Kabanata 8

Dear you,
Happy holidays!

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 0:00

Kabanata 8
Passenger Princess

The loud chitchats around me remained as an inaudible voices in my head. Masyadong maraming laman ang isip ko para intindihin pa sila. I was sketching the new logo for our business plan. Pero ang pagtuunan 'yon nang pansin ay hindi ko magawa ng buo dahil mainit ang ulo ko.

For sure, my blockmates are ranting for the same thing. Nakakairita naman kasi.

"Walang puso talaga si Sir Miko. Kaya walang may gusto sa kaniya, eh," dinig kong sabi ng ka-block ko.

"Jusmiyo, my friend! Pagod na ang tasa ko sa gabi-gabi kong pagkakape. Sampu na rin ang alarm ko sa phone dahil baka hindi ako magising sa kakapuyat dahil sa kaniya!" reklamo pa ng isa.

"Baka maging anemic na ako nito sa sobrang puyat sa bawat requirements na pinapagawa niya." Narinig ko ang pagpapadiyak ng isa. "I need a break!"

I guess everyone feels the same.

Research on 15 brands, businesses, or products that are banned in other countries. Site the reasons why they were banned. To be submitted and reported by the next meeting.

 'Yan ang bumungad sa akin at ang nagpainit ng ulo ko pagkagising na pagkagising ko pa lang kanina. Announcement ng professor namin, si Sir Miko, sa MS Teams ng subject namin sa kaniya. 

Hindi ko pa nga nababawi 'yong puyat ko na dahil din sa kaniya, may dinadagdag na naman siyang sakit ng ulo.

I hate you, Sir Miko!

"Bless," tawag sa akin ni Renz sa pangalawa kong pangalan.

Ka-block ko na siya simula first year at himalang hindi pa rin kami naghihiwalay. Siguro baka tulad ko ay panay A lang ang section na kinukuha.

"Yes, po?" Tinanggal ko ang earphone na nakapasak sa tainga ko at tiningala siya.

Naka-indian seat kasi ako sa sahig. Nakapasok naman ang legs ko sa loob ng kulay green at checked na palda ko kaya hindi ako masisilipan o ano. Hinubad ko rin ang 2-inches black heels ko sa tabi nang inuupuan ko.

May on-going class pa kasi sa room 204 na room namin para sa 10 o'clock class kaya hindi pa kami makapasok. Nakatambay lang tuloy ang block namin sa labas habang naghihintay.

"Iyong report mo, hinahanap na ni Sheena para ma-compile na daw niya para next week," sabi niya.

Kumunot ang ko ko sa kaniya. "Ha? Eh, nag-send na ako sa kaniya kagabi pa kasi nga nagmamadali siya."

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko, pinapasabi lang niya. Kausapin mo na lang."

Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo. Kinumbinsi ko ang sarili ko na tumayo kahit na kahit na ayaw ko pa sana. Sinuot ko na ring muli ang heels ko at nilapitan si Sheena na nakikipagtsismisan sa mga kaibigan niya.

"Sheena," tawag ko.

Maarteng tinanggal niya ang airpods niya. Maarteng kinurap rin ang kaniyang mga mata sa akin. Mukhang nagfe-flex lang ng eyelash extension niya.

Mas nagmukha tuloy siyang higher year.

"'Yong report ko, madam, s-in-end ko na sa 'yo sa email," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang sarili na magkunot ng noo. "Around six ako nag-send."

"Wala man akong na-receive, eh. Baka mali ka ng email na pinag-send-an," sagot niya.

Mas lalong nagkunot ang noo ko. "Baka mali ang binigay mong email naman?"

Paano ako magkakamali ng email na pinag-send-an, eh, nag-copy paste lang naman ako ng chat niya. There's no way na magkakamali ako. Unless sasadiyain niya na mali ang email na ibigay sa akin.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong grupo niya. Ag hindi nakalampas sa paningin ko ang tinatagong ngisi nila.

Of course. Hindi na dapat ako nagtaka. Kung mayro'n lang "Everly Haters Club" isa na sila sa members no'n. Para namang ginawan ko sila ng masama. To think na hindi naman nila ako personal na kilala.

