H Y U N G - 19
hyung - nineteen -
Nakatingin lang sya sakin kaya naman ako na yung unang umiwas at humakbang na ako papalayo sa kanya ngunit naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko.
"Sinong nagsabing nagjojoke ako?"
Nang sabihin nya iyon ay para na naman akong nabuhusan ng yelo at halos mapako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.
Hinigpitan nya ang hawak nito atsaka hinila pabalik sa pwesto ko kanina na katapat nya.
Naririnig ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas. Kinakabahan ako na parang natataeng ewan. Jusme, eunmi. Anong nangyayari?
"Alam mo bang pinagalala mo ako? Bakit kasi nagpanggap ka p na may sakit eh. Aish" iritadong sambit nya.
Natatawa ako dahil sa itsura nya ngayon. Ang cute cute.
"Bakit ka tumatawa?" Sabi nya tsaka nagpout pa.
Wag kang magpout hyung please..
"Wala. Sige. Alis na ako, sunbae" sabi ko at nagbow sa kanya. Ngunit aalis na sana muli ako pero bigla nya ulit hinawakan yung braso ko. Naglakad na sya habang hila hila yung braso ko.
"Oy! San tayo pupunta?"
Hindi ko maalis yung pagkakapit nya kaya wala na akong ibang nagawa kundi sumunod. Patuloy lang sya sa paglakad hanggang sa tumigil sya sa tapat nung convenient store.
"Eh? Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Huwag ka nang maraming tanong"
Hinila nya ako paupo dun tsaka sya yung pumasok sa loob nung store. Napakunot nalang ako sa inaasta ngayon ni hyung. Anong nakain nun?
Pinagmasdan ko yung mga couples. May magkaholding hands habang naglalakad, kumakain, at yung iba naman nag aaway pa sus. Wala talagang forever.
Tinitigan kong mabuti yung couple na ang cute cute tignan. Maliit yung boy pero cute. Parang si jimin hyung lang haha.
"Kain na"
"ay jimin hyung!"
Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot nya na parang kabute. Tumingin sya sakin at nagsmirk. "Iniisip mo na naman ako"
"Hangin mo ah." Sagot ko nalang tsaka tinignan yung hawak nya.
"Ano yan?" Tanong ko kahit obvious naman na ramen yung dala nya.
"baka ramen?" Sarcastic na sabi nya naman kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"What i mean is, bakit mo binilhan ng ganto?" Tanong ko sa kanya habang tinulak nya ng marahan yung ramen papunta sa kin.
"huwag nang maraming satsat. Magpasalamat ka nalang" masungit na sabi nya.
"Oh edi thank you po" sabi ko naman tsaka binuksan na yun. Matagal tagal na rin akong di nakakatikim nito.
Sinimulan ko ng kumain ngunit napatigil naman ako dahil naramdaman kong nakatingin sya sakin.
"para ka talagang lalaki kung kumain" puna nya naman pero tinignan ko lang sya na parang sinasabing 'wala-kang-pake' .
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko nito. Kinuha ko na rin yung chicken tsaka kinain iyon.
Tinabi nya na yun atsaka tumingin ulit sakin. "Bilis."
Kaya naman dali dali ko yung inubos. Nagulat ako dahil sa biglang pagabot nya sakin nung tubig.
Hala anyayare kay hyung?
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay hinila nya na ulit ako at nagsimula na muling maglakad.
"diba si eunmi ng sparkles yun?"
"hindi naman eh!"
"sya kaya! tara dali tignan natin. pero sino yung kasama nyang guy?"
Napakagat nalang ako sa lower lip ko at yumuko habang naglalakad. Bakit kasi hindi man lang ako nagcap and nagface mask eh.
Napatigil naman ako ng may maramdaman akong nagpatong ng jacket sa balikat ko at cap naman sa ulo ko. Tinignan ko si jimin hyung dahil sya lang naman ang gumawa nun.
Hinawakan nya na yung braso ko at hinila ako palakad. Napailing nalang ako dahil sa kinikilos nya ngayon. Anong meron? Anong nakain ni hyung?
Tumigil kami sa may tapat nung mga bikes. Bakit kami nandito?
Binitawan na ni jimin hyung yung braso ko tsaka kinuha yung dalawang bike. Iniabot nya sakin yung isa habang ako nakatulala lang dun sa bike.
Lumakas ang kabog ng puso ko at nanginginig yung tuhod ko. Naalala ko na naman yung nangyari noon kaya ayaw na ayaw kong sumakay ng bike.
