H Y U N G - 14
Hyung - fourteen -
"Sayo to hyung?" - tanong ko sa kanya tsaka itinaas pa yung phone para makita nya talaga. Kasi baka kay v hyung naman talaga, malay natin nalito lang sya.
Tumingin muna sya sakin tsaka inagaw yung phone. "Sakin nga. Bakit nasayo?" - tanong nya sakin.
Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko. Eto na naman eh, namumula naman ata ako.
"Wae?" - tanong nya sakin. Siguro napansin nga nya yung pamumula ko. Umiling lang ako at tatalikuran ko na sana sya ngunit napatigil ako sa bigla nyang pagbukas nung phone at nanlaki bigla yung singkit nyang mata.
"B-bakit wallpaper kita?" - tanong nya sakin.
Nagkibit balikat naman ako. "E-ewan ko! Hindi naman saking phone yan eh. B-bakit nga ba?" - tanong ko pabalik sa kanya.
Gustong gusto kong malaman kung bakit nya ba talaga wallpaper yung mukha ko hihi.
"aish! hindi ako ang may gawa nito okay? baka si taehyung ang nagpalit" - sabi nya.
Hindi ako ang may gawa nito
Hindi ako ang may gawa nito
Teka bakit paulit ulit? Tss. Ayun, sinasabi ko na nga ba eh. Masakit umasa.
"A-ah, okay hehe" - yun lang yung nasabi ko tsaka nagsmile ako, awkward smile.
Sakto namang pumasok si v hyung kasama si jungkook saeng. "Oy hyung! San ka galing?"- tanong ni taehyung.
Hindi naman sumagot si Jimin hyung tsaka sinamaan lang sya ng tingin. "Pinakaelaman mo na naman phone ko?" - tanong nito sa kanya.
Napakamot lang ng ulo si v hyung. Hay, i knew it. Sya talaga may gawa.
"Hehe. Sorry na hyung. Ang cute cute lang kasi ni eunmi jan" - sabi naman ni taehyung. Bakit hindi man lang ako natuwa sa compliment ni hyung? Hays.
"Edi sana sa phone mo nalang! Dinamay pa 'tong akin eh! Aish" - iritadong sambit ni jimin hyung tsaka padabog na umalis sa harap namin.
"Sus, inaabot na naman si hyung. Pabayaan mo nalang yun, eunmi. Gusto din naman nya yun, pakipot lang kasi" - sabi naman ni taehyung hyung kaya walang gana lang akong tumango.
"hoy bat ganyan na itsura mo? Para kang nalugi" - sambit nya pero umiling lang ako para sabihing wala.
Nakita ko namang nagform yung boxsmile sa labi nya tsaka sinundot sundot pa yung tagiliran ko. "ayiiie. ikaw ha! umasa ka na si hyung ang nagset nung wallpaper no? yiie ikaw huh! crush mo talaga si hyung!" - sigaw ni V hyung kaya tinakpan ko yung bibig nya at sinamaan sya ng tingin.
"Lalagyan ko ng preno yang bunganga mo, Kim Taehyung!" - mariing sabi ko sa kanya kaya kumunot naman ang noo nya.
Inalis nya yung kamay ko sa bibig nya tapos sinamaan ako ng tingin. "Anong sabi mo?! Kim taehyung? Wala ka na bang galang bata ka?" - sabi nya.
Teka bakit natatawa ako kapag nagagalit 'kuno' sya? Hahahahaha.
"hindi ka kasi kagalang galang, KIM TAE--- aray ko HAHAHAHA! HYUNG HAHAHA kasi t-tigil HAHAHAHAHA" - hindi ko mapigilan yung pagkiliti nya sakin tskaa pati na rin yung tawa ko.
patuloy pa rin sya sa pagkiliti sakin hanggang sa kinagat ko yung kamay nya at nagkaroon ng pagkakataong makatakas sa kanya.
Tumakbo na ako para naman hindi nya na ako makiliti pero tumayo sya habang tinitignan yung braso nyang kinagat ko.
"LAGOT KA SAKIN!"- sigaw nya kaya napatago naman ako sa likod ni yoongi hyung.
"HYUNG OH! Este oppa oh! Si v hyung!" - sumbong ko sa kanya pero mukhang busy sya sa pagsusulat ng lyrics.
Hala nakakaistorbo ata ako?
Nagbow muna ako saglit tsaka nagpaalam sa kanya. Baka kasi magalit si lolo sakin.
Aalis na sana ako pero hinawakan nya yung braso ko. "Dito ka muna" - sabi nya.
