four

It is almost 7 am pa lang ay gising na 'ko kumpara sa gising ko sa mansyon. Of course gusto kong ipagluto ang mahal ko. Pangalawang araw ko pa lang dito pero parang pakiramdam ko ang tagal ko nang dito nakatira. Feel at home masyado. Masayang-masaya akong bumababa ng hagdan nang makita ko siyang nakaupo na sa may sofa sa sala. Hala! Ang aga niya yata gumising ngayon.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya.

"Anong good sa morning kung ikaw kaagad ang makikita ko?" Masungit na bati niya.

"Ako mismo ang good sa morning. Kasi maganda ako. Sexy pa," sabi ko with todo ngiti pa habang nakapamewang.

"Tzk!" Iyon lang ang sagot niya sabay tayo at iniwan ako sa salang nag-iisa.

Akala ko noong una kapag nakasama ko na siya sa iisang bahay magiging madali na ang lahat. Mas madali ko na siyang mapapaibig sa akin pero mali ako. Mas mahirap pala kasi mas nasasaktan ako. Masakit makitang araw-araw niya akong ini-snob. Araw-araw niyang pinapakitang balewala ako sa kanya. Pangalawang araw ko pa lang pero ganyan na siya kung makitungo sa akin paano pa 'pag nagtagal?

"Good morning Farah." Napalingon ako sa likod ko, nang may bumati sa akin.

"Good morning Shannen." Mapait na ngiti naman ang naging pagbati ko sa kanya.

"Ang aga mo namang nakasimangot," puna niya.

"E kasi naman si Chardie. Bakit ba ang sungit niya sa akin?" nagmumukmok kong sabi sa kanya.

"Huwag mo pansinin ang isang iyon. Ganoon siguro talaga kapag may mahal na iba. Hindi ka mapapansin kahit anong papansin ang gawin mo." Kailangan ba talagang ipaalala pa sa akin?

"Haay..." Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping iyon.

"By the way Farah, napaaga pala ang alis ko. I'll be leaving today at 5pm." Nagulat naman ako sa ibinalita niya.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.

"Well, Mom just called. Need na raw ako roon para makipag-usap kay Mr. Chua. Excited na raw kasi si Mr. Chua na maging business partners kami kaya ayon. Pinaaga ang lahat," paliwanag naman niya.

"Ganon ba? Mag-iingat ka roon Shannen. God bless your trip," nakangiting sabi ko and he smiles back.

"But for now, samahan mo muna ako. May gusto akong puntahan bago ako umalis mamaya," yaya niya sa akin.

Kaya pagkatapos namin mag-agahan ay umalis na kami kaagad. Si Chardie naman, eto at nakisabay pa. May imi-meet lang daw siya.

"Dito na lang ako," sabi niya kaya naman inihinto ni Shannen ang sasakyan. Bumaba naman agad si Chardie.

"Bakit kasi hindi mo dinala 'yong sasakyan mo?" tanong ni Shannen.

"Ikaw, try mong dalhin. Ewan ko lang kung hindi ka mabigatan." Anak ng... Pilosopo.

Napatingin pa 'ko sa likod ng mahal ko habang naglalakad palayo sa amin. Darating kaya ang panahong magiging akin din siya? Napatingin naman ako sa 'di kalayuan, si Stephanie may kasamang lalake. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang unti-unting lumalapit si Chardie sa direksyon niya. Napatakip ako ng kamay sa bibig ko nang bigla niyang suntukin ang lalakeng kasama ni Stephanie. Wala sa wisyong dali-dali akong bumaba ng sasakyan.

"Farah!" narinig kong tawag sa akin ni Shannen.

"I'm sorry Shannen. Hindi kita masasamahan ngayon," sabi ko bago ko siya tuluyang iniwan.

Hindi ko alam kung bakit ako bumaba. Hindi ko alam kung ano bang kabobohan ang ginagawa ko ngayon. Basta ang alam ko lang, ayokong masaktan si Chardie. Ayokong maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.

Akmang susuntukin na sana ng lalake si Chardie nang saktong dating ko at humarang sa gitna nila dahilan para hindi niya maituloy ang gagawin.

"Pasalamat ka at may dumating para iligtas ka kung hindi baka basag na ang mukha mo ngayon," Galit na sabi ng lalake.

"E gago ka pala talaga no?" Puno rin ng galit na sabi ni Chardie habang inaabot ang kwelyo ng lalake. Habang ako naman ay nakayakap lang sa kaniya.

"Tzk! Ang yabang mo manuntok, e nagtatago ka lang pala sa saya ng girlfriend mo," pang-aasar pa na sabi ng lalake.

"Hayop ka! Anong sinabi mo?" Sabay hawi niya sa akin at bigay ulit ng malutong na suntok sa mukha ng lalake.

Tinawanan lang naman siya ng lalake sabay hila kay Stephanie paalis sa lugar na iyon habang si Stephanie ay walang karea-reaksyon sa mga nangyayari.

"Bwisit!" bulalas ni Chardie sabay suntok sa bench na naroon. Nakita ko pa na nagdugo ang kamay niya sa ginawa niya.

"Tama na 'yan Chardie. Umuwi na tayo." Si Shannen.