Dahan dahan akong umiling. "A-ayoko hyung. H-huwag nalang." Nauutal na sambit ko.
Tumingin naman sya sakin na parang naguguluhan. "Wae?"
Umiling muli ako at umatras. "B-basta ayoko hyung" sabi ko pero bago pa man ako ay agad nya ng hinawakan yung braso ko.
"Andito ako"
Bigla na namang tumibok ng mabilis yung puso ko at parang may mga paru- parong nagliliparan sa tyan ko. Sounds corny pero yun yung nararamdaman ko.
Ibinalik nya yung isang bike at sumakay na sya dun sa isa. Tumingin sya sakin na para bang pinapasakay din ako.
"Dali na. Bago pa magbago isip ko"
Hinila nya ako papalapit sa kanya tsaka pinaupo dun sa may unahan. Hindi ako makagalaw ngayon. Ang lapit lapit nya lang po kasi sakin. Sobrang lapit.
Napalunok nalang ako at tumingin sa unahan. Nanginginig pa yung paghawak ko.
Napapikit ako ng unti unti nyang ipedal yung bisekleta. Feeling ko mangyayari ulit yung nangyari noon.
Ngunit unti unti ko ding minulat ang mata ko. Sobrang sarap pala ng feeling pag ganto. Patuloy lang sya sa pagpedal hanggang sa----
"h-hyung .. H-hyung may sasakyan.."
Pumikit muli ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong sumasakay ng ganto eh.
"sus. chansing ka lang eh"
Nakita ko ang pagsmirk nya kaya naman inalis ko yung braso kong nakayakap sa kanya kanina. Aish, bakit mo kasi sya niyakap eunmi?
"S-sorry" mahinang sambit ko.
Nagsmirk lang sya ulit tsaka nagpatuloy sa pagpedal. Naiwasan nya pala yung sasakyan kanina.
Ilang minuto pa ay tinigil nya na yung bike tsaka bumaba na kami doon para pagmasdan ang ganda ng Han River. Sobrang peaceful. Naalala ko tuloy si appa.
Napatingin naman ako kay hyung nakacross arms habang pinagmamasdan din ang han river.
"Hyu-- este sunbae, bakit ka naging ganto ka agad? Anong nakain mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw? Bakit naging ganyan ka? Bakit bigla kang naging formal?" Tanong nya pabalik kaya napatawa ako.
"Yun naman yung gusto mo diba? Huwag kitang tawaging hyung, kasi sabi mo mga lalaki lang dapat, sabi mo nakakairita, sabi mo itigil ko na, sabi m--"
"Kapag sinabi kong tawagin mo ulit ako ng ganun, gagawin mo?"
Hindi ko naipagpatuloy yung sasabihin ko dahil sa pagsalita nya. Hindi ko na tuloy alam kung anong isasagot ko.
"From now on, ako lang dapat ang tatawagin mong hyung arraseo?"
Tumingin sya sakin at humakbang papalapit.
"Sanayin mo na ang sarili mong tawagin silang oppa, okay?"
"H-huh? B-bakit?"
"Kasi ako nga lang ang Hyung mo."
Inilayo nya na yung mukha nya sa mukha ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.
"joke lang HAHAHA. Basta tawagin mo na ulit akong hyung."
"Ayaw mo bang sunbae? Mas maganda nga pag formal eh" depensa ko naman.
"Alam kong mas sanay kang tawagin akong hyung at sanay rin akong tinatawag mo akong Hyung. And isa pa pala, namiss ko yung tawagin mo akong ganun"
------
3RD PERSON's POV
Tumayo na ang babae dahil may huminto ng bus sa tapat nya. Bumukas ang pinto ngunit bago pa man sya makapasok dito ay pinagmasdan nya muli ang dalawang taong kanina nya pa sinusundan. Pumasok na sya sa loob at umupo.
Kinuha nya yung camera nya at namuo ang nakakalokong ngiti nya ng makita nya ang mga litratong kanyang nakuhanan.
"Finally, Lee Eunmi. Makakaganti rin ako sayo."
Sa huling pagkakataon ay tinignan nya muli ang dalawang taong iyon. Mas lalong lumapad ang ngiti nya.
"sad to say, pero mukhang madadamay ang Hyung mo"
----------
helllooooooo!!!!!!!! may nagbabasa pa ba HAHAHAHAHAHHAAH. Sorry kung late pero sana nagustuhan nyo lol. Di ko alam kung kelan next ud pft 😂 pag sinipag HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top