Kabanata 6

▶︎ •၊၊||၊|။||||။‌‌‌‌‌၊|• 0:00

Kabanata 6
Couple Shirt

Sabado, walang pasok.

Nagdesisyon akong mag-jogging sa isang malapit na park, Maria Christina Park, isang kilometro ang layo mula sa subdivision na tinitirhan namin, para magbawas ng taba sa katawan. Nasa sentro iyon ng city kaya naging common place na rin para sa mga taong gustong mag-jogging or exercise.

Routine ko na ang ganito tuwing weekends o kaya tuwing walang pasok dahil kadalasan ay sedentary lifestyle ang mayroon ako. I also do yoga every morning right after I wake up if time permits me to so so. Though reality speaking, hindi sapat ang jogging dahil sa takaw ko ba naman.

On my white wired earphones plays the song of Taylor Swift, We Are Never Getting Back Together. Ang lakas pa ng loob ko na sabayan iyon. As if naman kaya kong gayahin ang pagkanta ni Taylor na sobrang unique pakinggan.

Wala naman akong hugot pero ang sarap no'n sabayan.

Natigil lang ang mini concert ko nang may sumabay sa mabagal kong takbo. It's only a little over 5:00 in the morning kaya wala pa masyadong tao. I looked sideways to see who that person was.

It's Fabio.

"Anong damit iyan?" Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Good morning," I greeted instead. "Welcome back," dagdag ko pa.

"Morning," bati niya pabalik, hindi man lang tumitingin sa akin.

"Wala ka man lang pasalubong. Nag-manila kayo, 'di ba?"

Imbes na sagutin ako ay hinawakan niya ang braso ko para pahintuin ako sa mabagal kong takbo. Seryoso ang ekspresyo ng kaniya mukha na tila ba galit o inis sa isang bagay.

"Kanina pa pinagpepyestahan ng mga lalaki iyang katawan mo," pagalit niyang sabi. Tinaliman niya ng tingin ang suot ko. Specifically, ang tyan ko. "Ano ba kasi 'yang suot mo."

"Jogging attire," I answered, almost rolling my eyes. Pinagpag ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at lumayo sa kaniya.

"Mukha kang naka-bra," asiwang aniya. Nalukot pa ang ilong niya na parang naaalibadbaran sa suot ko.

Awtomatikong rumolyo ang mga mata ko. Grabe, umagang-umaga high blood ang Fabio. Daig pa ako kung toyoin.

"Duh, kaya nga tinawag na sports bra, eh. Bra. B-R-A," I spelled out.

Naka black racerback sports bra kasi ako at black na high waisted knee-length na makapal na leggings at puting running shoes. From my unbiased standards, normal lang ang suot ko. At iyon naman ang palagi kong outfit tuwing tumatakbo ako. Mas komportable kasi at hindi limitado ang kilos.

Even during my yoga, this is how I dressed up. Alangan naman kasing mag-jeans ako, 'di ba? Ayoko namang patungan ng shirt ang top ko dahil hindi ako komportable.

Ang lapastangan na Fabio ay inalis pa ang earphones ko. Masama ko siyang tiningnan. "Nasa chosus na si Taylor Swift, eh." Sinimangutan ko siya. "Bakit ba nakiki-jogging ka, ha? 'Di ba member ka ng Gym Republic? Doon ka maghasik ng lagim."

Inilingan ako ni Fabio. "FYI, this is a public place, Eve. Puwede akong tumakbo rito kahit kailan ko gusto."

"Hanep ka naman, boss. Ang layo ng bahay mo dito mo pa napiling mag-jogging dahil lang "public place" itong park," sarkasmo ko. In-air quote ko pa ang salitang public place para inisin siya lalo.

Gusto lang yata akong makita ng malanding ito, eh. Hindi na lang kasi aminin na crush ako.

Ang layo kaya ng village nila sa park na 'to. Taga Capas pa siya, excuse me. 45 minutes to one hour ang kailangan mong baybayin bago mo marating itong lugar kung nakasasakyan ka.

Sabagay, maganda kasing mag-jogging dito talaga. Pabilog ang park na napapaligiran ng matataas at hanggang baywang na plantbox na puno ng makukulay at malalagong bulaklak at halaman. Sa loob ng park ay may iba't ibang area kung saan ka puwedeng tumambay. May maliit na palaruan para sa mga bata na may swing, seesaw, slide at iba pa. May area rin kung saan puwedeng mag-exercise. At maraming nakakalat na sementong upuan.

