two

Ready na ako sa PLAN B ko. I am again heading my way to his mansion. Sana naman this time gumana na ang plano ko.

"Ikaw na naman?" sabi nung guard na mukhang kabayo.

"Oo ako na naman. Bakit? May reklamo ka?" pagsusungit ko.

"Kabilin-bilinan ni sir na 'wag ka nang babalik 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?" sabi naman nung mukhang tsinelas ang pagmumukha.

"Nasaan ba si Chardie. Gusto ko siyang makausap. Pakisabi importante," seryosong sabi ko naman sa kanila.

Nagkatinginan naman sila at saka umalis yung mukhang tsinelas. Ilang minuto rin ang lumipas at kasama nang dumating nung mukhang tsinelas ang mahal ko. Kaagad naman niyang pinaalis ang mga guard kaya naiwan kaming dalawa. Ayie! I really love this moment.

"I am applying for maid, Mr. Cabangis," sabi ko sabay abot ng resume ko.

Kaso tiningnan niya lang ito.

"Seriously?" nakakunot noong sabi niya. "Pwede ba Safarah, get the hell out of here." Ang sungit pa rin niya sa akin.

Paalis na sana siya nang magsalita akong muli.

"Pinalayas ako sa amin. Wala akong matutuluyan. Please Chardie pumayag ka na," sabi ko with matching iyak effect pa.

Humarap naman siya at kinuha ang resume ko. Naks! Gumagana ang plano ko. Sabi na may maawaing puso 'to e.

"My answer is..." ayan na sasabihin niya na. "NO!" Madiin pa ang pagkakasabi niya. Sabay pinunit ang resume ko into thousand pieces parang puso kong nag-scattered sa sahig bago siya tuluyang pumasok sa loob.

This time umuwi na naman akong nanlulumo. Fail na naman ang PLAN B ko. Wala na akong maisip. Bahala na lang bukas.

Pagkarating ko sa bahay, dating gawi, sinalubong ako ng mga katiwala sa mansyon at sinabi rin nila na bumalik na sa Amerika sila Mama at Papa pero babalik daw sa susunod na linggo. Sana raw may matinong sagot na ako tungkol sa arrange marriage chuva ek ek na 'yon. Bakit? Hindi ba matino ang sagot ko na ayoko?

"Young lady, kamusta po ang lakad niyo?" tanong ni Fey.

"Ayun yaya, epic fail pa rin. Nagdrama na 'ko at lahat wala pa rin talagang nangyayari." Sabay pabagsak na dumapa sa kama.

"Bakit naman po?" tanong ulit niya. Wala pa nga pala siyang alam sa plano ko.

"Si Chardie kasi e," Sabi ko habang nakasubsob ang mukha sa unan ko.

"Ano po bang nangyari?" tanong na naman niya. Minsan talaga mausisa rin 'tong si yaya.

"Sikreto lang natin ha? Ang totoo kasi niyan, nag-a-apply akong katulong kina Chardie." Pagkukwento ko sa kanya na labis naman niyang ikinabigla.

"A-ano po? Katulong? Young lady, hindi nga po kayo tatanggapin ni Sir Chardie na katulong lalo na at mayaman kayo." Tama naman siya sa sinabi niya. Kaya nga hindi ko pinaalam kay Chardie ang estado ko sa buhay. Kahit yata apelyido ko ay 'di niya alam. Kung sabagay wala naman siyang pakialam sa akin.

"Wala naman siyang alam na mayaman ako," sabi ko nang bumangon ako sa kama ko.

"Kapag nalaman ng inyong Papa ang ginagawa ninyo tiyak na magagalit iyon," sabi niya.

"Bakit isusumbong mo ba ako?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Naku hindi po." Nailing pa na tugon niya.

"Then good. Nothing to worry," sabi ko lang. "Haay... magpapahinga muna ko Fey. Iwan mo muna ko."

Inaantok pa kasi talaga ako dahil sobrang aga ko gumising para lang sa PLAN B ko tapos palpak pa rin pala. Nakakainis lang.

"Young lady kaya mo yan. Just be yourself," sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Napangiti na lang ako sa isiping iyon at maya-maya pa ay nilamon na rin ako ng antok.

I was born to tell I love you
And I am torn to do what I have to
To make you mine
Stay with me tonight.

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Kaagad kong sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello..." Walang kabuhay-buhay na sabi ko.

"Girl, guess who kung sino ang nandito ngayon sa bar?" tanong ng nasa kabilang linya at sure akong si Trisha 'to.

"Trisha naman," sabi ko habang nakatalukbong pa ng kumot ang buong katawan.

"Nandito ngayon si Chardie. At mukhang lasing na siya." Pagkarinig ko pa lang ng pangalan na iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong napabangon ako at nagpunta sa harap ng cabinet para magpalit ng damit.

"Papunta na ko," sabi ko at dali-daling bumaba at lumabas ng bahay.

Nang makasakay na ako sa kotse ko ay kaagad ko nang pinaandar ito at pinaharurot papuntang Stricto Bar na pag-aari nila Trisha. Wala pang 30 minutes nang makarating ako rito. Halos lumipad ba naman ako makita lang ang mahal ko. Hindi na ako hinarang ng mga bantay dahil kilala naman na nila ako. Pagpasok ko pa lang ay kaagad nang bumungad sa akin ang mukha ng lokaret kong kaibigan. Mukhang hinihintay niya nga ako.

