H Y U N G - 13
Hyung - thirteen -
"bakit ba ngiti ka ng ngiti jan? ganyan ba talaga pag nagkakasakit?" - tanong ni jihye unnie pero hindi ko sya nasagot.
Masama bang kiligin? Jusme naman kasi si Yoongi oppa! Magsama sila nung gilagid nya! Wagas maka 'prinsesa' eh. Damang dama ko. Dejoks.
Eunjung unnie suddenly snapped her fingers at me, na naging dahilan para bumalik ako sa katinuan. "Yah, saeng? Anyayare sayo?" - tanong nya.
I slowly shook my head as a response for her question. "Wala unnie." - ani ko.
Napangiti naman ng nakakaloko nun si eunseo unnie. "siguro nagkakaganyan ka sa pagbisita ni Yoongi oppa no?" - tanong nya naman kaya napangiti lang ako. Hala. Bakit parang automatic akong napangiti? Luh abnormal.
"I knew it! yiiiiiieeee mah ship is sailing!" - sabi ni eunseo unnie tapos nagtatalon pa.
Tumayo din naman si jihye unnie tsaka nag crossed arma. "Fyi, si jimin oppa kaya yung naghatid sa kanya tapos nagbantay pa! Oh diba. Mas nagsasail yung ship ko!" - depensa naman ni jihye unnie.
Luh, pinagsasabi nito ni unnie?
Tumayo din naman si eunjung unnie tsaka tinignan silang dalawa. "Tumigil na nga kayo, baka kung san pa mapunta yang ship ship chu chu nyo na yan. Wag nyo na munang pagusapan yan kasi dapat magfocus muna tayo sa promotions natin arrachi?" - sabi ni unnie kaya napangiti naman ako dahil mukhang nakinig naman sa kanila sina unnie dahil yumuko yung dalawa tsaka marahang tumango.
"Okay unnie. " - sabi nung dalawa.
Humarap naman sakin si eunjung unnie. "okay na ba pakiramdam mo, saeng? Wala ka na bang lagnat?" - biglang tanong sakin ni eunjung unnie tapos hinawakan pa yung noo ko para icheck kung mainit pa.
Ngumiti ako at umiling. "okay na ako unnie! pwede na akong sumama sa promotions bukas" - sabi ko naman sa kanya.
Napangiti din sina unnie nang sinabi ko yun. "Mabuti yun. Huwag nang magpapagod ulit ah? Ayoko na ulit magperform tayo ng incomplete" - sabi naman ni jihye unnie kaya pinat ko yung likod nya.
"hindi na mangyayari yun, unnie" - sambit ko.
Napansin kong medyo tahimik si minji-ssi. Teka galit ba talaga to sakin?
"hmm unnie... pwede bang iwan nyo muna kami ni minji-ssi? may paguusapan lang" - sabi ko kaya napatingin sila kay minji-ssi tapos sakin. Then ngumiti din atsaka tumayo na para makalabas ng room.
"minji-ssi, halika." - sabi ko sa kanya. Napakagat muna sya sa labi nya bago tumayo at lumapit na rin sya sakin.
"saeng, galit ka ba kay unnie?" - tanong ko sa kanya ngunit napaiwas sya ng tingin.
"unnie, sorry kung ang babaw ko" - sabi nya kaya hinawakan ko yung balikat nya.
"ako dapat magsorry kasi nagsinungaling ako sayo na si jungkook yung bias ko. Sorry, minji." - sabi ko sa kanya kaya iniangat nya yung ulo nya tsaka ngumiti sakin.
"okay lang yun unnie. I understand" - sambit nya.
Lumapit ako sa kanya tsaka binigyan sya ng mahigpit na yakap. "sana wag na ulit mangyari yun. Hindi ako sanay na ganun tayo eh" - sabi ko sa kanya kaya niyakap nya din ako pabalik.
"sana nga unnie. huwag nang mangyari yun"
------------
"okay ka na ba talaga?"
"Hala baka may sakit ka pa ah! Hindi kita isasama kapag bumisita ulit ako sa moon!"
"Nako eunmi! Sinasabi ko sayo kapag nag collapse ka!"
"Uminom ka ba ng gamot, saeng?"
Napatakip nalang ako ng tenga ko sa ingay netong mga kalalakihang to. Kanina pa eh. Ilang ulit ko na rin namang sinabing okay na ako eh -____- ang kulit.
Tumayo ako tsaka humarap sa kanila. "okay na nga ako hyungs! Chill lang okay? Chill" - pangungumbinsi ko sa kanila tapos pinaupo na sila dun sa sofa.