"Kasalanan mo 'tong babae ka! Pakialamera ka! Feeling mo dahil sa ginawa mo matutuwa ako sa'yo? Feeling mo bayani ka na niyan?" galit na galit na sabi niya sa akin sabay sipa sa basurahan na naroon bago naglakad palayo sa amin.

"Farah... Tara na," yaya ni Shannen sa akin. Tumango lang ako.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ayoko lang naman na masaktan siya. Bakit parang ako pa 'yong masama? Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Gusto mo ng ice cream?" biglang sabi ni Shannen dahilan para mapalingon ako sa kanya. Nandito nga pala siya sa tabi ko. Hindi ko na napansin dahil sa kadramahan ko.

"Shannen..." bulong ko na alam kong dinig niya.

"Kanina ka pa kasi nakasimangot. Pumapanget ka tuloy," nakangiting sabi niya sabay abot sa akin ng ice cream na binili niya sa isang ice cream stand.

"Ginawa mo na akong bata, binola mo pa ako." Napangiti na rin ako sa ginawa niya.

"Hindi kita binobola at lalong hindi kita ginagawang bata," Sabi niya naman.

"Hmpf!" Inismiran ko naman siya.

"Alam mo ba si Chardie, ice cream lang ang sad reliever no'n." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at napahinto sa paglalakad.

"Sad reliever?" tanong ko.

"Oo. Kapag malungkot 'yon, ice cream lang katapat no'n."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Para pa lang bata si Chardie. May side pala siyang ganoon.

"Talaga? Kung ganoon gusto ko na rin ng ice cream. Eto na rin ang sad reliever ko," sabi ko. Kahit paano napagaan ni Shannen ang loob ko. Ibang klase talaga 'tong kambal ni Chardie.

Hindi namin alam kung nasaan na ngayon si Chardie. Kung umuwi na ba siya or what pero isa lang ang sigurado. Malamang malungkot siya ngayon. Kailangan niya ng karamay at alam kong hindi ako ang kailangan niya.

Nandito kami ngayon sa St. Peter's Parish. Hindi ko alam kung ano ginagawa namin ngayon ni Shannen dito at bakit siya nagyaya na magpunta rito. Siguro ipagdarasal niyang maging ligtas ang byahe niya mamaya.

"Ayos lang siya. Huwag ka masyadong mag-alala. Malaki na 'yon," sabi niya habang nakatingin pa rin nang diretso sa altar. Ngumiti lang ako.

"Lord, ikaw na po ang bahala sa babaeng kasama ko ngayon habang wala ako. Huwag mo hahayaang malungkot siya," sabi niya. Natutuwa naman ako na ganoon na lang ang bilin niya kay Lord para bantayan ako. Nakakataba tuloy ng puso.

"And one more thing..." Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi niya. Parang sa isip na lang yata niya kinausap si Lord.

"Anong sinabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"Secret na namin iyon," sabi niya sabay tayo at lahad ng kamay niya. "Tara na. Baka ma-late pa ako sa flight ko mamaya. Mag-aayos pa ko ng mga gamit na ddalhin ko." Pag-aaya niya kaya naman inabot ko na lang ang kamay niya saka tumayo at umuwi na.

Tanghalian na nang makarating kami sa mansyon. Nasa main door pa lang kami ay dinig na dinig na namin ang lagabog na nagmumula sa loob. May mga nababasag. Dali-dali kaming pumasok para i-check ang nangyayari.

"Anong meron?" Kaagad na tanong ni Shannen kay Manang Ising.

"Si Sir Chardie po. Nagwawala sa kwarto niya," nag-aalalang sabi ng katiwala.

Umakyat naman kami kaagad ni Shannen para tingnan siya. Napuno ng pag-aalala ang puso ko nang mapagtantong naka-lock ang pinto ng kwarto niya.

"Ang susi," utos ni Shannen at buti na lang alerto si Manang kaya naihanda na niya. Kaagad niya itong iniabot kay Shannen.

At pagkabukas namin ng pinto, tumulo na lang bigla ang luha ko. Wasak-wasak ang mga cabinet sa kwarto niya. Ang T.V basag at nagkalat ang mga bubog nito sa sahig at may mga kaunting dugo rin sa sahig. Marahil ay naapakan na niya ang mga iyon. Tanging ang picture frame lang na naroon ang nanatiling buo at picture ni Stephanie ang nakalagay doon. Nang makita ko ang itsura ni Chardie hindi ako makapagsalita at lalo lang lumakas ang agos ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na ganito siya kain-love kay Stephanie. Bakit kasi siya pa? Bakit si Stephanie pa? Nandito naman ako.

Hahakbang na sana ako papasok sa loob nang magsalita si Shannen.

"Doon ka na muna sa kwarto mo. Nasabi ko na 'di ba? Ayaw ni Chardie na may babaeng papasok sa kwarto niya," malumanay na sabi niya bago isinara ang pinto.

Bumaba na si Manang Ising pero ako parang nanigas na rito. Nakatingin lang ng diretso sa may pinto. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon na hindi ko na talaga ma-absorb. Napaupo na lang ako sa gilid ng pintuan. Pakiramdam ko any moment mawawalan ako ng malay. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Chardie..." nasabi ko na lang habang yakap-yakap ang mga binti ko at walang humpay ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top