Kabanata 9

Dear you,
Thank you so much for reading!

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 1:15

Kabanata 9
Music Fest

Music fest came like a fast bullet. At hindi ko inaasahang mag-e-enjoy ako ng sobra.

Everyone is vibing with the music, singing along with every lyric. Gusto ko nga rin sana makisabay kaso hindi ko naman alam at ngayon ko lang mapakinggan ang kanta.

All I know is SUD ang pangalan nang kumakanta sa ibabaw ng stage. It's my first time hearing their song and it's good. Ang sarap sa tainga at ang gaan lang pakinggan. Para ka niyang hinaharana.

"Sino ba 'yang ka-text mo?" tanong ni Fabio sa akin.

Nakatayo siya sa likod ko. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Sa kanan ko ay si Dolly at sa likod naman niya nakatayo si Ten. Sa kaliwa ko naman ay si Yrah katabi ang kambal niyang si Cheenee. Beside Cheenee is August while on Yrah's back stands Indigo. Si Chrisam at Dakila naman ay magkatabing nakatayo sa gilid ni August.

We are occupying a lot of space pero medyo siksikan pa rin dahil sa rami ng taong nanonood. I didn't mind, though. Nakaka-enjoy kasi makinig. Mabuti na lang at nasa bandang unahan kami kaya kita at napapanood namin ng maayos ang mga nagpe-perform.

Pare-pareho pa kaming mga naka-college shirt lahat dahil friday ngayon at 'yon lang ang required na uniform. Para tuloy kaming mga sugo ng Montessori dahil sa suot namin.

Kaso ang kalutangan ko na naman ang umiral ngayon at napili ko pang magsuot ng pencil cut na maong na skirt imbes na pantalon na lang sana para mas komportable.

"Si Real," sagot ko kay Fabio. "Nagtatanong kung anong oras daw ako uuwi."

"Hind ka ba nagsabi?" tanong naman ni Dolly, nakatingin pa rin sa harapan.

"Nagsabi naman. Nagpaalam din naman ako kay Tito." Ngumiwi ako sa kaniya. "Baka nag-aalala lang," hindi siguradong saad ko.

"Wow, jowa," komento ni Dolly na inirapan ko lang.

Real's close to being my family kaya hindi nakakapagtaka ang pag-aalala niya. Plus the fact na gabing-gabi na. It's one hour before midnight kaya mag-aalala talaga yon dahil wala pa ako sa bahay.

Nag-alok naman sina Dolly at Fabio na ihahatid kami pauwi ng kambal kaya walang problema kay Tito Felix kung ma-late man ako. Ipinaalam din naman ako ni Dolly sa kanita.

I looked at my phone again and read Real's reply to my message.

Reyalidad

SAT AT 11:03 PM

Sabihan mo ako kung uuwi ka na. Sunduin kita sa kanto.
Hindi suggestion to.
Utos to.

Yes po, bossing.

PS. hindi nakakapogi ang cold typings.

Call me kung hindi ako sumasagot sa chat.
Make sure to be safe, Everly.

Oki oki, chill.

Kasama ko tropa, wala kang dapat ipagalala

Binulsa ko na ang phone ko matapos i-send ang reply ko para hindi mahati ang atensyon ko sa pakikinig ng kanta. Saktong tapos na ang pag-set up para sa bagong kanta no'ng banda.

At sa unang bagska pa lang ng gitara, agad na akong napahanga. Nakapikit pa ang frontman habang nakangiti. Na para bang kaniyang dinadama ang lamyos ng musikang kanilang ginawa.

Ngunit hindi ko inaasahang mas lalo kong mag-e-enjoy nang kumanta na siya.

Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

"Anong title niyan?" tanong ko.

Bakit ba ngayon ko lang na-discover ang SUD? Ang ganda ng mga kanta nila! Ang sarap ulit-ulitin!

"Sila." sagot ni Fabio.

