Chapter 7: Bitch
Elica's POV
"Hay salamat! May makakasama na din ako sa pagpunta sa canteen," pagpapasalamat ni Francis. Francis speaks like a gay and acted like a boy, kaya hindi narin ako nagtataka kung madaming na namang pupuntang babae sa classroom namin sa Valentine's day. Inayos ko muna ang gamit ko bago tuluyang maglakad patungo sa canteen.
"Hindi ko ata nakikita si Sprite na umaaligid aligid sayo bakla," ani ni Francis. Katulad nga ng sabi ni Sprite ay wala siya nung isang buong linggo. Hindi ako umimik at pinagpatuloy lang ang paglalakad at hinayaan lang siyang dumaldal.
"Bakit ba ang daming gwapo sa mundo?" Tanong niya ng mahagip ng mata ang isang lalaking estudyante ng regular. Madali mo lamg malalaman kung regular at scholar ang estudyante dahil magkaiba ang uniform namin. Brown ang kulay ng pants ng lalaki kapag regular at black naman kapag scholar. Isang brown na dress na abot hanggang tuhod naman ang soot ng mga babaeng regular samantalang puting normal na polong may logo ng paaralan at black na palda ang amin. May belt na sinusoot ang mga babaeng regular para maging presentable tignan.
Pagdating namin sa canteen ay ilan ilan lang ang bumibili, marahil dahil sa ibang canteen nila napagisiping bumili. Katulad ng nakasanayan bumili ako ng cornetto na cookies and cream. Sabay kaming nagtungo sa lamesa at pinili ang pinakamalapit. Kakaonti lang ang tao dito kumpara nung last akong pumunta. Nakaharap ako sa bilihan ng canteen at nasa harapan ko naman si Francis na panay ang kwento.
"Ako talaga naasar ako kay Renald..." Tukoy niya sa kaklase naming lalaki.
"Lagi ba namang sumisigaw ng andyan na si Ms, eh di ako naman tong si uto uto tumakbo na agad sa upuan ko tas biglang sabing biro lang, ang sarap niyang rambulin," ramdam mo ang inis sa kaniya. Nakakunot pa ang noo niya habang kumakain ng turon. Ako naman ang napakunot ng ulo ng makita kong galit na lumalakad patungo sa direksyon ko ang babaeng tumawag kay Sprite last week. Ang natural na anghel niyang mukha ay ngayo'y tila nagiging demonyo dahil sa nagaapoy niyang mga mata. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko at mariing hinawakan ang braso. Gulat at napatayo si Francis sa nakita ngunit sinenyasan ko siyang wag nang makigulo. Binigyan ko naman ng tingin ang babaeng nasa tabi ko.
"Stay. Away. To. My. Sprite..." Ani niya sa may madiing tono. Hinayaan kong makuha ko ang galit sa kalooban niya. Huminga ako ng malalim at matiin siyang tinignan.
"Hindi ko hinahawakan yang sprite mo,"wika ko at pinasadahan ng tingin ang sprite na softdrinks na nakalapag na ngayon sa lamesa. Tila nabanas siya at mas hinigpitan pa ang kapit sa akin.
Di ako nasasaktan, sinayang mo lang effort mo.
"Pilosopo..." Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay sinagot ko na siya.
"Nagsasabi lang ng totoo," wika ko na mas kinainis niya.
"At may gana ka pang sumagot sa akin ha?" She closed her other hand in anger.
"At bakit naman hindi ako sasagot?" Ani ko. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahang sasagot ako muli.
Nagulat ako ng bigla niya akong itulak dahilan para mahulog ang bangkuan kasabay ko. Tumama ang ulo ko sa batuhan. Napapikit ako ng mariin sa impact ng pagtama kahit na wala akong sakit na nararamdaman. Walang gana akong tumayo at hinarap siya. Malaki ang mga mata niya akong hinarap habang nakatingin sa likodan ko. Napatingin ako kay Francis na nangingilid ang mga luha.
"E-elica," nanginginig niyang ani at tinuro ang likudan ko. Nagtaka naman ako at napalingon sa likodan ko. Bahagya akong nakapihit sa kanan kaya malayang natitignan nila ang likodan ko. Hinila ko ang uniform ko na siyang tinititigan nila. Ang paghila ko dito ay sapat lang upang makita ang dugo dito. Tila tumigil ang lahat ng hawakan ko ang ulo ko at tumambad sa lahat ng tao na nanonood sa away na sinumulan ng babaeng ito ang kamay kong punong puno ng dugo.
"D-dapat lang sayo yan, mangaagaw ka! Kilala na kita, mula sa pangalan hanggang sa lahat ng taong mahal mo. Kapag hindi ka pa lumayo kay Sprite..." Matapang niyang sabi at tinignan ako ng diretso sa mata. Kahit na anong tingin pa ang gawin niya wala akong takot na mararamdaman kaya inaaksaya niya lang ang oras at laway niya sa akin. Hindi ko na hinayaang ituloy pa niya ang sasabihin niya.
"Kawawa naman pala ako, ako..." Wika ko at tinuro ang sarili. Galit sa kaniya ang nasa loob ko. Kung wala lang siguro kami ngayon sa school ay hindi lang pangbabara ang magagawa ko dito. Pasalamat pa siya na kahit nagiinit na ang ulo ko ay hindi ko pa din siya sinasaktan.
"---ni pangalan mo hindi ko alam tas ikaw alam mo lahat lahat sa akin. Wait, wag mong sabihing stalker din kita," wika ko at bahagyang tumawa. Tinaasan ko pa siya ng kilay matapos kong magsalita.