Si Sheena lang naman ang kaklase ko. The rest, sa 3C na at 3D. Sadiyang trip lang talaga nila na magsama-sama tuwing wala pang klase kaya madalas na nakagrupo sila.

Agad na umakyat ang inis sa ulo ko. Bakit ba parang sinasabutahe ako ng mundo?

Noong nakaraang linggo si Dianne na nagpapa-revise ng branding. Tapos ngayon naman 'tong si Sheena. Idagdag pa si Sir Miko na dagdag sa stress.

Gusto ko lang naman gr-um-aduate ng may laude pero bakit sinusubok naman ako everyday ng mga tao sa paligid ko?!

"Send ko na lang ulit mamaya sa messenger na lang," sabi ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Tumalikod na ako at binalikan ang kaninang p'westo ko. Kinuha ko ang backpack ko at sinabit iyon sa balikat ko.

Ang arte-arte naman kasi. Ang gusto pa kasi ni Sheena sa email kami mag-send ng file para raw hindi mahirap hanapin. Anim kasi kaming magka-group sa reporting kaya baka raw malito siya.

Ayaw din naman niya na gumawa kami ng GC sa messenger dahil naka-deact daw siya last week dahil nagtatago siya sa boyfriend daw niya. My goodness.

"What's with the long face?"

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan. I was on the last two steps when a man stopped in front of me. Sa harap ko ay nakatayo si Fabio na mukhang paakyat naman.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nakatingala siya sa akin habang nakababa ako nang tingin sa kaniya. Pareho naming hawak ang dark brown na kahoy na hawakan ng hagdan.

"Inutusan ako ng Dolly," sagot niya. Inabot niya sa akin ang isang paper bag.

Kinuha ko 'yon at sinilip ang laman. A denim jacket is inside. Nanghiram kasi ako para sa lakad namin ni Mama pag-uwi niya sa susunod na linggo. "Thanks." Bumaba na rin ako ng hagdan at tiningala siya. "Nandiyan ka na rin lang, samahan mo ako sa canteen."

Hindi ko na siya hinintay sumagot. Hinawakan ko siya sa braso at hinila patungo sa direksyon ng canteen. Komportableng sinampay ko ang braso ko sa braso niya at tinangay siya sa gano'ng paraan. Wala naman siyang kahit na anong reklamo at nagpahila lang sa akin. 

"Hindi ka ba nahihiya? Ikaw lang ang nag-iisang naka-CE na uniform, oh," saad ko pagkaraan.

Lahat kasi nang nadadaanan namin mga naka-green checkered na palda at long sleeves na puti. Samantalang siya, naka-polo shirt lang na may logo ng Montessori Colleges sa may left part ng dibdib niya at maong na pantalon.

Iyon lang kasi ang required uniform nila from Mondays to Fridays. Dress down naman tuwing saturday kaya kahit ano na lang ang suotin ng mga estudyante okay lang. That includes our college. Kapag friday naman, college shirt ang susuotin.

"Anong nakakahiya?" Pinasadahan niya nang tingin an kabuuan niya. "Pogi pa rin naman ako."

Automatically, I rolled my eyes on him. "Kapal." Pabalya kong binitawan ang braso niya.

Fabio laughs. And in a heartbeat he's able to grab my hand and circles it again on his arm. "Why? Gusto mo nga akong makasama," aniya pa.

"Ang kapal talaga. Sino ka naman d'yan? Hindi mo man lang naisip na no choice ako dahil ikaw 'yong paharang-harang sa daan ko? Taas ng confidence natin, ah?" 

In a subtle movement, almost unnoticeably, Fabio tapped my hand that is encircled on his arm. "Chill. Ang OA. Baka isipin kong defensive ka."

Natigilan ako ng bahagya. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa ginawa niya kanina. My rational thoughts are shouting for me to get my hand off of him. Pero ang lapastangan kong kamay, kapit na kapit pa sa braso niya!

This is so not me! This is so not me!

"Kapal naman ng libag mo sa mukha," ang nasabi ko na lang.

"Diring-diri?" natatawang sagot niya.

