H Y U N G - 22
hyung - twenty two -
Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip yung nangyari kanina. Hindi pa rin magsink-in sa utak ko na yung taong kinaiinisan ko ay step-sister ko pala. Bakit sa dinami dami pang pwedeng maging kapatid ay si Gayoung pa? Bakit sya pa?
"Kumain ka na muna."
Natauhan naman ako dahil sa pagpatong ni jimin hyung ng ramen sa table. Nagbow naman ako ng konti. "Gomawo, hyung"
Umupo sya dun sa tapat ko tsaka tinignan ako. Kahit naiilang ay binuksan ko na yung ramen tsaka kinain. Naalala ko tuloy yung pagpunta din namin dito noon. Hindi ko maiwasang di kiligin.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya kaya natigilan ako sa pagkakain.
Napakagat naman ako sa lower lip ko. Dapat ko bang ishare sa kanya? Baka wala naman syang maintindihan eh. Hays, si V hyung lang kasi ang may alam ng lahat ng to.
"U-uhm. w-wala yun! ha ha ha nagprapractice lang kasi a-ano hmm magau'audition ako para sa isang drama! oo tama sa isang —"
Bigla naman syang napatawa tsaka ginulo yung buhok ko. "Kung magsisinungaling ka, dapat yung hindi obvious haha"
Napatitig lang ako sa kanya at hindi makagalaw sa kinauupuan ko. T-tumawa sya. Tapos ginulo pa yung buhok ko.
Nakatingin lang din sya sakin at mas nagulat naman ako ng ayusin nya bigla yung buhok ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
"A-ah. M-mianhe" sambit nya tsaka umiwas ng tingin. Napaiwas din ako ng tingin. Bakit nya ginawa yun?
Katahimikan.
Yan ang bumalot samin hanggang sa matapos akong kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nauna na syang tumayo at naglakad palabas. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
Hanggang sa paglalakad namin ay humari pa rin si katahimikan. Aish. Bakit kasi ang awkward kong tao?
"H-h-hmm hyu—"
"Hindi ka ba giniginaw?"
Naunahan nya ako sa pagsalita. Salamat naman kasi wala akong maisip na sasabihin kanina.
Umiling naman ako. "Ani-yo" sambit ko kahit medyo giniginaw talaga ako. Gabi na kasi kaya sobrang lamig na. Pero okay lang, kaya ko pa naman.
Nang tumigil sya ay inalis nya yung coat nya tsaka ibinigay to sakin.
"Suotin mo. Baka kapag nagkasakit ka, ako pa sisihin ni nahyun noona" sambit nya.
Napatawa naman ako tsaka kinuha yung coat nya. "Gomawo" maikling tugon ko.
Sinuot ko na yung coat na yun at nagsimula na muli kaming maglakad.
"Hmm, Hyung. Kapag nakauwi ka na, pwedeng pakisabi kay Taehyung hyung na may sasabihin ako sa kanya?" Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Nabigla naman ako sa pagtigil nya at pagtingin sakin ng seryoso. "Ako kasama mo tapos parang si taehyung yung hinahanap mo"
"Huh?"
"Hindi kasi dahil bestfriend mo sya, sa kanya ka lang pwedeng maglabas ng sama ng loob. May iba pa namang taong handang makinig diba? Kagaya nung gwapong nasa harap mo ngayon"
Ewan ko kung bakit napatawa ako sa sinabi nya. Ang cute lang kasi! Para syang batang pinagpalit ng kalaro nya sa ibang bata.
"Hmm, si gayoung kasi..."
"Anong meron sa kanya? Bukod sa paasa sya?"
"Mwo? Paano mo nalaman yun hyung?"
Umirap sya tsaka nagcross arms. "Sinabi ko naman sayo diba? Hindi dahil ikaw yung bestfriend ni taehyung ay hindi lang ikaw ang pagkwekwentuhan nya. Tsaka, bestfriend nya rin naman ako!"
Tumango naman ako. Tama nga sya. Hindi sa lahat ng bagay ay kay taehyung hyung ko lang dapat sabihin yung nararamdaman ko. May iba din naman kasing taong nandyan para makinig.
