Chapter Seven

Kaori

"HINDI ka naman yata nakikipag-live in, Kaori?" tanong ni Kady.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Kady? Hindi 'no!" agap ko.

"Bakit ang dalang mo na umuwi? Saan ka ba nagsususuot?"

"Umuuwi naman ako, 'yon nga lang tulog ka na. Late na ako nakakauwi dahil sa practice namin. Alam mo naman, paspasan na ngayon dahil this coming friday night na ang contest," sagot ko.

Totoo naman 'yon. Umuuwi ako palagi pero tulog si Kady. Busy kasi siyang tao. Bukod sa pagb-banda ay inaatupag niya rin ang paghahanap ng permanenteng trabaho. Gusto ko nga siyang tulungan para mapadali. Pero ayaw niya kaya sige, bahala na siya. She's big enough to do things on her own. I'll just be here for her if she wants me to help.

"Mag-iingat ka lang palagi. Nagtitira naman ako ng hapunan mo kapag may gig ako at inuumaga na ng uwi. Alam kong pagod ka rin galing school pero kumain ka pa rin," she hissed. "At pwede ba, linisin mo nga iyang kwarto mo, Kaori! Parang dinaanan ng super typhoon. Sobrang kalat."

I rolled my eyes. Here she go again.

"Kady, hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko!" napapadyak ako sa inis.

"Ikaw na bata ka! Gusto mo bang maging pugad ng ahas 'yang kwarto mo? Kailan ka ba magtitino?" napahawak si Kady sa ulo niya na parang stress na stress na talaga siya sa 'kin.

Nag-half day ako ngayon. Wala naman masyadong klase dahil naghahanda na ang mga teachers sa graduation ng mga estudyante. Especially, of course, kaming mga graduating na. Grad-waiting. 'Tsaka nagpapahinga ako.

"Lilinisin na nga," napanguso ako.

"Lalabas lang ako saglit."

"Sa'n ka?" tanong ko.

"Grocery. Naubusan na tayo."

Dumukot ako ng dalawang libo sa pitaka ko at inabot sa kaniya 'yon. Hati kami sa lahat. Sa kuryente o kahit sa grocery. Even the furniture, hati kami. Kaya kapag umuwi na ako ng Japan, kay Kady na lahat ng gamit rito. Gift ko nalang sa kaniya 'yong parte ko kasi inalagaan niya naman ako.

"Masyadong malaki 'yan, Kaori. Ayos na ang isang libo."

"Bilis na! Bili ka ng maraming chocolate at ice cream para may mapapak tayo habang nanonood ng movie. Boring kapag walang kinakain," ani ko.

"Popcorn 'yon 'di ba?"

"Popcorn sa 'yo kung gusto mo, chocolate at ice cream akin. Thank you, Kady. Ingat ka!"

Pumasok ako sa kwarto ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko nang makita kung gaano kagulo ito. Kady's right. Kapag hindi ko ito nalinis within this month ay paniguradong pupugaran talaga ito ng ahas.

I wore a large comfortable black shirt and a jogger pants. I tied my hair into a bun and started cleaning. Panay ang hatsing ko habang nagpupunas ng alikabok.

Plano kong ibahin ang pagkakalagay ng kama ko. Malapit kasi ito sa bintana ng kwarto at plano kong ilayo iyon ng kaunti para malagay ko sa gitna ang study table ko. Sa kabilang gilid naman ng kama ko ilalagay ang closet ko na kay bigat. Siguro magpapatulog nalang ako kay Kady mamaya pag-uwi niya. Baka madaganan pa ako ano! Death on arrival pa ako sa hospital ng wala sa oras.

Napahinto ako ng may mag-doorbell. Imposibleng si Kady 'yon. Binubuksan lang naman no'n bigla ang pinto eh.

"Hep, hep! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede rito ngayon. Naglilinis ako!" ani ko ng matagpuan ko si Hussein sa labas.

He looked so fresh with his suit. Bakit ba palaging naka-suit ang isang 'to? May bitbit pa siyang dalawang plastic.

