H Y U N G - 12
Hyung - twelve -
Nakatingin lang ako sa television habang pinapanuod silang magperform. Sumasayaw at kumakanta sila habang ako nakahiga lang dito. Bakit pa kasi ako nagkasakit?
Kahit na kulang sila, ang ganda pa rin ng performance nila. Nahihiya tuloy ako. Nahihiya ako kasi debut palang namin, kulang na agad Sp5rkles dahil sakin.
Napayuko ako at naramdaman ko ang pag init ng sulok ng mga mata ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko hanggang sa bumuhos ang mainit na likido sa mukha ko. Ang babaw ko talaga shemay.
Pupunasan ko na sana yung luha ko gamit ang palad ko ngunit may nakita akong panyo na nakalahad sa harap ko.
Unti unti kong inangat yung mukha ko at parang tumalon yung puso ko sa nakita ko. "H-hyung.."
Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko magawa. Nakikita nya tuloy yung kababawan ko.
Nagulat ako sa biglang pagpunas nya nung panyo sa mukha ko. Dahan dahan nya itong pinunasan habang nakatingin sakin.
"bakit ka ba umiiyak?" - tumigil na sya sa pagpunas tsaka nilagay yung dala nya sa ibabaw nung cabinet sa tabi ko.
"A-ah wala.." - pagsisinungaling ko. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. Ang abnormal sh8.
"bumili lang naman ako ng prutas tapos namiss mo agad ako kaya ka umiyak? hahaha" - nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..
tumawa ba sya? tumawa talaga? first time ko syang makitang tumawa ng ganun sa harap ko.
Gusto kong magtatalon dahil sa tuwa kaso nakakahiya naman ata yun.
Tumingala sya at tumingin dun sa tv . Kasalukuyang nagpeperform pa rin yung mga kagrupo ko. Yun yung part na may high note sana ako.
"Ah. Alam ko na" - sambit nya tapos tumingin muli sakin kaya agad akong napaiwas ng tingin.
"mas okay na magperform sila ng kulang, kesa naman nandyan ka nga pero masakit ang pakiramdam mo" - sabi nya naman kaya napatango ako ng marahan.
May point sya. Baka kasi mag collapse pa ako dun tapos masira ko pa yung performance namin. Mas lalong gugulo right?
"ikaw hyung? wala ba kayong schedule ngayon?" - tanong ko sa kanya. Simula kasi nung hinatid nya ako dito sa hospital di pa sya umuuwi. 3 hours na ata akong nandito eh.
Umiling sya. "Wala. Pero may practice kam--" - hindi naituloy sasabihin nya dahil agad akong nagsalita. Alam ko na ang sasabihin nya.
"Hala hyung! Dapat pumunta ka dun. Dali, okay lang ako dito. Mag practice ka na" - sambit ko tapos tinulak sya ng marahan para lumabas na sya. Pero hindi man lang sya tumayo.
"ani. Kabisado ko na yun" - sabi nya naman tsaka nagfocus ulit dun sa tv. Iba na yung nagpeperform, isang rookie group kagaya namin.
"kahit na. dapat nandun ka hyung para mas maayos." - pangungumbinsi ko naman sa kanya pero umiling lang sya tapos unti unting lumingon sakin.
"kapag umalis ako, sinong magbabantay sayo dito?" - tanong nya naman.
Teka yung puso ko please. Nahulog po ata. Pakipulot hehe thanks.
"K-kaya ko naman magisa hyung. Tsaka may mga nurse naman dyan, tapos mamaya baka pumunta din sina unnie at saeng dito." - pagpapaliwanag ko sa kanya. Umalis ka muna hyung, tatalon muna ako sa kilig.
Tinaasan nya naman ako ng kilay. "Bakit ayaw mong may gwapo dito?" - tanong nya kaya napatawa ako.
"luh hyung! nakakatawa joke mo ah HA HA HA. Pft- pero baka hinahanap ka na rin ni Jungkook saeng." - pagkasabi ko nun ay agad na syang tumayo.
Pag talaga kay jungkook saeng ano? tsk tsk. jikook na ba dis.
"Psh, oo aalis na. Basta magpagaling ka." - sabi nya naman tapos tinalikuran na ako.
Tama lang yan hyung! Dapat tumalikod ka para hindi mo makita mukha ko na kasing pula na nung kamatis jusme.
"Y-yiie hehe concern talaga sakin si Hyung oh. " - pang aasar ko sa kanya kaya naman lumingon sya sakin tapos tinaas ulit kilay nya. Wow taray.
"joke lang hehe. sige na alis na. Ingat!" - sabi ko sa kanya. Marahan syang ngumiti tapos pinihit na yung door knob.
Naguluhan naman ako dahil nakahawak lang sya dun sa doorknob tapos nakatingin dun sa may labas.
Para bang hinaharang nya yung kamay nya para walang makapasok. Teka may tao ba dun?
"tabi nga, pandak tsk." - boses palang kilala ko na.
Napangiti ako ng makita ko si yoongi oppa na pumasok
"oppa!!" - sabi ko kaya lumapit naman sya sakin.
"okay ka lang? maayos na ba pakiramdam mo? wala ka na ba--" - hinawakan ko yung kamay nya para pigilan yung paghawak nya sa noo ko tapos ngumiti.
"ayos na ako. no need to worry haha" - sabi ko naman sa kanya kaya ayun lumiwanag na naman ang paligid dahil sa gilagid nya hehehe #joke.
"hyung, tara na. Sabay nalang tayong umuwi" - napatingin naman kami kay jimin hyung na nakatayo pa rin dun sa may pinto. Oh? Akala ko nakaalis na to?
"Kakadating ko palang papauwiin mo na agad ako? Tsk tsk, u got no jams talaga. Babantayan ko pa prinsesa ko" - pinalo ko naman sa braso si yoongi oppa dahil dun.
"naks! babantayan ako ng hari ko oh! thank you appa!" - pagbibiro ko naman sa kanya.
Kaya nya siguro sinabing 'prinsesa ko' kasi sya yung tatay ko. Sya yung hari hehe. Daming alam ni oppa.
"oh edi magsama kayo psh" - sabi ni jimin hyung tapos lumabas na ng room.
Wait galit ba yun? Grabe makasara ng pinto ah.
"tinutupak na naman yun, saeng. Hayaan mo na" - sabi ni yoongi oppa tsaka marahang tumawa.
Naalala ko naman yung sinabi ni jimin hyung kanina. "Hmm, akala ko may practice kayo?" - tanong ko sa kanya.
"meron nga." - sagot nya naman tapos marahan pa syang tumango habang nakatingin pa rin sakin.
Napakunot naman ang noo ko dahil dun. "Oh. Bakit ka nandito? Dapat nagprapractice ka oppa! Pinaalis ko nga si jimin hyung dahil dun eh" - sabi ko naman sa kanya.
Tumingin ulit sya sakin tapos sinubo yung apple na binalatan nya kanina. Andaya! Akala ko naman para sakin. Para sa kanya pala tsss.
"Aalagaan ko nga muna prinsesa ko."
---------
Wassup wassup sorry short lang hehehhe. 4k reads na pala to mga bes, nakakaiyak huhu thank u.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top