"Ha? Iyong kanta, anong title kako?" pag-ulit ko.

Mahinang tumawa si Fabio. "Sila nga. 'Yon ang title." Magaan niyang kinurot ang pisngi ko.

Hindi ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
'Di mapigilan ang bigkas ng damdamin

I was surprised to hear the crowd sing along. At hindi maitatangging ang sarap sa pandinig no'n. Their voices compliment one another. Lalo na't mas nangingibabaw ang boses ng mga babae.

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

"Shet, ang ganda ng lyrics," mangha kong sabi.

Mataman kong pinagmasdan ang kumakanta. Nakangiti rin siya. Kaya hindi ko rin maiwasang mahawa't mapangiti na rin.

As music is one thing that is already linked to my life, I grew to be more observant of the lyrics. Iba kasi kapag naiintindihan mo kung ano ang nais iparating ng kanta. Kaya mas lalo akong napapamahal ng sobra.

That's also why, through the lyrics of the song, I feel loved. Idagdag pa ang katotohanan ramdam ko rin ang sinseridad nang pagkanta ng bokalista. Para ka niyang inaalayan ng kanta.

Tinawanan ako ni Dolly. "Time for detachment na siguro sa Day6, mare. Makinig ka naman daw ng OPM."

"Nakikinig naman ako, 'no," depensa ko.

"Nakikinig ka nga, paulit-ulit lang naman. Kung hindi I Belong to the Zoo, TJ Monterde, o kaya Ben & Ben lang ang laman ng playlist mo."

I rolled my eyes on her. "Excuse me. May iba akong pinapakinggan, ano."

"Ano naman 'yon, aber?"

Kibit-balikat ang naging sagot ko na tinawanan lang niya. Ayoko ngang sagutin. Mamaya gawan na naman niya ng issue.

Knowing her, baka kapag nalaman niyang kay Fabio ang pinapakinggan ko, eh, isipin niya na hindi pa ako nakaka-move on sa puppy crush ko sa Kuya niya.

Masyadong malisyosa.

Eh, maganda naman kasi talaga ang boses ni Fabio. I have a folder of saved recorded songs of Fabio. The unreleased ones. Kahit matagal-tagal na rin simula nang tumigil sila sa pagtugtog ay hindi ko pa rin binubura ang mga 'yon.

It heals me everytime I hear their honest music. There's this rawness that made it easier for me to connect with the message they are trying to say through their songs. Magaling kasi magsulat ng lyrics si Ten na kadalasang sumusulat para sa banda.

But Fabio has his own compositions, too. And each song contains a story of him that the world still doesn't know about. Kahit ako, hindi ko rin lubos na maintindihan. Lalo na't malalalim ang gamit niyang mga salita.

"Makinig na lang kayo. Appreciate the music," singit ni Fabio sa uspan namin gamit ang masungit niyang boses.

"Init ng ulo." Napairap na naman ako. "Kung lumayo-layo ka sa 'kin para lumamig 'yang ulo mo."

Kahit kailan talaga ang init ng ulo. Panira ng moment, eh. Palagi na lang galit ang bira. Daig pa araw-araw na nireregla. Pinaglihi talaga 'to sa sama ng loob, eh.

"Kanina pa ako sa likod mo, ngayon ka lang nagreklamo," sarkasmo niya sa akin.

"Duh, shield kita kaya hindi ako umaangal. Iyan ang papel mo kung bakit hinayaan kitang tumayo d'yan. Pero hindi kasama sa usapan ang may hawak-hawak." Pinalis ko ang kamay niya sa magkabilang kong balikat.

"Kunwari pa," bulong niya. "Gusto naman niya."

Sumimangot ako't hindi na nagsalita. Mas lalo lang hahaba ang bangayan namin kung papatulan ko pa.

Isa pa, baka ibuko ko na lang ang sarili ko at mapa-oo sa kaniya.

