one
Hi, I am Safarah, 17yrs old at bunsong anak ng mag-asawang Buenavista. Oo mayaman kami kaya naman lahat ng gusto ko nakukuha ko, magarang damit, mamahaling alahas, at kahit anong brand ng cellphones. Kaya naman nasanay na talaga ako sa ganitong pamumuhay kahit na minsan parang nakakasakal na dahil lagi na lang bantay lahat ng kilos ko. Wala na rin akong ginawa kung hindi kaen, aral, tulog, shopping, in other words boring na. Until I met the man of my dreams, mayaman siya gaya ko, at lahat din ng gusto niya nakukuha niya ang kaso, he is deadly so in-love with this Stephanie Cruise, mayaman at maputi. Iba kasi ang maganda sa maputi lang kaya hindi siya qualified as maganda para sa akin, sorry siya.
Nandito ako sa labas ng gate nila, bitbit ang mga pinamili kong mumurahing damit sa mall na nakalagay sa isang malaking simpleng bag na pink.
Anong ginagawa ko rito?
I'm here to sacrifice all pati ang marangyang buhay ko sa mansyon namin pero syempre itutuloy ko pa rin ang studies ko after vacation. Hindi naman niya alam na isa ako sa mayamang anak ng mga Buenavista kaya naman mag-aapply ako ng trabaho sa kanila.
And yes, I am applying for maid. Part time lang ha dahil gaya ng sabi ko mag-aaral ako. Maya-maya pa ay may lumabas ng katiwala.
"Ano po iyon?" tanong nito.
"Mag-a-apply po sana akong katulong ninyo. Napag-alaman ko po kasing nangangailangan kayo ng katulong," nakangiti namang sagot ko.
"Ah... Tuloy ka." At iginiya niya na nga ako papasok sa loob.
Nandito na kami ngayon sa loob ng mansyon nila at super excited na akong makita ulit ang love of my life.
"Manang, nasaan ang favorite shirt ko?" Siya na ito. Ang gwapo niya talaga habang pababa ng hagdan. Topless pa siya. Kinikilig talaga ako nang bigla siyang mapatingin sa gawi ko.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
"Hi Chardie." Kumaway pa ko kapagkuwan bilang pagbati.
"Sir, magkakilala kayo?" tanong naman ni Manang na tila naguguluhan sa nangyayari.
"Malamang Manang. Obvious naman hindi ba?" masungit namang sagot niya.
"Uhm... Tutal bakasyon naman naisipan kong mag-apply ng trabaho," nakangiti pa ring sabi ko.
"Mukha bang apply-an ng trabaho itong bahay namin?" tanong ulit niya. Ang sungit niya pa rin talaga.
"Sir, mag-a-apply daw po siyang katulong," back up naman ni Manang sa akin.
"A-ano? K-katulong?" 'Di makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Gusto ko kasi lagi kitang nakikita at nakakasama kaya eto ang naisip kong tr--" hindi niya na ako pinatapos at dali-dali akong kinaladkad palabas ng mansyon.
"Aray! Grabe ka naman Chardie kung makahawak ka sa 'kin. Tingnan mo bumakat 'yang kamay mo o," sabi ko habang hinihimas yung parte ng braso kong hinawakan niya.
"GUARD! GUARD!" sigaw niya.
"Sir Chardie." Lumapit naman ang dalawang gwardiya.
"Ilabas niyo nga 'tong babaeng 'to." Sabay tulak sa akin papunta sa dalawang gwardiya, pasok sa loob ng mansyon at sara ng pinto.
"Chardie!" Malakas na katok pagkatok ko sa pinto at binuksan naman niya.
Nginitian niya ako sabay hagis ng bag ko sa 'kin. Napatingin naman ako sa bag kong bumagsak sa harap ko.
"At 'wag na 'wag niyong papapasukin ang baliw na 'yan dito," dagdag pa niya saka ibinalibag ang pinto pasara.
"Chardie! CHARDIE!!!" Nagpapapadyak pa akong parang bata sa sobrang inis.
"Miss huwag kang mag-eskandalo rito," sabi ng isa sa mga guard.
"Hindi niyo ako mapipigilan!" Badtrip 'tong mga asungot na 'to. Si Safarah Buenavista yata ako. Kaya ko silang tanggalan ng trabaho.
"T-teka, anong ginagawa niyo? Ibaba niyo ko!" Pagpupumiglas ko. Binuhat ba naman kasi ako palabas ng gate.
"O ayan Miss. Nandito na tayo at narinig mo naman siguro ang sinabi ng amo namin. 'Wag ka ng babalik," sabi ng isa sa mga guard na mukhang paa.
"Ipapatanggal ko kayo sa trabaho niyo!" matapang pa rin na sabi ko.
"Hahahaha! Pare narinig mo 'yon? Ipapatanggal daw tayo sa trabaho natin? Hahahaha!" tumatawang sabi nung guard na mukhang kabayo sa isa pang guard na mukhang paa. "Mukhang baliw ka nga gaya ng sabi ni Sir. Mabuti pa umuwi ka na." Baling niya ulit sa akin. "Tara na pare." Sabay talikod ang isinukli nilang dalawa sa ganda ko.
"Mga sira ulo kayo! Hindi ako baliw!" pasigaw na sabi ko sabay hagis ng bato sa gate matapos ko itong mapulot sa sahig. "Mga bwisit na 'yon. Kung akala ninyo ganun ninyo ko kadali mapapasuko nagkakamali kayo. Lalo ka ng Chardie ka, magiging akin ka rin." Pagkasabi ko no'n ay umalis na ako at umuwi.
