Kabanata 7

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 0:00

Kabanata 7
Confession Wall

Like a forbidden apple for Eve and Adan, he's someone I shouldn't like. He's like your favorite and craved food, served while you are in the middle of your fasting. You will be tempted to taste it, but will stop yourself because you knew it was wrong.

I blinked twice to clear my blurry vision of him.

Fair skin.

Toned body.

Six pack abs hidden beneath his favorite pastel yellow oversized shirt.

6-foot tall.

In short, pinagpalang lubos.

He's to die for, in physical terms at least. Iyon bang tipong puwede kang maging baby girl kapag siya ang katabi mo dahil for sure, manliliit ka. Kumusta naman ang 5"2 kong height.

He's one attractive guy. With one look, people would immediately fall into his charms like you've been bewitched by his eyes.

But sadly, he's not for me to keep.

Wait—Sadly?! Wake up, Everly!

"Pogi ng Kuya ko, 'no?" proud na puri ni Dolly habang, katulad ko, nakatingin kay Fabio.

Nakapila ang lalaki sa counter ng Jollibee kasama si Tenten at Indigo. Nagkayayaan kasi na kumain dito for lunch dahil nagkataong sabay-sabay ang vacant naming lahat.

"Saan banda? Sa talampakan?" walang buhay kong tanong.

Of course, there's no way in hell na aamin ako sa kahit na sino na naga-guwapuhan ako sa kuya niya.

Baka lumaki pa ang ulo at mag-feeling pogi sa harap ko. Excuse me na lang, I need to protect my eyes.

"Reto kita," presinta ni Dolly habang diretso ang tingin sa kapatid niya.

"Kanino?" pagsakay ko sa kalokohan niya.

Mabuti sana kung totoo, pero duda ako. Mas maliit pa nga ang social circle niya kaysa sa akin kaya paano siya magrereto?

"Kung sa Kuya mong haliparot, pass ako. H'wag na rin sa mga tropa niyang malapit nang pakasalan ang mga instrumento nila sa sobrang pagmamahal nila sa musika," pangunguna ko sa kaniya.

Iyan lang naman kasi ang pagpipilian niya. Kuya niya, o mga kaibigan ng Kuya niya.

At thank you na lang kung sila lang din naman. Marami pang lalaki sa mundo. Or better yet, h'wag na lang mag-boyfriend dahil hindi naman requirement para makapasa sa finals ko.

Mabuti na lang at pre-occupied ang mga natitirang tropa ni Fabio kaya hindi kami pansin masyado. Busy silang may tinitungnan sa phone ni Chrisam.

"Ang OA ni ate ko. Kinaganda mo?" Inirapan niya ako.

"Miss Montessori 'yang kaharap mo, be," singit ni Yrah.

I waved my hand like a contestant of Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. "Yours truly," I bragged sarcastically.

Hindi ko rin pinigilan ang sarili ko na irapan si Yrah. Kung hindi rin naman kasi sa kagagawan niya ay hindi ako sasali sa pageant na 'yon.

At ang bruha, tinawanan lang ako.

"Aanhin mo ang ganda, wala namang jowa," ngisi ni Dolly.

"Ang yabang naman nang nakipagpustahan over a basketball game kaya nagkaroon ng jowa for three days," ganti ko.

Ako naman ang napangisi dahil sa pagsimangot niya. Sino ka ngayon, Fiorelle Dolly?

I can almost hear my own laugh in my head. Ako pa hinamon, eh, kasing rami ng alam niya ang alam ko tungkol sa kaniya.

Mabuti nga't hindi ko pa dinugtong ang fact na ang reason ng break up nila ay dahil hindi siya nag-I love you, too sa I love you ng ex niyang hilaw. My God! Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa three-day romance escapad ng babaeng 'to.

Ano kaya ang sasabihin ng Kuya niya kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon? For sure, magdedeklara ng World War III ang Fabio.

"Ikaw kasi dapat ang topic dito, eh," simangot niya.

"Gaga, eh, ikaw naman 'tong ang lakas ng loob na mag-alok ng reto wala ka namang kilala sa mundo maliban sa mga kilala ko na rin," pagsusungit ko sa kaniya.

"Excuse me lang, ha. Hindi ka papasa sa standards ni Kuya." Nag-make face siya sa akin sabay irap ulit.

