ang phone sa tabi ng lamp. Kung magsalita siya, parang kung sino lang ang pinag-uusapan namin. "Hey, don't look at me like I'm the worst person on the planet. Let him do his business. Believe me, hindi mo gugustuhing malaman ang pinagkakaabalahan niya."
"Sabi ko nga. Sino'ng may sabing interested ako?"
"Ganyan nga, don't be interested in him," payo niya sa akin. Hindi niya ako kailangang sabihan dahil wala akong balak alamin ang kahit ano tungkol sa kuya niya. "All he ever does is enter girls' skirts. My brother's life is probably the most boring life on earth."
"Ano kaya'ng dahilan? May pinaghuhugutan ba ang kuya mo?" Bigla akong na-curious. Tutal, na-bring up na, bakit hindi pa namin lubusin? "Did someone break his heart? Like an ex-girlfriend? Or naka-experience ng unrequited love?"
"I thought you weren't interested." Kinunutan pa niya ako ng noo. "Hindi ako masyadong updated sa love story niya. I just remember him saying that in this life, it's always hard to get what we truly want. That time tinanong ko siya kung bakit niya pinaglalaruan ang mga babae. Dagdag pa niya, kapag masaya ang tao, pansamantala niyang nalilimutan ang tunay na isinisigaw ng puso niya. Those aren't the exact words, pero gano'n ang idea."
"Baka nga na-in love siya at nasaktan. 'Yon siguro ang dahilan kaya naisip niyang ibunton sa iba ang sakit sa puso niya," seryosong komento ko. I didn't expect those words coming out of my own mouth. Wala kaya akong experience. Siguro, meron? Dahil sa mga napapanood ko at sa nakaraan kong crush? Pero parang hindi counted 'yon. "Kung isang libro ang love story ng kuya mo at babaeng tunay niyang mahal, I would surely buy it. It suddenly piqued my curiosity."
"Kapapanood mo 'yan ng dramas," komento niya. Ang taong 'to, parang hindi nagbi-BL series. "Mag-stick ka na lang sa cartoons, mas okay 'yon. Hindi mo kailangang alamin ang love story ng iba. Mangyayari rin ang sa 'yo . . . sooner than later."
"Wala pa sa isip ko 'yan," tugon ko. May naalala akong nang tumama ang aking paningin sa phone niya. "Um, Rafe. Pwedeng mag-request?"
He raised an eyebrow. "What is it? As long as it isn't against my morals - "
"May I see your wallpaper?" He gave me a "huh" look. "I said pwede bang pasilip ng home screen mo. May gusto lang akong malaman."
"Malaman? Seriously?" I nodded with a serious face. Hindi ako umaasang totoo ang hinala ng kapatid niya, pero hindi naman malaking bagay na gawin ang sinabi niya. Bukod pa ro'n, sigurado akong mali siya. He sighed and said, "Okay, fine. Sandali lang, ha?"
I nodded.
He slowly handed me his phone. I took it and told him that it had a password. Itinapat niya 'yon sa mukha niya upang mabuksan.
Tila nag-slow motion ang pangyayari.
Nang makita ang home screen . . .
. . . Nalaglag ang panga ko. Namula ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Tama si Rebecca! Litrato naming magkahalikan ang wallpaper ng phone niya!
"What's with that reaction?" Sumilip siya at napatulala rin. "REBECCA!"
-
Matapos ang mahabang pangungumbinsi, nagpasya akong tumabi kay Rafe. Ikaw ba naman sabihan "peyk friend" kapag hindi ka sa kama nahiga, hindi ka mako-convince?
He said he didn't want to sleep on the floor. He also didn't want me sleeping there. Kaya bilang "gentlewoman" (his word, not mine), he said he would be letting me share the same bed with him. Kahit mahirap daw at nakakadiri, pipilitin niyang pagtiisang makatabi ako. Naglagay pa nga siya ng unan sa pagitan namin, na sa palagay ko'y nice idea.
Kasalukuyan kaming nakatitig sa ceiling. There was the silence. But it wasn't awkward. With my best friend, it was never awkward.
"Rafe, anong plans mo para sa future?" Bigla lang pumasok sa isip ko ang tanong na 'yon. "Aren't you scared? Or nervous?"
"I've always wanted to be a police officer," he answered. Kakayanin kaya 'yon ng baklang katauhan niya? All I could do right now was wonder. Pero pagdating sa kanya, wala palang hindi kaya. "The authority. Power. Title. I wanna have those things. As years go by, the world gets more dangerous and scarier. Kapag wala kang kapangyarihan, tatapakan ka pati ang mga mahal mo."
