Chapter Seventeen

Kaori

"You have to stop working, Kaori. How many times do I have to tell you?" Aoki made an awful face.

Nakahiga na naman ako sa kama dahil ang bigat ng katawan ko. Ayoko pang bumangon pero kailangan magtrabaho.

It has been two weeks since I was sent to the hospital. Everything was normal. Except the part that my body isn't.

"It says here that you are indeed five weeks pregnant. What are you going to do about it? Work 'til you pass out and endanger your child's life again?"

Umikot ang mga mata ko. Tangina. Pinlano mo ba 'to, Hussein? Bwesit ka talaga. Sana hindi ko nalang pinagbigyan ang request mo. Shit ka!

Nagpa-ultrasound ako para ma-clarify kung totoo bang buntis ako o hindi. Everything was positive and the baby inside me is healthy. Hindi pa alam ang gender until five to six months of pregnancy.

"You're not the father of my baby, Aoki. I have to work for support."

"I can be, Kaori! We're engaged, my goodness."

"You have a valid reason to back out now. I'm just giving you a favor."

"No. I won't back out unless the father of your child comes in the picture. I say you stop working and take good care of yourself or else I'll have the hospital closed... for good," he threatened.

"Did I told you how much I hate you, Aoki?" I sarcastically smiled.

"Yes, and I'm handsome. I'll be back later afternoon to check up on you. I'll have nanang update me about what you are doing so don't do anything stupid."

"Manang nga! Nanang mo mukha mo. Lumayas ka na!"

Aoki chuckled and left. Nakakairita ang taong 'yon. Pala-desisyon.

Tinawagan ko si Kady para ipaalam ang sitwasyon ko. Ngayon hindi ko na alam kung paano sasabihin kay mommy at daddy na lumandi ako at nagbunga iyon. I can feel that they'll cover it up by using Aoki and marrying me with him early than expected. Kalat na kalat sa social media ang engagement namin na nangyari weeks before.

"Kady! Buntis ako," suminghot-singhot ako ng sagutin niya ang tawag ko.

"Huh? Tangina net ng Pinas, napakabulok. Ulitin mo hindi ko narinig."

Bwesit talaga kahit kailan.

"I'm five weeks pregnant. Naalala mo 'yong sinabi kong last request ni Hussein sa 'kin? 'Te nagbunga!" iyak ko. "Anong gagawin ko?"

"Feeling ko sinadya niya 'yon. Pinutok sa loob lahat 'no? Naka-ilang round ba kayo? Ikaw ang bata-bata mo pa what the hell ka! Kapag nalaman niya 'yan, wala ka na talagang kawala. Kahit na may family tradition pa kayo."

Kung nasa tabi ko lang si Kady tiyak nahablot ko na ang buhok niya sa inis. 'Tsaka naka-ilang round? Hindi ko alam! Buong gabi namin ginawa. Akala ko nga isang beses lang. Hindi ako tinantanan, inabot kami ng umaga.

"Kapag nalaman nina mommy sure ako ipapakasal agad kami ni Aoki."

"'Yong fiancé mong hindi ko type para sa 'yo? Oo, parang gano'n na nga. Pero dapat wala munang makaalam, baka kumalat sa social media bago kayo ikasal. Kapag natunugan no'ng boyfriend mo na buntis ka- ay ex-boyfriend pala. Ayon nga, kapag natunugan na buntis ka kukunin ka no'n agad," litanya niya. "Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at pumayag kang gawin niyo 'yon? Twenty-two ka pa, Kaori. Napaka-bata mo pa. Kaka-graduate mo pa lang. Para kang walang patutunguhan dahil nagpa-buntis ka agad. Pero nandiyan na 'yan, huwag mong sabihin ipapalaglag mo?"

"Huh?" litong tanong ko.

"Kapag pinalaglag mo 'yong baby mo ako mismo kukulam sa 'yo," banta niya.

"Kady, hindi 'yon pumasok sa isip ko, okay? Willing pa rin magpakasal si Aoki sa 'kin hanggat hindi dumadating si Hussein. Willing siyang akuin ang bata. Ano? Sasabihin ko na ba kay mommy at daddy?"

"Ano pa nga ba? Hindi mo naman 'yan maitatago."

"Pero natatakot ako. Knowing mom, I'm sure as hell she'll be mad at me. Lalo na si dad! Magagalit 'yon sa 'kin."

"Kahit naman ako magagalit dahil sa ginawa mo. Pinag-aral ka nila ng mabuti tapos humantong ka lang sa ganiyan. Siraulo kang bata ka," kastigo niya.

Graduate naman na ako bago ako mabuntis. Pero tama si Kady, parang wala lang 'yong paghihirap ko sa pag-aaral at sustento nila mommy dahil nagpabuntis agad ako. Pwede naman akong mag-maternity leave muna.

Kinabukasan ay bumyahe ako pabalik sa mansyon. Sasabihin ko agad kay mommy at daddy. Hindi ko 'to maitatago. I'm certain that Aoki kept his mouth shut and let me handle things. Pala-desisyon siya pero hindi naman pabida.