Eh ano daw? Baka makaistorbo ako lalo eh.
Dahan dahan nalang akong tumango tsaka umupo dun sa katabi nyang upuan. "Anong ginagawa mo, oppa?" - tanong ko sa kanya kahit alam kong nagsusulat sya ng lyrics. ayoko kasing wala kaming mapagusapan, alangan namang nga nga lang ako dito diba?
Isinandal nya muna yung ulo nya dun sa may upuan, then pinikit nya yung mata nya. "nagsusulat para sa next album namin" - sagot nya naman.
Marahan nalang akong tumango. Tinignan ko lang sya habang nakapikit. Matutulog ata. Bakit ang gwapo neto? Ang puti puti tapos ang pungay ng mga mata nya.
"matunaw naman ako ah" - sabi nya tsaka minulat yung mata nya at nag grin sakin. Aba.
Agad akong umiwas ng tingin at umiling. "Luh, di ka naman ice cream para matunaw haha" - sambit ko. ang corny ko, guys.
tumingin sya sakin tapos medyo kumunot yung noo nya tapos hinawakan yung buhok ko. "Nagpakulay ka na naman? Parang nong pag bisita ko sayo sa hospital red yan ah? tapos ngayon blonde ka naman. Kapag nasira scalp mo" - sambit nya kaya napachuckle lang ako.
"mas okay kaya to hyung! mas maganda kaya ako sa blonde." - sabi ko.
Ngumiti lang sya tsaka itinuon ulit yung pansin dun sa papel na nasa harapan nya.
"Kahit ano namang kulay ng buhok mo, maganda ka pa rin naman"
Ano daw?
wait, puso ko ba yung nagwawala???? parang gusto na atang lumabas eh.
"kelan ka pa naging corny hyung? HAHAHAHAHA"
Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita. Aish! Eto na namang alien na 'to.
"hoy ikaw, eunmi. may kasalanan ka pa sakin! halika nga!" - sabi nya tsaka hinila na ako palabas. Tumingin muna ako kay hyung, buti nalang nakatingin din sya sakin.
"bye oppa!" - sigaw ko kaya tumango lang sya.
Patuloy sa paghila tong saking si V hyung. Pagkatapos nun ay umupo na sya dun sa couch kaya naupo din ako.
"hoy ikaw! naguusap pa kami ni yoongi hyung dun tapos hinila mo ako. alam mo bang masama yun ah! nasan ang galang mo?" - sunod sunod kong sabi sa kanya. Matatalo ko na ata si namjoon hyung sa pagrap eh!
Tinignan nya lang ako. Luh, mababasa ko ba nasa isip neto? Hindi ako mind-reader aba
"Ano na? Hindi mo man lang ba ak--"
"Nagseselos kasi ako"
Napatigil ako sa pagrarap este pagsesermon ko dahil sa sinabi nya. Ano daw? Bakit nagseselos sya?
"Ha?" - tanging natanong ko lang.
Ang seryoso nya kasi. Napalunok nalang ako dahil sa mas lalon sumeseryoso yung tingin nya tapos hinawakan nya yung kamay ko.
"eunmi, nagseselos ako. alam mo ba yun?" - tanong nya at mas lalo pang hinigpitan yung kapit sa kamay ko.
Ano bang pinagsasabi nito ni hyung?
Unti unti naman sya lumapit sakin at may ibinulong.
"Mahal ko kasi si Yoongi hyung, eunmi. Wag mong agawin sakin " - pagkasabi nya nun ay agad ko syang tinulak palayo at binato nung unan.
Akala ko pa naman kung ano na eh! Okay, sabi ko nga bawal talagang umasa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHA" - tawa lang sya ng tawa. Kulang na nga lang gumulo sya eh.
Baliw na talaga to.
"ewan ko sayo hyung! alis na ako" - sambit ko tsaka tumayo na.
Napatingin ako sa kanya dagil bigla syang tumayo din at ginulo yung buhok ko.
"hanggang crush nalang muna ah? huwag ka munang mahuhulog. baka masaktan ka eh" - sabi nya.
Tinaas ko lang yung kilay ko. Anong pinagsasabi nito? Napailing nalang ako tsaka tumalikod na. Magsisimula na sanang maglakad paalis ngunit para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung mga sinabi nya...
"well, except nalang pala kung sakin ka mahulog. Hindi ko kayang saktan ka"
----------
#TaeMi #EunHyung #EunTae ay ewan HAHAHAHAHA k. hi! sorry sa late update! may pasok na kasi guys hehe : (
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top