Chapter Three

Kaori

Okay, ikalma mo, Sis, baka na-prank ka lang. Pero hindi eh! Feel ko talaga totoo 'yon.

"Hindi ka ba papasok, Kaori Hijazi? Anong oras na nakahilata ka pa diyan." Katok ni Kady.

Tumihaya ako ng higa. "Pass muna, baka makagawa ako ng krimen ngayong araw."

Marami na akong iniisip at pinoproblema. Kapag dumagdag pa iyong si Angela sa mga poproblemahin ko may kalalagyan siya sa 'kin. Gagang 'yon akala mo kung sinong mayaman.

"Sumbong kaya kita sa mommy mo?"

Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"Wow. Kailan ka pa gumanyan, Kady?"

"Maligo ka na nga lang. Ayan kasi, kung ano-ano nalang pinaggagagawa mo sa buhay mo tignan mo tuloy anong nangyari sa 'yo."

Napapadyak ako sa inis. Walang araw na hindi ako napipikon. Bwesit na buhay ito hindi nawawalan ng problema. Gusto ko lang naman ng peace of mind. Kailan ko ba makakamit ang bagay na 'yon?

Napairap ako sa hangin at kinuha ang towel ko. Habang nasa loob ng shower ay napaisip ako sa nangyari kahapon. Simula rin kahapon ay hindi ko pa binubuksan ang mahiwagang cellphone ko. Nakakatakot buksan, sis.

I couldn't live an hour without my phone but last night I did! As in never kong hinawakan ang cellphone ko kagabi. Syempre, ini-off ko muna. Kapag tumunog notification no'n makukuha no'n ang atensyon ko at hindi ko na mamamalayan na nakatutok na pala ako sa cellphone. Gano'n ako, sis. Kaya napipika na ako sa buhay na 'to.

"Huwag kang matulog sa shower, Kaori!"

Sa pangalawang pagkakataon ay napapadyak ako sa sobrang inis. Hindi ako naiinis kay Kady, naiinis ako sa sarili ko. This is not me! Dapat relax lang ako sa mga problema ko sa buhay!

Minadali ko nalang ang pagbibihis dahil sinesermonan na ako ni Kady. Kesyo ang tagal ko daw at super late na ako. Alam kong late na ako, sis, no need to shove it on my face. At sa kamalas-malasan nga naman, si Gel pa ang makakasalubong ko.

"Ikaw i-close mo nalang 'yang mouth mo kasi hindi ko kailangan ang opinyon mo," pangunguna ko ng aktong magsasalita na ito.

"Hindi ka na dapat pumasok wala ka rin namang maiintindihan sa lesson. Bobo ka 'di ba?" ngisi nito.

"Huwag mo ako igaya sa 'yo," irap ko. "Sige nga, dahil pabida ka sagutin mo 'tong tanong ko. Kapag nasagot mo hahayaan kitang apihin ako throughout the year. Kapag hindi mo nasagot may sampal ka sa 'kin. Anong square root ng forty-nine?"

Nakataas ang kilay na nahintay ako sa sagot nito. Makailang beses na bumuka ang bunganga nito pero hindi naman nagsasalita.

"Ano? Dalian mo, Angela, pabida ka 'di ba? Hindi na ako nakahabol sa first period dahil sa 'yo. Sasagot ka o sasampalin kita?"

"How dare you, you bitch!"

Namula ang buong mukha nito at galit na umalis kasama ang mga alagad niyang mukhang dapa. Huminga nalang ako ng super malalim na kayang abutin ang pag-ibig mo sinta nasaan ka na?

"Buti nalang walang klase sa first period. Bakit late ka?"

Magkasama kami ng kaklase slash kaibigan ko sa canteen ng campus. Ang init, sis, para akong naging boiled egg. May aircoon naman pero ang init talag sobra. Naghalo-halo pa ang mga maaasim.

"Hinarang ako ni Gel," sagot ko.

"Tagal na ng away niyong 'yan ah. Ano bang pinagmulan niyan?"

"Insecure siya. Ayaw niyang malamangan. 'Tsaka maganda ako kaya siya galit na galit sa 'kin."

