H Y U N G - 28

hyung - twenty eight -

Isang malakas na tunog ng Alarm Clock ko ang gumising sakin. Agad agad ko 'tong pinatay at pumikit muli. Kulang pa tulog ko. Ngunit napamulat ako nang maalala ko yung napakagandang panaginip ko kagabi.

Tama, napakagandang panaginip.

Bumangon nalang muli ako at nakita ko yung mukha ko sa salamin. Medyo maga pala yung mata ko dahil sa kakaiyak ko kahapon. Tumingin ako sa calendaryong nasa may mini-table at tinignan kung anong schedule namin ngayon.

May promotion pa pala kami sa MCountdown tsaka fansigning event sa Busan. Teka, may naalala ako sa Busan. Napailing nalang muli ako at inialis yun sa isip ko.

Lumabas ako ng room, naabutan ko sina unnie na naghahanda ng breakfast namin.

"Unnie, jogging muna ako ah?" Pagpapaalam ko sa kanila. Ngumiti naman si Unnie at tumango.

Tumingin muli ako sa niluto ni unnie. Dalhan ko kaya ang bangtan? Hmm. Kumuha nalang ako ng tupperware na pwedeng paglagyan ng pagkaing iyon. Tumingin lang sakin si unnie at tumango. Alam nya na kasing kapag ganto, para sa bangtan sunbaenims yun.

Nagsimula na akong maglakad palabas ngunit hinarang ako ni Minji-ssi.

"Unnie, anong pinagusapan nyo ni jimin oppa?" Tanong nya.

Pinagusapan? Nag-usap ba kami? Sa panaginip ko, oo.

"Ha?" Tanging sagot ko.

Umiling na lamang si Minji-ssi. "Nevermind, unnie." Sambit nya bago tuluyang umalis sa harap ko.

Weird.

Naglakad na muli ako palabas ng dorm. Pagkalabas ko ay sumalubong sakin yung malamig na hangin. Nagsimula na akong magjog habang dinadama pa rin yung napakalamig na hangin.

Tumigil ako nang makarating na ako sa Dorm ng bangtan sunbaenim. Kumatok ako ng ilang beses bago tuluyang buksan ni V Hyung yung pinto.

"Oh, saeng. Namiss mo na naman kagwapuhan ko?"

Tumawa ako dahil sa pagiging makapal ni Hyung. Hindi ko lang sya pinansin at dumiretso na papasok ng dorm nila.

"Oy, ano yan saeng? Pagkain ba? Akin na." Inagaw agad ni Seokjin oppa yung pagkaing dala ko. Grabe, pag talagang sa pagkain ano hahaha.

Nahagip ng atensyon ko si Jimin hyung na nakatingin sakin. Shz, naalala ko tuloy yung panaginip ko kagabi.

Nabigla naman ako ng bigla syang ngumiti sakin. Teka, nginitian ako ni hyung? Awkward akong ngumiti pabalik at umiwas ng tingin. Tama ba yung nakita ko?

Naglakad na lamang ako papunta sa room ni yoongi oppa. Nagbabakasakaling pansinin nya na ako. Hindi nya na kasi ako pinapansin. Nakakapagtampo.

Kumatok ako ng isang beses at isang beses pa at isang bese—

"SINO YAN? ISTORBO!" Biglang sigaw nya.

Hala, baka nagsusulat ng lyrics si Oppa. Umatras nalang ako at tumalikod para umalis na ngunit agad na may nanhila sa kamay ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Yoongi oppa na seryosong nakatingin sakin. Hinila nya ako papasok ng room at pinaupo sa dulo ng kama nya.

"Dyan ka lang, kailangan ko ng inspirasyon"

Uminit naman ang pisnge ko ng sambitin nya yun. Grabe talaga bumanat tong si oppa. Wala man lang pasabi. Biglaan talaga 'e.

Umupo na syang muli at pinaikot ikot yung ballpen na hawak nya habang nakatingin sakin. Naniningkit din yung mata nya.

Masisinungaling ako kung hindi ko aamining sobrang gwapo nya sa posisyong yun. Ang mas lalo pang nagpahot sa kanya ay yung pagkagat nya sa takip nung ballpen. Jusko.

"Cute."

Napatawa sya ng marahan kaya nagtaka ako. Cute? Cute ba yung nasulat ng lyrics? Luh, hiphop is dead.

Habang iniisip ko yun ay nagulat ako ng may narinig akong shutter sound. Nakita ko si Yoongi oppa na may hawak ng phone habang nakatutok sakin. Nakangiti pa sya habang patuloy ang pagcapture. Grabe.

