Chapter 1: Her Simple Life
Chapter 1: Her Simple Life
Elica's POV
"I want you all to write an essay about your vacation," ani ng adviser namin na nagdulot ng kaingayan sa buong classroom.
"Ms. naman, kakapasok palang essay na. " Ms. Betpolo our adviser and english teacher, is a freshman teacher who acts like a teenager kaya kinakaya kaya lang siya ng mga kaklase ko.
"Kaya nga kayo pumasok eh. Ikaw talaga Crasi, lagi kang nakareklamo," sabi niya at lumapit kay Crasi. Crasi just smile at her awkwardly.
"500 words lang naman, hindi counted ang 'and' 'is' and other words. You have an hour to do it," sabi niya at umupo na sa harapan. Naglabas na ako ng yellow paper para makapagsimula na.
"Pengeng papel Elica."
"Ako den."
"Kami den ni Briena," Wala na akong nagawa kung di bigyan sila, sana pala ay hindi na muna ako naglabas pa ng papel dahil mauubos lamang ito.
"Ang bait mo talaga Elica syaka ang ganda pa. Penge din ako," panguuto sa akin ni Francis, my gay seatmate. Binigyan ko nalang siya at tahimik na nagsulat. Hindi muna ako nagbilang ng words dahil papahirapan ko lang ang sarili ko, hindi din naman bibilangin ng teacher. Kailangan mo lang pagmukhaing mahaba ang sulat mo.
"Ang bait mo sana kaso ang sungit mo," pagaabala niya sa akin. Ayaw ko siyang tignan dahil mahahawa ako sa emosyon niya at tiyak na wala kaming matatapos na essay.
"Ms. Top 1, bingi ka ba? I'm here, nabubuhay ako baka hindi ka aware," sabi niya at kinakaway kaway ang kamay sa aking mukha.
"Can you please focus on your paper?" Sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya.
"Ayaw ko nga, ilang years na tayo magkakaklase pero ni minsan hindi mo pa ako pinapansin." Pagrereklamo niya. Isa kaming scholar sa isang pribadong eskwelahan at mula noong unang taon palang namin ng highschool ay kami na ang magkakasama. Pang gabi ang klase namin samantalang pangumaga naman ang mga estudyanteng nagbabayad ng tuition fee. Wala na din kaming angal dahil maganda ang paaralang ito at kilala, may sarili kaming classroom at may dalawa pang aircon.
"Punta muna ako sa faculty. Aayusin ko lang ang mga gamit ko don. Mayor, ikaw na ang bahala dito ah. " Mayor ang tawag namin sa class president at Vice Mayor naman sa vice president ng klase. Minsan na akong ninominate ng mga kaklase ko sa posisyon ng Mayor pero hindi ako pumayag at pinilit na palitan nalang. Tumingin pa ako sa kaklase kong gustong maging Mayor para makuha ko ang emosyon niya at makatanggi ako. Pagkaalis ni Ms. Betpolo ay nagingay na ang mga kaklase ko. Kaniya kaniyang labasan ng mga phone para makapaglaro ng Ml o kaya magsearch ng essay sa google ang karamihan. Ilan ilan na lang ang matiyaga pading nagsusulat.
"Anong favorite mong kulay?" Habang ang iba ay matiyagang nagsusulat ang katabi ko naman ay matiyagang nangungulit sa akin.
"Red? Yellow? Pink? Hmm...Baka black halos lahat ng gamit mo black eh," ani pa niya.
"Magsulat ka nalang," sabi ko habang pinagpapatuloy padin ang pagsusulat.
"Ang ganda mo sana kaso hindi ka ngumingiti. May tinga ka siguro no?" Tanong niya habang iniikot ikot ang buhok ko.
"Wala akong tinga. Iba na lang ang daldalin mo. "
"Ayoko, ikaw nalang ang hindi plastik sa mga tao dito. Siguro nga kung hahangin ng malakas lahat kami tatangayin ikaw busy pa din at nagsusulat," sabi niya. He lessen his voice while saying those words. Kahit hindi ko siya pinapansin ay patuloy lang siya sa pagsasalita. He even told his whole Christmas vacation to me.
