H Y U N G - 29
hyung - twenty nine -
Nakatulala lang ako habang iniisip pa rin yung lahat ng sinabi sakin ni jimin hyung. Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin yung makalimutan. Bukod sa sobrang kinilig ako ay naguluhan din ako sa kung anong ibig nyang sabihin.
"Mahal kita eunmi, noon pa."
Noon? Matagal nya na akong mahal? Eh?
"Mahal kita eunmi, noon pa."
Napapikit nalang ulit ako dahil paulit ulit ko talagang naalala yung mga salitang yan. Ewan ko ba. Laging pumapasok sa isip ko eh.
"Saeng."
"Ay mahal kita."
Nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot nya. Napahawak ako sa may bandang puso ko habang nakatingin sa kanya. Bigla bigla nalang akong tatawagin eh.
"Mahal mo 'ko? Talaga ba?" Nakangising sabi nya tsaka nilapit yung mukha nya sakin.
Tinulak ko lang sya ng marahan. "Nagulat lang naman ako. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya tsaka umayos ng upo.
Nandito kasi sya sa tabi ko ngayon. Kakatapos lang ng photoshoot namin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito na naman to eh. Hindi naman sya yung kasama sa pictorial haha.
"Dapat pala lagi nalang kitang gulatin para lagi mo ring masabing mahal mo ako." Hirit nya pa.
Napatawa lang ako ng marahan dahil sa kalokohan nya. Kung ano ano talagang sinasabi nito.
"Yoongi oppa talaga. Haha, ano pala yan? Yung nasulat mong lyrics?" Tanong ko sa kanya tsaka tinuro yung papel na hawak nya. Tumango naman sya at iniabot nya iyon sakin.
Kinuha ko iyon at binasa. May ilang bura dahil siguro pinalitan ng ibang word. Habang binabasa ko ay tumatagos sa puso ko. Ibang klase ang pinanghugutan dito ni oppa.
Tungkol ito sa isang babaeng minamahal ng lubos pero may ibang mahal yung babaeng yun. Ramdam na ramdam ko talaga yung lungkot eh. Pero sobrang ganda ng lyrics na yun. Alam kong maraming makakarelate.
"Ayos ba?" Tanong nya sakin.
"Oppa, bakit ang galing galing mo?" Tanong ko nalang sa kanya. Wala talaga akong masabi eh.
Marahan lang syang napatawa. "Hindi naman, sadyang meron lang akong inspirasyon." Sabi nya sabay kindat pa.
Napailing na lamang ako at napatawa din. Binalik ko na sa kanya yung papel na yun. Tinignan nya din iyon tapos bumalik din yung tingin nya sakin.
"Mas gaganda 'to kung may kakanta na." Sabi nya naman.
Tumango naman ako bilang pagsasang-ayon. Tama naman kasi si oppa eh. Mas mabibigyan ng buhay yung sinulat nyang kanta kung may kakanta nito.
"Gusto kong ikaw ang kumanta nito."
"Ha?"
"Ikaw ang kakanta nito, ikaw lang ang gusto kong kumanta ng kantang pinaghirapan ko."
Literal na napanganga ako sa sinabi ni oppa. Hindi ako makasalita. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Natauhan ako dahil sa biglang paggulo ni oppa sa buhok ko.
"Oppa, hindi nga? Weh? Talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ni minsan hindi ko inimagine na magsusulat ang isang Min Yoongi ng isang kanta na ako ang magiging singer. Ang hirap paniwalaan nun! Isipin nyo ah, sobrang sikat na ni Oppa tapos maraming may gusto sa mga compositions nya, may mas deserving pa na kumanta ng kantang yun pero bakit ako?
Bakit ako lang ang napili nya?
"Mukhang ayaw mo naman ata eh. Sayang, ginawa ko talaga to para sa'yo."
Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi nya. PARA SAKIN? Wow.
Napatayo naman ako sa sobrang gulat tsaka napahawak sa kamay ni oppa. "Seryoso ka ba talaga, oppa? Para sakin ang kanta na yan?" Tanong ko.
Tumango naman sya ng paulit ulit kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya ng sobrang higpit habang nakangiti ng sobrang lawak. Sobrang saya ko ngayon.
"Tuwang tuwa ah. Paano pa kaya kung narecord na natin yan? Hahaha." Sabi naman ni yoongi oppa. Mas lalo kong hinigpitan yung yakap na yun sa sobrang saya.
"Eunmi, hinahanap ka ni jimin— OHHH. MY SHIP IS SAILING."
Napabitaw naman ako agad dahil sa pagsulpot ni jihye unnie. Pero hindi lang pala sya, dahil nakita ko rin si jimin hyung na nasa tabi nya.
May dala itong box na sa palagay ko ay pizza ang laman. Nagugutom tuloy ako. "Annyeong, jimin hyung. Anong ginagawa mo dito?" Bati ko sa kanya at ngumiti. Nabigla ako dahil sa pag-iwas nya. Ni hindi man lang ako binati pabalik.
Wow, eunmi. Hindi ka pa ba nasanay?
"Mahal kita eunmi, noon pa."
Ayan na naman eh! Bakit ba paulit ulit yan?
"Saeng."
Agad naman akong nagulat dahil sa biglang paghawak ni yoongi oppa sa balikat ko. Bigla biglang magsasalita si yoongi oppa eh with matching hawak pa sa balikat ko.