"Sino ba'ng hindi takot matapak-tapakan sa lipunan?" In-imagine ko ang mga naghihirap sa komunidad habang nakatingin sa kissme. "Parang katulad din sa pera. Kapag mahirap ka, mahirap maka-survive sa malupit na mundo at maipararanas sa 'yo kung gaano ka-unfair ang lahat."
"Hindi mo tinatawag na mayaman ang pamilya n'yo. But I don't think you think that life is unfair." Kilala na nga niya ako. He was right. Hindi kami mayaman, pero mahal ko ang buhay na ipinagkaloob sa 'kin. "Pero may mas kinatatakutan ako kaysa ang maghirap. That is being unable to protect the people I love. Especially those who can't protect themselves."
Nilingon ko siya. When he felt my gaze, his eyes shifted their gaze from the ceiling to my face. "You really know what you really want in life. Maybe that's why you never get scared of the future - "
"No," he disagreed. "It may seem like I have figured out everything in my life, but I haven't, Mirah. I never did, I never will. Getting scared of the unknown is totally normal. Believe me, natatakot ako sa puwedeng mangyari. Bukas. Sa susunod na bukas. Sa hinaharap. But I never stop getting closer to the future I've always imagined. Step by step. Kung hindi, we wouldn't have become best friends at wala ako sa tabi mo."
What did he mean by that?
I averted my gaze to the ceiling. Nakakatunaw kasi ang mainit niyang pagtingin sa akin. "Ako rin, takot na takot. Parang mas una akong mamamatay sa takot kaysa sa pagharap ng future ko. I still remember when I was in elementary school, I was so excited to step into high school. I wanted to grow up as bad as I wanted to breathe. But now, I can't help but wish I never grew up."
Ang mga bata, gusto ang pagtanda. Ang mga matatanda, gustong bumata. Ang mga in-a-relationship, gustong maging single. Ang mga single, gustong magkarelasyon. Good thing, I wasn't one of those singles. Otherwise, that would be really miserable.
I think happiness is all about appreciating what you have. It's okay to want more. Kapag mahirap ka, okay na gusto mong yumaman. But as you strive for better and more, don't forget to thank God for what you have right now. The shelter, the clothes, the food. Be thankful for what you've got.
Kung hindi, you would live in misery.
"Stop looking back, Mirah," he gently told me. "If you can change it, change it for the better. If there's nothing you can do about it, let it go. Do not stay in the past, do not be scared of the future. Kapag natatakot ako, I always tell that to myself."
"Easier said than done."
"Everything is easier said than done, Mirah," mahinahong tugon niya, tunog magulang na nangangaral sa anak. "Hayaan mo, kapag hindi ka makakapag-asawa, ako ang mag-aalaga sa 'yo kapag tumanda ka. Magsasama tayo."
I chuckled as I turned my head to look at him. Nakatingin na pala siya sa 'kin. "Paano napunta ang usapan diyan? Hindi ka ba mag-aasawa? Kung hindi pa rin puwede rito sa Pilipinas ang same-sex marriage, eh 'di mangibang-bansa ka. Isu-support kita!"
"I will get married. Pero kapag wala akong nahanap na groom, ikaw na lang. Pareho tayong bride, pwede ring ikaw ang groom." Sabay kaming natawa. "Ayaw mo no'n? At least hindi ka tatandang dalaga, tatanda kang may kasamang bakla."
"Okay lang sa 'kin 'yon," I yawned. Parang ang daming nangyari ngayong araw kahit ang ginawa ko lang ay dumalaw dito. "We have been together for years. Wala na lang sa 'kin ang makasama ka for the rest of my life."
Sa kung saan-saang lupalop napunta ang usapan namin. Hindi ko nalamayan, dahan-dahan na akong nabibingi at sumasara ang talukap ng mata ko.
But before I fell asleep, I heard him say, "Sana maging okay ka na, Mirah." While I was sleeping, my mind sensed that he was staring at me.
Kinaumagahan . . .
May tumatamang liwanag sa mukha ko. I thought it was coming from the sun. But when I slowly opened my eyes, I found that it was from a camera!
My eyes widened. Si Kuya Riley, kinukuhanan ako ng stolen shots! No! Kaming dalawa ni Rafe!
My jaw dropped when my eyes landed on my chest and on my thigh. Waaah! Nasa ibabaw ng dibdib ko ang kamay ni Rafe at ang hita niya ay nasa hita ko!
Napatakip ako ng mukha at sumigaw.
"RAFEEE!"
-I CAN SEE YOUR TRUE COLORS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top