But still, for sure naman may mga pwede siyang takbuhan doon sa lugar nila.

And it's Christmas season. Kaya may mga malalaking parol na naman na naka-display sa loob ng park na puno ng magagandang disenyong gawa sa recycled materials at makikinang na ilaw.

"Swerte ka nga may pang-Gym Republic ka, eh. Dami bang pogi do'n? Daming macho?" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.

Walang hirap na hinuli lang niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "Ako ang pinakapogi do'n," paghahambog niya.

"Ikaw?" Malakas akong tumawa habang nakaturo pa sa mukha niya. "Hayop, bulag lang ang mapopogian sa 'yo, Fabio!"

He glared at me. Mas diniinan din niya ang pagkakahawak sa kamay kong hindi niya pa rin binibitawan hanggang ngayon.

Sus, if I know, gusto lang makatyansing ng gungong na 'to.

"Wala kang taste," akusa niya.

"Hindi ka kasi masarap." Inirapan ko siya.

"Everly!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Umirap ako. "Ang OA naman talaga. Green minded. What I'm saying is, may taste ako, hindi ka lang pasado sa standards ko." Binawi ko ang kamay ko sakaniya.

I exaggeratedly wiped my hand on my leggings as if disgusted by his touch. Mas lalo lang tumalim ang tingin niya sa akin. But instead of letting myself get affected by his dagger-like stares, I continued what I am doing to tease him more. Mukhang effective naman dahil padilim nang padilim ang mukha ni Fabio.

I smiled inwardly to celebrate my win against his tantrums. Kababalik lang ng Maynila nagsusungit na agad.

"Wala ka bang ibang damit?" Pinagkunutan niya ako ng noo. Namaywang pa sa harap ko, akala mo naman talaga may karapatan sa buhay ko.

"Wala. Mas komportable ako sa ganito ano ba. Alangang mag-gown ako habang tumatakbo?" Inirapan ko siya at binalingan ang mga naglalakihang parol sa loob ng park.

Fabio placed his hand on the crown of my head and turned it to make me face him. "Are you really not getting my point or you're just playing dumb to piss me off?"

Naiintindihan ko naman iyong concern niya, pero dahil mas masarap siyang inisin, eh, magiging salbahe muna ako bago makipag-cooperate sa kaniya.

Isa pa, hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya sa akin. Ilang araw lang naman akong nakikipagpaligsahan sa palakihan ng eyebags sa panda dahil palagi akong hindi makatulog sa gabi.

Kasalanan niya 'to, eh.

Kasalanan ng kalandian niya.

Kasalanan ng makasalanan niyang bibig! Kung ano-ano ang sinasabi!

"Everly Bless," striktong sambit niya sa pangalan ko nang hindi siya sagutin.

Mahinang sinampal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin para maalis iyon sa ulo ko. Ma-contaminate pa ako ng germs niya. Eww, please.

"O, eh, ano naman kung ganito suot ko? Tama lang naman ang attire ko? Kasalanan ko bang mahahalay iyang mga kabaro mo at tumitingin sa katawan ko? Ano, patipo na ako dahil lang ganito suot ko? Ako mag-a-adjust? Ako sisisihin dahil lang babae ako?" sunod-sunod kong reklamo sa kaniya. "Sila iyong pumikit hindi iyong isisisi nila sa damit. Mga lalaki nga naman."

Hindi na nakasagot si Fabio. Nakatanga lang siya sa harapan ko na parang umiikot sa ulo niya ang mga pinagsasabi ko. I could even imagine from his face how my words would've just passed through his one ear only to go out from the other one.

In short, hindi niya naintindihan.

But who cares? I made my point.

Siya nga hindi ko man pinapakialaman. May narinig ba siyang comment ko tungkol sa pastel yellow niyang loose shirt at puting polka dots na cotton short? Wala naman, ah. Nakiki-matching running shoes pa na dahil puti rin ang kaniya at kapareho ng disenyo ng sa akin.

I really hate it when people put the blame on the clothes but excuse the one at fault for doing inappropriate things. Tulad sa pananamit. Bakit parang nagiging normal na ang paninisi ng mga tao, babae man o lalaki, sa mga babaeng gustong magsuot ng mga damit na komportable sila at gusto nila.

