H Y U N G - 20
hyung - twenty -
3rd person's point of view
Pumasok ang isang babae sa building at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Mas lalo pa itong lumapad ng makita nya si Taehyung.
Nang makita naman sya ng binata ay agad itong napawi ang ngiti sa labi ng binata. Lumapit ang babae sa kanya at ngumiti.
"Kumusta ka na, taeh--"
"Sunbae mo ako. Alam mo ba kung paano gumalang?"
Halatang nagulat ang babae dahil sa sinabi ng dati nyang manliligaw. Namuo naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni taehyung. Agad din namang ngumiti muli ang babae.
"Igalang kita? Taehyung, magkaibigan tayo-- oops, sorry. Nasaktan ka ba kasi kaibigan lang ang turing ko sayo?"
Unti unting kinuyom ni taehyung ang palad nya at tinignan ng masama si gayoung. Agad naman tong napansin ni gayoung kaya mas lalo syang natuwa.
"I knew it. All this time, hindi ka pa rin nakakamove on. I pity you."
Mas lalong sumama ang tingin ni taehyung sa kanya. Ngunit ang tingin na iyon ay unti unting napapalitan ng namumuong tubig sa mata nya.
Hindi nya alam kung anong sasabihin nya dahil totoo ang sinabi ng dalaga.
"Bakit mo sya kakaawaan ha, Park Gayoung?"
Napalingon naman silang dalawa sa babaeng papalapit sa pwesto nila. Nang makarating ito sa pwesto nila ay agad syang tumabi kay taehyung at tinignan si gayoung.
"Kim Taehyung of bangtan sonyeondan. Ang boygroup na sobrang sikat na ngayon. Sobrang dami ng fans at achievements. Hinahangaan, iniidolo, kinaiingitan, minamahal ng maraming tao." Tumingin muna sya kay taehyung na kasalukuyang nakatingin din sa kanya. Ngumiti sya at humarap muli kay gayoung.
"Tapos kakaawaan lang ng isang trainee na katulad mo?"
Napawi ang ngiti ni gayoung pero pinilit nya itong ibalik upang hindi sya magmukhang mahina.
"Oo. Kinaawaan ko sya dahil hanggang ngayon sobrang hina nya pa rin. Nakita mo yan? Halos iiyak na nga eh. Hahaha. Naalala ko tuloy yung panahong nagmakaawa syang mahalin ko sya, yung panahong lumuhod at umiyak sya sa harap ko" tumingin sya kay taehyung at nagsmirk. "Naalala mo rin ba yun, taehyung?"
Napayuko nalang si taehyung at aalis na sana kaso biglang hinawakan ni eunmi ang kamay nya.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit sya nagmakaawa? Kasi mahal ka nya-- minahal ka nya. Pero anong ginawa mo? Ginamit mo lang sya para makapasa sa audition dito. Ginamit mo lang sya para makilala ng iba. Pinaglaruan at pinagmukha mong tanga. Sino ang hindi iiyak dun? Ikaw ba ha gayoung? Kapag ginanun ka ba ng taong mahal mo, magiging masaya ka ba?!" Punong puno na ng galit si eunmi ng sinasabi nya yan. Bawat salita ay may diin para madama ni gayoung ang nararamdaman nya.
"saeng, tara na" aya sa kanya ni taehyung kaya naman tumingin na sya sa kanya at ngumiti.
Bago pa man sila umalis ay tumingin muli si eunmi kay gayoung.
"Kapag nagmahal ka at ginawa sayo yun ng taong mahal mo, mararamdaman mo rin ang nararamdaman ngayon ng kaibigan ko"
Tuluyan na silang umalis at naiwan si gayoung na pinagmamasdan silang maglakad papalayo sa kanya. Nakita nya yung picture na hawak nya at namuo muli ang ngiti sa kanyang labi.
"Hindi ko hahayaang mangyari yun, eunmi"
Naglakad sya papunta sa office ni bang PDNIM. Nang makarating sya dito ay agad syang kumatok para sabihing may importante syang sasabihin kay pdnim.
"So, ano na naman yang importanteng sasabihin mo?"
Tanong nito sa kanya.
Kagaya ng lagi nyang ginagawa ay ngumiti lang sya at inilapag ang picture na dala dala nya.