"What brings you here, anak?" tanong ni mommy.

"May sasabihin ako sa inyo ni daddy, my," sagot ko.

"Oh, okay. Doon tayo sa library, nandoon sng daddy mo. Mabuti naman at napabisita ka."

Tinungo namin ang library kung saan nagt-trabaho si dad. It's kinda surprising that mom is here. Wala siguro silang event na pupuntahan.

"Mommy, Daddy, buntis po ako at si Hussein ang ama."

Napapikit ako habang nakatiklop ang dalawang kamay. Napaigtad ako nang makarinig ng ingay na gawa ng kamay ni dad.

"Kaori!" dad shouted.

"Hon, relax! Let your daughter speak first!" Mom's soft voice traveled on my ears. "Why did you do it, anak?"

I told them everything. Dad as fuming mad and mom was crying. She was chanting something I couldn't understand.

"He clearly planned it. Napakatuso. At ikaw namang bata ka, napaka-uto uto mo," nagngingitngit na sabi ni daddy.

"Hon, ano ba! Don't talk to her like that."

"What do you want me to feel? Happy? Damn! This is a disgrace to our family name! Ano nalang ang sasabihin ng mga Ishida sa 'tin? Kaori's my daughter too, and I'm worried about what the people would say once they'd find out that she's pregnant and it's not Aoki's child. Ang nakakatakot pa doon ay anak ito ng isang lalaking walang dugong hapon!" litanya ni daddy na mas lalong nagpaiyak sa 'kin.

"I didn't raised you to be a fool, Kaori. What have you done?!" dad's voice roared.

"Sige na, anak. Doon ka muna sa kwarto mo, kami na ang bahala sa mga Ishida. Don't worry too much, okay? Magiging maayos din ang lahat."

"Sorry po, mommy."

Bagsak ang balikat na pumanhik ako sa itaas at pumasok sa dati kong kwarto. Kwarto ko nalang siguro ang walang kama since hindi ako tumira dito ng ilang taon. Naglatag ako ng kutson at humiga. Hinayaan ko ang sarili na umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog.

Nang magising ako ay gabi na sa labas. Malamig na rin kaya nagsuot ako ng sweater. Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ang dahilan kung bakit tunog ng tunog ang cellphone ko.

'Kaori Norhaya and Aoki Ishida wedding: The news spread like wildfire when the two elite royal families announced the early wedding ceremony of Kaori and Aoki. It is announced that Kaori Norhaya is pregnant with Aoki Ishida's child.'

Para akong hindi makahinga bigla dahil doon. It was posted six hours ago. Nanlamig ang mga kamay ko at nabitawan ang cellphone. I felt my world crushing down. Pumayag ang pamilya ni Aoki na ipakasal siya sa 'kin despite the situation? Holy damn!

When morning came, Aoki fetched me and drove me back home. Palaging wala si Aoki dahil may trabaho din ito sa kompanya ng pamilya nila. He's the eldest, too.

"The news reached the international viewers, including our company investors," I started.

Marami ang gustong mag-invest bigla at makipag-partner kay mommy at daddy dahil sa nangyari. Norhaya and Ishida's are one of the powerful families all over Asia. Kapag pinagsama ang dalawa ay mas magiging makapangyarihan pa ito.

"Many investors reached out to me too. I suggest you stay home and avoid going outside that much."

Matunog pa sa media ang pangalan naming dalawa. Panigurado ay dumog press na naman kapag lumabas ako o si Aoki. Sa pagt-trabaho ko nga sa ospital ay may iilang press pa rin sng lumalapit sa 'kin, ngayon pa kayang matunog na naman ang pangalan namin dahil sa biglaang announcement.

Nag-aalala ako. Alam kong nabasa na ni Hussein 'yon. He'll know my situation and only God knows what his plan is.

For the next few days, I made myself busy by reading books about pregnant woman.

"Manang, you'll buy groceries na?" I asked as I made my way down the stairs.

"Oo. Naubusan na kasi ako ng lulutuin."

"Okay, well, can you grab me chocolates and ice cream?"

"Oo naman, hija. Ilan ba ang gusto mo?"

"A lot that can fill the cart, manang. Thank you!"

I sat on the couch eating my last strawberry ice cream. Nagtutubig talaga ang bagang ko sa tuwing nakakakita ng ice cream at chocolate. Sarap na sarap ako noon sa dalawa, tapos ngayong nagbubuntis ako ay iyon din ang pinaglilihian. I was just sitting there looking outside. Dahil puro naman glass wall ang right wall ng bahay ko ay kitang-kita ko ang araw na tumatama sa tubig na nasa pool. Nang tumunog ang doorbell ay tumayo ako at lumapit sa gate.

"May naiwan ka, manang-" I stopped on my tracks when I saw who it was.

"Missed me, love?" he asked with a smirk. Bodyguards were surrounding him, there was a lot of them and the only thing I can do is gasped and utter the word 'no'.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top