H Y U N G - 10
Hyung - ten -
"Kamsahamnida" - sabay sabay naming sabi at nagbow na sa mga staffs.
Kinuha ko na yung ibang gamit namin ngunit napatingin ako kina hyung at minji-ssi.
Masaya silang nagkwekwentuhan. Tumatawa pa nga si Hyung eh. Naks, si Maknae din pala yung isa sa pwedeng magpatawa ng ganyan kay Hyung.
Habang nakatingin ako sa kanila ay nakita kong lumingon sa may gawi ko si Hyung. Nagkasalubong pa ang mga mata namin pero ako na rin yung umiwas.
Tumalikod nalang ako sa kanila at lumabas na ng venue. Sina unnie naman, Nandun pa sila sa loob para magpahinga.
Sinipa ko yung isang bato na nakaharang sakin at naglakad lakad muna. Wala naman atang mga fans na nakaabang dito.
Nagulat naman ako sa biglang umakbay sakin.
"Noona!" - sambit nya.
Tinignan ko muna sya bago alisin yung akbay. "Wae?" - tanong ko sa kanya.
"Mukhang malungkot ka ah? Dahil ba hindi ka daw bias ni hyung? Pft" - sabi nya kaya marahan konsyang tinulak tapos umiling ako.
"Ani, pagod lang" - pagpapalusot ko naman sa kanya.
Tumawa lang sya at ginulo yung buhok ko. "Ang sinungaling mo naman Noona, alam ko namang si Jimin hyung bias mo eh. Ginamit mo pa ako" - sabi nya.
Napatahimik naman ako dahil dun pero nagsalita din ako. "Sinungaling ka din! Sabi mo bias mo ako diba? Hindi naman yun totoo ah" - sabi ko sa kanya.
Lumapit sya sakin tapos siniko ako. "Baliw, bias kita noona. Totoo yun" - sabi nya.
Bigla ko naman syang tinignan dahil sa sinabi nya.
"Wehh?" - hindi ako makapaniwalang ako bias ng ilong na to. Akala ko kasi si Maknae eh.
"Ayaw maniwala ni Noona oh. Totoo nga, bias kita! Galing mo kaya" - sabi nya naman.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. "Oy hindi! Mas magaling ka naman" - sabi ko sa kanya pero tumawa lang din sya.
Tinignan nya yung batong kanina ko pa sinisipa at nagsalita..
"Sinungaling din ni Hyung haha"
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa pagsabi nya nun.
"Wae?" - tanong ko naman sa kanya.
Yumuko sya at pinagmasdan muli yung bato. Sinipa nya iyon hanggang sa mapunta sa malayo na.
Tumingin sya sakin at ngumiti. "Ikaw naman bias nya eh, parehas kami"
-------
(Ewan ko kung ganto ba talaga ang nangyayari sa mga fansigning events eh huehue. Kaya sorry kung may mali )
Kinuha ko yung tubig ko at ininom iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Jungkook kanina.
"Pst, eunmi-yah ayos ka lang?" - tanong sakin ni JiHye unnie. Siguro kanina nya pa ako napapansing ngiti ng ngiti.
Tumango naman ako at nag thumbs up. "Ne unnie" - sabi ko naman sa kanya.
"Excited na ako sa first fansigning event natin!" - sabi ni Eunseo unnie kaya napangiti ako.
Nasa van kasi kami ngayon, papunta sa venue kung saan magaganap ang first fansigning event namin.
Kinakabahan ako kasi baka konti lang pumunta or walang pumunta. Hays. Pero sana naman meron.
"Ako din unnie!" - sabi ni Minji-ssi.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami dito. Huli akong bumaba at napalunok nalang kasi andito na kami.
Unang pumasok si Eunjung unnie sumunod din si Eunseo unnie tsaka si Jihye unnie. Naririnig ko ang lakas ng hiyawan nila.
"EUNJUNG!!"
"EUNSEO FIGHTING!"
"JIHYE SARANGHAEEEE!"
Narinig ko yung mga sigawan nila. Hinawakan ko yung kamay ni Minji ssi bago tuluyang pumasok.
Halos mapanganga ako dami ng tao dito. Napunod ata lahat eh.
"EUNMI SARANGHAE!"
"LEE EUNMI!!"
"EUNMI UNNIE!"
Napangiti ako sa sigawan nila kumaway ako sa kanila at nagbow. Napatingin naman ako kay Minji-ssi na nakayuko na ngayon.
"Okay lang yan, maknae. Tara" - sabi ko sa kanya.
Siguro napansin din nyang wala pang sumisigaw nung pangalan nya. Meron naman ata eh, hindi lang siguro narinig.
Pumwesto na kami sa unahan at sabay sabay na nagbow.
"Spark! Sparkles, annyeonghaseyo, Sparkles imnida" - sabay sabay naming sabi.
Pumalakpak naman silang lahat at yung iba ay may itinaas pang mga banner.
"Yeorubun, thank you so much for coming today. We love you guys so much" - sabi ni Eunseo unnie at nagheart sign pa.
Binigay naman sakin yung mic.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"omo! ah jinjja, hindi ko ineexpect na marami palang aattend sa first fansigning event namin. Waa, kamsahamnida!" - sabi ko at nagbow pa.
Pumalakpak naman sila.
Nagperform kami nung song namin. Pagkatapos nun ay pumwesto na kami sa upuan namin dahil magsisimula na ang pagpirma at pakikipagusap namin sa fans.
Sa dulo ako umupo, kasi kinakabahan pa talaga ako. Syempre, first time ko to eh.
Pinagmasdan ko yung mga fans na nagsisitayo na.
"Unnie!" - napatingin naman ako dun sa babae na tumawag sakin. Pinakita nya sakin yung camera nya kaya napangiti ako.
Nagpose na ako habang nakatingin sa camera nya. Pagkatapos nun ay halatang tuwang tuwa sya.
Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko na ngayon. This is it.
"Annyeonghaseyo" - bati ko sa kanya.
"Annyeonghaseyo" - Ngumiti sya tapos kinuha nilapit sakin yung album.
"Name mo?" - tanong ko sa kanya
"Haneul po" - sagot nya naman. Tumango naman ako at sinulat ko dun yung pangalan nya tsaka nagsign na.
"Hmm, taga san ka pala?" - tanong ko sa kanya .
"Jeju po" - sabi nya naman.
"Oh layo nun ah. Ingat ka pauwi ha?" - sabi ko sa kanya. Ngumiti sya tapos tumango.
Binigay nya din sakin yung stuffed toy. Kaya nagpasalamat ako tapos pinaglaruan iyon.
Sumunod naman yung isa pang babae.
"Hi unnie!" - sabi nya sakin.
"Hello, kumusta?" - tanong ko sa kanya tapos binuklat na iyon.
"Okay lang po, hehe." - sagot nya.
"Name mo pala?" - tanong ko sa kanya.
Sinabi nya yung name nya at napansin kong may nakadikit dung sticky note at may nakasulat.
Unnie, fan ka ng BTS diba? Who's your bias in bangtan? :D btw, SP5RKLES FIGHTING! ㅋㅋㅋㅋㅋㅋ
Matagal pa bago ko iyon sinulatan. Inulit ulit ko muna yung tanong bago tuluyang isulat.
박지민 선배님
-------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top