But my patience was tested again. Ang kaninang simpleng pagkakapatong lang ng kamay niya sa balikat ko ay nilipat niya sa ibabaw ng akin ulo. Ang dalawang siko niya na ngayon ang nasa balikat ko habang ang baba niya'y nasa ulo ko at nakapatong sa magkasiklop niyang mga kamay doon.

"H'wag mo namang ipamukha na 6 footer ka, Fabio. Insulto ka sa 5"2 kong height," reklamo ko. Gawin ba naman akong patungan. Baka mamaya hindi na talaga ako lumaki nito.

"Okay lang 'yan. Para hindi ka mawala," sagot niya kabuntot ang isang halakhak.

"Hay, nako, Fabio. Kung isa 'to sa 10 steps mo para pakiligin ako, inform lang kita na hindi effective. Kay Real pa lang na OA sa pagiging touchy umay na ako. Iritasyon na lang ang nararamdaman ko," mahabang lintanya ko sa kaniya.

Naramdaman kong natigilan siya pero hindi ko na masyado pang inintindi. Nag-focus na lang ako sa performance ng SUD na kasalukuyang bine-bless ang tainga ko sa maganda nilang kanta.

Fabio's silence went on for a long time. Hanggang sa matapos ang pangatlo at pang-apat na kanta ay tahimik lang siya. Unti-unti na ring lumuwag ang pagkakadikit niya sa akin hanggang sa umalis na siya sa puwesto niya at tumayo na lang sa likod ko.

Dala ng pagtataka, hinarap ko siya't tiningala. Nabungaran ko ang salubong niyang mga kilay at madilim na mga mata. Ang talim pa kung tumingin sa kawalan. I doubt he was listening to the last song of SUD. Mukha kasi siyang wala na sa wisyo.

I waved my hand in front of his face to get his attention again. "Okay ka lang?" nagtataka kong tanong.

Ang kaninang tingin niyang nasa kawalan ay napunta sa akin. "Everly," malalim ang boses na sambit niya.

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Anong nangyari sa 'yo?"

Sinalo at ginantihan ko ang talim ng tingin niyang nakapako sa mga mata ko. Kung makatingin naman kasi akala mo may kasalanan ako sa kaniya.

"Problema mo ba?" tanong ko ulit sa mas mataas at mas matigas ng tono.

Fabio let go of a sigh. "Nothing," he answered.

Hindi pa rin nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Maging ang talim nang tingin ko sa kaniya ay nananatili pa rin.

Muli siyang nagbuntonghininga. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap ulit sa stage.

He placed his hands on my shoulders again. But the difference this time is... his body is much closer than earlier.

Naramdaman kong bumaba ang ulo niya sa may tainga ko. "Sorry," he whispered softly... almost inaudibly.

Baka ayaw iparinig sa kapatid niyang abala pa rin sa panonood at pagkuha ng video sa stage.

I didn't reply.

Nakahalukipkip na pinagpatuloy ko ang panonood habang ang isip ko ay abala na binabalikan ang naging usapan naming dalawa. Wala naman akong makitang mali ro'n.

Ang labo talaga ng lalaking 'to kahit kailan.

"Let us all welcome, TJ Monterde!"

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling kinuha ang phone ko. Mabilis na itinutok ko 'yon sa stage para video-han si TJ.

Dahil sa pagkilos ko ay mas lalong nagdikit ang katawan namin ni Fabio. But I was already too busy to mind our skin touching. Kaya hindi ko na napansin na halos nakasandal na pala ako sa kaniya.

"Ang pogi, 'te!" kinikilig na sabi ni Dolly sa akin.

Kinikilig na tumango ako, sumasang-ayon. Tinuon ko ang buo kong atensyon kay TJ na nasa gitna na ng stage ngayon.

Feeling ko nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ang pogi talaga! Ang ganda pa ng boses!

"Magandang gabi, Tarlac!" bati niya.

