three

Nagising na lang ako sa liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Good morning!" nakangiting bati niya sa akin habang nakatayo malapit sa veranda.

Si Chardie.

Napangiti naman ako sa isiping iyon. Para lang kaming mag-asawang bagong kasal.

Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama at inilatag ang bed table na may tray at breakfast. How sweet. He smiles at me. Shit kinikilig ako. Nagkusot-kusot ako ng mga mata at doon ko lang napagmasdang mabuti.

Si Shannen pala.

T-teka asan ako? Nilibot-libot ko pa ng paningin ko ang buong kwarto. Kaninong kwarto 'to?

"Nandito ka sa guest room. Mamaya ipapaayos ko 'to para dito ka na matutulog," sabi niya.

"P-paano ako nakapunta rito? Hindi ba nasa sala tayo kagabi?" nagtataka namang tanong ko.

"Yes." At mabilis naman na sagot niya.

"So paano nga ako nakarating dito?" tanong ko ulit.

"I brought you here." T-teka ulit. T-tama ba ang narinig ko? Dinala niya ako rito? Ibig sabihin binuhat niya ko papunta rito? Natulala naman ako sa isiping iyon. Nakakahiya.

He snaps kaya naman bumalik ang senses ko.

"Okay ka lang? Inaantok ka pa ba? Nagising ba kita?" tanong niya.

"Ha? Ay naku! Hindi. Hindi," naiiling pang sabi ko. "Ano kasi, nakakahiya. Nag-apply ako rito bilang katulong tapos parang ako pa ang amo kung itrato mo 'ko." Totoo naman nakakahiya talaga sa kanya lalo na kagabi lang kami nagkausap.

"Ngayon lang 'yan. Kumain ka na. After you eat be ready aalis tayo." Hala! Aalis kami? Ibig sabihin 'di kami magkikita ni Chardie ko ngayon? Naman. Kakalungkot naman.

"O-okay." Pagkasabi ko no'n ay lumabas na rin siya ng kwarto at naiwan na 'kong mag-isa. Tiningnan ko naman ang pagkain sa tray at wow ang sarap. Omelette, bacon at slices of loaf bread. Parang agahan ko lang lagi sa bahay. Kaya naman kinain ko na 'yon. Gutom na kaya ako. After kumain ay kaagad akong dumeretso sa C.R. nitong guest room at naligo. Bongga talaga, araw-araw na kong gigising sa kwartong ito. Araw-araw ko na ring makikita ang Chardie ko. Oo inaangkin ko na siya dahil balang araw magiging akin din naman siya. Napahalakhak na lang ako bigla sa isiping iyon.

So nandito na ako ngayon sa sala hinihintay si Chardie na magising para sana bago kami umalis ni Shannen ay masilayan ko man lang muna siya at mukhang dininig ng Diyos ang panalangin ko kasi heto na siya ngayon bumababa mula sa langit, este sa taas pala at ang gwapo talaga ng bagong gising look niya. Kinikilig pa ako habang nakatingin sa kanya. Hindi talaga ako nagsasawang pagmasdan siya. Nangingiti pa ako nang bigla niya akong batukan, mahina lang naman.

"Grabe ka naman makabatok Chardie. Ang sakit ha," nakanguso pang sabi ko habang hinihimas ang ulo ko pero syempre charot lang 'yon.

"Wag kang O.A.," sabi niya. "Paano ka nakapasok sa mansyon ko?" mariing tanong niya. Oo na mansyon mo na kung mansyon mo, hindi ko naman inaangkin.

"Dahil sayo kaya ako nakapasok dito sa mansyon mo no?" mariin ding sagot ko.

Tumawa siya bago nagsalita. "Ako? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? There is no way that I would let you enter my house," sabi niya. Ang sungit talaga niya sa akin. E narito na nga ako sa loob o.

"Totoo sabi niya." At pagtingin ko wow, as in wow lang ang get up ni Shannen. Naka-gray polo at black maong pants habang hawak ang kanyang shades. Ang gwapo lang.

"Ha? Anong pinagsasabi mo Shan? At kailan ka pa nakipag-usap sa babae?" tanong niya sa kakambal niya.

"You are terribly drunk last night. As in totally terrible. Nakakahiya nga kay Farah na siya pa ang umakay sa'yo rito pauwi." Pagkasabi nun ni Shannen ay napatingin naman si Chardie sa akin. 'Yong tingin na I don't believe it look. Nginitian ko naman siya at di na rin siya nagsalita.

"By the way, aalis muna kami ni Farah. We will be back before dinner. Ikaw na munang bahala sa company," bilin niya kay Chardie. At ang mukha naman ng labidabs ko, naka sambakol. "And one more thing, Safarah will be my personal maid hangga't nandito ako sa Pinas. And she will be using the guest room as her room. Pinaayos ko na yun kay manang Lourdes."

"WHAT???" Napabulalas ni Chardie.

"It's final." Buong desisyon na sabi ni Shannen bago kami tuluyang lumabas. Poor Chardie, wala ka ng kawala sa akin ngayon hahahahaha!

While we are travelling to somewhere that I don't know, tahimik lang kami. Until he managed to speak.

"Okay lang naman sayo na Farah ang itatawag ko sayo di ba?" Tanong niya habang deretsong nakatingin sa kalsada. Kasalukuyan kasi siyang nagdadrive at binabagtas ang kahabaan ng edsa.

"Oo naman." Nginitian ko naman siya.

Iniliko niya ang sasakyan sa parking lot ng SM Megamall. Wait? Anong ginagawa namin dito? Pagkapark niya ng sasakyan ay agad siyang bumaba at umikot sa kabilang side para pagbuksan ako ng pinto.