Huminga ako ng malalim at handa ng magsalita ngunit napatigil ako nung ginulo nya muli yung buhok ko.
"Okay lang kahit wag mo ng ishare sakin. Sino nga ba ako diba? Hindi naman ako yung bestfriend m—"
"Ikaw yung Hyung ko"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko naman maipaliwanag yung reaksyon nya kaya naman nauna na akong maglakad. Sa di kalayuan ay natatanaw ko na muli ang ganda ng Han River. Tumingin ako sa relo ko. "Hala.." tumakbo ako ng mabilis para maabutan yung hinihintay ko pero wala na... nagsialisan na ang mga tao kasi tapos na.
Malungkot naman akong napatingin sa kalangitan. Wala na, hindi ko na naabutan.
"Wae?" Tanong ni Hyung ng makarating sya sa kinaroroonan ko.
"Tapos na yung fireworks display, hyung."
Tumango lang sya tsaka tumingin din sa kalangitan. "Alam mo ba na nangako ako sa sarili ko na kapag manunuod ako ng fireworks display dapat kasama ko yung espesyal na tao sa buhay ko?"
Napatingin naman ako sa kanya. First time nyang magshare ng ganto kaya sobrang saya ko. Hindi ko alam kung bakit feeling ko, napapalapit na si Hyung sakin.
"Talaga hyung? Yiiie. Nakapanuod ka na ba kasama ang taong yun?" Tanong ko sa kanya.
Napatahimik naman sya nun. Hindi man lang sinagot tanong ko hmp.
Sobrang swerte naman ng taong yun.
"Tara, uwi na tayo hyu—"
Hindi natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa biglang pag liwanag ng kalangitan. Sobrang ganda ng nakikita ko ngayon. Iba't ibang kulay na mas lalo pang nagpapaganda dito. Matagal tagal na rin nung huli akong nakakita ng ganto. Yun yung panahong buhay pa si appa.
"Sa tingin ko, natupad ko na ang pangakong yun."
Bakit ba ang ingay ng fireworks na to? Hindi ko tuloy narinig yung sagot ni Hyung.
—————
Pumasok na ako sa practice room at nagbow kay Nahyun Unnie. Ngayon nya na pala ididiscuss yung about sa comeback namin. Masaya ako dahil magcocomeback kami pero nalulungkot din dahil hindi na as a 5 member.
"Okay, now that you're all here, shall we start?" Tanong ni unnie kaya tumango naman kaming lahat.
Sinabi nya yung about sa concept namin. Catchy yung song at sobrang astig nung choreo. Sobrang galing talaga ng mga choreographer dito. Ah jinjja, hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang galing na yun.
"So, okay na ba kayo sa dance choreo na to? Or may gusto pa kayong idagdag?" Tanong ni nahyun unnie.
Tumaas naman ng kamay si Gayoung. "Hmm, Unnie. Hindi ba pwedeng ibahin yung choreo? Medyo mahirap kasi eh" sambit nya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Seriously? Mahirap na sa kanya yun? Eh? Ang dali dali lang naman eh. Mas mahirap pa nga yung debut song namin pero mas maganda to.
"Hmm, Gayoung. Kung nahihirapan ka ngayon na napanuod mo pa lang, paano pa kaya kapag sinayaw na diba? Just always think positive. Kaya mo yan. And just practice. Remember, practice makes perfect okay?" Sambit ni unnie.
Tumango naman sya. Pero halata pa rin na kinabahan sya. Hays, kulang pa talaga sa training si gayoung eh. Bakit sya dinebut ni PdNim?
"And, Gayoung please do your best in this comeback. Ngayon ka palang magdedebut, ipakita mo sa kanila na may ibubuga ka." Sambit ni unnie at nagthumbs up. Ngumiti naman si gayoung at tumango. "Ne!"
May diniscuss pang iba si unnie like yung promotions. Yung concept nung mv namin. At ang mas natutuwa ako ay may kwento yung album namin, kagaya rin ng bangtan. Connected din sya sa debut namin.
New member Gayoung to join SpArkles for upcoming comeback with their second mini album 'Moonlight'.
- koreaboo
————
sorry kung sobrang lame nito (lahat naman ng chapters pwe.). Hng, bawi aq sa sunod :"""")
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top