Chapter 10- ANG UNANG PAKO
Mabigat ang krus kaysa sa inaasahan ko at sa unang paghakbang ko kasama si Hesus na nakikipasan pa sa krus niya ay bumibigat ito.
"Ako na lang." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Basta ang alam ko sa oras na iyon ay naawa ako sa kanya.
Nakatitig siya sa akin na parang alam niya ang lahat ng kasalanan ko. Hindi ko magawang magbawi ng tingin.
"Kakayanin ko hanggang sa maitawid ko ito."
Nanatiling nakatingin si Hesus sa akin. Isang hakbang muli at bumigat muli ang krus. Ganito ba kabigat ang kasalanan ng mundo na pilit niyang pinapasan?
Nanatiling nakakapit si Hesus sa krus. Hindi ko alam kung ang bigat niya ay nasasama sa krus na dinadala ko ngayon.
Pabigat nang pabigat sa bawat paghakbang.
Parang may bato na dumaragdag sa bawat paghakbang.
Nakakaubos ng lakas.
Nakakaubos ng buhay.
Hindi nasihayan ang mga Romano sa nangyayari kung kaya hinagupit nila si Hesus ng latigo mula sa likod ko. Isang Romano ang sumampa sa krus at hinataw ang latigo sa likod si Hesus. Napaluhod si Hesus at ako naman ay nagulat at nabitawan ang krus.
"Tama na," sigaw ko sa mga Romano.
'Tama na! Hindi na siya makakatayo. Hindi ko ipagpapatuloy ang pagbubuhat kung sasaktan ninyo pa siya!"
Saan nangmula ang tapang ko?
Hindi ko rin alam. Basta sa oras na iyon, nahahabag ako sa kanya.
Pansamantalang natahimik ang lahat. Tinulungan ko si Hesus na makatayo. Ang duguang kamay niya ay kumapit sa aking balikat upang kumuha ng kaunting lakas.
Panginoon ko. Sambit ko. Isang maikling tango ang ibinigay niya sa akin.
Tinulungan ako ng mga Ramano na itayo muli ang krus. Pumuwesto ako upang pasanan muli ito.
"Ako na lang," wika ko kay Hesus.
Muli ay tumango siya sa akin ng marahan.
Hindi ko na mabuhat ang krus.
Kinailangan kong ipunin ang lahat ng lakas ko upang maiangat ng kaunti ito sa lupa.
Kaunti na lang, bulong ng isip ko.
Kaunti na lang.
Pataas pa ang dadaanan namin ngunit nakikita ko na ang tuktok.
Sa langit ay may dalawang uwak na lumilipad at pinapaikutan ang tuktok ng burol.
Pabigat nang pabigat ang krus. Pinagpapawisan na rin ako ng matindi. Ang damit na suot ko ay nakadikit na sa katawan. Ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko papunta sa mata ay nakakahilam.
Sa kabila ng itsura ni Hesus ay parang naisisiyahan pa ang mga tao.
Ganito na nga siguro kami noon pa... makasarili, makasalanan at mapagmataas.
Malapit na kami sa itaas ng burol. Natatanaw ko ang tuktok at may dalawang nakagapos sa krus na naroon.
Kasabay ng pagbigat ng krus sa aking balikat ay ang pagbigat ng puso ko.
Hindi dapat ganito.
Hindi dapat ganito.
Sa pagtapak ko sa itaas ng burol, sinipa ng Romano ang krus sa aking balikat. Nabitawan ko ito at gumawa ng malakas na ingay sa lupa. Kung hindi ako nahawakan ni Hesus sa braso ay kasama sana akong natumba.
"Umalis ka na, hindi ka na kailangan," sigaw ng Romano sa akin.
Itinulak nila ako palayo kay Jesus.
Wala akong nawaga kung hindi sumunod at manood sa susunod na mangyayari.
Humahangos na nakahabol ang in ani Hesus na si Maria. Kahit hindi ko siya kilala sa panahon na ito at sa panahon ko ay labis akong maawa sa kanya.
"Anak," bulong niya sa kawalan habang patuloy na sinasaktan si Hesus.
Hinubaran ng mga Romano si Hesus. Naghalo ang tuyong dugo sa bago. Nagsasanga-sanga ang mga sugat sa likod. Ang natutuyong mga sugat ay muling nabubuksan dahil sa walang tigil na paghagupit nila ng latigo.
Pilit nilang inihiga si Hesus sa krus ng kasalanan.
Hindi ko namalayang tumutulo na ang aking mga luha.
Hindi ko kayang tingnan.
At sa unang pagpalo ng martilyo sa pako, sa unang paglapat ng pako sa kanyang kamay, sa unang sigaw na kanyang ginawa, kasabay niyon ang sigaw na namutawi sa aking labi.
"Huwag!"
Ngunit kinain ng malakas na hiyawan ng mga tao ang aking pagtangis.
"Huwag! Huwag!" is ana ako sa nagmamakaawa ngayon sa mga Romano gnunit tuloy-tuloy ang pagpalo sa pako hanggang sa lumusot ito sa kahoy ng krus.
Naipako na ang isang kamay ni Hesus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top