"Here we are. Shall we." Inilahad pa niya ang kamay niya kaya inabot ko naman iyon para di nakakahiya di ba. Ang bait bait niya kaya sa akin. Di gaya ni Chardie na lagi na lang ang sungit sa akin.

"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba may pupuntahan tayo?" Tanong ko.

"Oo nga. We are here. Mamimili tayo ng gamit mo." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hey! Kaya ko naman bumili ng gusto ko e. Hindi niya na ko kailangang ipagshopping.

"N-naku Shannen, no need. Ayos lang nakakahiya." Sabi ko habang winawagayway pa ang kamay ko.

"I insist. Kapag di ka pumayag you'll be fired." Waahhh! Ano to blackmail? Ayoko naman mawalan ng trabaho hindi dahil sa mahirap ako, mayaman kaya ako, kundi dahil ayokong masira ang plano kong mapalapit kay Chardie.

"Sabi ko nga tara na e." Sabay hatak na sa kanya papasok ng mall.

Dito kami unang nagstop over sa guess. Pagpasok namin ay agad siyang kumuha ng mga damit at iniabot sa akin. Libre naman so grab na hahaha! After a moment binayaran niya na din to at niyaya na kong bumili ng mga sandals sa primadona. Nakakahiya talaga ko ngayon, parang ang poor poor ko naman. May ilan akong isinukat at gaya ng una binayaran niya na din to.

"Uhm.. Shannen, anong susuotin ko pag nagtrabaho na kong personal maid mo?" Out od curiosity na tanong ko.

"Hhmm.." Hawak niya pa ang baba niya habang tila nag-iisip. "Kahit ano basta komportable ka pwede na. Besides kahit ano naman yatang isuot mo e babagay sayo."

Papuri ba yun? O binobola niya ko?

"Mabuti pa tara kumain na muna tayo. Gutom na ko." Sabi niya ng nakangiti habang hawak pa ang tiyan niya.

"O-okay." Pumayag na din ako. Mahirap na baka mawalan ng trabaho. Hahaha!

Nandito kami ngayon sa Jollibee, mayamang mahilig sa Jollibee 'tong si Shannen ha. Dito siya nagyaya kasi paborito niya raw ang chickenjoy. Haha! Natatawa na lang akong isiping para siyang bata.

"Anong sayo?" Tanong niya habang nakatingin sa menu sa taas.

"Kahit ano." Maikling sagot ko.

Kami na ang sunod kaya umorder na siya.

"Welcome to Jollibee, what's your order sir?" Tanong nung nasa counter.

"Isang C2 at gawin mong spicy yung chicken ha. At meron ba kayong kahit ano dito? Wala kasi akong makita sa menu." Sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. Ano ba yan?

"Uhm.. C1 na lang sa akin." Sabi ko na lang. Napansin ko naman na ngumiti siya.

After namin umorder ay naghanap na kami agad ang upuan habang bitbit niya ang tray ng inorder namin. Saglit lang at nakakita din kami ng upuan. Masaya din palang kumain sa mga ganitong fast food. Nakakatuwang isiping parang isa lang akong normal na mamamayan ng Pilipinas.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya pa siyang mag-ikot ikot. Pumasok kami sa GAP at bumili siya ng jacket doon. Grabe, nagyon lang ako nakakita ng lalaking mahilig magshopping. After a while ay nagyaya na rin naman siyang umuwi. Ang dami ko ng hiya mga 1 million, paano ba naman lahat ng pinamili namin ay siya ang may bitbit. Paang siya pa yung katulong sa aming dalawa. Everytime kasi na hihingin ko kahit isang paper bag para ako na sana ang magdala ay ayaw naman niyang ibigay kaya ang ending siya ang may bitbit ng 10 paper bag lang naman.

Exactly 5 pm ng makarating kami sa bahay at ang gwapong mukha agad ni Chardie ang bumungad sa akin. Nawala tuloy bigla ang pagod ko. Oops, hindi nga pala ako napagod dahil wala man lang akong ginawa maghapon.

"Shan, tumawag si mommy. Kailangan ka daw sa Amerika by next week." Si Chardie yan kausap ang kakambal niya.

"Okay." Maikling tugon ni Shannen.

"Yes!" At ang mahal ko parang tuwang tuwa ha.

"O bakit? Parang masaya kang aalis na ko ha." Puna ni Shannen.

"Of course Shan, mawawala na kasi sa bahay na 'to ang impaktang yan." Sabi niya and I know he is referring to me.

"Makaimpakta ka dyan ha. Pasalamat ka talaga Chardie. Naku!" Sabi ko habang nanggigigil sa inis.

"No Chardie. She will stay here. Habang nasa Amerika ako. Ikaw muna ang bahala sa kanya." Sabi ni Shannen.

"YES!" Napasigaw pa ko sabay taas ng kamay sa ere sa tuwa. Thank you Shannen hulog ka ng langit sa akin.

"NO!" Giit ni Chardie. "Gagawin mo pa kong yaya ng babaeng yan.

"Choosy ka pa ba mahal kong kapatid. Tignan mo nga si Farah." Tumingin naman silang dalawa sa akin. "Maganda." Nagpose naman ako. "Sexy." Nagpout pa ko at sabay pose. "Mabait." Puppy eyes pa. "Saan ka pa?" Oo nga choosy ka pa Chardie.

Tinignan naman ako ni Chardie mula paa hanggang ulo.

"Shan, I'd rather die." Seryosong sabi niya. Parang kinurot naman ang puso ko sa sinabi niya. Bakit ganoon siya sa akin? Ganoon ba ko kahirap mahalin at magustuhan? I am almost perfect. Konting konti na lang. Talaga bang hindi niya ko kayang mahalin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top