H Y U N G - 25
hyung - twenty five -
Pagkapasok na pagkapasok namin ng practice room ay bumungad samin ang mga kalalakihang sobrang lalapad ng ngiti. Isabay mo pa ang tumatalon na sina Jhope Oppa at Taehyung Hyung. Nasanay na rin akong tawagin silang Oppa except kina Jimin at V hyung.
"Chukahaeyo, spakles" nakangiting wika ni Pd-Nim. Lumapit naman kami sa kanya at nagbow. "Kamsahamnida" sabay sabay namin sambit.
Blinow na din namin yung kanina pang hawak ni Seokjin oppa na cake at nagpasalamat muli. Umalis na muna si Pd-nim dahil may aasikasuhin pa daw sya.
"A-asan si jimin hyung?" Tanong ko. Aish! Hindi ko na talaga mapigilan yung sarili kong di magtanong kasi naman nacucurious ako kung bat wala sya dito, eh andito naman yung bangtan.
"Dadating yun! Nalate lang. Nagpapagwapo pa yun para sayo yie" asar naman ni Jhope Oppa kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Lumapit naman sakin si Taehyung tsaka hinawakan yung balikat ko. "Chukahamnida, Eunmi saeng ko! Galing mo talaga! Dali ikikiss kita" biro nya tsaka ngumuso. Tumawa lang ako tsaka sinuntok ng marahan yung tiyan nya.
"Kiss mo mukha mo, hyung!" Sigaw ko. Ngumiti muli sya tsaka hinila ako para yakapin. Niyakap ko sya pabalik. "Thank you, hyung."
Mas lalo nya lang hinigpitan yung yakap hanggang sa di na ako makahinga kaya naitulak ko sya ng malakas. "Grabe ka naman!" Sigaw ko kaya napatawa din sya ng malakas. Luh, muntik na akong mamatay sa yakap nya tapos tinatawanan lang ako.
Pagkatingin ko naman sa may pintuan ay nakatayo dun si Jimin hyung, hindi ko alam kung bat ganun parang badmood sya. Ngumiti nalang ako at kumaway. "Hello, jimin hyung." Bati ko sa kanya pero nilagpasan nya lang ako at nilapag yung pagkain.
O.... kay? Bat parang bumalik na naman sya sa dati? Hays, akala ko ba okay na? Akala ko ba tapos na yung pagsusungit nya? Akala ko ba...?
Napayuko nalang ako tsaka pumwesto dun sa isang gilid. Kinain ko yung cake na parang wala nang bukas. Dapat masaya ako ngayon pero bat naiinis ako? Aish.
"Eomma!"
Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko yung sinabi ni Gayoung. H-huwag kang titingin sa may pinto, Eunmi. Please, huwag kang—
Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko dahil tumingin ako sa may pinto. Nakatayo lang naman dun yung babaeng pinagtabuyan, iniwan at di ako tinuturing na anak. Kitang kita ko yung ngiti nya habang magkayakap sila ng anak nya.
"Guys, eomma ko nga pala." Pagpapakilala ni Gayoung sa kanya.
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagkain nung cake. Putek, bat ang bilis maubos nito? Halos puno pa to kanina ah? Aish. Kainin ko nalang kaya din tong plato? Tss.
"Eunmi saeng! Halika dito. Andito eomma ni Gayoung." Rinig kong sambit ni jihye unnie. Napadiin naman ang hawak ko sa tinidor. Ilang segundo pa bago ako tumayo at nagplastik ng ngiti sa harap nila.
"Annyeonghaseyo, LEE eunmi imnida" Bati ko sa kanya at nagbow. Diniinan ko talaga ang pagsabi nung lee para naman maalala nya yung former surname nya. From Lee To Park real quick.
"It's a pleasure to meet you, Eunmi" sabi nya pero di man lang makatingin diretso sa mga mata ko.
Tinignan ko sila parehas. Dapat ako yan eh. Dapat ako yung bibisitahin nya. Dapat ako yung sinusuportahan nya. Dapat ako yung dahilan ng mga ngiti nya. Dapat ako... pero bakit hindi ako?
"HINDI KITA ANAK!"
Naalala ko na naman ang masakit na sinigaw nya sakin nung gabing yun. Ipinamukha nya talaga sakin na wala na akong kwenta sa kanya. Ipinamukha nya na okay lang kahit wala ako, na okay lang na iniwan nya ako.
Inakbayan ako ni Taehyung at tinapik yung balikat ko. "Gwaenchana?" Bulong nya.
"Ne." Sagot ko.
Tinignan lang ako ni Taehyung hyung. Alam nyang hindi ako okay kaya inalis ko na yung kamay nya sa balikat ko.
"A-ah, C.R. lang ako ah! Ha ha" palusot ko.
"Samahan kita— i mean ano, sabay na tayong lumabas hehe" sabi naman ni taehyung.
"Bastos na bata!" Sigaw ni seokjin oppa kaya nagtawanan sila.
Tumingin ako kay taehyung hyung na parang sinasabing huwag na muna syang sumunod. Gusto kong mapagisa. Ngumiti sya tsaka tumango. Ngumiti din ako pabalik at tuluyan ng lumabas.
Hindi naman talaga ako mag ccr eh. Gusto ko lang takasan yung sakit na nararamdaman ko kanina habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa napatigil ako sa dati kong tambayan.
