Chapter 5: Story
Elica's POV
"Where do you want to eat? Sa gym nalang ba tayo or doon ulit?" Tukoy niya sa sa lagi kong pinupuntuhan tuwing recess. Kasalukuyan kaming nakatayo sa entrance ng gym at naguusap. Madaming estudyante nayon ang padaan daan para bumili sa canteen.
"Doon na lang ulit. Bibili muna ako ng pagkain ko," wika ko sa kaniya. Akma na akong maglalakad patungo sa canteen ng pigilan niya ko.
"I bought you foods, wait for me," sabi niya siyaka tumakbo patungo sa left bleachers. Pagbalik niya ay mahinay na lang ang lakad niya dahil may dala na siyang lunchbox.
"Here, pinagluto kita," nakangiti niyang wika. Natawa ako sa kaniya at naglakad na patungo sa kakainan namin. Medyo malayo ito mula sa kinaroroonan namin kaya kailangan naming magmadali.
"You're spoiling me huh?" Sabi ko at tinutukoy ang palagi niyang pagbigay ng pagkain sa akin. He just smile at me. A genuine smile. I can feel happiness on him.
"Pag ako nasanay," may ngiti na din sa labi kong sabi. Hindi ganoon katirik ang araw kaya malaya kaming maglakad ng hindi naiinitan.
"Masanay ka lang, because I'll be spoiling you forever," narinig kong bulong niya habang nakatingin siya sa sahig. I bite my lower lips to avoid smilling too much.
"Narinig mo yon?" Tanong niya sa akin.
"Yung ano?" Pagsisinungaling ko. Kagat ko pa ang labi ko habang sinasabi iyon.
"Wala," wika niya. Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa kakainan namin.
"What if don nalang tayo sa table na iyon? Mahihirapan tayo kumain pag nasa hagdan tayo," wika niya habang tinuturo ang isang table na yari sa bato. Nakapwesto ito sa parang terrace at kahit wala pa ako don ay alam kong matatanaw non ang buong field sa ibaba. Malilim din doon dahil sa mga puno.
"Sige," pagpayag ko at nagtungo doon. Magkaharap ang dalawang upuan don na walang sandalan na yari din sa bato. Umupo na ako habang si Sprite ay nakatayo at nilalabas ang pagkain sa lunch box niya.
"I prepared sinigang for our lunch," ani niya at binuksan ang tupperware na may lamang sinigang. Baka ang sahog doon.
"I also bought patis at sili,"wika niya habang nilalagay ang patis sa maliit na lagayan niya. Pwinesto niya din sa tapat ko ang kanin at sa gitna naman namin ang ulam siyaka siya umupo.
"Ikaw nagluto?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, hobby," wika niya at hinintay akong tumikim. Kinuha ko ang kutsara at kumuha ng sabaw mula sa lalagyanan. Hinintay kong malasahan ng dila ko ang sinigang.
"Masarap," nakangiti kong sabi sa kaniya. Nawala ang nerbyos niya at napalitan ng saya.
"Buti nagustuhan mo, tara kain na tayo," ani niya siyaka nilagyan ng sabaw ang pinggan ko. Pagkatapos ng akin ay nilagyan niya din ang sarili. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. Nagsimula na ako sa pagkain at napatingin sa kaniya ng magsign of the cross siya bago kumain. Bagamat nakadasal na kami kanina bago umalis sa gym ay ginawa niya pa din iyon.
"May lalaki pa palang ganito sa panahon ngayon," wika ko sa sarili. Nasa kagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita ako.
"May isusulat akong story," hayag ko sa kaniya. Inangat niya naman ang ulo niya at nagbigay ng atensyon sa mga sasabihin ko.
"Wow! Ipapasa mo siya sa mga companies? My parents own a publishing company." Masaya niyang sabi. Napakamot naman ako ng ulo dahil sa sinabi niya.
"Nope. Baliw,"sabi ko at bahagyang tumawa.
"Let's just say ginawa ko lang to, out of boredom," wika ko at napa-ahh naman siya.
"Kwento mo sakin, I'll be your first reader," wika niya habang nakangiti.
"Kwento siya ng isang babae who had a condition called mirror touch synaesthesia," bumakas ang pagtataka sa kaniya ng sabihin ko iyon.
