Simula
This is dedicated to preycii / preaach being one of my constant! Happy birthday! Mahal kita! ♡
▶︎ •၊၊||၊|။||||။၊|• 0:00
#EverlyFabiolous #FaVe #HushedMelody #FirstTaleofSundreesoro
============================
Simula
I despised the fact that I needed to stay composed and play along with the pretentiousness of Fabio who was singing me a song.
Hayop na malanding 'to. Dito pa talaga napili na magtagal sa harapan ko.
Only if I could shoo him away, or if only I could run away. Kaso wala. Nakakulong na ako sa sitwasyon na 'to kung saan kailangan kong ngumiti sa harap ng maraming tao.
At ang gunggong, Tulad Mo ni TJ Monterde, ang paborito kong kanta at artist, pa talaga ang napiling sirain. Bakit ba kasi siya ang kinuha ng university namin para mangharana sa event na 'to? Puwede namang iyong tropa na lang niyang si Agosto, mas matino pa kaysa sa kolokoy na ito.
Not as if talentado siyang tao.
Tarantado siguro puwede pa.
"Maliligo talaga ako ng alcohol mamaya," nagngingit ngunit nakangiti pa rin na bulong ko sa kaniya, siniguro kong hindi mahahagip ng mic ang boses ko para hindi marinig ng sambayanang unibersidad na nanonood sa amin ngayon.
The urge to wipe my hand that he was holding seeped through me, but still, I pretended to be touched while being sung by him.
"Malinis ako, binibini," ganting bulong niya sa akin matapos alisin ng panandalian ang mic sa bibig niya.
"Not when you touched multiple girls before me," I argued, still fake smiling.
"Selosa," bulong niya.
Nabura sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon dahil sa biglang pag-ugong ng hiyawan ng mga tao. Pinangingibabawan iyon ng hiyaw ng mga kababaihan na may kasama pang paghampas sa mga kasama nilang kaibigan.
Halata sa mukha at reaksyon nila na kinikilig sila dahil sa ginawa ni Fabio. Para na silang mga baliw at ang iba pa nga ay nasira na ang banner na dala-dala dahil sa ligalig.
Ang mukhang tilapia kasing si Fabio, dinungisan lang naman ang likod ng kamay ko sa pamamagitan nang paghalik doon.
Feeling ko ang lansa-lansa ko tuloy!
Nagpupuyos sa galit ang loob ko pero pinilit ko pa ring ngumiti sa harap ng mga tao. Kung hindi lang talaga para sa pageant na 'to, may sampung hibla ng buhok si Fabio sa kamay ko dahil sa sabunot.
"Sana all," bulong ni Yrah, candidate number 3, kaibigan ko at ang salarin kung bakit ako nakatayo sa stage na ito at naririndi sa boses hi Fabio.
Ipa-register ba naman ako sa pageant ng college namin. Eh, hindi ko naman expect na mananalo ako kaya ang ending, sa Miss Eufrancia Colleges Inc. ang bagsak ko.
Like, hello? Paano naman ang nararamdaman ko?
"Mandiri ka, Yrah. May kasalanan ka pa sa akin." Nakangiti akong humarap sa kaniya at inirapan siya bago ibinalik ang aking tingin sa harapan.
I just wished no one would capture what I did. Baka sandamakmak na pangba-bash na naman ang matanggap ko sa mga babaeng may ayaw sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit parang ang daming galit sa akin. Hindi naman ako sikat pero may mga nakakakilala sa akin dahil malapit ako sa tropa nila Fabio.
"Arte nito, ikaw na nga ang nilalandi," hirit pa ng gaga. "Malay mo si Fabio pala ang sagot sa NBSB-curse mo."
Hindi ko na siya sinagot. Pinanood ko na lang si Fabio na tinatapos ang kanta. Thank, heavens!
Actually, maganda ang boses niya at magaling siyang kumanta. Nakaka-enjoy siyang panoorin at pakinggan.
Hindi totoong hindi siya talentato pero totoong tarantado siya.
But I would never let myself compliment him in any way, more so in his singing. At never kong ipaparinig sa kaniya ang mga papuri ko. Baka lalong lumaki ang ulo at lalo akong hambugan sa mga babaeng naghahabol kuno sa kaniya.
Hindi ko naman siya gusto.
"Wow, what a lovely performance from our very own Fabio Sindayen of Sundreesoro band!" the emcee proudly credited.
I almost rolled my eyes when Fabio waved a few times before turning his back on the crowd and not saying anything to them. Suplado kahit kailan.
Paano nakakapaglandi ang taong ito sa kasumpladuhan niya? Nagwo-wonder pa rin talaga ako kung paanong kinikilig ang mga kababaihan sa kaniya, eh, ang suplado naman sobra. Hindi nga ngumingiti iyan, eh. May showmanship lang talaga kapag nagper-perform kaya parang may alter ego at nag-iiba ang pagkatao.
Sinadiya niyang dumaan sa harapan ko at magbagal nang paglalakad sabay bulong, "I'll wait backstage." Hindi na ako nakasagot dahil nilagpasan na niya ako.
Hirap talaga tantiyahin ng ugali nitong lalaking ito, eh, kahit kailan. Minsan matino, minsan naman suplado, at madalas malandi.
Tulad ngayon. Activated yata ang flirting emotion niya kaya ang harot mula pa kanina.
At anong backstage?! Anong gagawin sa backstage?!