"Pass your papers now." Nagulat kami sa pagpasok ni Ms. Betpolo. Half of the class finished the essay while others don't. Madami sa nagpasa ay pawang search lang ang ginawa siyaka sinulat sa papel.
"Hala ka anong ipapasa ko?" Natatarantang wika ni Francis. Pakikipagusap lang kasi sa akin ang ginawa niya kanina.
"Ito. Sinulat ko na ang lahat ng sinabi mo sa akin tungkol sa bakasyon mo. " Sabi ko at nilapag sa harapan niya ang yellow paper na nilagyan ko na din ng pangalan niya. Nang mapatingin ako sa kaniya ay naramdaman ko ang saya niya. Di ko namalayan na napangiti na din ako at kasiyahan ang nararamdaman ng sistema ko.
"Oh my Gosh! Thank you, thank you!" Paulit ulit niyang pagpapasalamat sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Ang galing mo, nasulat mo lahat ng sinasabi ko. Salamat tala---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinawag siya ni Ms.
"Francis, akin na ang gawa mo. " Francis stood up and passed his paper in front.
"Biyaya ka talaga sa langit Elica. Pang bawi ililibre kita mamaya sa recess." Nakangiti niyang wika.
"Sige, sabay na tayo kumain mamaya. " Dahil nga ang emosyon niya ang nararamdaman ko ay napapayag ako sa nais niya. Masyado akong masaya at tila hindi na naalala na lagi kong gustong mapagisa.
Dumating ang dalawa pa naming teacher para magturo. Two periods every subject kaya hindi lahat ng subject ay natatalakay namin sa isang araw. Ang maganda pa roon ay kapag may mga quizzes ay makakapaghanda ka pa dahil sa susunod na mga araw pa ang subject na iyon. Isang catholic school ito kaya may madre ding nagtuturo sa amin.
"Class dismiss," striktong hayag ng Science teacher namin. Nauna siyang lumabas at nagsunudan naman ang mga kaklase namin. Tahimik ko lang na inaayos ang gamit ko at hinihiling na sana ay hindi na maalala pa ni Francis ang kasunduan namin.
"Tara na Elica, ano bang gusto mo?" Sabi niya siyaka ako hinila papalabas. Nahulog pa ang gamit ko sa sahig. Paglabas namin ay ramdam mo ang init sa labas.
"Ano bang gusto mo? Yung mura lang ah? Yung presyong silver lang, wag presyong ginto. " Madaming tao ngayon ang nasa hallway dahil uwian ngayon ng mga regular o ang mga estudyanteng nagbabayad ng tuition fee.
"Kahit ano nalang. " Sanay akong hindi kumakain tuwing recess dahil nais kong gamitin ang libre kong oras sa pagaadvance study.
"Ako nalang ang bibili ghorl, kuha ka nalang ng upuan natin. " Nang mawala siya sa paningin ko ay kumalma ako. Imbis na sundin ang sinasabi ng utak kong iwan siya ay nagtungo na lang ako sa mga tables. Madaming tao ngayon at halos wala ng maupuan. Mabilis akong nakahanap ng upuan at agad na umupo doon. Bandang dulo iyon. Anim ang upuan na pwedeng maupuan sa isang table. Mahangin din dito dahil sa mga punong nasa paligid. Aakalain mo pa nga itong picnic area kesa eskwelahan.
"C-can I sit here?" Ani ng isang hindi pamilyar na lalaki. Iba ang uniform nito kesa sa amin kaya masasabi kong regular student ito. May dala dala siyang tray na bitbit ang pagkain niya. Nilingon ko siya at nakaramdam ng kaba.
Bakit siya kinakabahan?
"M-may kasama ako dito eh. " Iniwas ko ang mata ko sa kaniya nung sinabi ko iyon.
"Hmm. Sige hanap nalang ako ng ibang seats kahit ito nalang ang natitirang seats na isa lang ang tao," pagpaparinig niya.
"Bakla, umalis lang akes saglit, may kausapan ka na diyan." Narinig kong sabi ni Francis.