"Mirror-touch what?" Tanong niya.
"Mirror-touch synaesthesia, kondisyon siya kung saan kung anong nararamdaman ng isang tao ay mararamdaman mo din. Kapag masaya yung taong kaharap mo magiging masaya ka din, ganon." Alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi kong may ganon akong kondisyon kaya wala pa akong balak sabihin sa kaniya. May tamang panahon para doon at hindi pa yon ngayon.
"May nageexist bang ganon ang kondisyon?"
"As far as I know meron." I want to open his mind on my condition, kaya gumawagawa ako ng storya para lang malaman niya ito.
"May makikilala siyang lalaki na may gusto sa kaniya, iaasume nung guy na may gusto sa kaniya yung babae pero ang totoo ay nararamdaman lang niya ang nararamdaman ng lalaki sa kaniya," pagpapatuloy ko sa kwento.
"Sounds tragic,"komento niya.
"Pero pwede ko naman siyang gawing happy ending. Di naman ginusto ng babae na magkaroon siya ng ganoong kondisyon."
"Masyadong komplikado kasi ang sitwasyon nila, una, nagkagusto yung lalaki sa babaeng hindi siya kayang gustuhin pagbalik gamit ang sarili nitong nararamdaman. Pangalawa, hindi pwedeng sisihin ng lalaki ang babae dahil sabi mo nga siya ang unang nagkagusto,siya ang unang lumapit at isa pa hindi naman ginusto ng babae ang kondisyon niya." mahabang opinyon niya. Napatingin ako sa baba at kinagat ang labi. Hindi ko maintindihan kung bakit tila malungkot ako.
"Tama ka nga masyadong komplikado para gawing happy ending, baka hindi talaga sila ang para sa isa't isa," nakatungo ko pading wika.
"Pero, alam mo kung ako yon..." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.
"Even if that's unfair for my side, I'll fight. I won't leave her alone. I'm not that stupid to let go the woman I love just because of the condition she wasn't like to have. I deeply believe that woman should be treasured and not abandoned," seryoso niyang wika. Sa sinabi niyang iyon ay nabigyan ng maliit na pagasa ang puso ko na kahit ganto ang kondisyon ko ay may magmamahal padin sa akin ng totoo bukod sa pamilya ko. I'm so lucky to meet someone like him.
"Sa mga sinabi mong yon, you speak like a man and not a boy," nakangiti kong sabi at sinuklian niya naman ang ngiti kong iyon. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Habang kumakain ay nasa isip ko padin ang sagot niya. Sana ganon nga ang gawin niya, kung hindi niya kayang pigilan ang pagtingin niya sakin, sana kapag sinabi ko na ang kondisyon ko ay lumaban siya para sa sarili niya dahil karapat dapat siyang sumaya. Masakit mang isipin na kapag sumuko siya ay hindi ako masasaktan pero mas masakit ang isiping masasaktan ang lalaking walang ginawa kundi ang magmahal lamang.
~
"Sama ako sayo, manood tayo ng laban ni Sprite! " May halong sigaw na sabi ni Francis. Nasa gym kami ngayon at nanonood ng naglalaro ng volleyball. Iilan lang kami dito dahil ang iba ay napagdesisyonang maggala o tumambay sa oval.
"Sige tara na," sabi ko at ngumiti. Habang naglalakad kami patungo sa swimming pool kung saan gaganapin ang laban ay napakatahimik ng kapaligiran. Isa ito sa pinakanagustuhan ko sa paaralang ito bukod sa makalumang mga buildings at structure.
Nang makarating na kami ay iilan lang ang tao dito. Umupo kami sa bakanteng upuan malapit sa swimming pool at hinintay na magsimula o dumating ang mga kalahok na ngayon ay kasalukuyang nagpapalit ng damit. Mahaba at malaki ang swimming pool dito sa amin dahil may swimming lesson din ang mga regular student. Dagdag bayarin lang sa amin iyon kaya hindi na kami pinagobliga magaral kung paano lumangoy.
Nagpalingon kaming dalawa ni Francis ng may tumawag sa pangalan ko. Si Sprite na walang damit pangitaas at short na fitted sa kaniya lang ang soot.