I gritted my teeth and forced myself to regain my lost senses. Binawi ko ang kamay ko at umaktong pinapagpag 'yon sa ere.

"Wow, ha? Malinis ako," sarkasmo niya sa 'kin.

"I know. This is me protecting myself," I rebutted.

"Protecting yourself? So, aminado kang affected ka sa charms ko?" Fabio wiggled his eyebrows at me.

Rolling my eyes is my response. "Baka mamaya ma-reveal pa na ako 'yong ka-couple shirt mo sa MC. Mahirap na, dapat lagi tayong maingat," depensa ko. "Kawawa naman ako. Of all people, sa 'yo madidikit ang pangalan ko."

"Ano naman? Eh, ikaw naman talaga 'yon?"

Pagtingala ko ay nakita ko ang kunot niyang noo. Sinimangutan ko lang siya at hindi na sumagot. Baka humaba na naman ang usapan namin. Hindi rin naman kami magkakaintindihan dahil nagsasabong lang kami.

"Tell me, anong mali kung malalaman ng ibang tao na ikaw ang kasama ko sa litratong 'yon?" pangungulit niya. "Swerte mo na nga, eh."

Mas lalong nalukot ang mukha ko. This is what I hate about him most. Masyado siyang GGSS. wala namang umaangkin ng titulo niya sa pagiging gwapo dahil katotohanan naman 'yon talaga. Pero ang marinig mismo galing sa bibig niya ang pagbubuhat niya ng sariling bangko, 'yon ang nakakairita.

What's odd about his attitude is... he's normally not like this. Tahimik lang naman kasi talaga siya at hindi namamansin. But moments like this from him is something that I often witness. Kaya iritang-irita ako everytime.

"I just want to spare myself from the unsolicited judgments of your fangirls. They don't like me as much as they enjoy shipping you with Hailey," I ranted.

"I don't have fangirls," tanggi niya.

"Tell that to your followers on Facebook na paborito akong gawing midnight snack nang tsismisan nila."

Nakakagigil talaga t'wing naalala ko kung paano nila ako sabihan ng kung anu-ano. As if naman inaagaw ko si Fabio sa favorite nilang si Hailey.

They even have a ship name for them. But, hello? Everly Fabiolous sounds way... way better and lovelier than the ship they are campaigning like a sacred name, FHail. F nga lang ang ambag ni Fabio.

Nahinto si Fabio sa paglalakad. Napahinto na rin ako. He turned my body to face him. Agad na bumati sa akin ang salubong niyang kilay. He looks bothered rather than mad about what I just said.

"Saan mo nalaman?" seryoso niyang tanong.

"Kay Mira," tipi kong sagot.

"Pa'no niya nalaman?" muli ay tanong niya.

Doon na ako hindi sumagot. I just simply shrugged and started walking again kahit na alam ko naman ang dapat na isagot sa kaniya.

Mira, like what she's been claiming herself to be, is a Sundree—a term Sundreesoro's fans used to call themselves. At sa GC, kung saan nando'n ang halos singkwentang Sundrees, ay kabilang si Mira.

She's been snitching, sending me screenshots of their conversation. Lalo na kung tungkol sa akin. O ang bawat pagkumpara nila sa amin ni Hailey. She doesn't have to, though. At sinabihan ko na rin siya na itigil.

Wala naman kasi akong pakialam. They own their opinion. As long as they are not doing any harm to me, I wouldn't care. Wala rin naman kasi akong makitang rason para intindihin ko pa sila. Their words don't matter. Ang mahalaga lang naman sa akin, kaya kong kilalanin ang katotohanan sa hindi.

"You know something, don't you?" Muli niya akong inakbayan.

"Wala akong alam," tanggi ko.

Nagbuntonghininga siya. "Just tell me if they are harassing you."

I shrugged his arm off my shoulder. "Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

"I know. Pero ibang usapan naman 'yan. You don't deserve to be talked behind your back. Hindi ka naman nila kilala." He sighs deeply.

Nagkibit-balikat lang ako. Who knows what exactly I deserve?

"H'wag na lang natin pag-usapan," pagtatapos ko nang usapan.

I dragged him to the canteen by holding him in one arm. Walang protestang nagpatangay lang naman siya sa akin.