Inayos ko yung cap at mask ko tsaka pumasok sa loob.
"15 bottles, juseyo" sigaw ko dun sa waitress tsaka umupo na.
Matagal tagal na rin akong di nakakainom ng soju. Pwede naman ata to, nagcecelebrate lang naman ako ah! Kasi panalo kami at kasi nasaktan na naman ako.
Ilang minuto pa ay dumating na yung 15 bottles of soju. Ininom ko ng diretsahan yung bote at napapikit ng matapos ko yun. Hinawakan ko yung isang bote at ininom muli yun. Pinunasan ko yung labi ko nang matapos ko na naman yun.
Hahawakan ko na sana muli yung pangatlo ngunit naunahan ako ng lalaking nakaupo na sa may harap ko. Teka, kanina pa to? Sino ba tong epal nato?
"Akin to, bumili ka ng sayo." Sambit ko tsaka sinubukang agawin yung bote pero mas hinigpitan nya ang hawak.
"Kailan ka pa natutong uminom, lee eunmi?" Tanong nya kaya nanlaki ang mata ko.
Tinaas nya ng konti yung cap nya, sapat na para makita ko kung sino ba talaga yun. Hindi nga ako nagkakamali.
"Yoongi oppa, paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw, bakit ka nga ba nandito?" Tanong nya pabalik.
Napalunok naman ako dahil sa tono ng boses nya. Mukhang naiinis sya na ewan.
"Nagcecelebrate lang ako oppa. Nanalo yung sparkles diba? Diba?" Palusot ko sa kanya pero nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung ano bang iniisip nya. Naniniwala ba sya sa palusot ko or nah.
"Kailangan ba talagang uminom pa? Masama sa kalusugan to, Eunmi" seryosong sabi nya.
Imbis na sumagot ay inagaw ko na muli yung bote na yun. "Wala akong pake, Oppa." Sabi ko atsaka sinubukan muling inumin iyon ngunit inagaw nya ulit.
Sinamaan ko na sya ng tingin. Nagulat naman ako ng ininom nya yung alak na yun.
"Kung gusto mong magcelebrate, huwag ganto." Sabi nya. Tsaka inilapag yung bote.
"Uubusin ko lang lahat to, oppa. Promise, ito lang" sabi ko sa kanya.
"Ito lang? 12 Bottles of soju pa yan, eunmi!" Sigaw nya sakin kaya tinakpan ko bibig nya. Baka may makarinig.
"Konti lang to, oppa. Kaya bumalik ka na sa dorm, baka hinahanap ka na nila." Sabi ko sa kanya tsaka kinuha na yung pang apat na bote.
At inagaw nya ulit yun! Aish.
"Kung iinumin mo yan lahat, ako nalang iinom para sayo" sambit nya tsaka isa isa ng ininom yung soju na natira.
Nakatingin lang ako sa kanya sa bawag paginom nya nun. Alam kong minsan lang sya uminom ng alak pero bakit nya ginagawa to ngayon? Dahil ba sakin? Bakit nya to ginagawa para sakin?
Halos pumipikit na sya nung last na bote hanggang sa di nya na mapigilan at bumagsak na sya sa mesa. May konti pang tira dun sa pang 12 na soju pero seryoso?! inubos nya talaga yun para di ako makainom?!
"Oppa." Gising ko sa kanya pero bagsak na talaga sya.
So, paano kami makakabalik ng dorm nito? At paano din ako mageexplain kung bat nangyari to sa kanya? Oppa naman kasi eh!
Binayaran ko na yung mga nainom ko este nya. Tsaka sinubukan syang gisingin pero wala, bagsak talaga.
Iniangat ko yung kamay nya tsaka pinatong to sa balikat ko. Sinubukan ko na syang alalayan palabas pero sobrang bigat nya. Hindi halata sa katawan pero bat ang bigat ni oppa?! Inalalayan ko sya hanggang sa may makita akong upuan at pinunta ko sya dun. Iniupo ko muna at minasahe yung sumakit na balikat ko.
"Bat mo kasi ininom yun ha? Tss, ako yung nahirapan eh!" Sabi ko sa kanya kahit tulog na sya.
Buti nalang talaga dahil gabi, kundi baka nasa koreaboo or allkpop na kami bukas na bukas.
Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap at ibinaon ang ulo nya sa may balikat ko.
"Huwag mo akong sukahan ple—"
"Eunmi, Saranghae"
Phew. Akala ko susukahan na ako nito. Ginulo ko yung buhok nya.
"Nado, oppa! Kaya please, gumising ka na jan!" Sambit ko.
Mahal ko naman talaga sya eh. Sobrang buti nyang kaibigan.
"Saranghae, eunmi saranghae"
Para syang sirang plaka dahil paulit ulit nyang sinasabi yun.
"p-please love me back." Sabi nya at narinig ko yung paghikbi nya at ang pagkabasa nung balikat ko.
Hala, umiiyak sya?
Pinilit ko syang tingnan at confirmed nga! Umiiyak si oppa. Pero bakit naman to umiiyak?
"Oppa, wae?" Tanong ko.
"Hindi mo mahal si oppa diba?" Tanong nya.
"Ano ba oppa! Syempre mahal kit—"
"Hindi mo mahal si Oppa kasi hindi sya yung Hyung mo."
———
lame update for y'all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top