Why does women have to feel conscious of how they should dress up? Why does women have to adjust all the time? Bakit maraming sinasabi kung ang gusto lang naman nila isa maging komportable at maging maganda para sa mga sarili nila?

Tinalikuran ko siya, nagsuot ulit ng earphones, at nagsimula nang tumakbo ulit sa katamtamang bilis lang. It didn't took him that long to follow me, though. Naramdaman ko rin kasi agad ang presensya niya sa likod ko.

Like the first time, he stopped me from my tracks by holding me on my arm and pulling out my earphones from my ears. "May galit ka ba kay Taylor Swift?" busangot na tanong ko.

Lumalim ang gitla sa patag na sana niyang noo. "Ano?"

"Kanina mo pa siya hindi pinapatapos sa chorus niya, eh." Hinablot ko ang earphones ko mula sa kamay niya at isinampay na lang sa balikat ko. "Ano na naman ba ang maipaglilingkod ko, kamahalan?" sarkasmo ko sa kaniya.

"Magbihis ka," utos niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Bihis? Paano ako magbibihis wala naman akong damit?"

Without a word, he held me by my wrist and gently took me with him towards somewhere. Nilalampasan na kami ng mga tumatakbo pa ring tao dahil sa bagal nang paglalakad naming dalawa.

Binawi ko ang kamay kong hawak niya pa rin. "Gusto mo lang yatang makipag-holding hands sa akin, eh."

Fabio wiped his hand on his shirt. "Yuck. Bakit ko naman gugustuhing makipag-holding hands sa pasmado mong kamay?"

Umakyat ang inis sa ulo ko. "Wow, ha? Nakakahiya naman sa madumi at malansa mong kamay. Malay ko ba kung saan-saan mo hinawak iyan. Yuck!"

"Water bender," ganti niya.

"Malandi."

"Selos ka lang, eh," ganting pang-asar niya.

"Excuse me, huwag mo akong ihanay sa pila ng mga babaeng patay na patay sa 'yo. May taste ako, Fabio." I flipped my hair at him.

"Ang taas naman ng standards mo. Ako pa tinanggihan mo," nakangising aniya pa.

Eksaherada ko siyang binalingan nang tingin. I even scanned him from head to toe as if rating him. "Ano bang meron sa 'yo? Hindi ka naman kagusto-gusto."

Nilagpasan ko siya at inunahan na sa paglalakad. Nakita ko na kasi ang sasakyan niya na naka-park sa parking area sa labas. Mabuti pa ang sasakyan nito guwapo. Kaysa sa may-ari na mapagpanggap lang. Dinadaan na lang sa boses at acoustic guitar.

It's a Chevrolet Trax in a retrograde metallic color. Wala kang makikitang kahit na maliit na gasgas man lang doon, bagong-bago. In fact, less than a year pa lang iyon.

Fabio recently celebrated his 22nd birthday last February 26 and received this car as a gift from his parents shortly after. Advanced gift na rin daw para sa darating niyang graduation next year, January.

Pinagpala nga namang lubos.

"Tabi d'yan," utos niya nang makalapit sa puwesto ko.

"Alam mo, Fabio, panira ka sa jogging ko. Tinatamad na tuloy ako." Lukot ang mukha na tiningnan ko ang watch ko. 30 minutes lang ang total nang tinakbo ko. My goal was one hour kaso dahil sa panirang si Fabio ay nawala na ang interes ko.

Inignora lang niya ako. Binuksan niya ang sasakyan niya kaya lumikha iyon ng mahinang ingay. Dumiretso siya sa backseat at yumuko para may kuhanin iyon.

Pagkaharap sa akin hawak na ngayon ang isang shirt na kapares ng suot niya ngayon. "No way, Fabio," mabilis na tanggi ko.

"Wear it," he instructed with a creased forehead.

"Ayoko nga! Isipin pa nila na naka-couple shirt tayo!" mariing tanggi ko.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kaniyang noo. "So, hahayaan mo na lang na tingnan nila ang katawan mo?"

Tama ba ang naririnig kong galit at iritasyon sa boses niya?

Pinakatitigan ko ang mukha ni Fabio. Bukod sa kunot niyang noo ay naroon na rin ang talim sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Namumula na rin ang tainga niya sa inis. Parang nakikita ko na rin ang usok na lumalabas sa ilong at tainga niya dahil lang ayaw ko siyang sundin.

"Everly," he uttered with a hint of warning.