"Nasaan si Chardie?" tanong ko kaagad.

"Nandoon siya o." Tinuro niya naman ang gawi ng bar table sa harap.

Lumapit kaagad ako sa kinaroroonan ni Chardie at tinapik ito sa pisngi.

"Chardie..." Pagtawag ko sa kanya na may kasabay na pagyugyog.

Pero hindi siya sumagot. Mukhang lasing na lasing na nga. Kaya naman napagpasyahan ko nang iuwi siya.

"Miss, hindi pa po siya bayad." sabi ng bartender na naroon.

"Trisha, ikaw na bahala magkaltas ng ginastos ni Chardie sa VVIP card ko ha?" sigaw ko habang akay-akay naman ang tulog na tulog na si Chardie.

"Okay," sigaw din naman niya pabalik. Malakas kasi ang tugtog kaya need talaga namin na sumigaw para lang magkarinigan.

Lumabas na ako ng bar at kapag minamalas ka nga naman, na-flat na parang magic ang gulong ng kotse ko kaya naman kinapa ko na ang susi sna bulsa ng pantalon ni Chardie.

"Lord, sana naman po hindi po iyon ang makapa ko," panalangin ko pa bago huminga ng malalim saka ipinasok ang kamay ko ng dahan-dahan sa loob ng bulsa ng pantalon niya at success. I got the key.

Pagkabukas ko ng pinto sa backseat ng kotse niya ay maingat kong iniyuko si Chardie para hindi siya mauntog sa pintuan pero ang bigat niya kaya naman kasama niya akong bumagsak sa loob and shit kahit amoy alak siya ang bango-bango niya. Napakagat labi na lang ako sa isiping iyon. Bumangon na ako at kaagad ipinasok ang paa niya sa loob at isinara ang pinto saka ako umikot papunta sa driver's seat. Pagsakay ko ay kaagad ko na rin itong pinaandar pauwi kina Chardie.

Pagkarating sa mansyon nila ay maingat kong ibinaba si Chardie ng sasakyan at dumeretso papuntang main door. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang iniluwa nito ang isang anghel na kahawig na kahawig ni Chardie. Malamang eto si Shannen, ang kakambal ni Chardie.

"Sino ka?" gulat na tanong niya.

"Uhm... Tulungan mo muna kaya ako. Mabigat kasi e," sabi ko sabay kuha niya kay Chardie mula sa akin.

Kaagad naman kaming pumasok sa loob habang akay-akay niya si Chardie paakyat ng hagdan. Maya-maya pa ay huminto na ito sa tapat ng isang kwarto. Marahil eto ang kwarto ni Chardie. Pagpasok niya ay akmang papasok na rin sana ako nang bigla siyang huminto.

"Stay there. Ayaw ni Chardie na may babaeng papasok sa kwarto niya lalo na kung hindi naman siya sure na ito ang mapapangasawa niya," sabi niya sa akin. Ouch lang ha. Malay mo ako makatuluyan niya.

Tumalikod na siya kaya naman humakbang ako paabante, nagbabakasakaling makalusot.

"Peace." Naka-peace sign pa ako bago niya isinara ang pinto.

Haay... Nag-aalala talaga ako kay Chardie. Hindi naman kasi niya gawain ang mag-inom pero heto siya ngayon at lasing na lasing. Pesteng Stephanie 'yon. Panigurado dahil na naman sa kanya ang lahat.

Ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas si Shannen mula sa loob ng kwarto ni Chardie.

"Okay na siya," sabi niya. Kaya naman kahit paano ay napanatag na ako.

"By the way, I'm Safarah," pagpapakilala ko. Inilahad ko ang kamay ko at inabot naman niya ito.

"Paano? Ihahatid na lang siguro kita," prisinta niya.

NO WAY! Nandito na ako sa loob ng bahay nila lalabas pa ba ako? Kaya naman baon ko na ang PLAN C ko.

"Ano kasi..." Paano ko ba sasabihin sa kanya? Nahihiya tuloy ako.

"Yes?" nakakunot noong tanong niya. Nagtataka siguro.

"Uhm... Wala na kasi akong matutuluyan. Lumayas kasi ako sa amin. Gusto kasi ng mga magulang ko na ipakasal ako sa lalakeng hindi ko gusto," Sabi ko with sad look in my face. Sana hindi siya maghinala.

"So?" tanong pa rin niya. Dami naman niyang tanong, nakakairita.

"Ang totoo kasi niyan ay nag-apply akong maid dito sa inyo kaya lang ay ayaw ni Chardie," pagkukwento ko.

"Ganon ba? Tamang-tama kailangan ko ng personal maid habang nandito ako sa Pinas." Sabi niya kaya naman nagningning bigla ang mga mata ko.

"T-talaga?" paniniguro ko pa dahil baka nananaginip lang ako.

"Oo. Kung gusto mo sa akin ka na lang mag-apply," sabi niya. May pakinabang din pala ang pagiging matanong nito e.

"Oo ba. Walang problema sa akin 'yon Shannen este Sir Shannen pala," todo ngiting sabi ko.

"Shannen na lang. Hindi na naman iba sa'yo ang kapatid ko," nakangiting sabi niya.

"Thank you talaga." Halos 'di ko alam paano i-e-express ang tuwa ko. Success ang plano ko. Mas madali nang mapapalapit sa akin si Chardie. Sa wakas, malapit ka nang maging akin Chardie at hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas sa isip ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top