H Y U N G - 24

hyung - twenty four -

"Sparkles, fighting!" Sabay sabay naming sambit. Ngumiti naman kami sa isa't isa at tinatagan ang loob namin.

Ngayon na ang araw ng comeback stage namin. Inaamin ko sobrang kinakabahan ako, sino bang hindi diba? Nagpractice muna kami ng konti habang si Gayoung naman nakita ko sa isang sulok na nagiisa. Kinakabahan talaga sya.

Kahit ayaw ko ay parang minagnet ako papunta sa kanya. Binigay ko sa kanya yung tubig at ngumiti. "Huwag kang masyadong kabahan. Relax lang" sambit ko.

Tumalikod na rin ako pagkatapos nun. Unti unti ko na rin natatanggap na kabilang na sya samin— sparkles na rin sya. Halos araw araw ay makakasama na namin sya sa bawat promotions at kasama na rin namin sya sa dorm. Hindi naman ata tama na lagi akong galit sa kanya diba? Isa pa, kapatid ko sya. Oo tanggap ko na pero hindi pa rin talaga maalis yung sakit at inggit.

Lumabas na muna ako ng dressing room at nagulat naman ako dahil sa biglang pagsulpot ni Yoongi oppa.

"Anong ginagawa mo dito, oppa?" Tanong ko sa kanya.

Tinaas nya yung dala nya tsaka ngumiti. Sa tingin ko ay banner yun.

"Susuportahan ka" sabi nya. Napangiti nalang ako dahil sa effort nya. Alam kong may practice pa sya ngayon pero nag abala pa syang pumunta dito.

"Salamat oppa. Pero hindi mo naman kailangang pumu—"

"Sshh, kapag sinabi kong susuportahan kita, susuportahan kita." Wika nya naman sabay kindat. Hay, si oppa talaga.

"Eunmi yung— omg yoongi oppa!" Sambit ni jihye unnie nang makita si yoongi oppa na nasa tapat ng pinto namin.

Palihim naman akong sinundot sa tagiliran ni unnie kaya sinamaan ko naman sya ng tingin. Aasarin na naman ako neto mamaya panigurado.

"Sige, goodluck nalang mamaya ah? Galingan nyo!" Pagchecheer ni yoongi oppa at tuluyan ng umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ni oppa ay sya namang pagtatalon ni Jihye unnie at hinila ako papasok ng room.

"kyaaah! yung barko ko lumalayag na naman! ang sweet sweet ni yoongi oppa! nag abala pa talaga syang pumunta dito" sabi ni unnie tsaka sinundot sundot pa talaga ako sa tagiliran. Napailing nalang sina unnie at tumawa.

Bigla namang tumayo si Gayoung at naglakad papunta sa Cr. Nilakasan nya yung pagkasara ng pinto kaya nagtaka naman kami kung bakit sya naging ganun bigla. May nasabi ba kami na kinagalit nya?

"Anong nangyari kay Gayoung-ssi?" Tanong ni Jihye unnie. Napashrugged kaming lahat kasi hindi din namin alam kung bakit ba sya naging ganun.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang staff, sinabi nya na malapit na kami magperform kaya mas lalo na talaga akong kinabahan. Mabuti na lamang ay lumabas na rin sa Cr si Gayoung, mukhang hindi na sya galit ngayon. Sabay sabay na kaming lumabas sa room na yun at naglakad papunta sa backstage. Sakto namang pagdating namin dun ay tapos na yung group na nagperform.

Isa isa na kaming umakyat sa stage at hiyawan ang sumalubong samin. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil sa dami ng sumusuporta samin ngayon. Tinignan ko yung audience at may nakaagaw ng pansin ko. Ngumiti ako sa kanya habang sya naman ay kumindat pa tsaka tinaas pa yung banner. Kung alam lang siguro ng mga fans na nandito si Yoongi oppa, baka magkagulo na sila eh.

"Spark, sparkles! Annyeonghaseyo, sparkles imnida" sabay sabay naming bati sa kanila. Pumalakpak naman sila at yung iba ay naghiyawan pa.

"Namiss nyo ba kami?" Tanong ko at nilagay yung kamay ko sa tenga ko na parang pinapakinggan ang sasabihin nila.

"Well, paano ba yan? Namiss din namin kayo! Sobra!" Sagot ko naman sa kanila tsaka ngumiti.

Nagsign na yung staff na magsisimula na yung performance kaya naman umayos na kami ng pwesto namin at nagsimula nang magperform.

————————

Panibagong araw na naman ang sisimulan. Sobrang napagod kami kahapon dahil pagkatapos ng comeback stage namin sa music bank ay dumiretso kami sa isang radio station at dun kami ininterview. May ilang schedule pa sana kaming gagawin kahapon pero pinagpabukas na ng manager namin.

Ngayon ay kakatapos lang naming magperform sa ShowChampion. Nandito na kami sa dressing room at naghihintay na lamang matapos yung ibang magpeperform at iannounce yung nanalo para sa araw na ito.