Dalawang araw na pala simula nung nanggaling ako sa hospital at ngayon ko lang naisipang dalawin ang bangtan dito sa dorm. Tapos ang bubungad sakin ay yung mga sigawan nila jusme. Yung mga tanong nila kung 'okay lang ba ako' something like that. Pero thankful din ako kasi nag'alala din pala sila sakin.
Mabuti na lamang ay napatahimik na sila. "Okay na nga po kasi ako! Konting lagnat lang yun. Sus, ako pa? Syempre mawawala agad yun. Wala kasing forever okay? Kaya wag na kayong magalala" - sunod sunod na sabi ko sa kanila.
Unti unti naman silang tumango tsaka bumalik sa mga pinagkakaabalahan nila.
Si Yoongi oppa, matutulog daw. Si jhope hyung, nagprapractice ng sayaw. Naks, sipag talaga ng mga kabayo. Hehe. . Si namjoon hyung and jin hyung naman, ayun. naglalandian yung dalawa haha- dejoke lang. Nagluluto si jin hyung habang si namjoon hyung naman ay nandun sa kwarto nya, nagsusulat ata lyrics. Si jungkook saeng naman, hindi ko alam. Wala dito eh, baka kasama si jimin hyung. Wala din sya eh
Habang si bwi hyung the alien naman ay nandito sa tabi ko. Naglalaro ng piano tiles.
Halatang nagcoconcentrate talaga sya kaya napasmirk ako tsaka ginalaw yung phone nya. Kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Ayun na eh! Magkaka crown na ako e! Bakit mo ginalaw eunmi?" - tanong nya.
Ngumiti lang ako tsaka sumandal dun sa upuan. "Trip ko lang. Tsaka hindi ako sanay na masyado kang seryoso eh hehe" - pagpapalusot ko namansa kanya.
Magsisimula na ulit sana sya kaso tinakpan ko yung phone nya tapos nagsalita. "Pataasan score?" - i challeged him.
Napangiti naman sya tsaka inalis yung kamay ko dun aa phone. "Game! Tss, piece of cake lang 'to sakin. Watch & learn, lee eunmi" - pagmamayabang nya naman.
Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman ang seryosong seryoso sa paglalaro. Nakarating na sya dun sa endless tiles ba yun. Tsaka konti nalang ay magkakacrown na sya....
"V HYUNG!" - halos maitapon nya naman yung phone dahil sa biglang pagsigaw ni jungkook.
Kaya ayun, game over na sya. Kawawa
"Ano ba yan maknae! Huhu mageexperience ko na sana yung triple crown eh! Yun na yun eh! Kaso sumigaw ka" - pagrereklamo nya kaya napakamot ng ulo si jungkook.
"Eh? Nag triple crown na kaya tayo hyung hehe. nagtriple crown na ang bangtan" - sabi naman ni jungkook kaya napatawa ako. Binatukan sya ni v hyung tsaka tumayo na.
"Yung sa piano tiles kasi haha. Bakit pala?" - tanong nito.
Umakbay si jungkook saeng kay v hyung tsaka nagsalita. "Yung mga alaga mo v hyung. kawawa naman hindi mo pa nadidilig---" - hindi pa natatapos yung sasabihin ni jungkook pero tumakbo na agad palabas si v hyung kaya napailing si jungkook at sumunod sa kanya.
Wow naman, mahal na mahal talaga ni v yung mga halaman hueheu eh ako kaya? chos lang ano ba HAHAHAHA
Maglalaro sana ulit ako kaso nagwarning na, na 20% nalang daw at kailangan ng mag charge chu chu.
Nang mapindot ko na yung back button ay nagulat ako sa wallpaper ng phone na 'to.
Hala? Bakit wallpaper ni Taehyung yung mukha ko?
Eh? Eto yung sa teaser photo namin 'e.
Teka bakit nga ba?! Ganun na ba talaga ako kaganda? Ay- joke lang.
Pero kinikilig ako ah hihi. wallpaper ako ni bias wrecker jusme. sino bang hindi kikiligin dun? lol. pero mas kikiligin ako kapag ginamit din ni jimin hyung picture ko bilang wallpaper sa phone nya- ay. impossible eunmi. impossible.
Tumayo na ako para icharge yung phone kaso napatigil ako sa pagsalita ni jimin hyung.
"Taehyung! Nasan phone ko?" - tanong nya. Tsaka nilibot paningin para siguro hanapin si taehyung. Napatingin sya sakin. Teka, matutunaw na ata ako. Pero agad din itong napunta sa kamay ko na hawak yung phone ni v hyung.
"Bakit nasayo phone ko?"
Teka kay jimin hyung to?
--------
Mahal na mahal ko na talaga si park jimin, mga bes. putek : ((((((((((
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top