Nakabibinging hiyawan ang naging tugon ng mga tao. I was grinning from ear to ear while looking at him. Ang bilis na rin nang tibok ng puso ko dahil sa 'di maampat na kilig!

Unang bitaw pa lang niya ng linya ng Ikaw at Ako ay mas umingay pa ang paligid. And that includes me screaming on top of my lungs!

"Shet, Dolly! Ang lakas ng dating!" Nahampas ko ang braso niya sa kilig.

Hindi naman niya ininda 'yon at gumanti lang sa pamamagitan nang pag-alog sa braso ko. "Ang pogi, mare! Omg! TJ!"

I felt like doing the same as the other girls. Gusto ko ring tumili dahil sa kilig. Pero kinuntento ko ang sarili ko sa pagkuha ng video niya.

"Nabaliw na," bulong ni Yrah.

Mahina akong natawa. I looked at Dolly beside me. And I couldn't help but to agree with Yrah.

Mukha kasing gusto nang talunin ni Dolly ang barricade para akyatin sa stage si TJ Monterde. Fan na fan kasi siya kaya si OA ang drama niya.

Mas fan pa siya kaysa sa akin. Dinamay lang din naman niya ako kaya ang ending, dalawa na kaming poging-pogi kay TJ Monterde.

Even the crowd went almost out of control. Nagsimula na kasi ang mahihinang balyahan at tulakan mula sa likod dahil sa mga gustong makalapit sa stage.

"Usog kayo dito. Baka matulak kayo," agap ni August.

Siya kasi ang nasa dulo at may kaunting espasyo pa ro'n. Hindi na nagdalawang-isip sila Indi at Kila na i-guide ang kambal doon.

Even Fabio held me in my arms to gently pull me towards the others. Gano'n din ang ginawa ni Ten kay Dolly.

"Grabe ang mga people," natatawang komento ni Cheenee.

"Ganyan talaga. TJ Monterde 'yan, eh," segunda ni Yrah sa kambal.

I didn't pay much attention to their conversation. Nanatiling tutok ang mga mata ko kay TJ Monterde.

Shet talaga! Ang pogi!

Pakinggan mo ang tinig ko
Ooh, 'di mo ba pansin?

Mas lalong umingay ang pagsabay ng mga tao sa pagkanta niya. Para na tuloy akong maiiyak sa sobrang tuwa dahil ang sarap sa tainga.

Napangiti ako sa todo bigay na pagsabay ng audience sa kanta, bigay todo pa. Grabe! Sa TikTok at Spotify ko lang naririnig 'to, eh!

"Dolly," Ten warned.

Binalingan ko si Dolly na mukhang gusto nang makisabay sa alon ng mga tao papunta ng stage. Unti-unti na kasing lumalakas ang tulakan mula sa likod. Even the barricades are getting pushed by the force of the people.

"Dito ka lang," segunda ni Fabio. Binigyan niya nang nagbababalang tingin si Dolly na mukhang gusto pang magreklamo.

Ten put his arms on Dolly's shoulder. "Stay still. Matulak ka pa d'yan."

"Hindi ko makita, eh," reklamo ni Dolly.

"Ang tangkad kasi, eh," bulong ko.

"Wow, tangkad ka?" sarkasmo niya sa akin.

"Ha? Ano, 4"11?" pang-asar ko.

Inirapan lang niya ako.

I laughed before I took my eyes off of them and looked at the stage once again. Pero dahil nausog kami ng p'westo, bahagya nang natatakpan ng matangkad na lalaki sa harapan ko ang magandang view ko na sana kanina.

Kita ko pa rin naman siya, pero hindi na masyado kung ikukumpara kanina.

Taas na taas ang kamay ko para maayos na ma-video-han si TJ sa ibabaw ng stage. To my surprise, kinuha ni Fabio ang phone ko. Hinila niya rin ako palapit sa kaniya hanggang sa mapasandal na ako sa kaniyang dibdib.