Napatakip na lamang ako ng mukha at tinakpan din yung phone nya. Tumigil na din sya at tumingin na lamang sa phone nya. Tinitignan siguro yung mga nacapture nya kanina. Aish. Pag ako pangit dun.

Tumayo ako at sinubukang agawin yung phone pero hindi nya binibitawan. Sinubukan ko muling hawakan yung phone kaso bigla nya akong hinila kaya naman napaupo ako sa lap nya.

Napakalapit ko sa kanya ngayon. Kitang kita ko yung napakaputi nyang mukha pati yung pinkish lips nya. Whoa, are you even real?

"Smile!"

Narinig ko na naman ang pagshutter sound nung phone nya. Sigurado akong dun sa picture ay nakatingin ako sa kanya habang nakangiti sya.

"One point for the Great Min Yoongi. Oye oye!"

Napatayo ako bigla dahil sa sigaw ni V Hyung. Nakakahiya shz. Mas lalo pa akong nahiya dahil kasama nya pala si Jungkook saeng at si ... jimin hyung.

"Oh ano ka ngayon, maknae? Asan na yung moves ng manok mo? Hahaha weak weak"

"Just wait for it, hyung."

Napailing nalang ako dahil hindi ko naman alam kung anong pinaguusapan ng dalawang to. Maybe it's what they called "VKOOK THING".

Tumingin ako kay yoongi oppa at awkward na napangiti. Jusko, nakakahiya talaga.

Napansin ko naman ang paglakad papalapit samin ni jimin hyung. Nang nasa harap ko na sya ay tinignan nya ako pati na rin si yoongi oppa. Eh? Anyayare dito?

Mas lalo pa akong nagtaka dahil bigla nyang hinawakan yung braso ko at hinila palabas ng room. Bago pa man kami tuluyang makalabas ay narinig ko na naman si Jungkook.

"I told you, hyung. One point for Park Jimin."

Nagpupustahan ba tong dalawa or ano? Teka, bakit ko nga ba iniisip yung trip ng dalawang yun? Dapat kong isipin ay kung bakit ako hinila bigla ni hyung. Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi ko na nga alam kung san kami papunta 'eh.

Hanggang sa tumigil sya at inalis yung kapit nya sa braso ko. Bakit mo inalis? Dejoke.

"Hyung, bat mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya umiimik. Nakatingin lang sya sakin.

Luh, grabe naman 'to makatingin. Parang papatayin nya na ako dahil sa tingin nya 'eh. Ano bang ginawa ko sa kanya? Eh hindi ko naman sya sinasaktan kagaya ng ginagawa nya sa damdamin ko eh. — wow ang drama.

"Hindi ako dapat magselos pero nagseselos ako."

Ha?

Anong pinagsasabi nito? Hindi pa ba 'to kumakain ng breakfast? Kung ano anong lumalabas sa bibig 'eh.

Tatanungin ko na sana kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit agad syang lumapit at niyakap ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang ganto yung yakap nya sa panaginip ko.

"Hyung, panaginip pa ba 'to?" Mahinang tanong ko.

Kasi kung panaginip 'to.

Gusto ko nang magising kasi umaasa na naman ako 'eh.

Narinig nya naman yun kasi nga ang lapit lapit nya sakin. Ginulo nya yung buhok ko at naramdaman ko yung pagtawa nya.

"Silly. Hindi 'to panaginip."

"Weh? Edi hindi din ba panaginip yung sinabi mong hahayaan mo ang sarili mong mahalin ako?" Tumingala pa ako para makita yung mukha nya. Medyo matangkad kasi sya sakin. Medyo lang naman. Wala kasi akong suot na heels ngayon.

Naramdaman kong muli ang pagtawa nya dahil hindi nya pa rin inaalis ang pagkakayakap nya sakin. Nakatingin lang din sya sakin kaya sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"Ang cute mo. Halikan kita dyan eh."

Pinalo ko sya ng marahan dahil sa sinabi nya. Kumunot pa yung noo ko. Ganda ganda na eh. Tapos biglang sasabihin nya yun.

"Joke lang. Syempre, may respeto ako sa mga babae. Lalo na sa babaeng yakap ko ngayon."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at pagtibok ng puso ko na parang nakikipagkarera. Okay, nagiging corny na talaga ako.

"Hyung..."

"Hmmm?"

"Mahal mo ba talaga ako? Mahal mo rin ba talaga ako? Or napipilitan ka lang kasi mahal kita? Okay lang naman sakin na hindi mo ako mahal kasi —"

Tinakpan nya yung bibig ko gamit ang kaliwang kamay nya at mas nilapit pa yung mukha nya sakin.

"Mahal kita, noon pa."

———

how to be senpai eunmi? be cute. charot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top