Biro lang 'yong panghuli. Pero maganda ako, ah? Academic achiever kasi ako at lumalaban ako ng patas. Siya naman academic achiever na gumagamit ng dahas. Alam na alam ko 'yan, kasali ako sa gang nila dati. Joke.

"Hindi magandang hanggang sa pagtanda ay magkaaway kayo."

Bumunghalit ako ng tawa. "Intindihin nalang natin, kulang lang 'yan sa pansin. Hintayin nalang din natin na ma-fully develop ang utak at maging matured, baka sakaling mapatawad niya ako sa kasalanang hindi ko naman nagawa."

"Funny mo so much."

"I know, right? May forehead kiss ka sa 'kin mamaya."

Pagbalik namin sa room ay para akong piniprito. Sumabay pa talaga na nasira ang gagong aircon sa room namin. Nanghiram ako ng phone sa kaklase ko since hindi ako nagdala dahil sa aking traumatic experience at naki-log in sa Twitter account ko. Gumawa lang naman ako ng account sa Twitter for clout at para makapag-rant na rin. Marami kasi akong hinanaing sa buhay.

Kawree @anonymouse · Feb 21

Sis, ang init. Sira pa 'yong aircon tapos walang electric fan.

Siguro nabuhay lang talaga ako sa mundong 'to para maging boiled egg.

Sunod-sunod ang mga naging retweets ng mga kaklase ko sa post ko. Hinayaan ko lang sila at pinaypayan ang sarili gamit ang Iphone 14 pro max 256GB fully paid cellphone ng kaklase ko. Ang galing ah, gumana 'yong pagm-manifest ng kaklase ko. Ma-try nga.

Umayos kami ng upo ng pumasok si Ma'am. Kasunod niya ay mga men in black na mukhang may pupuntahang lamay. Ano ba naman 'yan.

"Class, may visitor tayo today. Behave and be good," paalala ni Ma'am.

Pumasok ang isang tall, dark, and handsome na lalaki. Joke lang, sis, ano ka ba.

Pumasok ang isang lalaki na matangkad at may malaking katawan. Laglag ang panga naming lahat dahil sa angking kagwapuhan nito. He is also the epitome of hot but cold. Seryoso lang at no emotions involved.

"Titirahin ni Angela 'yan, alam mo naman 'yon," kulbit ng kaklase ko sa 'kin.

"Hindi ako papayag, sis, may bookmark na sa 'kin 'yan," sagot ko.

"Asawa ko 'yan, sis, manahimik ka," bawi niya.

"O sige, sayo na. Kainin mo, sis, lunukin mo ng buo," ngumiwi ako ng sabihin ko iyon.

"Class, this is Mr. Hussein De Russo, he is one of the shareholders of this University. Nasa private school kayo at ang ibig sabihin no'n ay may mga stockholders na bumubuo sa school na ito. Isa na si Mr. De Russo doon."

Marahas na napalunok ako at pasimpleng nagtago gamit ang mahabang buhok.

"Ginagawa mo, singkit?" kulbit ng katabi ko.

"Huwag mo nga akong tawaging singkit. Ilang beses ko ba dapat ulitin?" inis kong tanong.

"Singkit ka naman talaga," ngising saad nito.

I mean oo, singkit ako, pero ang pangit naman pakinggan kung 'yon ang nickname ko. Pwede namang baby, o 'di kaya ay love, 'di ba? Mas may sense iyon at mas maganda sa pandinig. Matutuwa pa ako kung iyon ang maging nickname ko for the rest of my life.

"I have a split type air conditioner. It will be placed at the back part of this classroom because I don't want her to be a boiled egg for the rest of her life just like what she predicted to be." He tilted his head and stared at me. "I'm here to personally bring the air conditioner and to introduce myself to someone... who I dearly adored. Right, sweetheart?"

Mahinang tumawa ito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin. Sa pagkakataong ito ay gusto ko nalang sumama kay Angela at magkulong sa grocery store nila.

Joke lang, sis. Ang totoo niyan ay gusto ko na talagang maging boiled egg dahil naniniwala ako sa kasabihang hindi pwede ito. My God, Kaori, ano na ang gagawin mo ngayon?

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top