Tinignan iyong mabuti ni pdnim at halatang nagulat sya sa nakita nya.
"Jimin and eunmi?" Tanong nito at tumingin kay gayoung.
"Ne, Pdnim. Pauwi na ako noong isang araw tapos nakita ko silang magkasama sa may Han River. Kumain pa sila ng ramen ng sabay atsaka nagrent ng bike at nagbike ng magkasama" sunod sunod na sabi nito.
Nakatingin pa rin si PdNim sa litratong nasa kamay nya. "Aish. Mga batang to"
"Alam ko pong may 'no dating ban' sa company na to pero pdnim, nagwoworry lang po ako kina sunbae. Kakasimula pa lamang pong sumikat ng sparkles tsaka ang bts po ay unti unti ng sumisikat. Natatakot po ako na baka kapag nalaman nilang nagdadate ang dalawa ay unti unting bumagsak ang company nyo, pdnim" pagpapatuloy ni gayoung. Halata sa boses nya ang kanyang pag-aalala.
Napakagat nalang sa lower lip si pdnim at pinaikot ang swivel chair nya para magisip kung ano ang dapat nyang gawin.
"PdNim, kung binabalak nyo man pong pagalitan sila ay huwag nyo na pong gawin. Alam ko pong ako lang ang meron ng picture na to kaya itatago ko nalang. Hindi to malalaman ng mga fans. Trust me, pdnim" nakangiting sambit ni gayoung.
Napatigil naman si pdnim dahil sa sinabi ni gayoung.
"Bakit sobrang bait mong bata? Andami mo ng nagawang mabuti, hindi lang sakin kundi pati sa company."
"Alam ko namang magaling ka ng trainee. At alam ko ring gustong gusto mo ng magdebut" Ngumiti ito kaya gayoung.
"Then fine, let me grant your wish"
Mas lalong napangiti si gayoung dahil sa sunod na sinabi ni pdnim.
Mga salitang matagal nya ng inaasam.
---------------------
Eunmi's POV
One month passed since our debut. Matagal tagal na pero parang kahapon lang. Cinecelebrate namin ngayon ang 1st month namin bilang sparkles.
After naming iblow yung cake ay pumalakpak na kaming lahat at nag group hug. Sana sa susunod na ganto. Icecelebrate na namin yung 100th day naming lima bilang sparkles. Tapos yung 1st, 2nd , 3rd anniversary namin.
"Unnieeee~ wala pa ba talagang balita kung kailan yung comeback namin?" Sabi ni jihye unnie sa manager unnie namin. Napangiti lang si unnie tsaka umiling.
Nagpout naman si jihye unnie dun. Ang cute! Haha. Siguro miss nya na ring umattend ng mga fansigning events. Mas marami daw kasi syang natatanggap na gifts tapos may chance pang makipagusap sa fans.
"Pero sabi daw ni PdNim, may regalo daw sya satin eh!" Excited na sambit ni minji-ssi.
Tumango naman kami. Nakausap kasi naming sya nung isang linggo at sabi nya may surprise daw sya samin.
"Siguro nga yung comeback natin!" Sabi naman ni eunseo unnie kaya naman napatalon kami ni minji-ssi.
Magcocomeback na nga siguro kami...
"You're right, Eunseo."
Napatigil kami sa pagsasaya ng biglang pumasok si pdnim. Nagbow naman kaming lahat at binati sya.
"Magcocomeback na kayo but..."
Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan ng sinabi nya yung 'but'.
"But not as a five-membered group."
Naguluhan naman kami sa sinabi nya.
"M-may idadagdag po samin?" Tanong ko kaya tumango si pdnim.
"Sino po?"
Biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakangiti.
"Ako po, sunbaenim"
Mas lalo syang ngumiti dahilan para magulat lalo ako. B-bakit sya pa? Bakit sa lahat ng trainee sya pa?!
Umiwas sya ng tingin sakin tsaka humarap sa ibang members.
"Annyeonghaseyo, Park Gayoung imnida. Please be good to me."
--------------
para syang yung kay Yeri na dinagdag sa rv hehehe pero huwag masyadong seryosohin yung pagdagdag dito kasi kalokohan ko lang yung lol baka magalit kayo kay pdnim eh! HAHAHAHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top