 "Anong gusto mong kainin?" alok niya.

"Hindi naman suhol 'yan para sa ball niyo?"paniniguro ko.

Fabio laughed. "No worries, safe offer 'to. May iba akong plano para kumbinsihin ka na maging date ko."

Napatulala ako sa kaniya. I was trying to figure out what his plan might be while looking at his face. Pero misteryosong ngiti lang ang nakita ko ro'n at wala ng iba.

Fabio just pinched my cheek but he rubbed the same part with the back of his forefinger soon after. He's still chuckling softly. "Just wait and see, Everly. Kikiligin ka rin sa akin."

Before I could even realize it... my heart already started vibing in an upbeat melody not because of his words but because of the gesture that he did. The beat echoes loudly, making sure it is heard clearly.

Pakiramdam ko nga, nasa tapat lang ng tainga ko ang puso ko sa sobrang lakas at linaw ng rehistro no'n sa pandinig ko.

Para akong manikang mamahalin sa gaan nang pagkakalapat ng kamay niya sa akin. His touch was full of gentleness. It oozes care.

But why the hell am I reacting this way?

This is so wrong.

***

Buong araw na binabad ko ang sarili ko sa klase, meeting with my groupmates sa feasib, at pagpapanggap na naiintindihan ko ang lahat ng lessons sa buong maghapon.

Pero ni isang segundo ay hindi nawaglit sa isip ko ang ginawa ni Fabio. Para pa rin akong naiwan sa canteen at kaharap siya dahil iyon na lang ang umiikot sa isip ko magmula pa kanina.

"What if gusto pala talaga ako ng kapatid mo?"  lutang kong tanong kay Dolly.

Kasama rin namin si Yrah at ang kambal niyang si Cheenee. Nasa My Girl kami, nakaupo sa swing na upuan sa labas. Kung ikukumpara sa huling punta ko rito ay mas maraming mga tao ngayon.

Karamihan ay mga estudyante ng TSU at Montessori Colleges din. Pare-pareho pa rin kaming naka-uniform na apat. Ako na naka-green na palda, dilaw ang sa kambal dahil education ang course nila, at blue at grey checked naman kay Dolly na psych major.

Kung alam ko lang na magkikita rin naman pala kaming dalawa, sana siya na lang ang nagdala ng hiniram kong denim jacket. Eh 'di sana hindi ako nababaliw na kakaisip kay Fabio!

"Ha? Anong nilaklak mo na naman?" natatawang tanong ni Dolly sa akin.

"Baka nakasinghot ng white board marker," natatawang gatong ni Cheenee.

"Baka nagkaka-relapse dahil sa constant exposure niya sa Kuya mo," si Yrah.

"Or maybe hindi pa nakaka-move on?" dagdag pa ni Cheenee.

Napasimangot ako kay Cheenee. "Nahahawa ka na talaga sa kambal mo, be. Masamang sign na 'yan."

"Grabe ka, Everly. Nagsasabi lang naman siya ng totoo, ah?" Malakas akong tinawanan ni Yrah. Akala mo hindi babae kung humalakhak, eh.

What can I do with my own thoughts though? Simula kanina para na lang akong lutang na nilalang. Wala man nga yata akong naintindihan sa lessons kanina dahil busy akong balik-balikan ang ginawa ni Fabio.

Wala namang big deal sa ginawa niya pero bakit affected ako?!

"Paano mo namang nasabi na gusto ka niya, aber?" Nag-cross arms si Dolly sa akin. May makahulugnag ngisi sa mga labi niya habang rektang nakatingin sa mga mata ko.

I contemplated for a bit. Tinimbang ko kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang mga bagay na nangyari nitong nakaraan. Mahirap na, masyado pa naman silang judgmental minsan. The three girls that I am with remained staring at me the whole time.

In the end, I shook my head. "Wala, feeling ko lang."

"Feeling mo lang talaga 'yan," pambabara sa akin ni Yrah.

"Grabe ka naman, sis. Ang ganda kaya ni Everly. Hindi na shocking news kung magkakagusto sa kaniya Kuya ni Dolly," kontra ni Cheenee sa kambal niya.