"Sayang, akala ko naman sasabihan mo ulit ako ng mahal mo ako." Natatawang sabi nya.
Pinanlakihan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya. Talagang pinapahiya nya pa ako ah? May ibang tao kaya dito.
Tumingin naman ako kay unnie na makahulugan na naman yung ngiti, jusko ayan na naman. Nalipat yung tingin ko kay jimin hyung, wala namang nabago sa ekspresyon nya eh. Hindi ba sya magseselos or ano? Dejoke lang.
Muli sana akong magsasalita ngunit napaurong yung dila ko dahil sa biglang pagsulpot ni minji-ssi. Lumawak yung ngiti nya nang makita nya si jimin hyung.
"Oppa, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni minji.
Tinanong ko na yan eh. Hindi man lang ako sinagot kaya hindi ka rin sasagutin .
"Hmm, napadaan lang ako. Bibigay ko sana 'to sa inyo eh." Sabi nya sabay taas nung dala nya. Inilapag nya na rin ito sa table.
Nag-abala pa talaga syang ihatid tong pagkain ah?
Pero ang unfair, bakit si minji sinagot nya? Samantalang nung nagtanong ako, hindi man lang ako pinansin.
"Sige, alis na rin ako. Mukhang nakaistorbo pa ata ako." Sabi nya tsaka tumingin pa sakin. Anong ibig nyang sabihin?
Nagsimula na syang maglakad. Parang may mali eh. Nagpaalam ako sa kanila na kakausapin ko lang si hyung. Pumayag naman sila pero bago ako maglakad ay narinig ko yung usapan nila.
"Minji-ssi, saan pala kayo galing ni jimin kahapon?" Biglaang tanong ni yoongi oppa.
Magkasama sila kahapon?
"Namasyal lang naman po, sunbaenim." Sagot naman ni minji. Halata sa tono nya yung kilig.
Namasyal lang? Edi wow.
"Nasabi sakin ni jimin na may pupuntahan sya mamaya, magdadate na naman ba kayo?" Natatawang tanong ni yoongi oppa.
Ewan ko kung bakit napakuyom yung palad ko sa tinanong ni oppa. Date? Nagdadate sila? Pagkatapos nyang sabihin na mahal nya ako? Wow, pinapaasa mo na naman ba ako hyung? Lagi nalang ba? Wala na bang bago?
Nagsimula na akong tumakbo palayo sa kanila. Baka kasi kapag mas lalo pa akong makinig sa usapan nila ay mas lalo pa akong masasaktan.
"Hyung." Sambit ko nang maabutan ko sya.
Hindi man lang sya tumigil sa paglalakad nya. Nandito pa rin kmo sa loob ng venue pero wala ditong masyadong tao. Patuloy lang sya sa paglalakad na para bang wala syang narinig.
"Hyung, nagdate pala kayo ni Minji-ssi kahapon ah." Sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin ang paglalakad nya.
Hindi ko na talaga kaya to.
"Hyung, alam kong hindi mo ako mahal. Bakit ka pa nagsinungaling? Bakit pinapaasa mo na naman ako? Bakit sinasaktan mo na naman ako?" Sunod sunod kong tanong sa kanya pero hindi pa rin sya tumitigil sa paglalakad kaya naman hinigit ko na yung braso nya at pinaharap sakin.
"Hyung, ano ba?! Ganto nalang ba lagi? Hindi mo 'ko papansinin? Oh nakalimutan ko, dyan ka naman talaga magaling eh. Lagi mo saking pinaparamdam na wala lang ako sa'yo, na wala kang pake sakin. Ang tanga ko kasi hindi pa rin ako tumitigil sa kakahabol at kakapapansin sa'yo." Napatawa ako ng marahan. Pekeng tawa. "Hyung, sabihin mo nga sakin, gusto mo bang itigil ko na 'tong katangahang to? Lagi nalang akong nasasaktan eh."
Inayos nya yung cap nya at tinignan ako sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.
"Akala mo ba ikaw lang yung nasasaktan dito? Ako rin naman ah? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong masaya kang kasama ng iba, lalo na ni yoongi hyung. Nasasaktan ako, nagseselos ako..."
"Ang hirap kasi sayo eunmi, yung nararamdaman mo lang yung iniisip mo. Akala mo ikaw lang yung nasasaktan. Akala mo ikaw lang yung nagmamahal. Akala mo ikaw lang yung laging naghahabol. Akala mo ikaw lang yung nagmamahal ng palihim. Akala mo ikaw lang... ako din naman eunmi ah?" Sagot nya naman.
Hindi ako makasalita dahil sa lahat ng sinabi nya. Hindi ako sanay sa gantong jimin, sobrang seryoso nya ngayon.
"Eunmi, sana isipin mo rin yung nararamdaman ng ibang tao kasi hindi lang ikaw ang nasasaktan dito."
————
pagkatapos ng kilig moments sa last chapter, ito na agad sunod HAHAHAHAHAHAHAHA sorry na hehehehehe hello sa mga new readerssssss!!
anyways, naalala ko si suran dun sa part nina eunmi & yoongi HAHAHAHAHHAAHHAHAHAHA SUGA X SURAN HEHE JK JK JK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top