Kung hindi lang siya talaga nakaupo sa harapan ko baka nahila ko na ang buhok niya. Hindi ba napapagod ang mga mata niya kakairap?

And for the record, I am not even interested in being the apple of the eye of that malanding nilalang.

Pakialam ko naman sa kaniya.

Ang dahiming lalaki sa mundo.

"Paki ko sa standards ng Kuya mo. Kainin niya ng buo,'' aburido kong sagot sa kaniya.

"Sus, parang hindi mo sinulatan ng love letter noong Grade 8 ka. Isa ka rin naman sa mga patay na patay sa kaniya," panunudyo ng gaga.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko. "Bata pa ako no'n. Immature. Hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng tunay na guwapo. Nabulag ako nang mga panahon na iyon ng Bieber bangs niya."

"Oh, my God. Totoo ba?" Natutop ni Yrah ang bibig niya. "Akala ko pa naman sagad sa buto ang galit mo kay Fabio."

Sinamaan ko nang tingin si Dolly. "Sagad nga sa buto ang galit ko sa kaniya," walang lingon na sagot ko kay Yrah.

"Pero laman ng diary mo ng ilang taon," pang-asar ulit ng bruhang si Dolly.

"Baka nakakalimot ka, Dolly, sabay tayong nagsusulat ng diary noon at si Tenten ang laman ng iyo," ngisi ko. Ako naman ang umani ng matalim niyang tingin.

Now it makes sense to me. Kanino pa nga ba malalamin ni Fabio ang mga gano'ng bagay kung hindi sa kapatid din niya na walang pinipiling araw at oras ang kadaldalan.

"Ano 'yon? Ano 'yon? Narinig ko pangalan ni Tenten de sarapen," usisa ni Dakila.

Peke akong ngumiti sa kaniya sabay kibit-balikat nang harapin siya. "Wala, ah," tanggi ko kabuntot ng isang tawa.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang nagbababalang tingin ni Dolly sa akin. See, girl? Marami rin akong alas laban sa iyo.

I mentally let go of a witch-like laugh. Takot na takot kasing malaman ng tropa na may crush siya noon at patay na patay pa rin siya kay Tenten hanggang ngayon.

Nako, nai-imagine ko na ang pagaalburoto ng Kuya niya sa galit kung nagkataon. Malamang sa malamang

"Oh, alam mo na Yrah, may pang-blackmail ka na kay Dolly," gatong ko pa sa inis ng kaibigan ko.

"I hate you, Everly." She pouted her lips, nagtatampu-tampuhan.

"Trust me, you don't mean that." I laughed.

"Siguro kung magkaklase tayo junior high pa lang naki-crush na ka rin sa amin at nakisabay sa pagsusulat ng love letter at diary," bulong ni Dolly kay Yrah.

"Grabe, eww no!" agresibo niyang tanggi. "Sino namang susulatan ko? OMG, ang cringe!" Umaktong siyang pinupundi ang pagtindig umano ng balahibo niya sa ideya na iyon.

Knowing this girl, ayaw na ayaw niya sa mga cheesy na bagay. Mabilis naninindig ang balahibo niya at madalas na nandidiri sa mga gano'ng bagay.

Kaya masarap siyang inaasar... lalo na kay Indigo. Ang contrasting kasi ng personality nilang dalawa kaya swak na swak. Iyong isa cringe at cheesy, iyong isa naman may alergy sa gano'ng bagay.

"Ipaubaya niyo na sa kambal ko ang ganiya. Me? Urgh, no!" she denied aggressively.

"Uy, Yrah, may kambal ka?" tanong ni Chrisam, kababakasan ng 'di pagkapaniwala ang boses.

"Oo," sagot niya. "Si Cheenee."

"Maria Yrah Creencia, Maria Incognita Creencia," segunda ni Dolly.

Napangiti ako. Ang cute talaga ng pangalan ng kambal. Kasing cute ng rosy cheeks nila. Lalo na si Cheenee tuwing nagbi-beach sila.

"Ohh, bakit hindi mo sinasama? Sama mo minsan," si August.

"Nako, may pagkaseloso kasi boyfriend no'n kaya iwas sa mga lalaki," ngiwi ni Yrah.