Tila ang malamig na panahon kanina ay nawala at naging summer bigla.
"Hindi lang pala pangalan niya ang nakakauhaw beh," sabi ni Francis habang nakatingin padin kay Coke. Bagamat may nakasabit na tuwalya sa braso niya ay hindi padin iyon sapat para harangan ang magandang katawan ni Sprite. Maganda ang hubog ng katawan, tama lang para sa isang fourth year highschool student. Napalunok ako sa view na aking nakikita.
Nang makalapit siya sa amin ay ngumiti siya. Nakatayo siya kaya kailangan naming iangat ang tingin kesa iba ang matignan namin.
"Sure win na ko niyan, andito ka eh," mayabang niyang ani. Yabang na hindi nakakaasar. Wala pa din ako sa sarili kaya hindi ako nakasagot. Natauhan ako ng bumulong sa akin si Francis na katabi ko.
"Sa mukha ang tingin wag sa baba," malokong ani niya. Kinurot ko lang siya sa tagiliran at inayos ang sarili bago muling humarap kay Sprite.
"Siguraduhin mo lang na mananalo ka, baka matalo ka pa ng panlaban namin," ngingiti ngiti kong wika at hinanap ang panlaban ng team namin na parang tangkay na nakatayo sa gilid ng pool habang nagiistretch ng katawan.
Bakit kalansay ang panlaban namin?
"Siguraduhin ko talaga, para di ako mapahiya sa mapapangasawa ko," sabi niya at kumindat. Mas kinilig pa sa akin ang katabi ko dahil sa sinabi niya.
"The game will start in five minutes, players please proceed to the starting area," narinig naming anunsyo ng speaker.
"Wala bang goodluck kiss dyan mula sa mapapangasawa ni Sprite?" Pangaasar ni Francis. Tinignan ko lang siya ng masama at tinignan si Coke na malapad ang ngiti.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Goodluck kiss," sabi niya. Hinampas ko siya sa braso at huli na ng mamalayan na wala siyang pangitaas na damit.
"Anong good luck kiss? Pumunta ka na don!" Kunwaring galit kong sabi habang tinutulak siya.
"Di tayo bati!" Sabi niya bago pumunta sa starting area. Napakunot naman ang kilay ko sa sinabi niya. Parang bata.
"Ikaw ah, pasimpleng hampas," pangaasar sa akin ni Francis habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Tigil tigilan mo nga ako Francis, magsisimula na oh," sabi ko at nginuso ang nagbibilang na host.
"Timer's starts now!" Anunsyo nito at nagsitalunan na ang mga lalangoy. Napatingin ako sa nangunguna na tila anak ng dagat sa bilis nang malaman na si Sprite iyon. Mabilis siyang nakadating sa dulo at tinulak ang paa pabalik. Sinundan naman siya ng ibang players.
"Dessert, Sky, Jungle," pagbabangit nito sa mga teams na nauuna. Napatayo si Francis habang pumapalakpak kaya napatingin sa kaniya ang ilan sa mga tao.
"Umupo ka Francis, may isa pang round," nahihiya kong wika.
"Panalo na yan si Sprite," sabi niya siyaka umupo.
"Di ko akalain na yung tangkay nating pambato pumangatlo pa," ani pa ni Francis. Natawa nalang din ako sa isiping iyon.
"Second round." Anunsyo muli ng host at nagsimula na naman ang laban. Sa dulo ay ganon padin ang naging resulta, nanguna pa din si Sprite. Mabilis at tila sanay sa paglangoy si Sprite kaya madali niyang napanalo amg laro. Pagkaahon na pagkaahon niya ay masaya siyang lumapit at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay niyakap niya ako.
"Thank you dahil nanood ka, ito ang pinakamasaya kong laban dahil sayo," narinig kong bulong niya. Gulat man muli sa ginawa niya at niyakap ko siya pabalik nakakalimutang wala siyang soot na pangitaas at malayang nakadikit ang balat niya sa akin.
"Ako din payakap Sprite!" Bumitaw kami sa pagyakap dahil sa sinabi ni Francis. Kinuha narin namin ang pagkakataon para tumawa kahit alam naming madaming mata ang nakatingin sa amin ngayon.
Guidance office here we come.
꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top