"Caught in a lie~" kanta ko habang inaayos yung sapatos ko. Nang makaangat ang ulo ko ay agad akong napatakip ng mukha ko dahil sa camera na nakatutok sakin.

Tinakpan ko rin ang camera na yun at tinutok sa ibang direksyon. "Yah, unnie!" Sabi ko sabay tawa dahil pilit itong tinututok sakin ni eunseo unnie.

"Caught in a lie~" pagkanta din ni unnie nang matagumpay nya ng naitutok sakin yung camera. Ngumiti nalang ako dito tsaka kumanta."sungyeolhaetdeon nal chajajwo i geojit soge heeonal su eobseo
nae useumeul dollyeonwajwo~"

Pumalakpak naman si unnie tsaka tumawa. Binaling nya na yung atensyon nya kina maknae at sa kanila naman tinutok yung camera. Siguro ay para sa ShowChampion behind the scenes yun kaya may hawak na camera si Unnie.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin kami at nagtipon tipon lahat ng mga idols na nagperform. Nagbow kami sa lahat tsaka pumwesto na dun sa may gilid.

"Unnie, nasa harap natin si Irene sunbaenim!" Sabi ko kay jihye unnie kaya naman ngumiti sya na parang kinikilig.

Kahit na idol na kami ay hindi pa rin namin maiwasang magfangirl sa kapwa namin idols. Sa Red Velvet sunbaenims talaga kami sobrang humanga.

"This week's winner is..."

Kung si Jihye unnie ay kaya Irene Sunbaenim, ako naman ay kay Seulgi Sunbaenim. Nakatingin lang ako kina seulgi at irene sunbaenim na nagbubulungan at nagtatawanan pa.

"Chukahamnida Sparkles!"

Bigla naman akong nagulat sa pagbagsak ng mga confetti. Luh? Sinong nanalo? Aish. Sabi na eh! Hindi na naman ako makakafocus dahil kina sunbaenims.

Nanlaki naman ang mata ko ng hinila ako ni jihye unnie papunta sa unahan at binigay sakin yung trophy. "Chukahaeyo!" Sambit nung MC tsaka nagbow pa.

Mas lalong lumaki yung mata ko at hindi makapaniwalang tinanong sina unnie. "Nanalo tayo?" Tanong ko kaya naman tumawa sila tsaka tumango.

Habang nagspespeech si Eunjung unnie ay napatingin lang ako sa trophy na hawak ko ngayon. First Win. Ito ang unang panalo namin. Nararamdaman ko ang paginit ng sulok ng mata ko kaya naman tumingala ako para hindi lumabas yung mga luha na kanina pa gustong lumabas.

Nang hindi ko na mapigilan ang luha ko ay tinapik tapik ni unnie yung likod ko.

"Uljima! Uljima! " sabay sabay na sambit nina unnie kaya naman nakisabay na rin yung mga audience.

Napatawa nalang ako tsaka nagform ng heart and mouthed 'saranghae' . Tinaas ko din yung trophy habang pinunasan yung luha ko.

Nagbow na yung ilang idols at unti unti ng umalis sa stage para sa aming encore stage. Nagsimula na rin kaming kumanta at nakisabay pa yung mga audience.

Sa huli ay sabay sabay kaming nagbow sa harap nila at nagpasalamat muli.

————————

Third Person's POV

Pagkatapos ng practice ng bangtan ay napagdesisyunan na muna nilang maglaro ng basketball dahil matagal tagal na rin nung naglaro sila nito dahil nga sa hectic schedules.

Naunang dumating sina jimin at jungkook. "Hyung!" Sambit ni jungkook tsaka may tinapon kay jimin na isang bagay, agad naman itong nasambot ni jimin.

"Whoa, san mo nakita?" Tanong ni jimin at binuksan yung wallet na iniabot sa kanya. Napangiti naman sya ng makita yung nasa loob nito.

"Sa practice room. Tsk, ingatan mo kasi! Baka may makakuha pa nyang iba eh." Sabi naman ni jungkook tsaka pinasa na kay jimin yung bola.

Hawak ni jimin yung bola habang si jungkook naman ay nasa harap nya at akmang aagawin ang bola.

"Uso kasing umamin, hyung" natatawang sambit ni jungkook habang nakatingin pa rin sa bola na drinidribble ni jimin.

"Ha?" Tanong nito at ngisi lamang ang sinagot ni jungkook.

"Eunmi saeng! Chukahaeyo... haha sige, pagkatapos naming mag basketball, lalabas tayo"

Napatingin naman si Jimin sa taong papalapit sa kanila na may kausap. Ito naman ang pagkakataon na maagaw ni Jungkook yung bolang hawak ni Jimin.

"Hindi lang ikaw ang may gusto sa kanya, hyung. Haha. Maraming pwedeng makaagaw sa kanya.." sambit ni jungkook atsaka shinoot yung bola.

"Kaya umamin ka na, hyung. Baka maunahan ka pa." Huling nasambit ni jungkook tsaka tumakbo sa kinaroroonan ni Yoongi.

-------

Happy Taehyung Day!!!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top