Humaba ang nguso ko. Masyado siyang seryoso para biruin pa. Mukha kasing anytime soon ay sasabog na siya. He looks so stressed about my body being exposed to public. It was as if flaunting my hard-earned body is a sin that I have comitted against him.

Sa huli, sumusukong dinampot ko mula sa kamay niya ang damit. "Kalma ka lang, Fabio. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong ka-couple shirt hindi iyong ngagalit ka mag-isa diyan." Inirapan ko siya bago kinuha ang shirt na hawak niya.

Nagpunta ako sa likod niya at doon nagtago, Sinuot ko ang pastel yellow na shirt na kapares ng kaniya. In fairness, komportable iyong damit. Iyon nga lang, pareho kami ng suot kaya hindi malabong mapagkamalan na magjowa kami.

"Ano ba iyan, Fabs, ayaw kong ma-link sa iyo," ngiwi ko.

"Ikaw na ang may sabi... hindi tayo talo. O baka gusto mo talaga ako?" Ngumisi siya sa akin.

Umakto akong nasusuka. Humawak pa ako sa tyan ko at tinakpan ang bibig ko. "Mandiri ka. I deserve better."

"If I know, ilang beses na rin akong laman ng diary mo."

Marahang tinulak ni Fabio ang ulo ko gamit ang hintuturo niya. Napaatras tuloy ako. Masamang tingin lang ang naging sagot ko sa kaniya dahil nagsimula na ulit siyang tumakbo para ituloy ang jogging niya.

Paano niya nalaman ang tungkol doon?!

Masama ang tingin na sumunod lang ako. I was busy looking at his back with my dagger stares and following his footsteps from a distance. Kita ko ang maya't maya na paglingon niya sa puwesto ko.

I began to pick up my pace to jog again. Dahil nakatingin pa rin ako sa kaniya kaya nakita ko na bahagya siyang nagbagal nang takbo hanggang sa magpantay na kaming dalawa.

"Everly," mahinang sambit niya.

Sa puntong iyon na nagpantay na kami nang takbo. Convinced na ako na kahit sinong makakasalubong namin ay iisipin na may relasyon kaming dalawa. We actually look like we are on our early stage of relationship na naisipang maging cute aesthetic couple na instagram worthy.

Like, duh!

"Ano?" tanong ko. Maayos na ang tono ko, hindi na sarcastic o pabalang. Mukha kasing seryoso na siya this time.

"Anong dapat kong gawin para pakiligin ka?" seryoso niyang tanong.

Bahagya akong naiwan nang huminto ako sa pagtakbo habang siya'y tuloy-tuloy pa rin. Mabilis naman akong nakabawi at muling hinabol siya.

"Seryosong tanong ba iyan?" Mahina akong natawa.

"Mukha bang binibiro kita?" seryosong tanong niya pabalik.

"Iyong mukha at boses mo seryoso naman, Kaso iyong context ng tanong mo mismo nakakatawa." Napailing ako. Mahinag tinapik ko ang balikat ni Fabio. "Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, pare ko. Tatlong taon na akong hindi kinikilig."

"Tatlong taon?" Naramdaman kong sinilip niya ang mukha ko.

Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya at hindi na siya sinagot pa. Charot-charot ko lang naman iyon. Wala namang nagpapakilig sa akin. Never naman kasi akong nagpaligaw kahit may mga nagpaparamdam sa chat. Baka mapurnada pa ang pangarap kong laude kung madi-distract ako sa pag-aaral ko.

"Wala akong natatandaang may naging boyfriend ka," kunot-noong aniya.

"Hindi ka kasi invited sa personal life ko, most especially sa love life ko, kaya hindi mo alam."

"I doubt. Malalaman at malalaman ko kung may lumalapit sa iyo," siguradong sabi niya.

"Sinasabi ko na nga ba, eh. May gusto ka sa akin." Ngumisi ako sa kaniya. "Ano ka ba, Fabio, hindi tayo talo."

Umiling siya na para bang nahihibang na ako. "Hindi mo na lang kasi aminin sa sarili mo na gusto mo ako. Hindi na effective iyang hindi tayo talo na excuse mo."

"Isa iyang malaking ilusyon, Fabio," tanggi ko.

"Just wait and see, Everly. One of these days you'll find yourself in love with me," he smirked.

=====================================================================================================================

Hello! ♡

Interact with me on my social media acounts! Let's get to know each other better!

Facebook: Aerasyne WP
X / Instagram: aerasyne

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top