"Kayo lang bang dalawa ang nandyan sa table? Can I sit here? Occupied na kasi ang ibang tables," pakikipagusap nung lalaki kay Francis.
"Oo naman," sabi niya at umupo na sa tabi ko. Binigay niya sa akin ang isang Corneto na cookies and cream.
"Ayan nalang binili ko, wala kasi akong mabiling kahit ano don." Di niya alam na paborito ko ang cookies and cream. Sinimulan ko nalang kumain at hindi pinapansin ang dalawang kasama ko.
"Ganyan talaga yan, walang pakielam sa mundo." Narinig kong wika ni Francis. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Hindi ah, ang sarap lang talaga nung ice cream," wika ko habang nakangiti. Masaya ang nararamdam ni Francis kaya siya ang tinignan ko.
"Oo nga pala, anong pangalan mo?" Tanong niya sa kasama naming nasa harapan ko. Kumakain siya ng carbonara na isa sa mga presyong ginto kung tawagin naming mga scholar.
"Sprite," simpleng ani niya.
"Gusto mo ng sprite? " Nagtatakang tanong ni Francis.
"No, my name is Sprite." Naramdaman ko ang kaba niya kaya tumingin ako kay Francis.
"Nauhaw ako bigla," natatawang wika niya. Sa simpleng pagtingin ko kay Sprite ay naging malinaw sa akin ang itsura niya. Maputi, matangos ang ilong, mapulang labi, tamang kapal ng kilay at mahahabang eye lashes.
"My name is Francis and this is ----." Napatigil siya ng magsalit sa Sprite.
"She's Elica, right?" Nagulat si Francis dahil kilala niya ako kaya ako mismo ay nagulat din.
"Hala ka bakla, kilala ka," nagtatakang wika niya.
"Famous ka pala," he whispered. Tahimik lang na kumakain si Sprite habang tinitignan ako.
"Tara na may klase pa tayo, baka malate tayo. " Sabi ko at hinila si Francis.
"Maaga pa Elica. " Narinig kong wika niya. Nang makalayo na kami ay doon ko lang siya binitawan.
"Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa akin," sabi ko.
"Baka may gusto sayo? " Ani niya habang naglalakad.
"Bahala na nga, salamat nalang dito," sabi ko at nauna na sa paglalakad. Nagpatuloy lang ang araw hanggang sa maguwian. Madaming pinagawa sa amin kaya umuwi kaming lahat ng pagod. Nilalakad ko lang ang bahay namin dahil ilang minuto lang naman ang lakadin patungo roon.
Hindi malaki pero hindi rin maliit ang bahay namin na minana pa ni Mama sa lola ko. Sakto para sa aming apat. Dalawang palapag iyon at may dalawang kwarto sa itaas. Isang call center agent si Mama at office worker naman si Papa. Madalas kaming hindi kumpleto sa bahay dahil salungat ang mga oras namin. Ang kapatid ko namang lalaki ay kasalukuyan nasa ikaanim na baitang ay namamasahe dahil malayo ang eskwelahan niya. Nadatnan kong nagaaral siya sa lamesa, wala pa si Papa dahil marahil ay natrapik ito. Si Mama naman ay kakaalis lang panigurado. Simpleng buhay lang ang meron ko, at masaya ako don.
"Matutong makontento sa kung anong meron ka pero wag tumigil maghangad sa kung anong wala ka." Pumasok bigla sa akin ang madalas na sinasabi ng lola ko nung nabubuhay pa siya.
"Akyat muna ako," sabi ko. Tila hindi niya ako narinig at pinagpatuloy lang ang pagaaral. Pagkatapos ko magbihis ay nahiga muna ako sandali. Pumasok sa isipan ko ang lalaking kanina ko lang nakilala.
"Kilala niya ko?" Nakakapagtaka lang dahil ang mga kaklase ko nga ay marahil hindi ako kilala, isa pa kayang regular student na hindi ko naman madalas nakakasalamuha. Laman siya ng isipan ko hanggang sa makatulog ako.
꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top