Napangisi ako. "Oh, narinig niyo ha? May boyfriend. Off limits na daw," natatawang pagbibigay ko ng diin.

"Grabe ka talaga sa amin, Eve. Hindi naman kami nananakit ng babae." Sinaklot ni Dakila ang damit niya sa tapat ng kaniyang dibdib, nasasaktan kuno sa sinabi ko.

"Hindi na tatalab 'yang drama mo, boy. Lumang tugtugin na 'yan," pambabara ko sa kaniya.

Sasagot pa sana siya nang dumating na sina Fabio.

"Order niyo, kamahalan," si Fabio na dala ang order namin.

Ibinaba niya ang isang tray na dala niya. Dala naman ng dalawa ang order ng ibang nakaupo na kanina pa.

Pare-pareho ang order niya sa aming tatlong babae, 1pc chicken na spicy with rice, jolly spaghetti, float, at fries. Ang kaniya naman ay supermeal C plus sunday at upgrade ng drink to float. Palagi niyang order tuwing nagkakayayaan mag-Jollibee dahil lahat ng paborito niya ay nandoon na.

Mabuti na lang pinayagan kaming pagdugtingin iyong limang lamesa para kasya kaming siyam at magkakatabi pa rin. Sa rami rin kasi ng orders nila, for sure siksikan.

"Par, alam mo bang may kambal si Yrah?" bida-bidang pagyayabang ni Dakila.

"Alam ko," walang buhay na sagot ni Fabio.

"Totoo ba?" gulat namang tanong ni Indigo.

"Kamukha mo ba? Identical kayo? Tingin naman ng picture!" usisa rin ni Tenten.

Ang kukulit talaga.

"Off limits, may boyfriend kaya tsupi! Magsiupo kayo. Bawal harassment sa mga girl friends ko," taboy ni Dolly sa dalawang late sa tsismis.

Sus, selos lang, eh.

"Ow, shit! Totoo ba 'to?!" bulalas ni Agosto na nagnakaw ng atensyon ng lahat. Kahit nga ang ilang malapit sa pinagtabi-tabing table namin ay napatingin din saglit.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa phone. Nakatakip pa ang kamay niya sa bibig niya na para bang gulat na gulat sa nakikita ro'n.

"Ano na naman?" tanong ni Dolly.

"Si Kuya mo kay ka-Couple shirt sa MC noong sabado!" sagot niya.

Kusang naglakbay ang pangin ko kay Fabio na nakatingin din sa akin. What the heck?!

Sinasabi ko na nga ba! Hindi talaga magandang ideya ang suoting ang shirt niya!

"Tingin!" si Kila.

The boys crowded on Agosto, including Indigo and Ten. Pumagitnaan nila ang pobreng lalaki para lang makita ang picture na tinitingnan nito.

But I couldn't care less about the picture they might be looking at right now. Mas nangingibabaw na sa akin ang unti-unting paglakas nang tibok ng puso ko dala ng kaba.

"Kasalanan mo 'to," inis na bulong ko kay Fabio na balewala lang ba nagse-serve ng mga pagkain sa lamesa.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Mas lalo tuloy umusok ang ilong ko sa galit. Kinuyom ko rin ang kamay ko sa pagpipigil na sabunutan siya dala ng inis.

Bakit ba ako lang ang affected?!

"Solve na pala problema mo, boy, eh. Hindi mo na kailangang pilitin si Eve. Itong kasama mo na lang ang yayain mo sa ball!" suhestiyon ni Ten.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis. Kung dahil ba sa ideya na ibinibiay nila na ibang babae na lang ang dadalhin ni Fabio sa ball. O dahil ba sa ideyang hindi matutuloy ang dare ko sa kaniya.

Pero bakit naman ako maiinis, eh, ako rin naman ang babae sa picture na iyon?! My God! Wake up, Everly! Hindi na ikaw 'to!

"No! No!" Indigo denied aggressively. "Paano na ang Everly Fabioulous ko?!"

Oo nga.

Mariin akong napapikit. Sa isip ko, binibigyan ko na nang mag-asawang sampal ang sarili ko dahil sa mga walang kwentang bagay na sumisirko roon.

"Hay nako, Indigo, sukuan mo na 'yan dahil never 'yan magkakatotoo," saad ko, puno ng diin.