"Grabe ang sakit na ng paa ko kakalakad. Akala nang Chardie na 'yon. May Plan B pa ko," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad hatak-hatak ang bag kong pink. Tinamad na akong buhatin ang bigat kaya. Kaya ko naman bumili ng gusgusing bag na 'to kahit ilan pa kaya papalitan ko na lang.
Nang makarating na ako sa bahay ay agad naman akong sinalubong ng mga katiwala roon.
"Young lady, saan na naman po ba kayo nanggaling?" tanong ng mayordomang si Lulu.
"Young lady, tinakasan niyo na naman kami malalagot na naman kami sa mama at papa ninyo," sabi naman ng bodyguard kong si Teodore.
"Young lady, nandiyan po pala ang ---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng katiwalang si Greta dahil nga pagod ako, tapos masakit pa ang paa ko at idagdag pa na basted ako ni Chardie. Kamalas-malasan ko nga naman. Hindi ko na lang sila pinansin at dali-daling pumasok sa loob ng bahay.
"Yaya, pakikuha ako ng juice pakidala sa kwarto," utos ko naman sa yaya kong si Fey.
"Iha..." nagulat pa ako sa boses na narinig ko. Anong ginagawa niya rito?
"Anak, napagkasunduan namin ng mama mo na ipakasal ka na tutal naman sa October ay magdedebut ka na. Tatlong buwan na lang 'yon mula ngayon kaya naman ---" hindi ko na pinatapos ang sinabi ni papa dahil parang alam ko na ang patutunguhan no'n. Padabog akong humarap sa kanila bago nagsalita.
"Pa, ma, ano bang ginagawa ninyo rito? Alam ninyo naman na hinding-hindi ako magpapakasal sa lalakeng hindi ko gusto," Iritang sabi ko.
"Iha, ginagawa lang namin 'to para sa'yo, para sa kinabukasan mo," giit pa rin ni mama.
"E 'di kayo ang magpakasal do'n sa kung sino man yang lalakeng napili ninyo." Hindi na ko makakatagal sa usapan naming 'to kaya tumalikod na lang ako.
"Anak, bumalik ka rito." Narinig ko pang tawag sa akin ni papa habang paakyat ako. Nakakabadtrip talaga. Kahit anong pilit nila hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari.
Habang abala ko sa kakadutdot ng laptop ko rito sa loob ng kwarto ay saka naman may kumatok sa pinto.
"Pasok," sabi ko lang.
"Young lady eto na po ang juice ninyo." Agad naman niya itong ipinatong sa may lamesita sa tabi ng kama ko.
Napansin ko naman siyang nakatingin sa laptop ko kaya agad ko itong isinara.
"O bakit?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Naku, Young Lady, ipagpaumanhin po ninyo pero hindi ko lang kasi napigilan na tingnan ang picture na nasa laptop ninyo nang mapansin kong nakangiti kayo habang pinagmamasdan ito," paliwanag ni Fey.
"Haay..." isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Yaya, pwede ba kitang pagkatiwalaan?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman po Young Lady. Ano po ba iyon?" tanong niya.
Tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko talaga 'tong si Fey. Halos magkaedad lang kami at 13 lang siya ng manilbihan siya sa aming pamilya. Naaalala ko pa noon sa tuwing makakagawa ako ng pagkakamali ay pinagtatakpan niya ako sa mga magulang ko upang hindi ako mapagalitan at minsan pa ay inaako niya ang kasalanan ko. Masasabi kong siya ang pinakatapat kong yaya at maaaring maging pinakatapat na kaibigan.
Agad ko ulit iniangat ang screen ng laptop ko at ipinakita sa kanya.
"Ang gwapo naman niyan young lady," kinikilig naman na sabi niya habang nakinang pa ang mga mata.
"Huwag mo na pagnasahan yaya dahil akin lang siya," sabi ko kaya naman napakunot ang noo niya.
"Boyfriend mo po?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi. Magiging boyfriend pa lang, hahahaha!" Natatawa pa ko habang ini-imagine na balang araw ay magiging kami rin ni Chardie.
"Ganun po ba? So mahal mo po siya? Kaya po ba ayaw mong maikasal sa iba?" muli ay tanong niya.
"Ganun na nga. Siya lang ang gusto kong mapangasawa," buo ang loob kong sabi sa kanya.
"Bakit hindi mo na lang hilingin sa mama at papa mo na ikasal sa kanya? Tutal naman sa bikas niya at itsura ay mukhang nanggaling din siya sa mayamang angkan," payo naman niya.
"Ayoko." Sabay iling ng ulo ko.
"Bakit naman po? Hindi po ba ay mas madali iyon?" tanong niya. Kung sabagay ay may punto nga siya.
"Tama ka mas madali nga 'yon pero syempre, gusto ko ay 'yong maging kami dahil mahal niya ako at hindi dahil lang sa isang arrange marriage," paliwanag ko.
"Sabagay, may punto po kayo. Kahit ako man iyon din ang mas nanaisin ko," sabi niya bilang pagsang-ayon sa akin.
Sandali ay nabalot kami ng katahimikan habang patuloy lang ako sa pagtingin-tingin ng ibang pictures ni Chardie mula sa laptop ko. Masasabi kong may sense rin pa lang kausap itong si Fey. Akala ko kasi puro drama lang ang alam nito sa buhay. Ang masasabi ko lang, she is the best yaya in the world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top