"I can help."

"No thanks, I can manage. Baka madumihan pa 'yang suit mong kumikintab."

"Come on, sweetie. I'll help you. Why didn't you call me?"

"Hindi na nga. Kaya ko na."

Nalukot ang mukha ko nang itulak niya ang pinto at lumaki ang siwang nito. He started taking off his Rolex watch and coat then came to me after. Napatingin ako sa coat nito na nasa sofa. Nasa table naman ang dalawang plastic na bitbit nito kanina.

My heart sank when he stood right in front of me. Ang gwapo talaga. Blessed ang magiging asawa nito. Hindi ko naman sinasabing sana ako 'yon pero parang gano'n na nga. Hindi ako makapaniwalang nakasungkit ako ng sugar daddy na ganito ka gwapo, hot, rich, and tall. Kailangan niya pang dumukwang para bigyan ako ng forehead kiss. Hala ang landi.

"Tutulong ka talaga? Sure na 'yan?" panigurado ko.

Tumango lang ito. I guided him into my room and sheepishly smiled when my messy room welcomed us.

"I was in the middle of cleaning you know, kaya huwag ka ng magtaka."

"It's alright. I can do all this. All you need to do is to sit like a queen and I'll obey your orders, my queen."

"Ang usapan tutulungan mo ako, hindi paglilingkuran. Ang eme mo," irap ko kahit na sa loob-loob ay tuwang-tuwa na.

Who wouldn't be happy though? Girls deserve to be treated like a queen.

"Kaori?"

I hummed.

"Did I tell you already how much I like you?"

"Oh. Thanks?"

Kaori! You are the dumbest creature in this world. But you can't blame me though! This is my first time and I don't know how to fucking react!

He chuckled and draw near me. "Yeah, daddy likes his sweetheart. He's badly smitten over her. Badly and madly."

"Clarification lang, ano ba talaga tayo?" mahinang tanong ko.

Kaunti nalang ay alam kong mananakit na ang leeg ko kakatingala. Napaatras ako ng kaunti nang bumaba ang mukha nito at pinatakan ako ng halik sa labi. Katulad no'ng una ay para akong galing sa karera na sobrang lakas ng tibok ng puso ko. It's as if it wanted to escape from my insides. This is not good... but it felt really good.

"I don't know either, but I love being with you all the time. I want you for myself. I am a very very loyal person but gets jealous easily. Can you handle that, hm, sweetie?"

"I don't know either," I shrugged. "Do you want to date me?"

"Badly," he smirked and licked his lower lip while staring intently into my soul.

"But what if I don't want to date you?"

"Why? Planning to date another man?" he darkly asked. "Try me and see what will happen to him."

Mahinang natawa ako at hinawakan siya sa braso. Lumundag ang puso ko nang pumalibot ang braso nito sa akin.

"Ang gwapo mo," ani ko.

"So you find me handsome, huh?"

"Oo naman," tango ko.

"Damn. I really really like you," he huskily said and buried his face in my neck.

"I know," I chuckled.

"Alam mo, hindi natin 'to matatapos kapag ganito lang tayo hanggang mamaya," mayamaya ay nasabi ko.

"You belong with me, Kaori. Always remember that."

"Love, you don't own me," I whispered.

Nagulat ako nang mas humigpit ang yakap nito sa akin at bigla ay naramdaman ko nalang na nahuhulog na ako. I thought I would land in the floor, but instead I landed in a soft mattress. He put a little distance between us with him on top, of course.

"Not for now, but will definitely do."

Hussein cupped my face and gave me a peck. I thought he'd stop but he leaned in again for a kiss. But this time, it was deep and passionate. Para kaming gumagawa ng sariling himig habang nakalapat ang labi sa isa't isa. My lips hung open when he bit my lower lip, giving him the access to explore my mouth. The kiss was so deep that I can only focus on his playful tongue.

I don't know how to kiss but it doesn't matter anymore. We are enjoying and that's that.

"You look seductive underneath me. Now I want to know how would you look if I make love to you...relentlessly."

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top