H Y U N G - 27
hyung - twenty seven -
"Chukahaeyo, Sparkles!"
Sunod sunod na hiyawan ang narinig namin kasabay ng pagbagsak ng mga confetti. Pumalakpak rin ang ilang idols na nasa may likod namin. Nakatingin lang ako kay Jihye unnie habang binibigay ang kanyang speech para sa aming pagkapanalo.
Iniabot naman sakin ni Jihye unnie yung mic, sinasabing ako naman ang magbigay ng speech.
Huminga muna ako ng malalim at pinakita ang ngiti ko bago magsalita, "Yeorobuuuuun! Kamsahamnida! Thank you so much for always supporting us. Thank you so much for everything! We'll continue to work even harder! This trophy is for y'all! Saranghae!" Tinaas ko pa yung trophy habang nakangiti pa rin.
Pinatugtog na muli yung comeback song namin kaya nakisabay kami dito. Pinagmasdan ko lang silang lahat na nakikisabay rin samin.
Matapos ang aming encore stage ay nagpaalam na kami sa kanilang lahat at nagpasalamat muli. Isa isa na kaming bumalik sa backstage at nag group hug.
"Spark! Sparkles, fighting!"
—————
Pagkabalik naming dorm ay naghihintay na naman sa practice room yung bangtan. Masaya nila kaming nakasalubong. Kitang kita sa pagmumukha nila yung ngiting nadarama nila.
Nahagip ng tingin ko ang nakangiting si Jimin Hyung habang kausap ni minji-ssi na hawak hawak yung lobong kapit ni hyung kanina.
Pinikit ko na lamang ang mata ko at tumalikod sa kanila. Tumulo na yung luha ko kaya agad ko itong pinunasan at humarap muli sa kanila.
"A-ah, may naiwan pala ako sa van haha. Wait lang a-ah" palusot ko sabay takbo na ng mabilis, hindi man lang hinintay sasabihin nila.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang lumang practice room ng BigHit. Dun ko naibuhos lahat ng luhang pinipigilan ko kanina pa. Pilit ko kasing naalala yung nangyari nung isang araw.
Bakit kapag nanalo kami, instead na maging masaya ay nasasaktan lagi ako?
Tumawa ako nang matanaw ko ang sarili ko sa salamin. Ibang klase, simpleng yakap lang sobrang nasasaktan na ako.
Hanggang sa ang tawang iyon ay napalitan ng sunod sunod na paghikbi. Pinatong ko ang ulo ko sa may tuhod ko habang patuloy na humihikbi.
"So, dito na pala ang Van?"
Naiingat ko agad ang ulo ko nang may marinig akong boses na nagsalita. Tumingala ako sa kanya at napatayo tsaka niyakap sya ng sobrang higpit.
"H-hyung... V hyung..." tawag ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi ko.
Hinagod nya lang ang likod ko para patahanin ako pero hindi ko magawang tumahan.
"Hyung... ang sakit" wika ko.
"Tsk tsk, Mahal mo na nga sya." Ani nya pero hindi lang ako sumagot.
Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang tunay na sagot.
"Shh, tahan na. Para kang bata umiyak eh" napatawa naman ako ng marahan dahil sa sinabi ni v hyung.
Pinisil na yung pisnge ko at ngumuso. "Iba ka pala talaga magmahal, eunmi." Tanging sambit nya kaya napayuko ako.
"Mahal ko na ba talaga?" Tanong ko.
"Ikaw lang naman ang makakasagot nyan." Sagot nya naman.
Iniangat nyang muli yung ulo ko at pinunasan yung mga luhang tumatakas sa mata ko. Nakatingin lang sya sa mga mata ko habang ginagawa nya iyon.
"Dapat masaya ka ngayon! Second win nyo na oh." Pagchecheer nya naman. Pinakita nya pa yung killer smile nya. Inayos nya rin yung buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Tahan na, okay? Baka mahalata pa nila tapos magtanong ng magtanong. Ayaw mo nun diba? Uljimma."
Natauhan ako sa sinabi ni Hyung. Tama, baka kapag umiyak pa ako ng umiyak ay mapansin nila ang pamamaga ng mata ko.
Pinunasan nyang muli yung mukha ko at inayos yung buhok ko. Ngumiti sya at tumingin sakin ng diretso. "Eunmi, normal lang ang masaktan dahil sa pagmamahal. Pero sana maging matapang ka, huwag kang maging mahina kasi kung ganyan, talo ka na agad."