From over my shoulder I saw how Fabio extended his arms to find the best angle to capture the stage. "Apak ka sa paa ko," bulong niya.

"Ha?"

Nag-angat ako nang tingin sa knaiya. Nakayuko siya para magsalubong ang mga mata namin.

"Apak ka sa paa ko para hindi ka mangalay kakatingkayad. Hindi kita p'wedeng ipasan sa likod ko. Naka-skirt ka. At baka hindi na makita ng mga nasa likod," paliwanag niya.

Para akong nahipnotismo. I found myself following Fabio's words. Inapak ko ang paa ko sa sapatos niya kaya nadagdagan tuloy ang tangkad ko kahit papa'no.

But in the same process of doing that... I found my body fully leaning against chest.

Damang-dama ko na tuloy ang init ng katawan niya na yumayakap sa akin. But I couldn't find any discomfort. In fact, kabaliktaran pa ang nararamdaman ko.

Komportableng isinandal ko ang sarili ko sa katawan niya habang pinakikinggan ang isa sa mga paborito kong kanta.

Taliwas sa ingay nang tibok ng puso ko dahil kay Fabio at sa lapit namin sa isa't isa.

"Comfortable?" Fabio asked gently. His warm breath fanned the side of my face.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Unti-unti nang natatalo ng ingay nang tibok ng puso ko ang malakas na musika. I can't even enjoy the song of TJ Monterde anymore for my heart was creating a more beautiful melody because of the man behind me.

A very familiar melody that I thought I had long forgotten and had already died.

God... I'm doomed.

"Hmm," was the only answer I could utter.

I felt the vibration of his chest when he chuckled. "Lean on me if you want. Okay lang."

Bago pa ako makapag-isip ng tama ay nagawa ko na ang suhestiyon niya. I leaned on Fabio's hard chest... feeling the warmth of his body even more. Halos nasa leeg na niya ang ulo ko kaya ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa pisngi at leeg ko.

I found myself singing along with the lyrics of Ikaw at Ako. Kahit ang mga katabi ko ay nakikikanta na rin.

I can't help but smile hearing the harmony the crowd, the artist, and my friends are creating. Ang sarap pakinggan. Halos mawarak na ang labi ko sa lawak ng aking pagkakangiti.

Hindi ko magawang mapangalanan kung ano ba itong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tuwa ba ito o saya. But hearing such beautiful music was like a pat on my shoulder. I can even feel myself feeling loved through the song.

Parang ang sarap magmahal.

Fabio encircled his arm across my shoulder for an embrace as he sang the song right in my ear.

Na ikaw at ako, oh-oh, ooh-woah, oh
Tayo'y pinagtagpo

F

or a reason I couldn't name, I found myself in tears while listening to such amazing harmony. Mas lalong gumanda ang kanta sa pandinig ko nang mangibabaw sa aking pandinig ang boses ng mga kaibihan ko.

Lalo na ang boses ni Fabio.

Lalo na ang boses ni Fabio.

Maybe it was because of the good music.

Or the touching lyrics.

Or maybe because, deep inside me... I could relate to it.

"Everly..." he breathed.

Even before I could stop myself, I looked at Fabio. He flashed me a smile when he gently rubbed my right cheek with the warmth of his palm using the same arm embraced around my shoulder.

Mas lalo tuloy umingay ang bawat tibok ng puso ko. Mas lalo akong nabingi sa katotohanang hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin ako ni Fabio ng ganito.

"I'm sorry," hinging paumanhin niya.

Kulang man sa konteksto, buong puso ko iyong naintindihan.

Dahil tulad ng liriko ng kanta, simila pa noon at magpasahanggang ngayon... naroon pa rin iyong pagkakaintindihan na sabay naming nilimot dalawa.

Ikaw at ako, oh-oh, ooh-woah, oh
'Di na muling magkakalayo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top