"Really, Everly? You believe so?" Fabio asked as he sat beside me. Nakangisi pa ang ugok na akala mo kayang patunayan na mali ang sinabi ko.

"Oo, bakit? Wala sa life goals ko ang pumatol sa 'yo, Fabio," puno ng kasiguraduhan na sagot ko.

Nanakaw ni Dolly ang atensyon ko nang tumawa siya ng mahina pero sapat na ang lakas para umabot sa pandinig ko at ng kapatid niya.

I glared at her immediately. Pero hindi man lang nasindak ang baliw. She acted as if zipping her mouth but continued to flash me the sarcasm on her grin. Malamang sa malamang iniisip na naman niya ang diary ko noong high school na laman si Fabio.

"See? Even your best friend thinks otherwise, Everly," proud na sabi ni Fabio.

Inismiran ko lang siya at hindi na sinagot pa. I began to eat my food. But half of my attention remained on the boys who were still busy crowding August and his phone.

H'wag lang sana nilang ma-realize na ako ang tinitingnan nila. Ayaw kong umingay ang mga susunod na araw ng buhay ko.

"Par, send mo nga sa gc tingnan ko rin," utos ni Indigo kay August.

Dala ng kuryosidad ay kinuha ko rin ang phone ko para i-check ang group chat namin. May group chat kasi kaming lahat including the six boys at kaming dalawa mi Dolly. Doon kami madalas na nag-uusap pero mas madalas na ginagawang tambakan ng meme ni Dakila. Minsan naman panay send ng link ng mga TikTok videos or reels sa FB na nakakatawa.

I opened the link August sent which redirected me to a post of Montessori Colleges Confession Wall.

Bago ko pa man mabasa ang caption ay nakuha na ng picture ang atensyon ko. My face wasn't seen in the photo. Pareho kasi kaming nakatalikod ni Fabio habang akbay niya ako at nakapatong ang kamay niya sa ulo ko.

Only if people know the context of that photo. Ang siraulong si Fabio kasi, pinapaamoy ang pawisan niyang kili-kili sa akin! Napakadugyot talaga ng animal na 'to.

Pero iyong caption nang nag-post ay para bang sweet na sweet kami sa tagpong iyon. Like, what the heck?! Sana napakinggan man lang niya ang kadugyutan ng Fabio na 'to para hindi nila nilalagyan ng malisya ang picture na 'yon.

Kawawa naman ako!

The caption says, "I just saw Fabio with a girl! Omg! Pinagpalit niya ng damit si Ate girl because naka-sports bra lang siya before she wore that shirt! Omg, ang cute! Saan po pwedeng makabili ng isang Fabio?!"

Geez, anong sweet do'n? Eh, nakikialam nga sa attire ng may attire? Hindi ko talaga gets 'tong mga taong 'to.

"Ikaw, par, ha? Naglilihim ka na sa tropa," akusa ni Tenten kay Fabio na tahimik lang na kumakain.

"Kaya nga. Hindi mo man lang ipakilala sa amin ang binibining 'to. Hindi naman namin aagawin sa 'yo," hirit pa ni Chrisam.

"Bakit hindi na lang siya ang isama mo?" tanong ni August.

Nagkibit-balikat muna si Fabio bago ako pasimpleng tiningnan. "Paano ko yayayain ang ayaw naman sumama?" patanong niyang sagot.

"Baka mahina ka talaga sa babae, boy!" Humalakhak si Ten. "Pati si Eve ayaw sa 'yo, eh."

Napatanga ako sa kanilang lima. Talaga bang hindi nila ako nakikilala sa picture na iyan? Malinaw naman na ako iyon kahit na nakatalikod. My small built is already a giveaway. Tapos ang haba pa ng buhok ko.

Pero ayos na rin. Para wala na silang masyadonh sinasabi. Mahirap na. Kapag nagkaisa pa naman ang amats nilang lahat talagang wala ng lugar ang katahimikan sa aming lahat.

"Mapapapayag ko rin si Eve," kumpiyansa at siguradong saad Fabio.

Asa ka, Fabio.

"Sino muna iyong nasa picture?" pagbabalik ni August sa usapan tungkol sa picture.