"I know. Pero alam ng sanlibutan kung ga'no kakontrabida si Everly kay Fabio. Kaya para i-bring up niya ang Kuya ni baks ay kakaiba," si Yrah.

"True. Agree 100%. Siguro nakainom ka ng panis na delight. Kung anu-anong lumalabas sa bibig mo," segunda pa ni Dolly.

Lukot na lukot na ang mukha ko nang matapos silang dalawa na pagtulungan ako. Sabi ko nga, eh. Dapat hindi na ako sa kanila nagtanong dahil wala talaga akong makukuhang sagot na matino.

I already branded myself to them, and to everyone interested, as someone who dislikes Fabio. And to ask them this question is so random. Kaya bakit ba umasa pa akong malulutas nila ang problema ko? Lalo na't alam nila na aso't pusa kami ni Fabio. 

"Enough with talking about my brother. Ito na lang pag-usapan natin." Naglapag siya ng apat na VIP ticket sa lamesa. "Nood tayo ng music fest sa Friday. Guest si TJ Monterde!"

"Saan iyan?" tanong ko. Kinuha ko ang ticket at binasa ang nakasulat doon.

Gaganapin ang event sa park kung saan kami nag-jogging ni Fabio noong nakaraan. Nag-alangan agad ako dahil may pasok ako kinabukasan. Pero sayang naman ang pagkakataon.

TJ Monterde 'yan, be!

"Tara!" mabilis na pagpayag ni Yrah.

"Sama ako," segunda ni Cheenee sa kambal niya.

"Ikaw, mare? G?" Binalingan ako ni Dolly.

I shrugged my shoulders. "G. Pang-alis stress kay Sir Miko."

"'Yon! Omg! Excited na ako!" malawak ang ngiting sabi ni Dolly.

"Ang tanong, papayagan ka ba ng Kuya mo?" tanong ko sa kaniya.

Imbes na bumaba ang energy ay ngumisi lang siya sa akin. "Don't worry, babe. Kasama ang buong tropa," imporma niya sabay halakhak.

Just like that... muli na namang umingay ang tibok ng puso ko.

Just knowing the fact that there will be another moment for me to share with Fabio makes my heart beat so wild.

Kasalanan talaga 'to ng malanding iyon!

Mukhang hindi pa ako papatulugin sa lagay na 'to sa kakaisip sa kaniya!

"Speaking of the devil," I uttered under my breath when I saw the familiar figure of my best friend's brother nearing us.

Suot niya pa rin ang college shirt na uniform niya. Dahil nakatingin ako sa kaniya, malinaw kong nakita kung paanong hindi humiwalay sa akin ang kaniyang tingin.

Si Dolly dapat ang tinitingnan niya, 'di ba? Siya naman ang sinusundo niya in the first place.

Malandi talaga!

I acted unaffected by his presence and continued sipping my taro smoothie, still not breaking eye contact with him. Pero deep inside,  parang magha-hyperventilate na lang ako bigla dahil sa bilis nang tibok ng puso ko.

'Di ba naka-move on na sa puppy crush, Everly? Ano 'to? Relapse?!

Dahil lang sa simpleng pag-rub sa pisngi? My God!

"Uwi na," seryosong aniya sa kapatid... pero sa akin nakatingin.

"Ang aga naman, Kuya," reklamo ni Dolly.

"Maaga ba ang 9 sa 'yo, Dolly? Makakarating tayo sa bahay alas diyes na," nangangaral na saad ni Fabio sa kapatid.

Sumimangot lang ang kaibigan ko. Tinawanan naman siya ng kambal na naiiling na tumayo na. "Sibat na kami. Nandiyan na rin boyfriend ni Cheenee para magsundo."

I waved at them. "Ingat kayo, friends," paalam ko sa dalawa.

Gumanti naman sila nang kaway habang naglalakad palayo sa amin. Nang maiwan kaming tatlo ay tumayo na rin ako para umalis.

"Ikaw, sis?" baling sa akin ni Dae.

"Ihahatid kita," sabi ni Fabio sa boses na puno ng pinalidad.

