H Y U N G - 6
Hyung - six -
Tahimik kaming naglalakad. Napatingin ako sa dalawang lalaking kasabay ko, Si Jimin hyung at V hyung.
Gusto ko sanang magsalita kaso walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Hanggang makarating kami sa dorm namin ay tahimik pa rin kami. Mas nauna yung dorm ng bangtan kaya andito na kami sa may tapat.
Napalunok kami ni V hyung dahil nakapwesto sa may labas sina Namjoon, Jin, Jhope, at suga hyung.
"san ka galing na bata ka ah!" - sabi ni jin hyung tapos pinalo si V hyung ng sandok na hawak nya.
"aray ko naman hyung!" - reklamo naman ni Bwi hyung pero hindi ito pinansin ni jin hyung dahil patuloy ito sa pagpalo.
"pst, saeng. umuwi ka na, hinahanap ka na sa inyo" - sabi naman ni Yoongi oppa.
Ngumiti lang ako tsaka nagbow na sa kanila.
"alis na ako, mga hyung!" - sabi ko naman tsaka naglakad na papalayo ngunit napatigil ako dahil naramdaman kong nay sumusunod sakin.
"bakit hyung?" - tanong ko kay Jimin hyung tsaka humarap sa kanya.
"delikadong magisa, baka kung anong mangyari sayo. Kami pa sisihin" - sabi nya kaya naramdaman ko ang paginit ng mukha ko.
"ayie! concerned ka pala sakin hyung ah!" - sabi ko naman tsaka tinusok tusok yung tagiliran nya gamit ang kamay ko.
"mauna ka nga, tss" - sabi nya tsaka tinulak ako. Aray ko ah!
Nauna na akong maglakad. Gusto kong tumigil at sumabay sa kanya pero hindi ko magawa. Hanggang sa makarating kami sa may tapat ng dorm ay wala pa ring nagsalita.
Napalunok ulit ako dahil may nakabantay na naman sa pinto, sina Unnie.
Nagbow na ako sa harap ni Jimin hyung. "Kamsahamnida, hyung" - sabi ko sa kanya tsaka tumango lang sya tsaka pinasok yung kamay nya sa may bulsan nung jacket nya tsaka naglakad na ngunit napatigil sya ng tawagin sya ni Unnie JiHye.
"nagdate ba kayong dalawa?!" - tanong ni jihye unnie kaya napatawa nalang ako.
"ay grabe sya oh! Hindi kami nagdate unnie hahaha." - sabi ko naman.
"akala ko nagdate kayo eh! sayang, shipper nyo pa naman ako hueheu" - sabi nya kaya pinalo ko sya sa braso tsaka pinanlakihan ng mata.
"joke lang hehe. sige, pwede ka nang umalis jimin-ssi" - sabi naman Unnie kaya tumango si jimin tapos nagbow.
Unti unti na syang naglakad papalayo hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
Pinalo naman ako ni Unnie Eunjung. "san ka ba galing? hay nakong bata ka! pag nalaman to ni Nahyun unnie. Lagot ka!" - sabi nya naman. Nahyun unnie, yung manager namin.
"Mianhe, unnie hehe" - sabi ko naman tsaka ngumiti, nagpapacute ako baka bumigay sya eh huehue.
"dahil jan, ikaw maghuhugas ng pinagkainan" - sabi nya tsaka pumasok na sa loob.
Sumunod naman ako sa kanya. "Bwo?! Grabe unnie! Papangit na ang kamay ko sa kakahugas!" - sabi ko naman kaya pinitik nya yung ilong ko.
"Fyi, nakagloves ka" - sabi nya naman tsaka ngumiti.
Padabog akong pumunta dun sa lababo tsaka kinuha yung gloves para maghugas.
---------
Sabay sabay kaming pumasok sa bighit building. Kailangan na talaga naming magpractice ng magpractice dahil malapit na talaga kaming magdebut.
"Unnie, mauna na muna kayo. Cr lang ako" - sabi ko. Ngumiti lang sina unnie tsaka naglakad na papunta dun sa elevator. Naglakad naman ako papunta dun sa malapit na comfort room. Ihing ihi na ako hueheueheu.
Pumasok na ako sa isang cubicle pero may narinig akong isang boses.
"yes girl, and you know what? He cried! HAHAHAHA. Akalain mo yun, ang kilalang kilala at sikat na sikat na ngayong Kim Taehyung, lumuhod at umiyak sa harap ng isang Park Gayoung?" - sabi nito kaya napakuyom nalang ako ng kamay ko dahil sa narinig ko.