Hinawakan nya na ang kaliwang kamay ko at lumabas na kami ng practice room. Nakayuko lang ako habang naglalakad kami ngunit tumigil si Hyung sa paglalakad. Mas lalo nya pang hinigpitan yung kapit sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya— na hindi ko inaasahang mapapatingin din ako sa kanila.
"Oh, jimin hyung at minji-ssi, san kayo pupunta?" Tanong ni v hyung.
Kahit gusto kong alisin yung tingin ko sa kanila ay hindi ko magawa. Sige lang eunmi, tignan mo pa para lalo kang masaktan.
Bago pa man magsalita si Jimin hyung ay tumingin muna sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang titigan ang kahinaan ko.
"Hahatid ko lang sa clinic si Minji, medyo masama daw pakiramdam nya." Sagot ni Jimin hyung.
"Ah sige, ingat kayo." Tumingin sakin si V hyung at marahan akong hinila. "Una na rin kami ni Saeng." Nakita ko ang pagngiti nya sa dalawang iyon.
Bago pa ako tuluyang hilahin ni v hyung ay sumulyap muna ako sa kanya. Nakatingin sya sa kamay namin ni V hyung at tumingin din sya sakin. Umiwas muli ako dahil nararamdaman ko ang pagkalungkot nya. Lungkot ba talaga? O assumera lang talaga ako?
Hanggang sa muli na kaming makarating sa kinaroroonan nina unnie.
"Hmm, asan po sina oppa?" Tanong ko sa kanila nang mapansin kong sila na lang tao dito.
"Nasa isang practice room, nagprapractice para sa tour nila." Sagot ni unnie.
Nagulat naman ako nang sabihin nya iyon. Tumingin ako kay v hyung na nilalamon yung cake na hinanda nila para samin.
"Oy, hyung! Magco-concert tour na pala kayo. Hindi ka man lang nang-iinform." Sambit ko na sya namang kinatawa nya.
"Tampo ka na nyan? Hahaha."
Ay ibang klase! Tinawanan pa ako. Nagtatampo nga ako eh hmp
"Hays, wala ka na naman lagi dito. Pupunta ka na naman sa iba't ibang sulok ng mundo." Malungkot na wika ko.
Kapag nagco-concert tour sila, instead na maging masaya ay nalulungkot ako. Hindi ko na sila makikita araw-araw. Tapos mag-aalala pa ako kung okay lang ba sila, kung safe ba sila. Pero naiintindihan ko naman na para sa mga ARMYs din yun.
"Ay sus. Mamimiss mo lang kagwapuhan ko eh"
"Wala ka naman nun eh!"
Tumingin sya sakin ng masama. Hala, ang cute.
"Tama na nga yan! Baka hinahanap ka na nila oh." Pag-papaalala ko sa kanya. Tumigil na rin sya sa pag-kain at uminom ng tubig.
Ngumiti sya sakin at ginulo yung buhok ko. Tumayo na rin sya at nagpaalam kina unnie. Hanggang sa tuluyan na syang lumabas.
"Uwi na tayo sa dorm? Baka naihatid na dun ni Jimin sunbaenim si Minji-ssi." Wika ni Gayoung. Pansin ko ring diniinan nya yung pagkasabi ng mga pangalang nabanggit nya. Nakita ko rin ang pagsmirk nya nung tumingin ako sa kanya. Umiwas nalang muli ako ng tingin at nauna nang lumabas.
Pagkarating namin sa dorm ay nakita namin si Minji-ssi na naka-upo sa sala habang nanunuod ng drama. Ngunit, hindi lang pala sya ang nanunuod dahil kasama nya rin si hyung.
"Minji-ssi, akala ko masama ang pakiramdam mo? Pahinga ka muna." Wika ni Eunjung-unnie.
Tumingin lang samin si minji-ssi at ngumiti. "Okay na ako unnie."
"Sus, okay ka na kasi kasama mo jimin oppa eh" pang-aasar ni eunseo unnie.
Nakita ko naman ang pagngiti muli ni Minji-ssi na para bang kinikilig kaya mas lalo syang inasar nina unnie. Napangiti rin si Jimin hyung at tumingi. Kay minji. Napayuko na lamang ako ng makita ko ang pag-ngiting yun.
"Hmm, una na ako sa room ah? Papahinga na rin." Pagpapaalam ko sa kanila. Nginitian ko na sila isa isa ngunit iniwasan kong tumingin kay hyung.
Tumalikod na ako ngunit napatigil dahil sa pagtawag ni hyung.
"Eunmi, pwede ba kitang makausap?" Sabi nya.