Napabaling tuloy ako kay Dollt na may nakapaskil pa ring ngisi sa mga labi. Binigyan lang niya ako ng isang kibit-balikat. Pero ang simpleng kilos na iyon ay ang dami na agad sinasabi sa akin!

Taksil! Mukhang wala pang balak ang gaga na 'to na iligtas ako sa kapatid niyang malandi!

"Una na ako." Dolly snatched the car key from Fabio's hands.

Hindi naman nagreklamo pa Fabio sa ginawa niya. Sinundan lang niya nang tingin ang kapatid na papalayo na. Iniwan pa ng magaling ang sariling gamit.

Kawawa talaga ang magiging jowa nito sa sobrang high maintenance ba naman ni Dolly. Clumsy pa madalas kaya palaging may sugat.

I picked up my things while Fabio grabbed his sister's belongings. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin at wala naman akong alam na p'wedeng naming pag-usapan.

Wala naman kami sa gano'ng level ng friendship, hello?

"P'wede naman akong mag-tric na lang," basag ko sa nakakasakal na katahimikan sa pagitan namin.

Baka siya pa ang masakal ko. Hay.

"I don't remember giving you any choice aside from me taking you home, Everly," he replied.

Humaba ang nguso ko. "Ang lapit lang, eh," reklamo ko.

"Tapos isang daan ibabayad mo?" Pinagkunutan niya ako ng noo. "No way."

"Hindi, ah. Lalakarin ko. Sa likod lang, eh," kontra ko.

Nasa fifteen to twenty minute walk lang kasi ang bahay namin mula sa My Girl. Five to ten minutes naman kung may sasakyan o tricycle

"That's worse, Eve. Paano kung anong mangyari pa sa 'yo?"

"Uy, concern siya!" pakanta kong asar sa kaniya. Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya. "Baka ang susunod niyan, aamin ka nang crush mo ako?"

Inilingan niya ako pero hindi na nagsalita. Hinuli niya ang kamay ko at pinahawak iyon sa braso niya. Ang bakante naman niyang kamay ay hawak ang lahat ng gamit ni Dolle. Magmula sa libro at shoulder bag niya.

Hanggang sa marating namin ang sasakyan ay nasa gano'n kaming posisyon at hindi na nag-usap dalawa.

Bumitaw lang ako nang dumiretso ako sa backseat ng sasakyan pero kumunot ang noo ko nang makita ko si Dolly doon. Naka cross arms pa at pikit na ang mga mata. 

"Bakit dito naman naupo 'to?" pagtataka ko.

"H'wag mo nang gisingin. Dito ka na sa harap," sabi ni Fabio.

Laylay na kasi ang ulo ni Dolly at mukhang bagsak ka talaga. Ng gano'n kabilis? Eh, wala man ngang limang minuto ang pagitan namin.

Naiiling na maingat kong sinara ulit ang pintuan. Fabio opened the passenger's side door for me.

He offered me assistance with his vacant hand. "Thanks, Fabs," I whispered when I accepted it.

Maingat aking naupo at sinigurado ko pang hindi ako matutumba dahil sa heels na suot ko.

Sa pagtataka ko ay hindi agad siya umalis sa tabi ko nang makaupo na ako. Kinuha niya ang seatbelt ko at siya na ang naglagay no'n sa akin. At dahil sa ginawa niya ay naging sobrang lapit ng katawan naming dalawa. Nakasunod lang ako nang tingn sa kaniya habang nagpipigil ng hininga.

A ruler—No, half of that size. Gano'n kalapit ang mukha namin sa isa't isa. And I can't but to stare at him breathlessly while listening to the melody my heart my singing.

The calmness in his face contradicts the chaos my heart feels.

Parang tanga lang.

Pinangako ko na kasi sa sarili ko na hindi na ako magpapaapekto sa kaniya.

He's no good to me.

Pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa 'kin? Bakit nagagawa niya pa ring pabilisin ang tibok ng puso ko ng gano'n kadali?

I saw how the corner of Fabio's lip turned upward. "Ikaw muna ang passenger princess ko for tonight," he said as he buckled me up.

===============================================================================================================

Hello! ♡

Thank you so much for reading! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top