"Elica, tama na. Nagdudugo ka," nagaalalang tugon sa akin ni Francis. Tumabi siya sa akin at marahang nilagay ang panyo niya sa nagdudugo kong ulo.
"You bitch--" akma niya akong sasampalin ng may humawak sa kamay niya.
"S-sprite," may bahid na takot na pagtawag ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang ngalan kay Coke. Galit na tinignan nito ang babae at marahas na binaba ang kamay. Napatingin siya sa akin at sa likodan ko dahilan para magmadali siyang lumapit sa akin. Tinignan niya ang kamay kong puno ng dugo ganon rin ang kamay ni Francis na nasa ulohan ko. Kimuha nya iyon at siya ang humawak. Sa sobrang lapit niya sa akin ay naamoy ko na ang pabango niya.
"Shit. " Mura niya at tumingin sa akin ng may pagaalala.
"Dadalhin kita sa clinic..." Wika niya at hahawan dapat ako ngunit lumayo ako dahilan para mabitawan niya ang panyo na nasa ulo ko.
"Di na kailangan Sprite. Simpleng gasgas lang to," wika ko.
"Simpleng gasgas? You're bleeding Eli. Fuck," mura niya at binuhat ako ng pabridal style.
"Ibaba mo ko Sprite, wala nga sabing masakit sa akin!"
"No," ani niya. Nakakapit ang kamay sa braso niya para hindi mahulog. Naglakad na siya at ng tumapat kami sa babaeng bigla biglang nanunugod sa akin ay tinignan niya ito ng masama. Ang kaninang malademonyong wangis nito ay napalitan ng malaanghel na itsura.
"S-sprite, wala akong kasalanan," namumula na niyang sabi. Hindi siya pinakinggan ni Sprite at marahas itong binangga. Nang makaalis na kami ay seryoso pa din at tila galit ang mukha ni Sprite.
"Ibaba mo na ko Sprite," mahina kong sabi. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.
"Bakit hinayaan mong saktan ka?"
"Dahil hindi naman ako nasasaktan," wikang nais kong isatinig.
"Okay nga lang ako Sprite,"pagsasabi ko ng totoo dahil wala naman talaga akong nararamdamang kirot sa ulo ko. Mabilis ang lakad ni Sprite kahit alam kong nabibigatan siya.
"Bakit hindi ka lumaban?" Tanong niya muli. Miske ako ay naasar na sa kaniya.
"Sinabi nang walang masakit sa akin. Wag mo na akong alalahanin pa." Wika ko. Nasa tapat na kami ng clinic nang huminto siya.
"Shut up. Naasar ako sa sarili ko dahil pinabayaan kitang saktan ni Licida. Hindi manlang kita natulungan. Forgive me Elica," sincere niyang paghingi ng tawad.
"Wala kang kasalanan Sprite, for the second time, sinisisi mo na naman ang sarili mo," wika ko. Ipinasok na niya ako sa clinic at hiniga sa kama. Agad naman akong inasikaso ng nurse at pinadapa.
"Anong nangyari dito?" Tanong ng school nurse sa akin.
"Tumama po ang ulo ko sa batuhan," pagsasabi ko ng totoo.
"May masakit ba sayo?" Tanong nito muli. Maganda at mukhang bata pa ang nurse na ito. Mas matangkad si Sprite rito, may magandang mukha at may magandang kurba ng katawan.
"Wala po," sabi niya at tinignan niya ko ng may pagaalala. Nilagyan niya ng benda ang ulo ko matapos iyon linisin. Tumigil na rin ito sa pagdudugo kaya napayapa na ang nurse. Paukit ulit niya akong tinatanong kung may masakit ba sa akin at paulit ulit lang din akong umiiling. Nakita kong dumating ang mga madre, principal ganon na rin ang adviser ko. Nagaalala nila akong tinignan. Kinausap naman ng adviser ko si Sprite at nagtungo sa akin ang principal.
"What happened?" Tanong ng principal sa striktong tono.
"Tumana po ang ulo niya sa batuhan ser," hayag ng school nurse.
"Tumigil na po ang pagdudugo pero hindi padin pong masasabing maayos ang lagay niya dahil walang sakit na nararamdaman ang pasyente," salaysay nito. Nagtungo naman sa gilid ko ang principal at nagaalala akong tinignan.
"Okay ka lang ba iha? Wala ka bang nararamdaman na sakit? " Tanong nito at umiling lang ako. Napatango naman siya at tinignan ang school nurse.
"Call an ambulance. Ililipat natin siya sa hospital. She needs to be checked," itos nito. Kinapalan ko na ang mukha ko at nagsalita.
"Hindi na po. Okay lang po talaga ako," sabi ko at ngumiti para makumbinsi siya.
"If you're thinking about the money, don't worry hindi ka gagastos," pagsisigurado niya sa akin. Marahil ay nakita niyang scholar ako.
"Hindi po sa ganon. Wala naman po akong nararamdamang kakaiba," pagpupumilit ko pa din. Tinignan niya lang ako at siyaka nagtungo sa mga madre. Lumapit naman sa akin si Sprite.
"Wala bang masakit sayo? I'll talk to Licida. She needs to apologise. " Wika niya. Nakatalikod ang mga madre sa amin kaya malaya niya akong nahalikan sa noo sa pangalawang pagkakataon.
"Susunod ako sa inyo sa hospital. Kailangan ko lang talaga makausap si Licida," wika niya sa akin. Muli ay tinignan niya ako bago lumakad papalayo.
꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top