Ako, sagot ko sa isip ko.

Binalingan ako ni Fabio, nakangisi at mukhang tuwang-tuwa pa. Kibit-balikat lang ang sinagot niya sa tanong sa kaniya.

"Ang damot mo, pre," hirit pa ni Tenten.

"Tigilan niyo na, mukhang ayaw ma-jinx ni pareng Fabio," awat ni Chrisam sa kanila.

Napasimangot ako sa tinatakbo ng usapan nila. Pasimple akong lumapit kay Fabio para patagong kuritn ang tagiliran niya. "Kasalanan mo talaga 'to, eh. Ang dugyot mo kasi," mahinang paninisi ko kay Fabio.

"Blame yourself for saying na may putok ako," balik niya. "I was just trying to prove you wrong."

Inirapan ko lang siya imbes na sagutin pa.

Why is that picture even a big deal? Hindi naman celebrity si Fabio kaya bakit big deal sa mga tao?

Oh, right. Kilala nga pala siya sa Montessori dahil sa husay niyang kumanta at pagiging front man ng Sundreesoro. No wonder that single post earned almost 400 reacts, more than a hundred comments, and almost 150 shares from the student body.

And what? Bakit may nababasa akong sana all sa comment? Anong nakaka-sana all do'n?

"Anong pinagbubulungan niyo, ha?" Salitan kaming binigyan ng makahulugan at nanunuring tingin ni Dolly.

I rolled my eyes on her. "Wala."

"Oh, akala ko ba hindi kayo talo? Bakit mukhang nagkaka-develop-an na kayo?" gatong pa ni Yrah.

Mas lalo kong tinaliman nang tingin ang dalawa. "Tigilan niyo ako."

"In denial lang talaga 'tong si Everly, pero patay na patay sa akin mula pa noon," paghahambog ni Fabio.

I faked a laugh. "Paano ako magiging patay na patay sa 'yo, eh, landi-landi mo." Inirapan ko siya.

"Selos ka lang kasi hindi ikaw ang nilalandi ko, eh." Humalkhak si Fabio at inakbayan ako.

Tuloy, nasa amin na ang atensyon ng lima pang lalaki sa tabi niya.

Siniko ko siya sa sikmura at binaklas ang braso niyang nakapulupot at dinudungisan ang balikat ko. Hindi ko rin nagawang pigilan ang pag-ikot ng mga mata ko sa kaniya.

Yeah, right. Ako pa raw ang may nagseselos.

"Huwag kang imbento, Fabio," pagsusungit ko.

"Totoo naman," bulong niya pa. He cleared his throat. "Wala akong babae, Everly," pagbibigay niya ng diin sa mas malakas na boses, sinasadiya para marinig ng iba naming kasama. "I've been very busy with my studies to even reach the point of sacrificing my ball games with these dudes," he rebutted immediately.

To hell I care. As if naman maniniwala ako sa kaniya. And as if naman may paki ako!

Not too long ago when a girl from Fine Arts approached me asking if I was the friend of the sister of Fabio. Ako kasi siguro ang mas madaling i-approach kumpara sa masungit na dating ni Dolly.

The next thing I know, she was asking me to give a letter to Fabio. Hindi raw kasi sumasagot ang magaling sa kaniya sa Telegram. May baked cookies pa nga iyon na kasama pero iyong letter lang ang tinaggap ko. I don't want to be their messenger for crying out loud!

"O, anong gagawin ko?" sarkasmo ko sa kaniya. Pasimple kong sinilip ang mga kasama namin na palit-palit ang tingin sa aming dalawa.

"O, h'wag kayong mag-away. Wala sa plano ang maging referee kami sa inyo," singit ni Tenten sa usapan. May nalalaman pang pagtulak sa amin sa magkaibang direksyon na para bang pinaghihiwalay kaming dalawa.

"Hindi kami nag-aaway," sagot ni Fabio.

"Pero mukhang papunta na," si Dakila.

Sinamaan ko lang nang tingin si Fabio at hindi nanagsalita. Epal kasi, eh.

I mean, ang feeling lang dahil siya nga itong ang daming babae tapos ako pa itong nagseselos kuno. Like, what the hell?!

Bakit hindi siya ro'n sa mga babae niya?! Mukhang masaya naman siya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top