H Y U N G - 16
Hyung - sixteen -
Palihim akong naglakad papalayo dun. Aalis na siguro ako. Tulog mana sina hyung, siguro babalik na lang ako.
Pinihit ko muli yung pinto tsaka lumabas na ng dorm nila. Hindi man lang nakapagpaalam sa maknae line. Hays, baka okay lang naman kasi hindi naman nila alam na pumasok ako sa dorm nila.
Napatingala ako sa kalangitan. Buti pa tong mga stars, parang walang prinoproblema. Hay
Napagdisesyonan kong umupo muna dun, habang pinagmamasdan pa rin yung kalangitan.
"noona?" - agad naman akong napalingon dahil sa tumawag sakin.
"oh jungkook? h-hindi ka pa matutulog?" - tanong ko sa kanya. Baka pagod din kasi to eh.
Umiling naman sya tsaka lumapit sakin. Pinagpagan nya rin yung uupuan nya, which is sa tabi ko at tsaka umupo na rin. "hindi pa noona. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit di ka pumasok sa loob?" - tanong nya naman.
Ngumiti lang ako. "A-ah, pumasok ako kaso baka tulog na rin kayo eh. Nakapatay na yung mga ilaw tapos hindi ko pa kayo makita sa labas ng kwarto nyo so lumabas na rin ako ha ha ha" - pagsisinungaling ko.Alam ko naman kasing gising pa silang tatlo.
Napatingin sya sakin tapos tumawa. Luh, baliw.
"wae?" - tanong ko sa kanya.
"liar~ hahahaha. nakita mo naman kami eh" - sabi nya kaya nanlaki ang mata ko. Hala nakita nya?
"weh? nakita mo?" - sabi ko sa kanya. Naninigurado lang mga bruh.
Marahan syang tumango. "Yep" - matipid nyang sagot.
"Teka nga pala, bakit nyo pinapanuod yung video huh?" - bigla kong natanong.
Napachuckle naman sya nun. "Para mapanuod namin kung gaano ka kacute, noona" - sambit nya tsaka pinisil pa yung cheeks ko. Grabe.
Napatingin naman ako sa ibang direksyon. "hindi ako cute. si minji lang yung cute, jungkook-ah" - mahinang sabi ko.
"ganun ka na ba talaga naapektuhan sa sinabi nya? To the point na iiyak ka na, ha noona?"
Napahawak naman ako sa pisnge ko. Hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako.
Bakit sobrang babaw ko?
"Ilabas mo lang noona. Nandito ako para makinig" sabi nya. Ramdam na ramdam ko yung pagkasincere nya nung binaggit nya ang mga salitang iyon.
Ipinatong ko yung kamay ko sa may tuhod ko tsaka tumingin sa kalangitan.
"Akala ko sanay na akong ganun ang pakikitungo nya sakin. Akala ko okay lang na ganun sya lagi. Pero bakit nasasaktan pa rin ako?" Sunod sunod na sambit ko. "Hindi ko alam kung bakit naiinggit ako kay minji-ssi. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko silang masaya. Hindi ba dapat maging masaya ako kasi masaya din sya?" Tanong ko.
Hindi ko alam kung masasagot ba ni jungkook ang mga tanong ko eh. Alam ko namang wala pa syang alam tungkol sa ganto.
"Kasi hindi ikaw yung dahilan kung bakit masaya sya. Hindi ikaw yung rason kung bakit ngumingiti sya"
Ewan ko kung bakit tumagos talaga yung sinabi ni jungkook eh. Saan nya napulot yun?
Napatawa naman sya ng marahan tsaka tumingin sakin. "Mahal mo na ba si Hyung?"
Mahal?
Nang sabihin nya yun ay parang nagflashback lahat ng ginawa ko para kay Hyung. Hindi ko naman talaga pangarap noon ang maging ganto, maging isang idol. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na sumabak sa ganto.
Isa si Hyung sa mga dahilan kung bakit ako nagaudition at nagpakahirap para marating to, para makadebut. Minsan naiisip ko na ding sumuko kasi ang hirap. Sobrang hirap. Lalo pa't sakin, hindi ko talaga passion noon ang kumanta at sumayaw. Ang pag aayos sa sarili? Ginawa ko din yun para sa kanya.
