Chapter Two
Kaori
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Mukhang nakauwi na si Kady, sure ako magpapaluto na naman 'to ng pagkain.
"Teka lang! Gutom na gutom?" sigaw ko.
"Kaori! Lumabas ka bilis! May mga tao sa labas, hinahanap ka!"
What the fuck now?
"Ano?" binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang natatarantang si Kady.
"May mga tao sa labas, naka-black suit! Parang mga bodyguards! Hinahanap ka!!" tili niya.
The fuck? Wala akong maalalang nasangkot ako sa isang gang war o kung ano pa man, never akong naka-encounter ng mga taong sobrang yaman na to the point may pa-bodyguard pa- holy damn! Was it Gel? Oh nope, she isn't. Kilala ko ang tatay no'n, may grocery store lang sila pero hindi sila gano'n kayaman para magkaroon ng bodyguards and such. Brat lang talaga 'yon, feeling mayaman dukha din naman.
Sinuklay-suklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at binuksan ang pintuan ng apartment. Bumungad sa 'kin ang lagpas sampung men in blacks na may bitbit na tig-iisang shopping bags at groceries.
What the hell is happening?!
"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa'min?!" nanginginig na tanong ko.
"Ikaw ba si Miss Kaori Hijazi Norhaya?" tanong no'ng isa na kaharap ko mismo.
Unable to utter any words, I nodded.
"Pinabibigay ni boss," nilapag ng mga ito ang lahat ng shopping bags at grocery bags sa harap ko.
"S-sinong boss? Spare me! Hindi ko kayo kilala, lalo na 'yang boss niyo!" sigaw ko.
Seryoso lang ang mga ito at straight na straight ang tayo.
Ano na naman itong gulong napasukan mo Kaori?!
"De Russo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng mga ito. What the hell!? He's what?! The who?!
"Gusto kang makausap ni boss, Miss Norhaya."
May binigay itong cellphone sa'kin, nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ang cellphone at nilagay sa tenga ko.
"Did you like my gifts, sweetheart?!" ang baritonong boses nito ay nage-echo sa loob ng tenga ko.
"What. The. Fuck." gulat na bulong ko.
"Kady, pakisampal nga ako tapos sabihin mong nanaginip lang ako. O 'di kaya buhusan mo'ko ng malamig na tubig tapos iuntog mo ulo ko sa pader. Please lang gawin mo na!" yugyog ko kay Kady na nakatulala sa mga pagkain sa harap namin.
"So funny, sweetie. I have a business to attend to, see you soon, sweetheart."
Nawala na siya sa kabilang linya kaya binalik ko ang cellphone sa naka shades na lalaki.
"Sa 'yo na daw ho iyan, Young Miss."
Matapos sabihin iyon ay nagsialisan na silang lahat while me and Kady was left, speechless and unable to move for a couple of minutes.
"Okay!" bumuntong hininga ito. "Pwede bang paki-explain kung ano 'yong nangyari kanina?"
"Hindi ko rin alam! What the hell! Ipasok muna natin 'to, sa loob ko na sasabihin kung ano 'yon."
Isa-isa naming pinasok ang lahat ng shopping bags at groceries. Mamaya ko na 'yan bubuksan, what matters the most is this chaotic happenings!
"Kahapon kasi, may nagchat sa 'kin sa instagram, kung kailangan ko ba daw ng sugar daddy. Of course at the first place I thought it was a joke, ang dami ng scammer ngayon kaya 'yon ang unang pumasok sa utak ko. Nag-oo ako tapos ayon nagka-chat kami. Pero trust me, tinapos ko na lahat kagabi kasi nga 'di ba akala ko scam lang, ayoko namang mapagtripan kaya ayon. Hindi ko naman kasi aakalaing totoo pala, ano nang gagawin ko, Kady!" mangiyak-ngiyak na litanya ko.
Nakanganga lang si Kady sa buong oras na pagk-kwento ko.
"Kady naman eh!" sigaw ko.
"Naiintindihan niya ako! I mean . . . akala ko hindi siya marunong ng lenggwahe natin like the eff- sa Italy siya nakatira ayon sa bio niya! Ano nang gagawin ko Kady!" yugyog ko dito.
"Ayaw mo no'n? May sugar daddy ka na mayaman?" pang-aasar niya.
Syempre dahil pikonin ako, napikon agad ako.
" 'Wag mo'ko biruin Kady baka masampal kita."
"Sadista. Bigay mo nalang sa'kin kung ayaw mo, nangangailangan ako ng pera ngayon."
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis!
"Nakakainis ka, Kady! Hindi ako nagbibiro! Ano nang gagawin ko?" mangiyak-ngiyak na hinilamos ko ang kamay ko sa mukha.
"Don't ask me, never pa ako nagkaroon ng sugar daddy sa buong buhay ko."
Yawa na.
Naiwan ako sa sala na tulala at hindi alam ang gagawin.
Ano 'to?! 'Di ba biro lang 'yon ng mga kabataan? What the hell!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top