Halos hindi ko na magawang maintindihan ang sunod na nangyari sa stage na iyon dahil natuliro na ako sa iniwang salita ni Fabio. Hayop na lalaking iyan!
Ang galing talagang manggulo ng isip!
Nagising na lang ako sa siko ni Yrah sa gilid ko. "What?" I asked, still trying to get my senses back.
"Bruhang 'to, tawag ka sa harap!" pasigaw niyang sabi habang bahagya pang nanlalaki ang mga mata.
"Bakit?" Pinagkunutan ko siya ng noo.
Imbes na sa kaniya ko makuha ang sagot sa naging tanong ko, ang anunsyo ng emcee ang nagbigay ng kaliwanagan sa isip ko.
With eyes widened in shock, ears filled with cheers and claps from the crowd, and fellow contestants showering me with praises and congratulatory messages, I took small and careful steps toward the center stage.
"Looks like candidate number 2 is still processing things. Let us once again give a round of applause for contestant number 2, Everly Bless Mateo, our newly crowned Miss Montessori Colleges!" she announced.
I was still dazed, processing things when the former queen placed a crown on my head as she whispered congratulations in my ear.
After a few picture taking session with the other crowned ladies sumugod na sa stage ang mga ka-block ko para sa picture taking.
"Grabe, nanalo na nga kay Fabio nanalo pa ng title! Ikaw na, Everly. Pinagpala ka talaga!" pasigaw na wika ni Daryl, ang kaklase kong on her way to transitioning into a woman.
Binalewala ko na lang ang pangalang binanggit niya. Nagkaniya-kaniya sila ng puwesto para mahagip ng camera sa harapan.
I was trying to be genuine in my interactions with them and remained smiling even though my mind was traveling backstage. Knowing na naghihintay roon si Fabio, nangangati na ang paa ko na puntahan siya dahil mababaliw na ako kaiisip kung anong kailangan niya.
We rarely even talk, kapag malandi lang siya at trip niya. Kaya nakaka-bother kung anong pakay niya sa akin.
"Magpapalit lang ako," paalam ko kay Lie, ang president ng block namin. "See you tomorrow na lang."
Mabilis naman siyang tumango. "Go lang. Bukas na lang, pahinga ka na rin and congrats."
Nag-thumbs up lang ako bago umalis na. Gabi na rin kasi kaya for sure, kating-kati na rin umuwi ang iba sa kanila. May attendance lang kaya napilitang manood ang lahat.
I didn't waste any second and went straight ahead to the back stage. Nandoon na rin ang ibang contestant at nagpapalit na.
Dumiretso ako sa pop-up dressing room na naka-assign sa akin. Hindi na ako nagulat nang makita roon si Fabio na nakaupo sa portable chair ko.
"Si Dae?" tanong ko, tinutukoy ang kapatid niyang katulong ko sana sa pagbibihis ngayon.
"Nag-CR," simple niyang tugon. "Congrats," he added soon after.
"Thanks," I replied.
Pinanood ko siyang tumayo at doon ko lang napansin ang kumpol ng daisy na hawak niya. Inabot niya iyon sa akin ng walang binibitawang salita.
I was hesitating at first, baka may ulterior motive ang kolokoy na ito. Mahirap nang mapasubo kaya kailangan mag-ingat all the time.
"Walang lason iyan. Gusto lang kitang i-congratulate," depense niya agad kahit na wala pa akong sinasabi.
"Defensive," I murmured. Pinaikutan ko muna siya ng mga mata ko bago tinanggap ang bulaklak.
Namulsa siya at sinalubong ang mga mata ko. Ilang segundo ang hinayaan niyang lumipas na magkatitigan lang kaming dalawa, parehong hindi nagsasalita.
I don't know why but as seconds passed by, my heart started to beat loudly. Kahit ang katahimikang madalas namang nakapagitna sa amin ay ang awkward ngayong gabi.
I don't find the situation awkward, I just find it somehow uncomfortable. Lalo na sa tinging ibinibigay niya sa akin. Para kasing may gusto siyang sabihin.
Kasalanan talaga ito ng halik niya sa kamay ko, eh! Bakit kasi ang harot?!
"May sasabihin ka pa? Magbibihis na ako at masakit na ang paa ko," tanong ko.
Umiling siya sa akin. "Tatawagin ko lang si Dae para tulungan ka. Ihahatid na kita pauwi."
Hindi na naman niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot pa dahil sa sunod niyang ginawa.
I froze, it even felt like I lost all my senses on my nerves. But this dumbass acted normal as if he didn't just lean closer to me.
Halos limang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. At ang mokong, nakapamulsa pa at hinid man lang yata apektado sa ginagawa niya.
Halos maduling nang magbaba nang tingin sa ngiting iginawad niya sa akin. "Congrats, queen," he whispered almost inaudibly.
Nanlaki ang mga mata ko nang mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Out of fear, I closed my lids tightly.
But in contrast to the silence of the darkness my closed eyes had given me, the beating of my heart continued loudly. Lalo pang bumilis iyon nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa mga labi ko.
Hanggang sa... ang malambot na labi na niya ang sunod na dumapo sa gilid ng mga labi ko.
==========================================================================
Tales of Sundreesoro is my first ever band series. Thank you po agad sa pagsuporta. Please also know that I am still learning and figuring things out with my writing. Thank you for joining me in this journey.
I appreciate you! ♡
with endless love & gratitude,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top