Lumabas na ako ng cubicle at nakita ko syang nasa may harap ng salamin tapos may hawak na phone.
"hmm, wait lang girl. i'll call you later. bye" - sabi nya tsaka ibinaba yung phone nya then she looked at me.
Naglakad ako papalapit dun sa may harap ng salamin at binuksan yung gripo para maghugas ng kamay.
"so, magdedebut ka na?" - tanong nya kaya napatingin lang ako sa kanya.
"tingin mo? tss" - sabi ko naman kaya napatawa sya.
"tingin ko? hindi. hahahaha. hindi mo deserved na magdebut, Lee EunMi. You can't sing nor dance. You just have the looks. Yung ganda lang ang nagdala" - sabi nya kaya humarap ako sa kanya.
I cant sing? Dance? Ganda lang nagdala sakin? Tss, insecure lang ang bruhang to.
"pero madedebut ako Gayoung, at malapit na yun. Ikaw? Kelan?" - sabi ko sa kanya tsaka ngumiti ng nakakaloko.
Halata namang galit na sya dahil ang sama na ng tingin nya sakin.
"malapit na! at sisiguraduhin kong mas sisikat ako sayo. mas magaling ako sayo, Eunmi. Tandaan mo yan" - sabi nya naman.
"omo? jinjja? whoa. Guess what? wala akong pake" - sabi ko tsaka tumalikod na sa kanya at lumabas na rin ng Cr.
Bahala sya dun, tss. Tutal mukha naman syang inidoro.
Pumasok na ako dun sa elevator. Ilang minuto din ay nakarating na ako dito sa practice room namin.
"tagal mo ah" - sabi ni eunseo unnie.
"Mian" - sabi ko lang tsaka pumwesto na dun.
Inaalala ko yung narinig ko kanina. Lumuhod at umiyak si Taehyung hyung sa harap nya? Wow, ang swerte swerte nya dahil iniyakan sya ng alien na yun.
"eunmi, magconcentrate ka" - sabi ni eunjung unnie. Kaya natauhan naman ako dun.
"Mianhe, unnie" - sabi ko naman.
Plinay nya ulit yung music tsaka nagsimula na kaming sumayaw at kumanta din. Nakailang practice pa kami kasi kailangan talaga naming maperfect yun.
Nang matapos yung music ay pumalakpak ng dalawang beses si Eunjung unnie. "10 minutes break" - sabi nya.
Umupo naman ako dun sa may gilid at hinahabol ang paghinga ko. Sobrang napagod ako sa sunod sunod na yun ah.
Kinuha ko muna yung tubig tsaka ininum yun. Makalipas ang sampung minuto ay agad na ulit kaning pumwesto dahil magprapractice na ulit kami.
Nagpractice kami ng iba't ibang songs (lalo na yung sa BTS sunbaenim) pero syempre mas tinuunan namin ng pansin yung debut song namin.
Halos anim na oras na ata kaming practice ng practice eh.
"angas ang ipapakita ah? Hindi cuteness" - paalala samin ni Eunjung unnie kaya tumango kami.
Cool kasi yung concept namin tapos Yung debut choreography kasi namin, sobrang hirap kasi hindi madadali yung steps. Tapos ang cool kasi nung song namin hueheu ouo. Tsaka ang cool din nung outfit namin, hindi sya masyadong maikli at hindi din sya mahaba, katamtaman lang kaya comfortable ako--kami.
"Last practice, then uuwi na tayo para makapagpahinga" - sabi nya tsaka plinay ulit yung music.
Pagkatapos naming gawin yung last step namin ay sabay sabay kaming napahiga sa sahig.
"ang pagooooood!" - sigaw ko tsaka tumango naman sila. Parerehas naming hinahabol ang paghinga namin.
Tumayo na si Eunjung unnie. "Tara na, dun na tayo sa dorm magpahinga" - sabi nya tsaka inalalayaan kaming lahat na tumayo. Isa isa nyang hinawakan ang kamay namin tapos hinila ito para makatayo.
Lumabas na kami ng practice room tsaka nagpaalam na sa mga staffs.
pero may napansin akong lalaking nakacoat tapos may cap. teka parang familiar?
inalis nya yung cap nya kaya nanlaki ang mata ko.
Anong ginagawa dito ni jimin hyung? sa pagkaka'alam ko wala silang practice ah?
----------
Thank you for the cover kaikura ouo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top