Humarap ako sa kanya, seryoso lang syang nakatingin sakin. Nagsimula na syang maglakad palabas. Ano namang paguusapan namin? Dahil sa sobrang curious ko ay nagpaalam muna ako kina unnie at saeng na lumabas para kausapin si Jimin hyung.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Minji-ssi pero hindi ko nalang ito pinansin lalo.
Tahimik lang akong sumusunod kay hyung. Patuloy sya sa paglalakad habang nakahawak sa magkabilang bulsa ng pantalon nya.
"Bakit ka umiyak kanina?"
Napatigil ako nang tanungin nya yan. Alam nya na umiyak ako? Masyado nya bang nahalata yun?
"W-wala, masaya lang kasi nanalo kami." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Humarap sya sakin at tinitigan na naman ako. My weakness.
"Yung totoo." Ramdam ko ang pagkaseryoso nya dahil sa tono ng boses nya.
"Yun nga yung totoo, hyung."
Napatawa sya ng marahan at tumingin sa ibang direksyon.
"Sinundan kita kanina at narinig ko ang usapan nyo ni Taetae."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Sht, narinig nya?
"Ako ba yung pinaguusapan nyo, ha eunmi?"
Hindi ako makasagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha ko kaya tumingin ako sa taas para pigilan ito. Napakahina mo talaga, lee eunmi.
"Eunmi, tinatanong kita. Ako ba yun?"
Napatawa na ako dahil sa tono ng pananalita nya ay para bang gusto nya talagang umamin ako. Sa bawat pagtawa ko ay bumabagsak na rin ang luha mula sa mata ko.
"Alin? Yung sinasabi ni V hyung na mahal ko? Yung taong iniiyakan ko? Oo, hyung. Tama ka. Ikaw yun."
"Pilit kong pinapaniwala ang sarili kong okay lang na masaya ka kasama ang iba. Pilit akong nagiging masaya kahit sobrang sakit na. Pilit kong ding pinapaniwala ang sarili ko na hindi kita mahal. Pero mali eh! Kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako okay. Hindi pa rin ako nagiging masaya kasi oo, mahal na talaga kita. Sorry hyung, Hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin ka."
Napayuko ako nang mabitawan ko ang mga salitang yun. Ayokong makita ang reaksyon nya. Ayokong mas lalo pang masaktan.
Unti unti na akong umatras hanggang sa tumalikod na ako sa kanya. Pilit ko pa ring pinupunasan ang mga luhang tumatakas sa mata ko.
That's it, eunmi. Nasabi mo na yung mga salitang gustong gusto mong ilabas.
Patuloy pa rin ako sa paglayo sa kanya ngunit naramdaman ko ang mainit na pagyakap nya sa likod ko. Sinubukan kong alisin iyon ngunit hinigpitan nya pa ito lalo.
"H-hyun—"
Bago ko pa man masambit ang nais kong sabihin ay agad nya akong iniharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang napakalapit na mukha ni hyung sakin. Ganun din sya. Sinusubukan kong alisin ang tingin ko sa kanya pero hindi ko man lang magawa.
"Sorry."
Sorry? Para san?
Ilang segundo ang nagtagal bago ko tuluyang maintindihan yun. Napatawa ako ng marahan at unti unting hinawakan yung mukha nya.
"Naiintindihan ko Hyung. Alam ko namang wala talagang pag-asa eh. Wala tayong pag-asa kaya okay lang. Huwag kang magsorry kasi hindi mo kasalanan." Ngumiti ako para makita nyang okay lang talaga ako, pero ang totoo. Sobrang sakit.
Ganto pala talaga kasakit kapag narereject ka no? Akala ko noon OA lang talaga yung mga babaeng narereject pero hindi eh, sobrang sakit talaga lalo na kapag ikaw na ang nakakaranas.
Aalisin ko na sana ang hawak ko sa mukha nya pero hinawakan nya yung kamay kong nakahawak doon.
Umiling sya at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ko.
"Sorry, hindi dahil narereject kita kundi dahil pinipigilan ko rin ang sarili kong mahalin ka. Akala ko mas okay yung ganun. Akala ko mas magiging maayos kapag hindi ko papansinin ang nararamdaman ko sayo. Pero hindi eh, nasaktan kita. Nasaktan kita dahil sa kagaguhan ko. Kaya sorry eunmi."
Tama ba lahat ng mga narinig ko?
"Huwag mo nang pigilan ang sarili mong mahalin ako kasi simula ngayon, hahayaan ko na ang sarili kong mahalin ka."
—————
Hmmmm, pambawi chapter? HAHAHAHAHAHAHAHA. Bakasyon na ako!!!!!!! Hindi ko mapropromise na mabilis na akong maguupdate but itatry ko hihi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top