Pero unti unti ko na ding nagugustuhan tong ginagawa ko. Hindi nalang to para sa kanya kundi para na rin sa sarili ko.
Malalim na ba talaga tong nararamdaman ko sa kanya? Mahal ko na ba sya?
"Hindi ko alam, jungkook-ah. Hindi ko alam" sabi ko.
"Hindi ka ba napapagod, noona?" Tanong nya.
Naramdaman ko muli ang pagtulo ng luha muli sa pisnge ko. Hindi nga ba ako napapagod?
"Unti unti na akong napapagod, jungkook"
Marahan naman syang tumango. "Paano ka hindi mapapagod? Kung patuloy mong pinipigilan yung nararamdaman mo kay Hyung? Kung palagi mong pinipigilang lumalim yung nararamdaman mo sa kanya?"
Minsan naiisip ko kung saan ba talaga nahuhugot to ni jungkook eh. Ang daming alam.
Pero napatahimik naman ako ng sabihin nya yan. Pinipigilan ko ba talaga?
Lumapit sya sakin tsaka unti unting pinunasan yung luha ko.
"Kung pagod ka na Noona. Magpahinga ka, pero huwag kang sumuko agad"
---------
Third person's point of view
"Unnie, galit ka ba sakin?" Tanong ng dalaga kay eunmi na kasalukuyang inaayos yung buhok nya.
Marahan namang umiling si eunmi tsaka sumagot ng hindi man lang lumingon kay minji. "Ani-yo"
Napatingin nalang sa ibang direksyon si minji. Napapansin nya kasing nitong mga nakaraang araw ay hindi sya pinapansin ng unnie nya. Hindi nya alam kung bakit biglang naging ganto ang pakikitungo nya simula nung gabing nanggaling sya sa dorm ng bangtan.
Lumabas na si eunmi sa room nila ng hindi man lang nagpaalam kay Minji.
Habang naglalakad sya ay napakagat sya labi nya. Nagagalit sya. Nagagalit sya sa sarili nya dahil sa ginagawa nya ngayon. Hindi nya pinapansin si Minji. Alam nyang napapansin na rin ito ni minji, hindi nya lang alam kung pati ang ibang members.
May practice sila ngayon para sa kanilang Last performance stage nila. Yes, last promotion na nila kaya dapat talagang paghandaan iyon. Nauna na sya sa kanila.
Pagkapasok nya sa BigHit building ay naglakad na sya papunta sa practice room. Binuksan nya ito at nanlaki ang mata nya dahil sa nakikita nya ngayon.
"Hyung..." Mahinang sambit nya.
Pinatay ni jimin yung music tsaka tumingin kay eunmi.
Nagbow naman ang dalaga. "Annyeonghaseyo" sabi nya.
Tumango lang si jimin tsaka ininom yung tubig nya.
Huminga muna ng malalim si eunmi tsaka binuksan muli yung pinto para umalis na muna. Baka kasi nakakaistorbo sya. Mamaya nalang siguro sya babalik pag dating ng ibang members.
"eoddie gayo?" Tanong nya.
Humarap sya dito tsaka sinagot ang tanong nya. "Dun nalang po muna ako sa labas, sunbaenim. Hihintayin ko yung ibang members. Mukhang nagpraprac--" naputol ang sasabihin nya dahil nagsalita na muli ang binata.
"Stay." Tinignan nya ito. "Dito ka na maghintay" sambit nya.
Napatingin naman sa ibang direksyon si eunmi pero unti unti din itong tumingin kay jimin tsaka untinunting umiling.
"Maghihintay nalang ako sa labas. Salamat nalang po, sunbaenim"
Nagbow na ito tsaka lumabas ng practice room. Iniwan si jimin na naguguluhan.
---------
#ChangeIsReal hAHAHAAHHA. Bakit naging ganyan si eunmi? Lol. Kagagawan ng yokai.
Btw!! Kasali pala yung Noona na mahal na mahal na mahal kong libro dito sa wp na isinulat ni hyung _DOKyungSooBias sa #Wattys2016 !1!1!1 omfgggg.
Support natin guysue! Sa mga adik sa libro na yan, kagaya ko. Lez do dis hAHAHAHAH. Mananalo yan sure ako < 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top